WGH 02: I miss you

678 Words
Nag tuturo yung teacher namin sa harapan habang ako? Abalang tinitignan si Jeremy kung titingin ba siya sakin. Kasi gusto ko siyang ngitian. "Tama kayo. May mga tao ng ipapadala sa Mars para tignan kung pwedeng mabuhay ang mga tao doon." Paliwanag ng teacher namin habang nag tatanguan lang silang lahat. "Teka? Ma'am. Hindi ba parang ang lupet naman natin 'nun?" Sigaw ko habang nag tataas ng kamay at nakatingin kay Jeremy. "Bakit naman Ms. Rodriguez?" Naka taas kilay na tanong ng teacher namin habang nag bubulungan naman ang mga kaklase ko. Kaya napaharap na ko kay Ma’am at nag iisip ng isasagot. "Syempre ma'am may planeta na nga tayo aagawan pa natin ang mga alien ng planeta!" Confident kong sagot sabay tawanan nilang lahat. Pero mas hinihintay kong lumingon sakin si Jeremy kaya naman nilingon ko siya ulit. "Jem! Walang alien! Baka ikaw Alien hahaha!" Sigaw ng isa kong kaklase kaya naman tinignan ko siya ng masama. "Isip bata." Rinig kong bulong ni Jeremy sa di kalayuan habang umaalis ng tingin sakin. Kainis di ko tuloy naabutan yung tingin sakin ni Jeremy! Tinignan ko ulit ng masama si Jacob habang tumatawa parin. Inambaan ko siya ng suntok at mabilis naman kaming binawal ni Ma’am na ikinaupo ko. Napabusangot nalang ako habang tinitignan tignan ko si Jeremy sa likuran. Bakit? Mali ba? Hindi ba may planeta na tayo? Bakit kailangan pa nating agawan ang mga alien? Kawawa naman sila. ◂ ❚ ⊱ꕥ⊰ ❚ ▸ Uwian na at nandito ako ngayon sa exit ng school para hintayin si Jeremy. Hindi pa kaya siya uuwi? Halos isang oras na din ako ditong nag hihintay. Pero ayokong umalis. Dito lang ako at hihintayin siya. "Jeremy? Sabay na tayong umuwi. Please?" Pangungulit ko sakanya habang pilit kong hinahabol ang mabibilis niyang lakad ng makita ko siya. "Wag ka ngang makulit Jem. Hindi nga pwede." Mahina niyang sagot sakin kaya naman hinawakan ko yung tali ng bag niya at nginitian siya. "Bakit naman?" Nag papacute ko pang tanong sakanya. Bigla naman siyang tumigil at humarap sakin. Seryoso ang kanyang mukha at mukhang nakukulitan na sakin. "May date ako ngayon. Ok? Umuwi kana." "DATE? Kanino? Saan?" Gulat na tanong ko habang nakahawak parin sa tali ng bag niya. "Bakit ba ang dami mong tanong? Umuwi ka na nga lang. Wag kang makulit." Asar na sabi niya sakin at nag lakad na siyang palayo. Di manlang siya lumingon mula sa likod. Ang tagal ko pa naman siyang hinintay tapos ganun lang? Sino naman kaya ang ka date niya? Bakit feeling ko naninikip ang dibdib ko ng malaman kong may nagugustuhan na siya? Nakakainis ka naman Jeremy. Wala ka ng pakialam sa nararamdaman ko. "Oh? Iha nanjan kana pala. Si Jeremy?" Hanap sakin ni Tita Sally. Umiling lang ako at tumaas na ng kwarto ko. Nakakainis ka Jeremy! Gusto ko lang namang bumalik kana samin eh. Yung dating Jeremy na kilala ko. "May problema kaya sila?" Bulungan nila ni Mama. Di nalang ako sumagot at nag patuloy sa pag lakad. Namimiss ko na si Jeremy. Pero ako mukhang di niya ko namimiss. Pinag sabihan niya pa kong isip bata? Siya nga yung mahilig mag imbento ng kwento tungkol sa mga alien -_- Tapos dati bumili pa kami ng binoculars para lang tignan ang langit. Tumitingin kami sa taas habang nakayakap siya sa likuran ko at parehas kaming tuwang tuwa sa ganda ng mga bitwin. Mga oras na nakakapang hinayang, mga oras na ipapalit ko ang lahat para lang mabalik at ‘yon yung mga oras na masaya pa ang lahat. Namimiss ko na siya. Yung mga tawanan naming dalawa. Malaki na talaga ang pinag iba niya. Di na siya ngumingiti daig niya pa ang ibang tao. Parang pasan niya ang buong universe. Kailan kaya siya ulit ngingiti sakin? Siguro 'yon na ang pinaka magandang regalo na ibibigay niya sakin kung nag kataon. Isang ngiti lang galing sakanya. Kahit pag katapos 'non wag niya nakong tignan ulit. Pero nakakaiyak padin kapag maalala ko ang kakulitan niya. Kung pano kaming lumaking dalawa. Napa yakap nalang ako sa aking unan habang di ko mapigilan ang luha mula sa mata ko. Gustong gusto ko na ulit siyang makasama.         Mayakap katulad ng dati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD