“RULE number six: trust me.”
Nagtatalo ang isip at puso ni Trixie habang nakatitig sa nag-aanyayang anyo ni Alaric nang mga sandaling iyon. Dinala siya nito sa isang residential building. Ilang hakbang na lang at mararating na nila ang elevator nang huminto ito sa paglalakad at mula sa bulsa ng pantalon ay naglabas ng isang asul na panyo.
“Close your eyes, Trix.” She was surprised by the sudden tenderness in his voice. She didn’t know how to deal with his arrogant personality, but she also had no idea how to handle him like this.
Nang nagdaang araw, ang pagiging malambing pero mapangahas na karakter ni Alaric ang ibinungad nito sa kanya sa airport. Pero ilang oras lang ay pormal at hindi niya na mabasa ang saloobin nito mula nang malaman ang totoo; kasabay niyon, nilatagan siya nito ng mga hindi niya mapaniwalaang rules bago sila iniwang tulala ng kanyang kaibigan sa parking lot ng restaurant.
Mapaglaro pero dominante at arogante namang pagkatao ni Alaric ang ipinakita nito sa kanya nang sunduin siya sa townhouse. Sa palagay niya, mas kakayanin niya pang pakibagayan iyon kaysa ang nakikitang anyo nito ngayon. Naglaho na ang kapilyuhan sa mga mata nito nang mga sandaling iyon. Trixie could not believe she was actually seeing fondness in those eyes-and more.
Kung unang araw pa lang nila at ganoon na ang mga nararamdaman niya, paano pa sa mga darating na panahon? Can she actually bear a month with him when he rattles her so much?
“’Wag kang mag-alala. Sandali ka lang namang kailangang i-blindfold. Wala akong gagawin na magpapahamak sa ‘yo, Trix.”
Ano ba’ng pinaplano nito sa araw na iyon at sa mga susunod pa? God, how she wished she could tell by the look in his eyes.
“Surrender,” Alaric whispered softly as he looked at her intently. “Isang buwan lang ang meron tayo, Trix. Let’s make it worth remembering. Come on, love. Give in,” dagdag pa nito. Ikinulong ng lalaki ang mukha niya sa maiinit na mga kamay nito. “Close your eyes, don’t think of anything else and just trust me.”
That moment, it became clear to her. Trixie did not like Alaric Montero because for the first time after three years, he was making her feel things other than anger and bitterness. Nalilito siya sa iba’t ibang katauhan na ipinapakita nito. Higit sa lahat, naaalarma ang puso niya tuwing magkakalapit sila sa hindi niya malamang dahilan. She was not emotionally ready for someone as headstrong as him, and she doubted if she would ever be ready.
That’s why she should leave. She should say ‘no’ right now. Napakaraming rason para huwag siyang magtiwala kay Alaric. Isa pa rin itong estranghero sa kabila ng pambi-build up ni Samantha. At gusto niyang panindigan ang inis na nararamdaman para sa lalaki kaya hindi niya maintindihan kung bakit nang tumingin siya sa mga mata nito at makita ang pagngiti nito, hindi niya magawang tumalikod. What happened next surprised her more. Because suddenly, she found herself closing her eyes and doing what he asked of her. She found herself… trusting him.
Maybe she would regret it. But right now, she didn’t care.
“SHE‘S too vulnerable inside. And for the last three years, she kept having the same nightmares over and over again.” Naalala ni Alaric na nag-aalalang pahabol sa kanya ni Samantha bago niya puntahan sa kwarto si Trixie. “Lumilipat ako sa room niya kapag tulog na tulog na siya para gisingin siya kung sakali. Hindi ko alam kung paano na siya kapag nagsolo na siya. At… nag-aalala ako.” Napatitig siya sa nakapikit na anyo ni Trixie nang mga oras na iyon. “Kagabi niya lang ini-lock ang kwarto niya kasi galit pa rin siya sa ’kin kaya halos ‘di ako nakatulog kababantay sa labas.”
Alaric had to admit that whenever he sees this stubborn woman, beyond the indifference in her eyes and the distance she placed between them-the whole world just glimmers.
Gusto niyang alisin ang lahat ng mga negatibong nararamdaman ni Trixie, ang takot sa puso nito pati na ang sakit na dulot ng nakaraan. If he could stop her nightmares and all the things that hurt her and terrifies her, he would, so she could start appreciating what life has to offer, what he has to offer. But it’s still a long way to go. Sa ngayon, kuntento na siyang malaman na nadi-distract niya si Trixie kahit paano mula sa mga bagay na gumugulo rito.
Marahang hinaplos ni Alaric ang mamula-mulang mga pisngi ng dalaga. Magiging maayos din ang lahat, Trixie. Trust me.
Kung may pagpipilian lang siya, hindi niya rin gugustuhing inisin nang inisin ang Ogress pero wala siyang magagawa. Iyon lang ang paraang naiisip niya para makuha ang atensiyon nito.
“Don’t open your eyes yet,” ani Alaric mang mapansing bahagyang iginagalaw-galaw na ni Trixie ang talukap ng mga mata nito.
Pagkarating pa lang nila sa helipad ng building na pinagsososyohan nila ng kakambal, inalis niya na ang piring sa mga mata ni Trixie para maging komportable ito. Halos tatlong taon na rin ang nakalilipas mula nang pumayag siyang maging silent partner ni Caleb. Ibinenta niya ang ilan sa mga lupaing pagmamay-ari niya sa iba’t ibang panig ng Luzon na ipinamana sa kanya ng Spanish-American na business tycoon nilang ama. Gaya nang nangyari sa mga magulang ni Trixie, nasawi rin ang kanyang ama sa isang plane crash noong pauwi mula sa isang business conference sa Germany noong bente anyos sila ni Caleb. Ang kanilang ina ay namatay matapos silang ipanganak.
He had always thought the building was an investment. And now, he was too glad it was serving its purpose.
“I want the first of our thirty days to start with a confession,” panimula ni Alaric. Alam niya na hindi magiging patas para kay Trixie kung hindi niya ipapakilala ang sarili rito sa tanging paraang alam niya para makabawas sa bigat na dinadala nito. “Walang boundaries, Trixie. Today, let’s pour it all out. Ngayong araw lang. As for the remaining twenty-nine days, let’s own them, Trix.”
“IF you’re a prisoner of the past, then let me join the prison with you.”
Sa loob ng ilang sandali, ginusto ni Trixie na idilat ang kanyang mga mata nang marinig niya ang lungkot sa boses ni Alaric. Pero nanatili lang siyang parang rebultong nakatayo roon at naghihintay sa mga susunod na sasabihin nito.
“Seven years ago, I fell in love with someone. Erin ang pangalan niya. Pero ang kakambal kong si Caleb ang unang nakakilala sa kanya. That was the first time I fell in love. I knew I had to do something. Hindi ako nagpatalo.”
Kumabog ang dibdib ni Trixie. Where was this leading to?
“Pero si Caleb ang pinili niya. Pinilit kong tanggapin ‘yon. Nagtrabaho ako sa Spain para makalimot. Hanggang sa isang araw, nakatanggap ako ng email mula sa kapatid ko.” Narinig niya ang marahas na paghinga ni Alaric. “Ikakasal na raw sila ni Erin. They wanted me to come home and be the best man. Sa isang iglap, lahat ng sakit, bumalik.”
She felt him gently squeezed her hand as if he was trying to seek courage to keep talking through it. She tried to ignore how natural it felt to hold him.
“Bigla akong napabalik sa Manila para makita si Erin. I was drunk. My head was too clouded with the pain and of course, the liquor. And then an awful thing happened.”
Humigpit ang pagkakahawak ni Alaric sa kanya. “I cornered her car somewhere. Bumaba siya at pinilit makipag-usap sa ’kin habang ako naman, pinilit siyang kumbinsihing ako na lang. Sinabihan niya akong tumigil na pero hindi ako nakinig, until she had no choice but to run away and ask for help. Nang mangyari ‘yon, saka lang ako natauhan. Hinabol ko siya para humingi ng tawad. But she was so scared that she didn’t want to listen to me.”
Bumitaw si Alaric sa kanya. Bigla siyang nanlamig. And it wasn’t because of what she heard, but simply because he let go of her hand.
“Dahil may tama pa ako ng alak, nahilo ako kaya huminto muna ako sa pagtakbo. Pagtingin ko sa kalsada, may humahagibis na puting kotse.” His voice trailed off. “The driver who was high on drugs that night ran her over which caused her death. Technically, I’m the reason why she died, I mean, they died. Dahil pagdating ko sa ospital, saka ko nalaman na seven weeks pregnant na pala siya sa pamangkin ko.”
She gasped. “A-alaric.”
Ayaw niyang manghusga dahil wala siyang karapatan. Sino siya para gawin iyon kung siya mismo ang dahilan ng pagkapahamak ng sarili niyang mag-ama?
Pero lalong ayaw niyang makaramdam. Masyado nang puno ng sakit at pagluluksa ang buong sistema niya para makihati pa sa sakit na nararamdaman ng iba. Pero heto siya ngayon at naaalarma sa kirot na patuloy na naririnig sa boses ni Alaric.
“See? The guilt never leaves, Trixie. You just have to learn to endure it. Ang hirap bumangon kung masyado ka nang nalubog sa isang kumunoy na ikaw mismo ang gumawa.”
Ilang sandali niya ring pilit na iprinoseso sa isip ang mga sinabi nito. After a while, she found herself smiling bitterly. Ayon kay Samantha, alam na ni Alaric ang kwento ng buhay niya. That explained his confession.
Now, it was the two of them and their guilt, the wounded side of him and the wounded side of her-combined.
“Pinilit ko ang sarili kong makahanap ng rason para mag move-on sa nakalipas na mga taon, because if I continue thinking about it for one more second, I might lose the courage to look ahead for the rest of my life.”
“Kung gano’n, bakit mo siya binabalikan ngayon?”
Ilang segundo siyang walang narinig mula kay Alaric. At nang sa akala niya, hindi na ito sasagot pa, saka ito nagsalita uli. “Dahil ayokong isipin mong ikaw lang ang makasalanan sa mundo. May mga bagay na hindi natin sakop, Trixie. At kung patuloy tayong lulubog dahil sa mga bagay na ‘yon, baka isang araw, hindi na tayo makaahon pa.”
“Trixie?” Hindi siya sumagot, hindi niya na alam kung ano pa ang isasagot. “It was my fault why they died,” pagpapatuloy ni Alaric.
“No, it wasn’t!” mabilis na sinabi niya. Idiniin niya ang mga kamay sa mga mata para pigilan ang sariling dumilat. Dahil ayaw niya pang makita si Alaric. She wasn’t ready to see her reflection in his eyes. Because she knew that that very second, he was just as wounded as her.
“The same way that it wasn’t your fault Clarence and Ethan died.” Bumuntong-hininga si Alaric nang matigilan siya. “Let go, Trixie. Naturuan ko ang sarili ko. Isang araw, matuturuan din siguro kita kung paano. Ang mahalaga ngayon, nalaman mong hindi ka nag-iisa.” Mahinang sinabi nito. Mayamaya, naramdaman ni Trixie ang mainit na hininga ng lalaki sa kanyang batok. “Enough with the drama. Now, open your eyes.”
“ISN’T it wonderful to finally be able to see the light after long moments of darkness?”
Dahan-dahang nagmulat si Trixie. Nadidismaya sa sariling napailing siya nang ma-realize na sinunod niya na naman ang utos ni Alaric. Nakakailan na ito sa kanya.
Sumalubong sa kanya ang papalubog nang haring araw sa pagitan ng ilang mga nagtataasang gusali at billboards. Ilang segundo siyang namangha sa pagkalat ng pinaghalo-halong kulay sa kalangitan. Trixie had never witnessed the sunset before. Wala siyang panahon. Masyado siyang naging tutok sa trabaho dahil ginusto niyang patunayan hindi lang sa kanyang mga kamag-anak kundi pati na sa kanyang sarili na may mararating siya. She never had the luxury to stop for a while to appreciate the sun rise and the sunset. She struggled so hard to be on top, but now that she was there, nothing seemed to change. She still feels so awfully small.
The last time she had ever felt so accomplished was when she had a child. Wala iyon sa plano pero kinumpleto ng kanyang anak ang buhay niya. That’s why when Clarence and Ethan died; the hardest to deal with were the questions like how was she supposed to live her life again? How was she supposed to continue?
Tears stung Trixie’s eyes. Wala sa loob na napatingin siya sa ibaba.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang parang langgam na lang na mga sasakyan. Nataranta siya. Sumunod na nilingon niya ang magkabilang gilid niya pagkatapos ay muli siyang napaharap sa tapat niya. Nasa helipad sila ng isang napakataas na building! Bakit ba hindi niya iyon napansin agad? That explained the billboards.
Halos dalawang hakbang na lang ang layo niya sa dulo ng helipad at siguradong mahuhulog na siya sa ibaba. Ngayon lang siya nakatapak sa ganoon kataas na lugar. Aatras na sana siya nang mabangga siya sa malapad at matatag na katawan ni Alaric.
“’Wag kang matakot. I’m with you.”
“My God, Alaric! Papatayin mo ba ‘ko?” Nanggigigil na sinabi ni Trixie. Dalawa lang sila roon kaya paanong hindi siya matatakot? Bukod doon, tumitindi na din ang pagkahilong nararamdaman niya. “Let’s go home.” Nanginginig na ang boses na dagdag niya. “Please.”
“Not yet.” Namangha siya nang hawakan ni Alaric ang kanyang mga braso at ibinuka iyon sa ere. Bigla ay nabaling sa kakaibang sensasyon ang atensiyon niya.
This was crazy, but the crazier side of her, suddenly felt like… soaring. Sa isang iglap, pakiramdam niya, solo niya ang mundo. Pakiramdam niya, napakalaya niya at napakalayo mula sa lahat ng bagay na maaaring makasakit sa kanya.
Hindi alam ni Trixie kung paano nagagawa ni Alaric pero para bang napakadali lang para rito na ibaling ang kanyang atensiyon sa ibang bagay tuwing magkasama sila. “A-alaric.” Bakit mo ginagawa ‘to?
“Sshh. I want you to be reminded of what freedom feels like.” Naramdaman niya ang pagdikit ng katawan ni Alaric sa likod niya kasabay ng paglapit ng mukha nito sa kanyang pisngi. “Do you feel that loud thumping inside you? The excitement? The thrill despite your fear?” halos pabulong na lang na dagdag nito. “That is how it feels to be alive, Trixie. That is life.”
Napatitig si Trixie sa mga kamay nitong nakasuporta sa kanyang mga braso. Pinilit niyang bumaling uli sa harap. The sun had completely set. Napuno na ang buong lugar ng iba’t ibang liwanag na nagmumula sa makukulay na ilaw ng mga establishments. Naramdaman niya ang masuyong hangin na pumapaypay sa kanyang mukha.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata ng maramdaman ang biglang pamamasa uli ng mga iyon. In Alaric’s arms, she realized how tired she was. Ayaw niya na munang mag-isip pa.
“This was the life you had before you were hurt, before you were scared. It was like this, Trixie. No restrictions, it was this free.”
Ang sincerity sa boses ni Alaric ay nanunuot sa bawat himaymay ng kanyang pagkatao. It was a wonder how his voice was able to soothe her heart. Pero mayamaya lang ay agad din siyang napadilat nang maramdaman ang unti-unting pagbitiw ni Alaric sa kanyang mga braso, pati na ang paglayo ng katawan nito sa kanya.
“Own the moment, Trix, and soar.”
Pero hindi niya iyon magawa. Bigla, bumalik ang kanyang pagkahilo. Nagmamadali siyang humarap sa lalaki para lang matuklasang ilang hakbang na pala ang layo nito sa kanya.
Sinikap ni Trixie na humakbang palapit kay Alaric pero nanlambot ang kanyang mga binti. His body gave her support earlier but now, without him by her side, she suddenly felt utterly helpless.
Mariin niyang ipinikit na lang ang mga mata nang maramdaman ang pagbigay ng kanyang mga tuhod. Pero hindi siya sa semento nag-landing. Sa muling pagdilat niya, ang gwapong mukha na ni Alaric ang nakita niya. Napakapit siya sa braso nito, habang ang isang kamay nito ay nakasuporta pa rin sa kanyang baywang. There was a warm glow in his beautiful eyes.
“Ang daling mahulog sa isang taong alam mong sasaluhin ka,” naalala niyang sinabi ni Samantha bago siya sumunod kay Alaric sa kotse nito nang sunduin siya kanina. “Sa taong kampante kang babagsak dahil alam mong ligtas ang puso mo sa kanya.”
Biglang naalerto si Trixie sa pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Kusa siyang napangiti nang makita ang pagngiti ni Alaric sa kanya. God, she didn’t know that she could manage to see a different side of the world in his smile-a happier world.
“You smiled,” nasorpresang sinabi ni Alaric. “That’s progress.” Inalalayan siya nitong makatayo nang deretso pagkatapos ay hinaplos ang kanyang mga pisngi. “Now here’s rule number seven: enjoy life.”