Chapter 3

1984 Words
“ARE YOU ALWAYS this rude or you’re just making an extra effort this afternoon?” Kunot na ang noong sinabi ni Alaric bago nito pinigilan ang akmang pagsasara ni Trixie ng pinto. Dahil hindi hamak na mas malakas pa rin ang binata ay wala siyang nagawa nang itulak pa nito pabukas iyon. “Be nice to me. Remember, I’m the victim here.” Napamaang si Trixie. Kaya siya nagbakasyon sa sariling bansa para makatakas pansamantala sa komplikadong mundong ginagalawan niya pero heto siya ngayon… naiipit sa mas komplikadong sitwasyon. Napatitig siya kay Alaric. Ni hindi pa nga tuluyang rumerehistro sa isip niya na kailangan niyang pakisamahan ito. She could not believe she had to bear with this domineering man for thirty freaking days. She fought that pang of vulnerability that was starting to creep in her system once more. Kahapon niya pa lang nakita at nakilala ang binata pero pakiramdam niya ay tinangay agad nito palayo ang lahat ng kontrol sa buhay niya. Frsutrated na napailing siya. “Look, Mr. Montero-“ “Is it too much of an effort to call me ‘Alaric’?” Hindi nakaligtas sa kanya ang panunukso sa boses ng binata kasabay ng paghakbang nito palapit sa kanya. Tuluyang bumitiw na siya sa pagkakahawak sa pinto at naaalarmang napaatras. God… he smells so good. Tumaas ang sulok ng mga labi ni Alaric. Sa ginawa nito ay hindi naiwasang sumagi sa isip niya ang naging diskusyon nila ni Samantha noong nagdaang gabi. “Apat na buwan na lang at ikakasal na ako, Trix. Ayoko namang iwan ka nang ganyan. Sa pagre-resign ko dalawang buwan mula ngayon bilang manager mo para asikasuhin ang kasal ko, I am hoping that you would quit as well.” Nakikiusap na inabot nito ang mga palad niya. “Dito ka na lang sa ‘Pinas. Tutal, hindi ka naman na napapasaya ng ginagawa mo. What’s the use of pushing it through?” “My God, Samantha! Hindi na kasama sa job description mo ang i-manage pati ang buhay ko!” Napipikon nang bumitiw si Trixie mula sa pagkakahawak ng kaibigan. “Buhay ko ‘to! And this Alaric and me thing, this is just too much!” Natigilan siya nang makita ang pagguhit ng sakit sa mga mata ni Samantha. “Gusto lang kitang tulungan. Hindi naman ako basta naghanap ng kung sino lang para sa ’yo. Alaric is a decent man.” Mahina nang sinabi nito. “Even Sierra can vouch for him.” tukoy nito sa isang kapwa nila Pinay rin na fashion designer na nakilala nila pareho sa Italy nang minsang ito ang mag-design ng mga damit na iminodelo niya roon. Alam ni Trixie na naging malapit si Sierra at si Samantha sa isa’t isa mula noon kaya hindi nahinto ang communication ng mga ito kahit pa minsan na lang kung magkita ang dalawa. Ang huling balita niya kay Sierra ay bumalik na ito sa bansa noong nakaraang taon pa pagkatapos ng pagpapakadalubhasa nito sa fashion designing sa Italy. “Nabanggit niya sa ’kin ang tungkol sa kaibigan niyang si Alaric. He was a well-known pediatrician here before he moved to Spain. He’s thirty six now, the green-eyed god, as Sierra puts it.” Bahagyang ngumiti na ito. “Tamang-tama naman at nakaregister rin siya sa dating site kaya siya ang naisip kong ireto sa ’yo. Bumalik lang si Alaric sa Pilipinas para sa ’yo. He thought the both of you would settle here. Bigyan mo siya ng chance, Trix. Kung pagkatapos ng isang buwan at gusto mo pa ring ipagpatuloy ang misyon mong gawing miserable ang buhay mo, then go ahead. I won’t stop you anymore.” Frustrated na naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha. “Samantha, hindi mo naiintindihan-“ “Ano ba ang hindi ko naiintindihan ha, Trix? Na mula nang mawala ang mag-ama mo, nawala na rin ang best friend ko?” Pumiyok ang boses nito. “For years, I’ve been trying to reach you out but you never let me. Hindi kita matulungan. Kaya masama bang hangarin ko ang tulong ng ibang tao sa pagbabakasakaling sila, maibalik ka sa dati? Itigil mo na ‘to, Trix. It’s a long road when you’re on your own.” Nag-iwas siya ng tingin nang masilip ang pagtulo ng luha nito. “I… I miss my best friend.” Trixie breathed painfully upon the memory. First year high school pa lang sila nang maging magkaibigan sila ni Samantha. Kaya nang sabay na mamatay ang kanyang mga magulang ay walang pag-aalinlangang pilit na kinumbinsi nito ang biyuda nang ina nito na kupkupin siya. Dahil bukod sa malalayo pang mga probinsya nakatira ang mga natitira niyang kamag-anak ay halata ang kawalan ng interes ng mga itong kupkupin siya sa burol pa lang ng kanyang mga magulang. Pabigat kung ituring si Trixie ng mga kamag-anak at hindi niya naman lubos na masisi ang mga ito. Dahil bukod sa walang naiwang pera ang yumao niyang mga magulang ay parehong baon pa sa utang ang mga ito. Simpleng electrician lang ang kanyang ama habang mananahi naman ang kanyang ina. Nang sabay na subukin ng mga itong mangibang-bansa at iwan siya saglit sa pangangalaga ng kanyang tiyahin na siyang pinakamalapit sa isinanlang bahay ng kanyang mga magulang para umasenso umano ang buhay nila ay nag-crash pa ang eroplano na sinasakyan ng mga ito patungong Malaysia. Nang malaman ng kanyang tiyahin na imposible nang makapagpadala ng pera ang ama niya na siyang kapatid nito ay kung anu-anong dahilan na ang hinabi nito para bumukod siya ng tirahan. Araw-araw na lang siya nakakarinig ng pasaring rito. Mabuti na lang at nag-iisang anak si Trixie kaya napapayag rin ni Samantha hindi kalaunan ang ina nito na tanggapin siya sa bahay ng mga ito. Pero hindi niya hinayaan ang sariling maging pabigat doon. Tumulong siya sa mga gawaing bahay at nagsikap nang husto sa pag-aaral. Pampublikong paaralan lang ang pinapasukan nila noon ng kaibigan kaya walang tuition fee. Pagdating sa kolehiyo ay pinalad silang dalawa na maging scholar ng bayan. Pareho sila ni Samantha na kumuha ng Business Management pero pagmomodelo talaga ang gusto niya maliit pa lang siya. Nabigyan siya ng pagkakataon noong bente anyos siya, pagka-graduate niya nang may makakita sa kanyang talent scout minsang nag-mall siya. Sunod-sunod na ang naging project niya mula noon. Sinubukan ni Trixie na abutan ng pera ang ina ng kaibigan pero tumanggi ang ginang. Pagdating ng araw at mangailangan daw ang anak nito ng tulong niya ay saka na lang siya bumawi. Si Samantha ay nagbukas ng sarili nitong grocery pero na-bankrupt iyon nang magkasakit sa puso ang ina nito na siyang ikinamatay ng huli pagkalipas ng tatlong taon. Pero ma-pride ang bestfriend niya, ayaw nitong tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa kanya sa kabila ng malaking utang na loob niya rito. Kaagad siyang nakaisip ng paraan nang matapos ang kontrata niya sa dating manager niya. Malaki ang tiwala niya kay Samantha kaya inialok niya rito ang posisyon na laking-tuwa niya nang tinanggap nito. Samantha was the best manager she ever had; she never ceases to learn on how to be better at her job. Simula noon ay lalo silang naging malapit sa isa’t isa. At ang masaksihan ang pagluha ng bestfriend noong nagdaang gabi ay sapat na para basagin ang depensa niya. The last thing she would want to do was to hurt Samantha’s feelings. Kahit paano ay nauunawaan niya ang pinanggagalingan nito. Kung nabaliktad ang sitwasyon, alam niyang gagawin niya din ang lahat para matulungan ang kaibigan. But Trixie’s situation was far too different. She could not simply start anew just because people around her wanted to. But looking at the six foot green eyed god as Sierra and Samantha puts it, and how his smile widened brought back all her hang-ups in life. “So… magbibihis ka na ba o ‘yan na ang gusto mong isuot sa pag-alis natin? I don’t really mind, you know.” Ani Alaric nang hindi inaalis ang mga mata sa kanya. “I would be more than inspired to drive around with you on a negligee.” Hindi man nakikita ni Trixie ang sarili ay alam niyang nag-init ang mga pisngi niya. “Ano’ng pag-alis ang sinasabi mo?” She tried her best to act unaffected. “At bakit naman ako sasama sa ’yo?” “Wake up, ogress. Mukhang nananaginip ka pa yata.” Muli ay humakbang si Alaric palapit sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha nito sa kanya dahilan para hindi makatakas sa pang-amoy niya ang mabangong hininga nito. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ni Trixie ay na-conscious siya sa itsura niya at sa… hininga niya. Ni hindi pa siya nakakapagmumog man lang. Tila walang anumang pinaglandas ni Alaric ang hinlalaki nito sa mga pisngi niya pababa sa mga labi niya. “I was assured thirty days with you and I believe it starts… effective today. At wala kang magagawa, parte iyon ng kasunduan. Here’s rule number four: don’t complain.”     “NALULUNGKOT AKO para sa mga taong hindi marunong ngumiti. I mean life is too short, I’m sure you’ve heard of that.” Matalim ang mga matang sinulyapan ni Trixie ang katabing si Alaric habang nagmamaneho ito bago niya ibinaling na lang ang buong atensiyon sa bintana sa gawi niya. Ni hindi siya makakuha ng matinong sagot kung saan siya planong dalhin ng binata. Dahil pagkasakay pa lang nila sa kotse nito ay nagpaandar na naman ito ng panibago na namang rule. Rule number five: ‘wag ka nang magtanong. Sumunod ka na lang. Napailing si Trixie. Napaka-arogante at bossy nito, malayong-malayo sa mabait na Alaric na tinutukoy ni Sierra. At si Samantha… Parang masisiraang naiuntog niya ang kanyang noo sa bintana. Kinikilig pang hinayaan lang siya nitong tangayin ng binata. Ayon dito ay si Alaric daw ang mismong nag-volunteer na i-trace ng kaibigan niya ang cellphone nito para hindi daw umano mag-alala si Samantha kung saan siya dadalhin nito. Sa ginawa nito ay mukhang lalo pang pinahanga nito ang hangang-hanga na rito na kaibigan niya. Alaric Montero was driving her crazy. Sa tuwing kasama niya ito ay nakakaramdam siya ng mga bagay na iniwasan niyang maramdaman sa nakalipas na mga taon. He makes her vulnerable. And he makes her… helpless. Nasanay si Trixie na siya ang palaging kumokontrol sa lahat ng aspeto sa buhay niya, maging sa mga emosyon niya. Pero sa bawat minutong lumilipas na kasama niya si Alaric ay hindi niya na gamay ang mga nararamdaman niya. Para na siya teenager na naaalarma, kinakabahan at… natatakot habang tila kampanteng-kampante lang ito na ikinakapikon niya nang husto. Just who exactly was this Alaric Montero? How could he invoke so many emotions in her all at once? He was the only man who ever made her feel this way. “Trixie-“ “Ano na naman?” Salubong ang mga kilay na asik niya rito. “Isasama mo na rin ba sa rule number six ang ‘don’t breathe’?” “No, of course not. I want you alive.” Mabilis na sagot ng binata. “Kailangan mo pang mabuhay. I want your lips warm when I kiss you. And of course, I want them to kiss me back, too.” Ilang sandali siyang natigilan bago nanggigigil na sinulyapan si Alaric. “You’re a total jerk, do you know that? Napaka-arogante mo. Sobra kang bossy, akala mo kung sino ka. Masyado kang maangas. At higit sa lahat, nakakabwisit ka.” Para namang amused pang sinulyapan siya nito. “That’s all?” “That’s all… for now.” Ngayon lang nakaramdam si Trixie ng matinding pagkainis sa isang tao. Dahil wala pa naman siyang nakikilalang kasing-ugali ni Alaric. “Mamaya na uli ang continuation kapag nakaisip na ‘ko ng iba pang adjectives.” “My brother Caleb was the real jerk and all the things you’ve mentioned, actually.” Natigilan siya nang marinig ang naaaliw pa ring pagtawa nito na umalingawngaw sa buong sasakyan. Buong-buo iyon at itanggi niya man sa sarili ay… nakakaengganyo iyong pakinggan. “Nagkataon na fast learner ako kaya natuto ako ng ilang tips sa kanya nang minsang mag-away kami. So far, they are proving to be effective because now I’m having your complete attention all by myself. That’s why for the first time in my life…” Kinindatan pa siya ni Alaric bago nito muling itinuon ang atensiyon sa pagmamaneho. “I’m proud I’ve been a jerk. And I’m glad I learned from the best teacher.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD