SANDALING NATULOS sa kinatatayuan niya si Trixie nang ang malaking portrait kaagad ng namayapa niyang asawang si Clarence ang siyang bumungad sa kanya sa sala ng dalawang palapag na bahay na ipinatayo niya para sa biyenan.
Every side of the house was filled with pictures of her husband and son. Parehong nakangiti at masaya ang dalawa sa mga litrato. Nasasaktang napabuga siya nang ilang malalalim na hininga bago unti-unti ay pinilit niyang ilakad ang animo namigat niyang mga paa para tuluyang makapasok sa loob.
Agad siyang naupo sa naroong sofa. Nanginginig ang mga kalamnan na iniyuko niya ang ulo para wala na munang makita pa. The entire place was suffocating her.
“Bakit nakatungo ka? Ayaw mo na bang pagmasdan ang mag-ama mo? Too bad, ipinahanda ko pa naman ang mga larawan nila para sa pagbabalik mo.” Napapitlag si Trixie pagkarinig sa mahina pero mariing boses na iyon na kahit hindi niya nakikita ay alam niyang pagmamay-ari ng biyenan niya. “I want you to be reminded of how your selfishness killed the two most important people in my life.”
Dahan-dahang nag-angat ng mukha si Trixie. Napalunok siya nang mapansin ang itim na damit ng biyenan na siya ring ginamit nito noong sabay na ilibing ang nag-iisa nitong anak at apo sa kanya.
Nakasakay ang ginang sa wheelchair nito habang matalim na nakatitig sa kanya. Sa likod nito ay naroroon ang private nurse nito na personal niyang pinili para rito tatlong taon na ang nakararaan.
Sa kabila ng panghihina ng mga tuhod ay sinikap ni Trixie na tumayo. Tinawid niya ang ilang hakbang na distansiya sa pagitan nila. Lumuhod siya sa harap ng biyenan at akmang hahawakan ang mga payat nang kamay nito nang iiwas nito ang mga iyon.
Mapait siyang napangiti. Wala siyang magawa. Sinisisi siya nito sa pagkamatay ng nag-iisa na lang na pamilyang mayroon ito… ang anak nito. Dahil matagal nang sumakabilang-buhay ang asawa nito dulot ng sakit sa puso. Pero pareho lang sila.
Ulila na rin si Trixie sa mga magulang mula nang sabay na bawiin ang mga ito sa kanya sa isang plane crash noong kinse anyos siya. Samantha’s mother, her teacher when she was in high school, kept her until she was twenty when she was responsible enough to be alone. Apat na taon matapos iyon ay nawala rin sa kanya ang kanyang mag-ama. Mula noon ay ang biyenan niya na lang ang natira sa kanya… na sukdulan naman hanggang langit ang galit sa kanya.
There were days when she could not help but wonder whether she was cursed or something for constantly losing the ones she loved.
“Mama,” Halos pabulong nang sinabi ni Trixie. “Kukumustahin ko lang sana ang kalagayan n’yo. Anim na buwan n’yo nang ibinabalik ang perang ipinapadala ko na panggastos n’yo.” Muli siyang napayuko para iwasan ang nakapapasong mga titig ng biyenan. “Kung wala lang akong maraming inasikaso, ako na sana ang personal na pupunta rito para iabot ang pera pero-“
“Ano ba’ng balak mo? Ang purgahin ako ng pera mo? Akala mo ba, mababawi ng mga iyon ang mga paghihirap ko? Get out of here, Trixie. Kung ayaw mong umalis, ako ang aalis. The mere sight of you makes me want to puke.”
“Iyon na ba ang magagawa niyo?” Namalisbis ang mga luha niya. “For so long, I’ve been waiting for you to slap me. Saktan n’yo ako. Pakawalan n’yo lahat ng galit sa puso nyo, ‘Ma.” Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay pakiusap niya. “I deserve it, after all.”
“No,” Muling sumiklab ang galit sa kasing dilim ng gabing mga mata ng ginang… mga mata na namana rito ng asawa niya. “I would rather have your conscience do that for me.”
“I’m sorry.” Pumiyok ang boses ni Trixie. “I’m really sorry about what happened to Rence and Ethan.”
“Get out now… or I will.”
Walang nagawang tumayo siya at mabibigat ang mga paa na humakbang palayo. Akmang lalabas na siya ng pinto nang marinig niyang magsalita uli ang biyenan na nagdulot ng matinding panlalamig sa buong sistema niya.
“Wala kang karapatan na maging masaya, Trixie, tandaan mo ‘yan. You killed your family.”
“That old witch!” Mataas ang boses na bungad kaagad sa kanya ng naghihintay sa gate na si Samantha nang makita nito ang expression niya.
Pagkaalis nila sa airport ay nakiusap siyang doon na muna sila dumeretso bago sa townhouse nila. Kahit na alam niyang hindi pabor sa idea si Samantha ay nanahimik na lang ito.
“Sinabi ko na kasi sa ’yong itigil mo na ‘to, Trix. Hindi ka nakikinig-“
Matalim na sinulyapan ni Trixie ang kaibigan. “Skip the preach. May kasalanan ka pa sa ’kin.”
Narinig niya ang animo frustrated na pagbuntong-hininga nito bago sumunod sa kanya sa taxi na pinaghintay na muna nila sa labas pansamantala.
Pagkasakay nila ay agad niyang ipinaling sa direksiyon ng bintana ang mukha para hindi makita ni Samantha ang pagpatak ng mga luha niya. Kung maibabalik niya lang ang panahon ay ginawa niya na para matigil na sa wakas ang kamiserablehan niya.
Naramdaman niya ang maiinit na palad ng kaibigan na pumisil sa kamay niya. Pinigilan niya ang sariling lingunin ito. “Please, Trix,” Mahinang sinabi nito. “Don’t let your past turn you into someone you are not.”
Trixie Rances: (As Samantha dela Rama this time) Sa mahigit dalawang taon na nakilala kita, alam kong ‘di mo talaga tototohanin ang pagdedemanda. I just went with the flow earlier. Malaki ang paniniwala ko sa ’yo, Ric. Kaya mananamantala na ako. Trixie’s situation is in a red alert. She’s still shaken by the guilt of her family’s death.
Alaric Montero: And?
Trixie Rances: Kung mahal mo nga siya tulad nang sinabi mo noon, ipaglaban mo ang nararamdaman mo. Kilalanin mo siya para ma-realize mong siya talaga ang babaeng nagustuhan mo. Being the scared little one, I know she would deny herself the chance to be happy with someone again. Pero isang buwan rin ang mero’n kayo. A month can weave magic, Ric.
Trixie Rances: Ric?
Trixie Rances: Answer me, Ric, please.
Alaric Montero: The first time I saw her face-to-face, all my doubts vanished. As crazy as this may sound but I’m truly in love with the ogress, Samantha.
Napabuntong-hininga si Alaric matapos niyang isara ang laptop. Isinandal niya ang pagod na katawan sa swivel chair, mariin niyang ipinikit ang mga mata kasabay nang paghilot niya sa kumikirot niyang sentido. He hated how it was almost twelve midnight and he was still stuck by the memories of Trixie’s soft and undeniably sweet lips against his.
Kahit na inakala niyang fiancée niya nga ang dalaga ay itinuring niya pa ring trial and error ang relasyon nila bago siya nagpunta sa airport para sunduin ito kanina. Malalim ang naging kaugnayan ng puso niya rito sa nakalipas na mga taon pero wala pa ring kasiguruhan kung ganoon pa rin ang mangyayari sa pagtatagpo nila sa personal.
But the moment Alaric laid eyes on her; he suddenly did not care about anything else anymore. Nawala ang mga pag-aalinlangan niya. Noon niya napatunayan na tuluyang nahulog na nga ang loob niya sa dalaga, sa kabila ng mga naging rebelasyon sa araw na iyon, sa kabila ng kalamigan sa mga mata nito at sa maangas na pananalita.
Tama ang kaibigan ni Trixie, wala talaga siyang balak magdemanda, hindi siya ganoong uri ng tao. He was just testing the waters to see if Trixie would react the way he hope she would and… she did. And voila, he had acquired thirty of her days in Manila.
Walang dudang si Trixie pa rin naman ang nakilala niya sa kabila ng pamamagitan ni Samantha. Tungkol sa buhay pa rin naman nito ang mga nalaman niya.
Base na rin sa nakaraang chats nila na ngayon ay nalaman niyang si Samantha pala, defense mechanism lang ng dalaga ang maangas na pakikitungo nito sa iba. Pero hindi niya lubos akalaing pati siya ay makakatikim rin ng kakaibang kaangasan na iyon.
“Problem?”
Napadilat si Alaric nang marinig ang pamilyar na boses ng kakambal. Paglingon niya ay nasa pinto na si Caleb ng library. Ni hindi niya man lang namalayan ang pagdating nito.
“Pupunta sana ako sa kusina para kumuha ng maiinom pero napansin kong bukas ang ilaw rito so here I am.” Nagkibit-balikat ito. “How can I help you, brother?”
Despite his headache, Alaric found his self smiling. Caleb had changed so much after falling in love with Gianna who also happened to be Alaric’s ex-fiancée. Before his twin got married, they had this habit of falling in love with the same woman. Iyon ang dahilan ng pagkakalayo nila noon. They fought over a woman and ended up hurting each other. But now that the latter was happily married, they had learned to put the past behind. Nagkasundo na sila uli ng kakambal. Gianna and their love for her became their common denominator to reunite again.
And now, Alaric was just happy for the two of them. At least, they found their happy ending. Besides, he now had a beautiful niece that he adored so much.
Pumitik ang kakambal para ibalik rito ang atensiyon niya. “What’s bugging you? You can share it with me, whatever it is. I’ll listen.”
“The problem is… I don’t need your help, Cal. What I need is some divine intervention.” Imbes ay sagot ni Alaric.
Kumunot ang noo ni Caleb. Isinara nito ang pinto at naupo sa couch sa tapat niya. Ilang ulit siyang napabuga nang malalalim na hininga bago inilahad rito ang mga nangyari sa airport.
“Ouch.”
Muli siyang napapikit nang mariin. “She’s really an ogress personified.”
“Double ouch.” Narinig niyang pagpalatak ni Caleb. “So, totoo pala ang mga bali-balita. She’s an ice. Paano ka na?”
Napahugot si Alaric nang malalim na hininga kasabay nang muling pagpasok sa alaala niya ng maamong mukha ni Trixie na hubad sa make-up nang makita niya. Mula sa tuwid na tuwid at kulay kapeng hanggang baywang na buhok nito, magaganda pero walang emosyon na kulay tsokolateng mga mata, maliit pero matangos na ilong nito hanggang sa makikipot at malalambot na mga labi.
After a while, a slow smile curved his lips. “Nakalimutan mo na ba’ng may kahinaan rin ang yelo? Init, bro. Init.”
Ilang sandaling natigilan si Caleb. “Whatever happened to Alaric the saint?”
“He’s in love for starters. And he’s going… a little mad.” Nagkibit-balikat siya. “Na-realize niya kasing mas mabenta ang mga tulad mo ang personalidad, lalo na kung tulad ni Trixie Ogress Rances ang sasagupain niya.” Malakas na tumikhim siya. “I’m facing the ogress. I have to evolve, at least.”
“Do you know that you’re fun when you’re in love? So, by all means… just fall.” Napangisi ang kakambal. “I like this funny side of you, Ric.”
“I PROMISE I will be back very soon, babe.” Nanghihingi ng pang-unawang sinabi ni Trixie sa kanyang asawang si Clarence. Buong pagsuyong niyakap niya ito dahilan para maamoy niya ang alak sa hininga nito. Napabuntong-hininga siya. “Kailangan ko lang tapusin ang show.”
Nasorpresa siya nang makita niya ang pagngisi ni Clarence nang bahagyang humiwalay na siya rito. “Hindi mo na ‘yon magagawa. Ethan and I will steal the show, wife. At sa pagkakataong iyon, hindi na kami mawawala pa sa isip mo. Puro kami na lang ang maaalala mo.”
Kumabog ang dibdib ni Trixie. May kakaiba sa ngiti ni Clarence na dahilan para atakihin siya ng… takot. Pero umalis pa rin siya nang gabing iyon sa pag-aakalang nakainom lang ang asawa kaya nagkakaganoon. Isa pa ay may trabaho pa siyang kailangang asikasuhin, trabahong ipinakiusap niya ritong huli na.
Pero sumunod si Clarence sa taxi na kinalululanan nila ng manager niya. Mabilis ang pagpapatakbo nito sa sasakyan, nagawa pa nitong mag-overtake sa sinasakyan niyang taxi. Sinagilan siya ng matinding kaba dahil alam niyang nakainom na ang asawa. Nagmamadaling hinagilap niya ang kanyang cellphone at dinayal ang numero nito.
Sa ikatlong ring ay sumagot na rin ang asawa sa wakas. “Clarence, you’re drunk. Please, stop the car. Let’s talk and-“
“I love this.” Imbes ay sinabi nito. Halos mabaliw si Trixie nang marinig ang pag-iyak sa background, palatandaang isinama nito ang kanilang anak. “Now, we are getting your attention, wife.”
Kinakabahan siya. “Ipapahinto na muna namin ni Samantha ang taxi kaya huminto ka na rin. Mag-usap tayo.“
Ipinatabi na muna sandali ng manager niya ang taxi pero hindi tumigil ang asawa. Imbes ay nanatili pa rin ito sa mabilis na pagmamaneho.
Ilang sandali pa ay halos tumigil sa pagtibok ang puso niya nang may maaninag na paparating na isang pampaseherong bus na gumigewang-gewang sa kalsada. Nanginginig ang mga kalamnan na bumaba siya ng taxi. Naramdaman niya ang unti-unting pagkaparalisa ng katawan niya nang magsalpukan ang animo dalawang walang kontrol na sasakyan…
“No!” Animo tinatambol ang dibdib na bumangon si Trixie. Napatitig siya sa wall clock sa tapat ng kanyang kama. Alas-dos na pala ng hapon. Siguro sa tindi ng pagod ay napasobra ang tulog niya.
Kung sabagay ay halos madaling araw na rin siya nakatulog matapos nilang magtalo ng kaibigan niya pagdating nila sa townhouse niya na siyang binili niya tatlong taon na ang nakararaan. Doon sila tumutuloy sa tuwing magbabakasyon sila sa Pilipinas. May caretaker na lang na nagbabantay roon sa tuwing wala sila.
Sunud-sunod na napabuga si Trixie ng ilang malalalim na hininga para kalmahin ang sarili pagkatapos ay marahas na naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha. God… how she wished the pain and the memories could stop.
Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng mga katok mula sa pinto ng kanyang kwarto. “Samantha, please. Just go.” Namamaos pa ang boses na sinabi niya. “Okay lang ako. It was just the usual.” Usual nightmares.
Pero hindi pa rin ito tumigil sa pagkatok. Muli siyang nagpakawala ng marahas na hininga bago pilit na bumangon. Dahil sila lang ng kaibigan ang nakatira sa town house niya ay hindi na siya nag-abala pang patungan ng robe ang lace night gown na suot.
Salubong ang mga kilay na derederetsong nagtungo si Trixie sa pinto at binuksan iyon. “Hindi ka pa nasanay, Samantha. Sinabi ko naman sa ’yong okay lang-“
Napahinto siya nang imbes na ang kaibigan ay ang nag-aalalang anyo ni Alaric ang napagbuksan niya. Nakasimpleng kupas na pantalong maong lang ito at green long sleeves na kakulay ng mga mata nito. And for a while, she had to admit that seeing him right at that moment somehow made her feel… relieved.
It felt so good to look at his beautiful face right after her terrible dream. Pakiramdam niya ay nabalanse kahit paano ng pag-aalalang nakarehistro sa mga mata ng binata ang sakit at pait na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Alaric was simply… a breathtaking sight.
“Wow, you look… dazzling.” He smiled at her appreciatively. “Good afternoon, by the way. Kararating ko lang nang marinig namin pareho ni Samantha ang sigaw mo pero may ginagawa pa siya sa kusina kaya pinauna niya na akong pumunta rito. Are you okay?”
Just like that and the magic was gone. Nang mabanggit ni Alaric ang pangalan ng kaibigan niya ay para siyang kinalampag ng realidad.
Saglit niyang naipikit nang mariin ang mga mata bago blangko na uli ang expression na humarap sa binata. “I’m okay. Now, get the hell out of my sight. I don’t need you here.”