“WHAT? YOU TOLD ME to be honest. I’m just being honest.” Nanuyo ang lalamunan ni Trixie nang dahan-dahang lumapit sa kanya si Alaric. His green eyes went darker as he look at her trembling lips. Itinukod nito ang dalawang braso nito sa pader sa magkabilang gilid niya dahilan para mabilanggo siya sa mapagpalang mga bisig nito. “Right now, I am thinking of feeling those lips against mine, wondering how those would taste like.”
Napapikit si Trixie nang mariin nang maramdaman niya ang mabangong hininga ni Alaric na pumapaypay sa mukha niya. Ayaw man niyang aminin sa sarili ay napuno ng antisipasyon ang puso niya para sa halik nito.
Three seconds passed… until they became five and then ten. God… she could not believe she was really counting.
Unti-unti siyang nagmulat para lang makita ang binata na bahagyang nakalayo na pala sa kanya nang hindi niya man lang namamalayan. His lips curved into that annoying but sexy smile. Geez, what a tease!
Naningkit ang mga mata ni Trixie. “Flirt!” Nagmamadali nang tinalikuran niya ito. Ngayon niya higit na kailangang maglagay ng distansya sa pagitan nila.
Pero humabol si Alaric at pinigilan siya sa braso, dahilan para mapaharap siya rito. “I can kiss you right now, right here. God knows that’s all I wanted to do since the first time I saw you back at the airport.” Bahagyang namamaos ang boses na sinabi ng binata. “But the problem is… I’m a little old-fashioned, Trixie. Hindi ako basta nanghahalik lang ng kung sino. Besides, ayoko ng panandaliang kissing partner lang. I demand something… real and lasting. So unless you want to be kissed-and more by me, be mine… forever.”
Habol ang hiningang napadilat si Trixie. Ilang sandali niyang disoriented na inikot ang tingin sa kanyang kwarto bago siya nanghihinang bumangon.
It was all a dream-no, a flashback of what happened in the past, out to torture her once more. Isang maganda na sanang nakaraan pero kanya pang tinakasan.
Ipinit ni Trixie ang namamasang mga mata. Muli ay napuno ng pananabik ang puso niya para kay Alaric. Nang mga sandaling iyon ay handa niyang isuko ang lahat maramdaman niya lang uli ang binata sa kanyang tabi.
Nanginginig ang mga daliring inabot niya ang kanyang cellphone sa bedside table. At sa hindi na mabilang na pagkakataon mula nang makabalik siya sa Manila ay muli niyang idinayal ang numero sa bahay ng lalaki kahit na walang katiyakan kung may sasagot roon dahil dis oras na halos ng gabi.
Halos lumundo ang puso ni Trixie nang sa ikalawang ring ay narinig niya ang baritonong boses nito, ang boses na kahit kailan ay hindi niya malilimutan.
“Hello,” para bang inaantok pang sinabi nito. “Who is this?”
Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha niya. “A-alaric.” Sa impit na boses ay isinagot niya. Sa ilang beses na pagtawag niya doon ay ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para magsalita. “It’s… it’s me, Trixie. H-how have you been?”
“Trixie,” Sa wakas ay tugon ni Alaric pagkalipas nang ilang sandali.
Nasasaktang napakagat-labi siya sa narinig na kalamigan sa boses nito. Pero ano pa nga ba ang aasahan niya matapos ang mga nagawa niya rito? “I… I miss you, Ric.”
Muli ay ilang sandali ang lumipas bago ito sumagot. “Nasaan ka? Pwede ba tayong magkita?”
Nabuhayan siya ng pag-asa. “O-oo naman-“
“Good. It’s high time we talk about our annulment.”
Napasinghap siya.
Chapter one
Trixie Rances: I would give up everything if I could just be with you right now, Ric. Damn this show, it’s taking too long. Gusto na talaga kitang makita. Ikaw, ano’ng una mong gagawin kapag nagkita na tayo?
Alaric smiled affectionately. Kung siya lang ang papipiliin, hindi na siya maghihintay ng dalawa pang araw bago makita si Trixie, ang kanyang fiancée. He would fly straight to Milan, steal her from everyone there and just kiss her finally. Pero nagawa niyang maghintay nang halos dalawang taon… maano na lang ba ang dalawang araw pa?
Ilang sandali niyang ipinikit ang mga mata at hinayaan ang sariling malunod pansamantala sa maamong mukha ng dalaga na nakikita sa kanyang balintataw bago siya nag-type sa kanyang laptop.
Alaric Montero: I would kiss you senseless. And the rest… would be a surprise.
Trixie Rances: Tease!
Natawa siya bago sa wakas ay nagpaalam na muna sa dalaga nang marinig niya ang tatlong magkakasunod na katok sa pinto ng tinutuluyang kwarto. Hindi nagtagal ay bumukas iyon at iniluwa ang nag-iisa niyang kapatid na si Caleb, na ilang segundo lang ang tanda sa kanya. May hawak itong dalawang wine glass at isang bote ng alak.
“I disapprove of her.” Kaagad na sinabi ng kakambal pagkaupo nito sa silya sa tapat ng kanyang kama. Amused na ngumiti siya. Alam niyang kanina pa maraming gustong sabihin sa kanya si Caleb mula nang salubungin siya nito sa airport may limang oras na ang nakararaan. Sadyang hindi lang ito makahanap ng buwelo dahil kasama pa nila kanina ang misis nitong si Gianna.
Nagkataon pang ang kakambal ang nakatokang magpatulog sa nag-iisa at magdadalawang taon na pamangkin ni Alaric na si Isabella sa gabing iyon kaya ngayon lang ito nakasunod sa kanya sa guest room.
Inalok siya ni Caleb na doon na muna pansamantala sa bahay nito tumira habang hindi pa natatapos ang construction sa ipinagagawa niyang bahay. It was an offer that he could not refuse. He missed spending time with his twin, after all. Halos tatlong taon rin siyang nagtrabaho bilang pediatrician sa Spain bago siya sa wakas nagretiro at bumalik sa sariling bansa. Nagsasawa na rin siyang mamuhay mag-isa kaya habang hindi pa dumarating ang fiancée niya, sa bahay na muna ng kakambal siya makikigulo.
“Alam mo bang ‘ogress’ ang tawag sa kanya sa modeling world? Outside the camera, people say that she’s all grim and cold. Oh, please, ‘wag mo akong tingnan nang ganyan, Ric.” Nagsalubong ang mga kilay nito. “Alam ko kung anong sinasabi ko. I Googled her.”
Napailing si Alaric. It was so typical of Caleb. Pero kilalang-kilala niya na ang mapapangasawang si Trixie. Naging magkaibigan na muna sila ng dalaga bago nila napagdesisyunan na maging higit pa roon ang kanilang relasyon. Ikinuwento sa kanya ng dalaga ang buhay nito bago pa man maging sila. Marami pang hindi alam ang mga tao tungkol rito na sa kanya, buong-buong ibinahagi nito.
“Do you know how jerk you had been and yet, your wife still magically fell in love with you?”
“Fine, I rest my case on that part.” Biglang kambiyo ni Caleb. “Lahat naman ng tao, posibleng magbago.” Mayamaya ay nagsalin ito ng alak sa dalawang wine glass at iniabot ang isa sa kanya kasabay ng pagpalatak nito. “Pero Ric, sa chat? Really? How can you just fall in love through that? Ni hindi mo pa nga siya nakikita!”
That made everything all the more interesting. “Makikita ko na siya. I just have to wait for two days more.” Ani Alaric saka inisang lagok ang laman ng kanyang wine glass. It was a wonder to him as well. He had never pictured his self falling in love online and yet, he did.
Noong una, wala naman siyang balak na pumasok sa ganoong klaseng mga bagay. But Leandra, his best friend back in Spain, played a prank on him one day. She was a charming Spanish-Filipina pediatrician who was happily married and who insisted that he have a life, the way she puts it.
Binigla siya ni Leandra nang isang araw ay malaman niyang nagpapanggap ito bilang siya, tangay ang lahat ng mga impormasyon tungkol sa kanya sa isang online matching site. Noong panahong iyon ay ka-chat na nito si Trixie. Noong una, hindi pabor si Alaric sa idea pero pinakitaan siya nito ng mga litrato ni Trixie. Sa kauna-unahang pagkakataon makalipas ang mahabang panahon ay muli niyang naramdaman ang pagre-react ng kanyang puso. It made him push through with the entire crazy chatting endeavor, as the real Alaric Montero this time.
Sa bawat araw na nakaka-chat niya ang dalaga, nakakakuha siya ng pasilip sa totoong pagkatao nito. Nang makilala niya si Trixie, saka niya lang nagawang aminin sa sarili niyang miserable pala ang buhay niya. It was crazy but she made him smile genuinely. May mga pagkakataon na gusto na nilang magkita pero hindi akma sa mga schedules nila bukod doon ay milya-milya ang distansiya sa pagitan nila. Nasa Spain siya habang si Trixie naman ay nasa iba’t ibang panig ng mundo at nagmomodelo.
“For the first time after a really long while, I met someone who finally made me interested to wake up every single morning.” Seryoso nang sinabi ni Alaric pagkalipas ng mahabang sandali. “Nirerespeto ko ang opinyon mo, Cal. Pero sa ngayon, wala talaga akong pakialam kung sumasang-ayon ka man sa amin ni Trixie o hindi. That’s how much I like her.”
Napailing ang kakambal. “Paano kung madismaya ka kapag nakita mo na siya? What if behind all that chatting crap, she really was an ogress in disguise?”
“If she’s really an ogress…” Ngumisi si Alaric. “Then I’d be Shrek!”
“Damn, that’s my brother!” Ngumisi na rin si Caleb bago muling sinalinan ang mga wine glass nila. “Welcome home, bro. Cheers!”
SUMASAKIT ANG ULO sa pinaghalong pagod at puyat na pilit inilibot ni Trixie ang paningin sa kabuyan ng mga taong nag-aabang sa labas ng airport.
He’s a green-eyed hunk, Trix. Siya ang nag-volunteer na sumundo sa ’tin. Madali mo siyang makikita. He will stand out. Naalala niyang sinabi ng best friend c*m manager niyang si Samantha bago ito nagtungo sandali sa rest room at pinauna na siyang lumabas para hindi umano mainip ang sundo nila.
Kumunot ang noo ni Trixie. Hindi niya alam kung anong kaugnayan ni Samantha sa lalaking tinutukoy nito at tila ganoon na lang ang excitement nitong makita ang sundo nila. Napailing siya bago hinubad ang sunglasses niya at naiinip na muling pinasadahan ng tingin ang mga tao roon.
Humantong ang mga mata niya sa isang matangkad na lalaking animo modelong naglalakad patungo sa gawi niya hawak ang isang bungkos ng mga pulang rosas.
Nakasuot rin ito ng sunglasses kaya hindi niya makita ang mga mata nito. Ang nakikita niya lang ay ang morenong balat nito at ang malalapad na dibdib nito na hindi nagawang ikubli ng puting cotton na long sleeves na tinernuhan nito ng simpleng maong na pantalon at itim na leather shoes.
Ilang taon na rin si Trixie sa industriyang ginagalawan niya, dahilan para maging pamilyar na siya sa mga simpatikong lalaki na mula pa sa iba’t ibang bansa niya nakilala kung tutuusin. Pero kakaiba ang dating ng lalaking paparating.
Simple lang ang kasuotan nito pero napakaelagante ng paraan nito ng pagdadala ng sarili. And the way he walks was oozing with such masculinity, something that male models would surely envy. Dahil napakanatural nitong pagmasdan.
“Hi,” Banayad ang boses na sinabi ng estranghero nang huminto sa tapat ni Trixie. Ngumiti ito dahilan para lumitaw ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin, pati na ang dimples nito sa magkabilang pisngi. Walang pagmamadali sa kilos na inalis nito ang suot na sunglasses.
And for the first time after several years, she was caught off guard… by the most amazing bright green eyes she had ever seen. Sa ilang saglit ay nawala ang antok na nararamdaman niya. Tama si Samantha, dahil sa gitna ng mga tao roon ay totoong nangibabaw nga ang binata.
Iniabot nito ang hawak na bulaklak sa kanya. Matipid na ngumiti siya bago iyon tinanggap. “Thank you.”
“It’s wonderful to finally see you, Trix.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. Tanging ang mga taong malalapit lang sa kanya ang mga hinahayaan niyang tawagin siya sa palayaw niya. Napaka-assuming naman ng estranghero para iyon agad ang ibungad sa kanya. At bakit ganoon ito magsalita na tila ba malapit sila sa isa’t isa?
Napasinghap si Trixie nang umangat ang palad ng estranghero pahaplos sa pisngi niya kasunod niyon ay ang paghapit ng braso nito sa kanyang baywang palapit sa katawan nito. She was momentarily distracted by his scent. It was so manly.
“Naaalala mo pa ba ang sinabi ko sa ’yo na una kong gagawin kapag nagkita na tayo?”
Naaalarmang itinukod niya ang libreng kamay sa dibdib nito. Ano ba’ng pinagsasabi nito? Pinaglalaruan ba siya nito? O posible kayang may sira pala sa tuktok ang lalaking pinagkatiwalaan ni Samantha na susundo sa kanila? And speaking of her best friend… where on earth was she?
“T-teka, ano ba’ng… ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan.” Pinilit niyang kumawala mula sa estranghero pero tila amused pang hinigpitan nito ang pagkakahapit sa kanya.
“Ouch, how can you forget such an important thing?” He teases softly. “Pero kung sakali ngang nakalimutan mo na, hayaan mong ipaalala ko na lang ulit sa ’yo.” Pakiramdam ni Trixie ay nagtayuan ang bawat balahibo niya sa katawan nang marinig ang animo nang-aakit nitong boses malapit sa kanyang tainga. Just who was this man exactly?
“I promised you a kiss, Trix.” Lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya. “Just like this.” Hindi pa man siya tuluyang nakakabawi sa pagkabigla nang tawirin nito ang distansiya sa pagitan nila kasunod ng pagsakop nito sa mga labi niya.
ANO’NG GAGAWIN MO kapag sinabi ko sa ’yo na graduate ka na ulit sa pagiging single? In fact, meron ka nang gwapong fiancé na Alaric Montero ang pangalan, walong buwan na kayong engaged, isang taon na ang relasyon n’yo at lahat ng iyon ay kagagawan ko?
Trixie felt like the whole world was spinning… just right in front of her. Nang hindi sinasadyang matusok ng tinik ng hawak na mga rosas ang kanyang daliri ay saka lang niya nagawang bumalik sa realidad kasabay nang pagproseso ng isip niya sa naalalang linyang iyon ni Samantha sa kanya habang nasa eroplano pa sila.
Nanlaki ang mga mata niya. Sa pagkakataong iyon ay pilit na inilayo niya ang mukha sa lalaki saka ubod nang lakas na itinulak ito. She needed to breathe and she would not be able to do that with his soft lips… teasing hers. Damn it. Ibig sabihin ba ay hindi nagbibiro ang kaibigan niya nang sabihin nito ang mga iyon sa kanya?
“Siya ang susundo sa ’tin mamaya sa airport, Trix. You would love his eyes-“
“Samantha,” Naalala ni Trixie na inaantok pang sinabi niya sa kaibigan. “Do me a favor. Shut up and make me proud.”
Noong mga sandaling iyon ay limang oras pa lang ang nakalilipas matapos ang fashion show niya sa Milan kung saan siya ang itinampok bilang finale. Pagkagaling doon ay nagpahinga lang sila ng mahigit isang oras sa hotel bago sila nagtungo na sa airport kaya hindi niya nagawang pagbuhusan ng atensiyon ang mga litanyang iyon ng kaibigan. Pero ngayon…
Nanggigigil na naikuyom niya ang mga kamay. What have you done, Samantha?
“Trix…” Kaagad na hinanap niya ang pinagmulan ng pamilyar na boses na iyon ng kaibigan. Nakakagat-labi si Samantha habang naka-peace sign sa kanya, ilang hakbang ang layo sa kanya. Pero hindi maikakaila ang kapilyahan na nakarehistro sa mga mata nito. She could sense that Samantha was enjoying this. Kung wala lang siguro sila sa isang pampublikong lugar ay baka nakapagtaas na siya ng boses rito.
Sunod-sunod na napahugot ng malalalim na hininga si Trixie para payapain ang sarili. She has just been kissed, for heaven’s sake!
Sumunod na napasulyap siya sa lalaking salubong na ang mga kilay na nakatitig rin sa kanya nang mga oras na iyon. Hindi niya naiwasang maalala ang mga maiinit na labi nitong dumampi sa kanya kanina. His kisses were warm, intoxicating and inviting. Kung siguro ay siya pa rin ang mapaglarong Trixie noong nasa kolehiyo pa siya, she would no doubt accept his lips’ invitation.
Naipilig niya ang ulo mayamaya. Heck, the thought alone drained her energy even more.
“So, ikaw si… Alaric Montero?”
“Siya nga, Trix.”
Matalim na tinitigan niya ang kaibigan. “At sa kanya ‘kamo ako engaged?”
“Bakit sa kanya mo itinatanong? Ikaw ang fiancée ko. You should know better than her.”
Lumipad ang mga mata niya sa binata. “Well, hello, fiancé.” Imbes ay sagot niya. She struggled to stay indifferent. “May sasakyan ka ba?” Tumango ito. “Then where the hell is it?”
“I don’t tolerate those words in a conversation with a woman, Trixie.” Kunot-noong sinabi nito. “I suggest you fix your sentence first before I provide the answer.”
Naikuyom uli ni Trixie ang mga kamay. Pagod na pagod na ang pakiramdam niya at wala siyang oras para sa mga ganitong bagay na wala naman siyang kinalaman kung tutuusin. Isang buwan lang ang bakasyon niya sa sariling bansa at wala siyang balak na sayangin iyon sa gusot sa pagitan nilang dalawa, all thanks to Samantha.
“Fine, tapusin na natin ‘to.” Nagtitimping pilit na ngumiti siya sa binata. “Nasaan ba ang sasakyan mo? I believe that you misunderstood me for someone. Mag-usap na muna tayong tatlo.”
Ilang sandaling natigilan si Alaric bago napailing. “Come,” sinabi nito at maingat na hinawakan ang palad niya pero kumawala siya.
“Susunod na lang kami ng kaibigan ko.”
“No.” Muling kumunot ang noo ng lalaki. Ikinulong nito ang palad niya sa mainit na kamay nito habang ang kabilang kamay naman nito ay hinatak ang maleta niya. “Habang hindi ko pa naiintindihan ang mga pangyayari, I will keep holding your hand para makasiguro akong hindi ka tatakas. I can guess that there really is some misunderstanding somewhere. But you better be nice to me, Trixie.” Anito kasabay nang muling paglapit ng gwapong mukha sa kanya.
And for some unknown reason, she was breathless once more. “Dahil kung may biktima man sa larong ito, siguradong hindi ikaw kundi ako. And no man on their right mind would want to be toyed with.” Mariing sinabi ni Alaric bago sandaling napatitig sa mga labi niya. Marahas na huminga ito bago siya tuluyang hinila patungo sa kotse.
Nanlilisik ang mga matang napatingin si Trixie sa kaibigan na nasaksihan niya pang animo kinikilig na nakatitig sa kanila ni Alaric.
“I’m glad that I’m actually providing you entertainment right now, Sam.” Sarkastikong sinabi niya bago tuluyang nagpahila sa binata.
“IT WAS ME. Ako ang naka-chat mo nang halos dalawang taon as Trixie. I’m Samantha dela Rama. Pero maniwala ka sana na ginawa ko lang iyon dahil sa matinding pagmamahal ko sa best friend ko. I wanted to save her humanity and-“
“Oh, skip with the humanity crap, Samantha. Marami ka pang oras para ipasok ang drama na ‘yan pagdating natin sa bahay.” Hindi napigilang putol ni Trixie sa unang bagsak pa lang ng pangungumpisal ng kaibigan.
Hindi man niya nakikita ang sarili ay alam niyang nangangamatis na ang mga pisngi niya nang mga sandaling iyon dulot ng mga sinabi nito. Dahil tila lumalabas pa na kasalanan niya pa kung bakit nagawang lokohin ni Samantha si Alaric. And besides, who the hell needed saving?
It was certainly not her. Pagkatapos nang lahat ng mga nagawa niya, imposible nang makamit niya pa ang bagay na iyon. Iginala ni Trixie ang tingin sa kinaroroonang French restaurant na hindi kalayuan sa pinanggalingan nilang airport para i-distract kahit paano ang sarili sa pagbuhos ng mga mapapait na alaala mula sa nakaraan.
Iginiit ni Alaric na mag-usap sila kahit paano sa isang pormal na lugar. Kung siya lang ang masusunod ay sa kotse na lang nito niya gustong pag-usapan at tapusin na ang gulong iyon para makauwi na siya sa bahay niya at nang makapagpahinga. Pero simpleng pabor lang ang hinihingi ng lalaki. Masyado na siyang magiging masama kung ipagkakait niya pa iyon matapos nang ginawang pagpapaikot rito ni Samantha at her expense.
“What did you do exactly?”
“Inirehistro ko ang pangalan mo sa isang online matching site less than three years ago.”
Agad na napainom si Trixie ng tubig na ini-order niya pagkalapag pa lang ng waiter sa mga inumin nila sa lamesa. Dahil hindi naman siya nagugutom ay iyon lang ang ipinakuha niya. Hindi tulad ng dalawa na nag-order ng dessert at kape. Kung nagkataon na gumaya pala siya sa mga ito ay tiyak na hindi rin siya makakakain nang maayos base sa narinig. Por dios por santo, ni wala siyang idea na may ganoong bagay na pala ngayon sa mundo!
“And then I came across with Alaric. Sinubukan ko lang naman kung magma-match kayong dalawa. Nakagaanan ko na siya ng loob, later on.” Nilingon siya ng kaibigan. “Gusto ko siya para sa ’yo, Trix. ‘Yung paraan ko naman ng pakikipag-chat sa kanya, it was really the way you talk and would have talked if you didn’t go through those nasty incidents in the past. Kaya ikaw na ikaw ang pinakilala ko sa kanyang pagkatao.”
Ang lalaki naman sa tapat ni Trixie na kasalukuyang blangko pa rin ang expression ng mukha ang sumunod na binalingan ni Samantha. “Maliban sa pagpapanggap ko, everything was real, Mr. Montero. Ang mga ibinahagi ko sa ’yo sa pamamagitan niya, lahat ‘yon, totoo. Kaya naiintindihan mo naman siguro ang pinanggagalingan ko kung aalalahanin mo ang mga bagay na iyon.”
“You know the kiss would happen, Miss dela Rama.” Imbes ay sagot ni Alaric.
“I wanted it to happen. Malalagot rin lang ako kay Trixie, it might as well be worth all the curses I will surely receive later.”
Hindi na nakapagpigil na sinipa niya ang paa ng kaibigan sa ilalim ng mesa. Hindi niya naiintindihan ang mga pinag-uusapan ng mga ito pero wala na siyang pakialam pa. Dahil pagkatapos ng araw na iyon ay natitiyak niyang hindi na sila muling magkikita pa ni Alaric. Lalo na ngayong nalaman na nito ang totoo. Pero ang binanggit nitong halik… how could Samantha just anticipate it?
Sumasakit ang ulo na sinulyapan niya ang binata. “How can you just fall for that online crap?”
“Hindi ko rin ginusto,” Mariin na pambabara nito sa kanya. “I was just…” Naisuklay nito ang mga daliri sa buhok nito. Sa ibang pagkakataon siguro ay naaliw na siya sa ginawa ni Alaric. He looked a bit adorable doing that. Muli niyang naipilig ang ulo sa naisip. “It’s just that… I was blown away by your pictures.”
Umawang ang bibig ni Trixie sa narinig. She didn’t expect to hear those words from a man as attractive as him. If not for the sincerity in his green eyes, she would not have believed him.
“I am really sorry, Mr. Montero.” Nakayuko nang singit naman ni Samantha.
“I’m sorry, too because I’m not in the mood to forgive right now.” Tumayo na ang binata matapos mag-iwan ng pera sa ibabaw ng mesa. “Magkita na lang tayo sa korte kapag nakausap ko na ang abogado ko, Miss dela Rama. Itatanong ko kung may idadagdag pa sya sa false identification na kasong isasampa ko sa ’yo.”
Nang dere-deretsong lumabas si Alaric ng restaurant ay gulat na nagkatinginan silang magkaibigan. Mayamaya ay tumayo si Samantha. “Kung ayaw mong makulong ako, sumunod ka. Dalian mo.” Anito at halos patakbong humabol sa binata.
Natapik ni Trixie ang noo sa tumitinding frustration saka sumunod na rin sa mga ito pero bago iyon ay ibinilin niya na muna sa nagdaang waitress ang mga gamit nila sa loob.
Naabutan niya ang dalawa sa parking lot habang pigil ni Samantha sa braso ang binata.
“Baka naman pwede pa natin itong pag-usapan nang maayos, Mr. Montero.”
“Isang buwan kayo dito sa Manila, ‘di ba?” Imbes ay sagot nito. Nalilito namang tumango si Samantha. Nilingon siya ng binata. “I’m giving you two options, Miss Rances. A, see me for a month or B; testify against your manager in a court. After all, pareho lang tayong biktima dito. Ginamit ka niya kaya nadamay ka sa kalokohan na ‘to.”
Napasinghap si Trixie sa ikalawang pagkakataon sa umagang iyon.
“Iyon lang ba? Walang problema, pumapayag ang bestfriend ko. So it’s settled then, Mr. Montero.”
Namilog ang mga mata niya nang mabilis na dumukot ng ballpen mula sa shoulder bag nito ang kaibigan pagkatapos ay hinatak ang palad ni Alaric at doon sumulat.
“P-pasensiya ka na, wala akong dalang papel.” Nanginginig ang boses na sinabi ni Samantha, patunay na totoong kinabahan ito sa banta ni Alaric. “Pero ‘yan ang address namin. Nandyan na rin ang contact number namin. Good day, Mr. Montero.” Dagdag pa nito bago siya hinatak na palayo pero hindi siya kaagad nagpahila.
Mariing ipinikit niya na muna sandali ang mga mata. Pakiramdam niya ay pinipitik ng ilang daang mga daliri ang sentido niya nang mga sandaling iyon. Samantha just negotiated with their thirty-day vacation and she just stood there, watching as her whole plan changes.
Ni wala siyang magawa para kontrolin ang mga pangyayari. Judging by the mess Samantha just got herself in, she was sure her bestfriend could really be sued. Damn it, Sam.
Nang bahagya nang makalma ang sarili, saka lang siya tuluyan nang nagpahila sa kaibigan pero nabigla siya nang may isa pang palad na pumigil sa kabilang kamay niya. Paglingon niya ay nasa tabi niya na si Alaric.
“What?” Hindi napigilang angil niya rito para pagtakpan ang mga emosyon na naglabasan sa sistema niya sa simpleng pagsalikop lang ng mga palad nila.
Walang sali-salitang hinapit siya ni Alaric sa baywang at siniil ng halik sa mga labi. The kiss was fiery. Para bang nagpaparusa iyon pero mayamaya lang ay unti-unti rin iyong naging banayad na animo hinahaplos na lang ang kanyang mga labi.
Ilang sandali pa ay humiwalay na rin ang lalaki sa kanya. “Binawi ko lang ang halik na ibinigay ko sa ’yo. Hindi pa pala tayo.”
Bumuka ang bibig ni Trixie para magsalita pero walang lumabas mula roon. For the first time after so many years, she found herself suddenly helpless.
Tila walang anumang naglakad naman ang binata pabalik sa sasakyan nito. Gulat pa ring sinundan niya na lang ito ng tingin. Akmang sasakay na ito sa kotse nito nang tila may makalimutan. Muling humarap sa gawi nilang magkaibigan si Alaric.
Sa pagkakataong iyon ay suot na nito uli ang sunglasses nito, making it impossible for her to see right through him.
“Remember this. Ako ang agrabyado dito. Kaya mula ngayon, I will call the shots and make the rules. Rule number one: tawagin mo akong Alaric para matawag rin kitang Trixie. Rule number two, ‘wag na ‘wag mo akong iiwasan. Rule number three, wear make-up. I don’t like women with make-up on. Perhaps that would make me stop attempting to kiss you every time I see you. The next rules…” Nagkibit-balikat ito. “Bukas ko na ibibigay.” Muli itong ngumisi dahilan para muling sumilip ang mga dimples nito sa pisngi. “Cooperate, please… unless you want a part three of the kiss.”