Chapter 1

944 Words
Nina Ricamonte Nagising ako dahil sa pananakit ng likod,nung una nagtaka pa ako kung paano pero bigla ko na lang na-realized na ,sa sofa pala ako natulog.Kahit kasi medyo malambot ito,mas maliit ito kumpara akin kaya nakabaluktot akong matulog. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo.Sumilip ako sa labas at nakita kong nandoon pa rin ang motorsiklo ni Christian.So ibig sabihin,nandito pa sya. Bumalik ako sa sofa para kunin ang mga gamit ko na hanggang ngayon,hindi ko pa rin alam kung saan ilalagay.Hindi naman kasi ako binigyan ni Christian ng pahintulot para mangialam sa kahit anong nandito sa bahay nya kaya,sa ngayon itatabi ko muna ito sa ilalim ng hagdan na kung saan may maliit na espasyo.Kasya naman ito dito dahil maliit lang naman ang maleta na dala ko. Ipinusod ko ang buhok ko at hinanap ang C.R dahil tinatawag ako Ng kalikasan.Pagtapos noon ay lumabas ako papuntang sala nang naramdaman ko ang mga yapak na nanggagaling sa hagdan at alam ko sa sarili ko na si Christian iyon. Hindi nga ako nagkamali,sya nga.Naka-kunot pa ang noo nito habang nakikipag usap sa kung sino man ang nasa kabilang linya ng kanyang telepono. Pagtapos noon ay naglakad ito papuntang kusina.Ewan ko ba kung bakit kusang gumalaw ang mga paa ko at sinundan sya. Nadatnan ko itong uminom ng tubig at saka umupo sa isa sa mga upuan ng dining table at binasa ang diyaryo na nakalapag doon. Tinititigan ko sya mula dito sa pinto.Kung paano nya basahin yung dyaryo,kung paano sya umupo,kung paano kumunot ang noo nya dahil pag iintindi sa binabasa nya. Napangiti ako,sabay hawak sa tiyan ko. 'baby,ang hot ni daddy di ba?' Halos maglaway na ako dito sa kinatatayuan ko.Ito kasing lalaking ito,matagal ko na itong pangarap,ngayon,nasa harap ko na at malayang natititigan. Pero ganoon na lang ang pagkagulat ko nang mapatingin sa akin si Christian. Napalunok na lang ako at umiwas ng tingin.Ewan ko ba pero parang ,may kakaiba sa mga tingin nyang iyon. "Tsk.Gising ka na pala !Ano pang tinatayo-tayo mo diyan?!ipagtimpla mo ako ng kape!"Galit na wika nito Bigla akong nataranta kaya agad akong pumunta sa kinaroroonan nya at ipinagtimpla sya ng kape. Matapos noon ay ibinigay ko ito sa kanya ,pero masama ako nitong tiningnan."B-bakit?"tanong ko. . Umiwas ito ng tingin sa akin at ininom ang kapeng ginawa ko para sa kanya."Mag usap tayo ng maayos,Kaya ka nandito ay dahil kay mama,wala nang iba.Wala akong responsibilidad sayo kaya wag kang umasa na aalagaan kita at ituturing na asawa !Wala akong proweba na sa akin ang lintik na batang yan ,at isa pa,kung sa akin talaga yan,wala pa rin akong balak na kilalanin yan bilang anak ko dahil....Aksidente lang ang lahat ng nangyari ,hindi ko iyon ginusto....at hindi ko yon gugustuhin kailan man." Parang nanghina ako sa kinatatayuan ko.Hindi ma-process sa utak ang mga sinabi nya. Wala syang balak kilalanin Ang sarili nyang anak? "A-anong ibig mong sa---" "Bingi ka ba o tanga?!" "Pero Chr---" "Wala nang pero pero!'DI BA IKAW ANG LUMAPIT KAY MAMA PARA PANAGUTAN KITA?!SO KASALANAN MO TONG LAHAT!!!NAWALAN AKO NG KALAYAAN DAHIL IYON SAYO!!!KAYA WAG KANG UMASA NA MAGKAKAROON AKO NG PAKIALAM SAYO O DYAN SA DINADALA MO!!!"galit na sabi nito.Nalukot narin nya ang hawak na dyaryo sa sobrang inis. Tumulo ang luha ko.Tama,tama sya,ako ang may kasalanan ng lahat ng ito.Pero tama ba na ipagduldulan sa akin ito?Ang sakit eh,sobra. Padabog itong tumayo at inipit ang mga pisngi ko."Wag kang iiyak iyak.Ginusto mo to eh,sa pagpasok mo sa buhay ko,sya mo ring pag pasok sa impyerno....Bitch." At walang habas na humampas ang mga palad nya sa pisngi ko.Napangiwi ako sa sobrang sakit,nanlabo muli ang aking mga mata dala ng mga luhang nagbabadya nang bumagsak. Ramdam ko ang pag alis nito at pag akyat sa kwarto nya.Napahaguhol ako sa sobrang sakit na naramdaman ko,at Ang sakit na iyon ay Hindi lamang nanggagaling sa pagsampal nya,Kung hindi nagmumula rin sa aking puso Hindi ko naman itinatanggi na kasalanan ko eh.Oo,kasalanan ko kung bakit nangyari to. Nang nalaman kong buntis,natakot ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin ito sa tita Chameng ko at sa mga kapatid ko.Ako na lang ang inaasahan nila para maitaguyod ang pamilya namin pero heto,mukhang nabigo ko sila. Agad ko itong pinaalam kay Christian,pero as usual,itinanggi nya... Sobrang depressed at takot na ako noon sa maaaring maging kalabasan kaya sa halip na kausapin uli si Christian ay ang nanay nya ang kinausap ko,si tita Lorry. Buti na lang at sabik na itong magka apo kaya walang pagsidlan ang saya nya nung nalamang buntis ako at si Christian ang ama. Ipinahiram ng mama nya ang bahay at lupa nila sa batangas at dito na kami nakatira. Pero,napaka sama ng epekto nito pagdating kay Christian... Si Christian Cruz,kilala bilang isang masipag at mabuting tao,mga katangian nya na kinabaliwan ko. Isa rin sya sa pinaka maimpluwensyang tao sa larangan ng pagnenegosyo. Pero,heto ngayon,nagpapakita sya ng ugali sa akin na malayo sa kung paano sya kinilala sa labas ng bahay na ito ... Kaya ngayon,mukhang nakikita ko na ang magiging kapalaran ko sa piling ni Christian. Pero,dapat ba akong sumuko?May anak ako,dapat iyon ang unahin ko sa lahat. Sabihin na nating walang balak si Christian panagutan ako,pero nandito ako ngayon sa bahay nya.Atleast,kahit papaano ay may tirahan kami ng anak ko.Sapat na siguro yun para maging tulong nya. Maghahanap ako ng trabaho para sabay na masuportahan ang ang naiwan kong pamilya at ang magiging anak ko. Pero hindi ibig sabihin noon na susuko ako at mawawalan na nang pag asang magiging isang pamilya kami.. Aasa parin ako. Aasa na balang araw,kikilalanin nya kami bilang pamilya nya .Mamahalin at aalagaan.. Naniniwala ako, na balang araw matatanggap nya kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD