"C-Christian.....s-saan ako matutulog?"nanginginig kong sabi habang nakatingin kay Christian na ngayon ay paakyat na sa kanyang kwarto.
Huminto ito at nilingon ako."Tsk.Where do you think?"malamig nitong sabi at tinuon ang atensyon sa sofa .
Napakagat na lang ako sa labi.Kuha ko na ang ibig nyang sabihin.
Ano nga bang inaasahan ko?
Napailing na lang ako.Imposibleng matutulog kami sa iisang kama.
Napabatok na lang ako sa sarili ko at ngumiti ng mapait.Stop dreaming Nina,ang sakit eh.
Napansin kong nakaakyat na ito sa kwarto NYA,kaya dumeretso ako sa sofa at umupo.
Kumuha ako ng kumot sa maletang dala-dala ko at saka humiga.
Naluha ako bigla ,sa di malamang dahilan.This is it,the real one.
Ang unang gabing makakasama ko sa isang bahay si Christian Cruz.Pero,i think,hindi ako magiging masaya.
Bakit?Dahil umpisa palang...ganito na kagad ang trato nya.
Pero among gagawin ko?Para ito sa anak ko.Ang magkaroon ng buong pamilya,bagay na hindi ko naranasan.
Isa pa,matagal ko nang pangarap to,kaya,I'll take the risk.
Itong batang to sa sinapupunan ko,aalagaan ko sya,mamahalin...
At sana,ganoon din ang ama nya..
Hinawakan ko ang tiyan kong hindi pa naman umuumbok,at parang ewan na kinausap ang munti kong anghel...
Kapit lang nak.
Kahit isa ka lang pagkakamali para sa ama mo,gagawin ko ang lahat para ibigay ang pagmamahal na para sa iyo.
At balang araw,alam kong mamahalin ka rin niya..
Mamahalin nya rin tayo.