Chapter 2

719 Words
Nina Ricamonte "Christian,aalis lang ako,maghahanap ako ng...t-trabaho...."Halos kabahan ako habang nakatayo sa harap nya at magpaalam na aalis ako para mag hanap ng trabaho. How I wish na,pigilan nya ako at ipaalalang buntis ako at hindi dapat para sa akin ang magtrabaho. Pero,mali ako. Natuwa pa nga sya dahil sa wakas,mawawala ako sa bahay.Ang Malala pa,sinabi pa nya na sana wag na lang akong bumalik. Inisip ko na lang na,siguro ay nagbibiro lang sya sa sinabing nyang yun kaya hindi ko na lang ito inintindi pa. Umalis ako ng bahay nang hindi alam kung saan pupunta.Wala kasi akong ideya dito sa Batangas,wala akong alam sa mga pasikot-sikot dito kaya,ipapaubaya ko na lang ang lahat sa mga paa ko. Marami akong nakikitang nakapaskil..Wanted Helper,Wanted yaya,wanted maid,Nagbakasakali ako na makakapasok ako sa mga iyon pero,wala ng bakante.Hello?kung wala ng bakante ano pang dahilan nila para ipaskil pa ang mga iyon? Pinapaasa nya lang ang mga taong nangangailangan ng trabaho! Tsk. Tanghali na,pero andito pa rin ako sa gilid ng kalsada at patuloy na naglalakad,at nagbabakasakaling makakahanap ako ng trabaho. Pero biglang kumalam ang sikmura ko kaya napaupo ako sa isang upuan dito sa plaza. Hinilot hilot ko ang sintido ko dahil maging iyon ay kumikirot na rin.Naalala ko na umalis ako nang walang agahan kaya ito ngayon,nagugutom na ako. Marami akong nakikitang nagtitinda ng street foods.Gusto kong bumili pero pamasahe na lang pauwi ang natitira kong pera. Nangilid ang mga luha ko dahil pakiramdam ko hindi ako ang nagugutom ,kundi ang bata sa sinapupunan ko. Nangako ako na aalagaan ko sya pero heto,hinahayaan ko syang magutom.Anong klase akong ina?! Hinawakan ko ang tiyan ko at mahigpit itong hinawakan.Patawarin mo ako anak.Pero wag kang mag aalala,gagawa ng paraan si mama . Tumayo ako sa kinauupuan ko para sana bumili nang kahit konting pagkain maibsan manlang ang gutom ko.Pero parang nanghina ang tuhod ko kaya napaupo uli ako. Napailing ako at napahilamos gamit ng aking kamay. "Miss?" Napalingon ako sa narinig na boses,lalaki ito.Gwapong lalaki,as in sobra.Matangkad at chinito. Pero hindi iyon ang talagang pinagtuunan ko nang pansin kundi ang isang burger at soda can na nakalahad sa akin ngayon.Nagtataka ko itong tiningnan,bagay na ikinangiti nya. "Here,Take it."wika nya. Ako naman ay blangko pa rin.Binibigyan nya ba ako ng pagkain? "S-sir ahmm,'wag na po..hindi---" "Hay.Dont be shy,take this.Kanina pa kasi kita pinagmamasdan eh alam ko na nagugutom ka..."umupo ito sa tabi ko at patuloy paring inilahad ang mga pagkain na hawak nya. Napatingin ako sa pagkain at inaamin kong natatakam ako doon.Bigla ngang kumalam ang sikmura ko ,at ang masama pa narinig iyon ng lalaking ito,pinagtawanan tuloy ako! "See?you're hungry,so grab it."muli ako nitong nginitian.Ngiti na parang kumukumbinsi sa akin na tanggapin ito. Nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ito pero sa huli,kinapalan ko na ang mukha ko. Tinanggap ko ito at walang habas na nilantakan.Bahala kung magmukha akong patay gutom!Kailan ko at ng anak ko ang kumain ! "Miss,easy,hindi ka aagawan,here,uminom ka ng soda para hindi ka mabulunan." Nahihiya man pero tinanggap ko rin ito at nagpasalamat. Medyo naiilang pa nga ako dahil napapansin kong panay tingin sya sa akin,tapos noon ay napapangisi sya. Ang weird nya. "Ahmm,salamat sir.." "Its okay.Sya nga pala,Im Ethan.Ethan Lazaro.. "Wika nito sabay lahad ng kamay sa akin. Ngumiti ito na para bang walang problema sa buhay.Napansin ko rin na may mga biloy pa ito,nakapagpadagdag ng kagwapuhan nya. Dapat ba akong makumbinsi,dahil sa mga Ngiti nya?Ramdam kong mabuti syang tao pero tama ba na pagkatiwalaan ko sya agad? Kanina pa nakalahad ang kamay nya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nya binabawi ito.Siguro ay hiya na lang ang nangibabaw sa akin kaya tinanggap ko ang palad nya. "I-im Nina,"nahihiya kong sabi. "Nice name" Ani nya sabay ngiti. Hindi ko maintindihan kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.Nung nakatingin ako sa mga mata nito ay nakaramdam ako na may magandang mangyayari. "So,pansin ko lang .Kanina pa kasi kita nakikita na nagpapaikot ikot dito?Bakit?" Ibinaling ko sa iba ang paningin at sinabi sa kanya ang pakay ko dito. "Talaga?naghahanap ka ng trabaho?"gulat na wika nito. "Oo,kaso,mukhang kailan ko nang umuwi dahil parang wala naman dito ang kapalaran ko." Tinapik nya ang likod ko at muling nagbigay ng ngiti."No,sa tingin ko,tinadhana ka talagang mapadpad dito." Nagtataka ko itong tiningnan. "B-bakit?" "Dahil,sakto.Hiring ako ngayon sa restau ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD