Chapter 3

860 Words
Nica Ricamonte Masaya akong naglalakad pauwi ng bahay.Magkakalahating buwan na kasi magmula ng makakuha ako ng trabaho sa isang sikat na restau ni Sir Ethan. Maganda ang trabaho ko,kaso hindi ko alam kung ano bang tawag doon.Ang sabi nya tingnan tingnan ko lang daw ang mga trabahador nya kung kumikilos ba ng maayos.Tapos minsan,tambay lang ako.Walang ginagawa,minsan tinatanong ko sya kung yon lang ba talaga ang trabaho ko pero lagi nyang sinasabing buntis ako kaya dapat hindi mabibigat na trabaho ang dapat sa akin. Yes,alam nyang buntis ako,sinabi ko yon sa kanya bago ako pumasok at ayos lang naman daw yon,weird diba?sa iba kasi,madalang na nagkakaroon ng trabahador na buntis dahil baka mabagal sa pagkilos.pero ito,nagtatrabaho ako ngayon sa isa sa mga sikat na Restaurant dito sa Batangas.Ang AnyWhere Restaurant... Nakakatawa Hindi ba?Maski ako nung una nagtaka pero nang malaman ko kung ano ba talagang meaning noon ay natawa talaga ako. Dito daw dinadala ng mga lalaking pilosopo ang mga babaeng kadate nila... Tatanungin ng lalaki kung saan gustong pumunta o kumain ng babae,tapos sasagutin yon ng babae ng 'kahit saan' o di kaya 'Anywhere'.. Kaya ang ending,doon sila nagpupunta.hahaha.. Sa sobrang kaiisip di ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay ni Christian. Medyo kinabahan pa nga ako na baka di ko mabuksan ang gate dahil wala naman sa akin ang susi nito.Buti na lang at hindi naka-lock kaya derederetso akong pumasok. Pagdating ko sa sala ay syang pag upo ko sa sofa/higaan ko.Hinawakan ko ang sintido ko at hinilot hilot ito.Napagod kasi ako hindi dahil sa trabaho kindi sa paglalakad,sabi kasi ng doctor na natanong ko ,mainam daw ang paglalakad sa akin kahit magda-dalawang buwan palang ang tiyan ko kaya ayun,naglakad ako mula sa pinagbabaan kong kanto hanggang dito. Nakaramdam ako ng uhaw kaya pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Mag iisang buwan na simula nang tumira ako dito sa bahay ni Christian,at hanggang ngayon,cold pa rin sya sa akin.Pero it's okay,ang mahalaga hindi nya ako nasasaktan. Oo,sabihin na nating malamig ang pakikitungo nya sa akin pero iniintindi ko pa rin sya,since ako naman rin ang may kasalanan.At saka,mahal ko sya eh kaya.Go lang sa pag intindi hanggang sa ako naman ang maintindihan nya. Ilang oras ang lumipas,wala pa rin si Christian.Mag aalas nuebe na ng gabi wala pa rin sya. Nagluto sana ako ng adobo para sa kanya pero lumamig na ito dahil kanina ko pa ito niluto. Ayaw ko pa rin matulog dahil baka bigla syang dumating at walang magbukas ng pinto para sa kanya. Halos bumaba na ang mga talukap ko sa sobrang antok,pero nabuhayan ako ng ulirat ng matanaw ko ang ilaw na nanggagaling sa bintana,at alam kong ang ilaw na iyon ay sa motorsiklo ni Christian! Agad akong lumipad hanggang pinto at binuksan ito. Pero ganoon na lamang ang pagkabagsak ng langit at lupa sa akin ng makita kong hindi nag iisa si Christian.. May kasama syang babae! Hindi ma-process sa utak ko ang lahat.Para akong nanigas sa kinatatayuan at hindi makahinga ng maayos. Rinig ko ang mga hagikhik at lambingan nila habang papalapit sa akin. Hinalikan ni Christian sa leeg ang babae at gustong gusto naman nya ito. Maganda ang babae .Straight black haired,matangkad,maputi.Lahat ng iyon nasa kanya.Bagay na wala ako,oo inaamin ko. Pero ang masakit ay nang magtama ang mga mata namin ni Christian at nginitian nya lang ako ng pang asar.Kita ko rin ang pag irap sa akin ng babae bagay na ikinainis ko ,pero wala akong magawa.Ayaw sumunod ng sarili kong nga paa sa akin. Naiwan akong nakatulala dito sa bungad ng pinto habang sila naman ay walang tigil sa paglalambingan habang paakyat ng hagdan. Ilang saglit pa ang lumipas,nanlambot ang tuhod ko at bigla akong napaluhod. Naramdaman ko na lang na may mainit na umagos sa pisngi ko. Ewan ko ba kung saan ako nakakuha ng lakas para tumayo at sundan sila sa kwarto ni Christian. Bawat hakbang,syang kabog ng dibdib ko.Habang naglalakad,hindi ko ma-imagine kung ano ba ang ginagawa nila ngayon pero pinilit kong alisin iyon sa isip ko. Hanggang sa nakarating ako sa mismong kwarto ni Christian.. May konting awang pinto kaya rinig ko ang milagrong ginagawa nila sa loob.. "Ahhh!f**k !!Ang sarap mo!!" "I know it!!!so f**k me harder Chris!!!aahh,oohh!s**t!" Paulit ulit.Paulit ulit kong naririnig yan sa kanilang dalawa,ngunit Wala akong nagawa. Wala ako sa sariling umalis sa harap ng kwartong ito. Kahit nanginginig ang mga tuhod ay kinaya ko,kasi kung magtatagal pa ako dito,baka atakihin na ako sa puso sa sobrang sakit. Humahawak ako sa dingding para suportahan ang sarili at hindi matumba. Nakarating ako sa hagdan at nagpatuloy paring naglakad.Pero nang halos nasa dulo na ako ay saka ako napaupo. Traydor na mga paa. Ewan ko ba kung bakit parang gusto kong sumigaw.Gusto kong magwala dahil sa mga narinig ko! Pero bakit!Bakit hindi ko magawa! Pilit kong ikinubli ang mga panaghoy at mga luha ko...Ayaw kong marinig nila ako at isiping napaka hina kong tao. Gamit ng dalawa kong palad ay tinakpan ko ang aking bibig at pinigilang maglabas ng kahit anong ingay.. Pero sa loob noon ay ang sakit.... At Mga ingay na nanggagaling sa nadudurog kong puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD