Nica Ricamonte
Matamlay akong pumasok sa trabaho dahil hindi ako nakatulog sa nangyari kagabi.
Para akong isang papel na dinadama lang mga hangin na yumayapos sa akin habang nakatulala sa may bintana ng restaurant.
Buti na lang at nakikiayon ang panahon , walang gaanong costumers ngayon.Para kasing wala akong lakas para tumayo at problemahin ang mga taong walang pakialam sa feelings ko.
Maaga akong umalis ng bahay para hindi ko sila makitang magkasamang bababa sa hagdan.Mahirap na,baka mas lalo akong masaktan.
Nagbabadya na namang tumulo ang luha ko kaya tumingala ako para pigilan ito.
Nagsisimula pa lang ang lahat sa amin ni Christian pero parang walang magiging magandang ending.
Napasapok na lang ako sa noo ko sa mga iniisip.Masyado atang maaga para sumuko na ako.Bakit ako susuko kagad eh para sa anak ko to?Ang kailangan ko lang ay isang pamilya...
Ako,ang aking anak at ang ama nito.Ang sarap sigurong makita na isa kaming masaya,at buong pamilya.Pero parang matagal tagal pa bago mangyari yon.
"Nina..."rinig ko sa pamilyar na boses.
Si Lyn,isang waitress dito sa restau,at isa sa mga unang naging kaibigan ko dito.
Maganda at may balingkinitang katawan.Mabait at maalalahanin,ganyan ko sya ilarawan.
Umupo sya sa katapat kong upuan at maigi akong tinitigan,itinaas ko ang aking kilay dahil sa pagtataka."B-bakit?may dumi ba ako sa mukha.?"
Nag-pout lang ito at muli akong tinitigan."Hindi,iniisip ko lang,ano bang meron sayo at napaamo mo si Sir Ethan?"
Napataas ang kilay ko sa sinabi nya.Si sir?napaamo ko?
"A-anong ibig mong sabihin?"utal kong sabi.
"Hayst.Obvious naman eh,may gusto sayo si Sir Hottie."
Napairap na lang ako at ininom ang juice na nasa harap ko.Ano kayang pumasok sa isip ng babaeng ito at kailangan pa nyang idamay si Sir sa kalakohan nya.
"Totoo naman eh,deny ka pa.."dagdag uli nito.
"Tumigil ka nga Lyn,mabait naman talaga si Sir eh."
"Yes,mabait sya NGAYON...nung dumating ka."
Napabuntong hininga ako saka sinabing"hay naku,mag kape ka nga,tulog ka pa ata."biro ko.
Tumayo ako para maghanap ng pwedeng gawin dahil nabo-bored na ako at mukhang kailangan kong igalaw galaw ang katawan ko para kay baby..
Dumeretso ako sa kusina ,pero tulad nang inaasahan...Hindi gaanong nakaka stress ang eksena dito...
Naglibot-libot ako at pinanood ang mga ginagawa ng mga professional chef dito.Well,parang may maganda na akong tawag sa trabaho ko dito, Supervisor.
What ever!basta yun na yun!
Pero hindi naman ako nagpapakasarap dito ha?Tumutulong naman ako kahit minsan pinagbabawalan ako ni Sir.Baka daw kasi kung ano ang mangyari sa akin kapag nag take ako ng mas mahirap na trabaho.
"Ahm,sir.pwede ba akong tumulong dyan?"tanong ko sa isa chef na busy sa kakahiwa ng patatas.
"Hay naku Nina,kaya ko na to,mag relax ka nalang hanggang wala pang mga costumers..."
Napa simangot na lang ako.Hindi ko na pinilit ang sarili ko at baka makulitan pa sa akin tong si kuya at ako ang balatan.
"Nina!"
Napatingin ako sa tumawag sa akin.Si Lyn iyon na abot langit ang ngiti.Nagtataka ko itong tinitigan."Bakit?"Naglakad ako patungo dito.
"Sabi ko sayo eh,malakas ka kay sir-----"
Mabilis kong tinakpan ang madaldal na bunganga nito .Naku!baka kung anong sabihin ng mga katrabaho namin!
"Ang ingay mo!mamaya ma-misinterpret nila yang sasabihin mo eh."
Inis na tinanggal nito ang palad ko na nakatakip sa bibig nya."Hayst!Wala lang yun no!at isa pa halos lahat kami alam na may gusto sayo si Sir hottie.."
Pabiro akong imirap dito at tinanong kung ano ba ang kailangan nya at pilit nya pang isinisingit si Sir Ethan sa usapan.
"Pinapatawag ka ni Sir!sa office nya.!"kinikilig nitong sabi.
Napabuntong hininga ako at ngimiti sa kanya bago tunguhin ang office ni Sir Ethan.
Hindi ko na lang pinansin pa ang mga sinasabi ni Lyn.Over Acting lang yun at walang magawa kundi ang asarin ako sa boss namin.
Hindi ko naman kasi binibigyang malisya ang kabaitan ni Sir.Baka,sadyang ganoon lang sya ,di ba?
Nang makarating ako sa office ni sir ay kumatok ako at mabilis pa sa alas-quatro ako nitong pinagbuksan.Ngumuti ito sa akin at nilakihan ang pagbuka ng pinto para makadaan ako ng maayos.
"Have a seat ,nina."wika nito.
Tumango ako at pumunta sa couch dito sa upisina nya.
Napansin kong tinungo ni Sir ang telepono nya at doon may tinawagan.Hindi ko gaanong inintindi at baka importanteng business matter iyon para sa kanya.
Naging abala na lang ako sa pagkilatis ng loob ng opisina nya.Maganda ang Theme,nakaka-relax...
Ilibot mo pa ang paningin mo at makikita mo sa mga ding-ding na puno ng mga award na natanggap nya at ng restaurant nya.
Sunod na napukaw ng mata ko ay si sir.Busy ito sa kausap kaya malaya ko itong tinitigan.
Aminado akong gwapo sya,Lalo na ngayon sa suot nyang blue long sleeve.Pansin ko rin na nagpakulay sya ng kulay itim sa buhok,dati kasi may pagka-blonde sya.
Mabilis kong iniwas ang panigin ko nang mahuli ako ni sir.Ramdam ko ang pagbaba nya sa telepono kaya alam kong tapos na sya sa pakikipag usap.
Naglakad sya papunta sa couch at umupo sa tapat ko.
"Nag pa deliver ako ng lunch natin."nakangiting wika nito.
"A-h ganoon po ba."Shocks!Nauutal ako!"a-ahm,bakit nyo po ako ipinatawag?"dagdag ko.
Gumalaw ito ng bahagya at idini-quatro ang mga binti."Well,the keyword is Lunch so,I want you to have a lunch with me.."
Nagulat ako sa sinabi nya.Kaya nya ako pinatawag dahil gusto nyang mag lunch kasama ako?
"Hey?Any problem?Why are you blushing?"sabay tawa ni sir.
Shemay!Namumula ba ako?Sa sobrang pagtataka,hinawakan ko tuloy ang pisngi ko at hinimas himas ito.Ghad!nag iinit ang pisngi ko!
Okay!Suko na ako!Oo na,may crush na ako kay Sir!Eh kasi naman,ang gwapo nya,tapos ang sipag at mabait pa!
Pero,it doesn't mean na,ipagpapalit ko na si Christian ha?Mahal ko naman yun no!
"A-ah,k-kasi po---"
Natigil ako ng may marinig kaming sunod sunod na katok mula sa pinto.Agad na binuksan iyon ni Sir,at tumambad sa amin ang abot langit na ngiti ni Lyn hawak hawak ang in-ordered ni Sir Ethan para daw sa lunch namin.
Basang Basa ko ang ekspresyon ng mukha ni Lyn,hayst!yung bang kinikilig?tsk!
Kinuha ni Sir yung mga naka tray na pagkain at pinaalis na si Lyn.Pero bago pa sya tuluyang maka alis ay binigyan nya ako ng 'Oh diba sabi ko sayo eh' look.psh.
Maya-maya pa ay inilapag na ni sir ang mga pagkain sa center table....
"S-sir,?"
"Hmm?"turan nito habang inihahanda ang mga pagkain.
"Wala po ba kayong ipapagawa sa akin?"
"Meron."
"Ano po yun?"
Ngumiti ito sa akin."Eat."
At isa isa nyang nilahad sa akin ang mga sosyal na pagkain na in-order nya.Halos manlaki ang mga mata ko nang makitang mas marami ang pagkain ko kaysa sa kanya.Balak nya ako akong patabain!?
"S-sir.Ang dami..."Nahihiya kong sabi.
"Its okay.Eat now,don't be shy.."Masaya nitong turan.
"But Sir....Ang kunti nang sa inyo,bawasan nyo po yung sa akin."
"Nope,eat it all.It's good for your baby."
Nahihiya man,no choice ,choosy pa ba?Eh ang sasarap kaya ng mga pagkaing nasa harap ko ngayon!