Chapter 5

874 Words
Nina Ricamonte Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko.Natatakot ako.Natatakot ako na baka madatnan ko pa sila na masaya at masaktan na naman ako. Pero ganon na lang ang pagkapitlag ko ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang napa gwapong si Christian. Napalunok ako ng makita ko ang blangko nyang mukha.Binalot ng katahimikan ang buong paligid namin.Gusto kong umiwas ng tingin sa kanya pero ,parang napako ang mga mata ko sa gwapong mukha nito. "Tapos ka na ba sa kakatitig sa akin?tsk!"cold na sabi nito na nakapagpabalik sa wisyo ko. Iniyuko ko ang ulo ko para makaiwas ng tingin.Shock!I cant help my self!ang gwapo nya eh. Narining kong bumuntong hininga sya."Pasok,cook for me." Nabigla ako sa sinabi nya.Gusto nya ba akong magluto para sa kanya?God!totoo ba to! "Ano?!tatambay ka lang dyan!"sigaw nito kaya walang ano anong inihakbang ko ang mga paa ko... Mabilis akong tumungo sa kusina at siniyasat ang ref.Sakto at may manok at iba pang mga sangkap na kakailanganin ko sa putaheng iniisip kong lutuin! Sinigang! Pero bago ako magluto ay sinilip ko muna mula sa sala si Christian.Kinilig ako ng malamang nakaupo sya sa sofa na hinihigaan ko habang nanonood ng tv.Kilig!Mamaya lalasapin ko ang tulog ko! Napahagikhik na ako sa iniisip ko.Kinikilig ako ! Pinagpatuloy ko ang pagluluto at tiniyak kong masasarapan dito si Christian. Maya maya pa ay natapos ko nang lutuin ito.Inihanda ko ang niluto ko para sa kanya at ewan ko ba kung bakit hindi matanggal tanggal ang ngiti na to sa mukha ko.Siguro masaya lang ako dahil ito ang unang beses na nilituan ko sya kaya ibinuhos ko ang buo kong pagmamahal para ma impress sya. "C-Christian...Kain na."Tawag dito. Maya maya pa ay nasa kusina na si Christian at umupo sa isa sa mga upuan.Medyo kinabahan ako ng kumain na sya Shemay!sana masarapan sya! Nagdaan pa ang ilang saglit pero wala pa rin syang ipinapakita na reaksyon,di ko tuloy malaman kung nasasarapan ba sya o ano? Ilang saglit pa ang nakakalipas pero ni Ha ni Ho,walang lumalabas sa bibig nya.Kaya pinagmasdan ko na lang sya habang kumakain ng niluto ko sa harap ko.Ito pa lang naman ang kaya kong gawin sa ngayon. Pero habang tinititigan sya ay bigla na lang pumasok sa isip ko yung nangyari kagabi.Bumalik na naman ang sakit na naramdaman ko ... Umiikot sa isip ko yung babaeng kasama nya .Maganda at sexy,ang layo kung ikukumpara sa akin.Napailing ako. Nakaramdam ako ng ngalay kaya umupo ako sa katapat na upuan ni Christian.Medyo nalungkot ako dahil kahit tingin hindi nya ako binibigyan.Napabuga na lang ako sa hangin. Gustong gusto kong itanong kung sino ba yung kasama nya kagabi pero umuurong ang dila ko. Hay! Buti nalang at nakikiramdam tong dila ko---- "S-sino yung k-kasama mo k-k-kagabi?"Huta!TAKSIL NA MGA DILA! Bakit bigla nalang lumabas yung mga walang kwentang salita na yun sa bibig ko!Ang sama tuloy ng tingin ni Christian sa akin.Kumabog din ang puso ko ng ibagsak nya ang kutsara sa lamesa. Patay. " Anong pake mo?!"inis na sabi nito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.Gusto kong mag sorry,pero ngayon ako tuluyang iniwan ng dila ko!Uso ba iwanan ngayon! "I said,the hell you care?!"halos panggigilan into ang kubyertos na hawak hawak nya. Hindi pa rin ako makapagsalita.Bwisit!!!!! Inis itong tumayo at itinukod ang mga kamay sa lamesa habang mariin akong tinitigan. "Why?Are you jealous huh?"matigas nitong sabi. Nangilid ang mga luha ko sa emosyong pinapakita nya ngayon.Galit ba sya?Galit sya dahil sa hinala nya na,nag seselos ako?Eh paano kung sabihin kong oo?Ano ang magiging reaksyon nya? 'oo!nagseselos ako dahil mahal kita!' Napapikit ako.Gusto kong isigaw yun,pero iba ang lumabas sa bibig ko."H-hindi" Ramdam ko ang mapait na pag ngiti nya."Well,then good.By the way,she's my girlfriend."Naglakad ito patungo sa lababo at naghugas ng kamay.Pagtapos non ay tumungo ito sa harapan ko at yumuko ng bahagya dahilan para magtagpo ang mga mata namin. Para akong yelong unti unting natutunaw sa mga blangkong tingin nya.His Brown eyes,thick eyelashes,pointed nose....kissable lips...this beautiful creatures is enough to make my heart pounding so fast. This guy,is all I wanted to be with in my life forever.Pero may posibilidad bang mangyari yon? "Good.Atleast,alam ko na hindi ka nagseselos.Dahil unang una,wala kang karapatan na maramdaman yon.Maganda nang nagkakasundo tayo dito,Monique is my GORGEOUS girlfriend.She's more IMPORTANT than you. Treat her right whenever she's in MY HOUSE,understand?freak?"kalmado pero may laman nito sabi. Napatango na lang ako kahit labag sa loob ko.Eto na naman ang sakit.Ang mga luha ko,tuluyan ng bumagsak,pero pilit ko itong ikinubli sa kanya. Hanggang sa tumayo ito at umalis na sa harap ko.Ako?Eto,naiwang luhaan. Pinahid ko ang mga luha na umagos sa pisngi ko.Alam ko na,hindi ito ang huli na luluha ako nang dahil sa kanya..Maraming beses pa. Pero may pinanghahawakan ako para hindi sumuko.Ang anak ko,ang anak namin.Isa pa,mahal ko sya,to the point na handa akong mag tiis hanggang sa matutunan nya akong mahalin. Oo,may girlfriend sya.Pero mas may karapatan ako kaysa sa babaeng yun!Buntis ako,dala ko ang anak ni Christian,kaya may laban pa ako. Sa sobrang pag i-emote,hindi ko namalayan na nag-vibrate pala ang phone ko,tanda na may nagmessage sa akin.Pinahid kong muli ang mga luha ko at saka binuksan ito. From:63936671xxxxx Hey!its me,Ethan...I already know your address,so I'll pick you up tomorrow ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD