Masayang nagku-kwentuhan sila Rein kasama ang kaniyang mga kaibigan. Sabik na sabik ang mga ito dahil unang araw ng klase nila sa kolehiyo. Pinag-uusapan nila ang mga ginawa nila noong bakasyon pa lamang. Halos lahat kasi silang magkakaibigan ay pagbu-business ang kinuha nila, dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang nila.
Labing-pitong taong gulang na si Rein at hindi naman nalalayo ang edad niya sa mga kaibigan niya na sina Tracy at Desiree.
Halos lahat ng estudyante sa silid aralan ay may kaniya-kaniyang diskasyon at mundo. Natigil lamang ang mga pag-uusap nila na may pumasok na isang babae na kung titignan mo ay nasa tatlumpu't taon na ang edad, ang isa naman ay lalaki at kasing-edad lang ni Rein.
"Good morning class!" bati ng kanilang guro. Lahat naman ay nag-sipagtayuan at sabay-sabay na bumati.
"You may now be seated. Dahil first day of class natin, I want you to introduce yourself in front!" nakangiting sabi ng kanilang guro.
"But before that I want to introduce myself first. I am Miss A, your professor of marketing in this whole semester. And this man beside me will be your classmate." Nakangiting itinuro ni Miss A 'yong katabi niyang lalaki.
"Please introduce yourself young man."
"Good morning, my name is Hans Dela Vera. Nice to meet you all."
Walang ekspresyon na nagpakilala si Hans sa harap ng kaniyang mga kaklase. Na kung iyong mapapansin ay naging astig dahil sa itsura at matikas niyang pangangatawan. Halos lahat ng babae ay nakanganga at tipong kumikislap pa ang kanilang mata na nakatingin kay Hans, maliban kay Rein na sobrang pag-kunot ng kaniyang noo sa 'di malamang dahilan.
'Bakit walang reaction ang kaniyang mukha?' tanong ni Rein sa kaniyang sarili.
Nagmasid-masid si Hans sa buong silid para makahanap ng upuan hanggang sa magtama ang paningin nila Rein. Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Rein, pero ang loko ay wala pa ring reakyon. Hindi niya alam kung sinasadya niya lang bang gawin 'yon o inaasar lang talaga siya. Napahiya pa tuloy siya. Looks can be deceiving nga talaga.
Pagkakataon nga naman dahil nasa harap na lang ni Rein ang available na upuan. Maayos na umupo si Hans at walang lingon-lingon at naka-focus lang ang kaniyang paningin sa guro sa harapan. Halos lahat ay nagpakilala na, gayon din si Rein Genesis na tipong pak na pak kung magpakilala na parang kilala niya na ang lahat. Kung sabagay nasanay na siya sa atensyon na binibigay sa kaniya dahil sikat siya noong nasa sekondarya pa lamang siya.
Lunch Time.
Hindi mapaliwanag ni Rein ang nararamdaman niya at hanggang ngayon ay iniisip niya kung bakit kahit anong pagpapansin niya sa taong nasa harapan niya ay parang wala lang ito sa kaniya. Maganda naman ito at nakakakuha ng atensyon sa tuwing ngingiti ito. Pero samantalang si Hans, wala pa ring reaction.
"Rein, labas na tayo." Nabalik lamang ang kaniyang diwa nang tawagin siya ni Tracy. Tumango na lang si Rein bilang sagot.
"Tsk. May araw ka rin sa akin." Nakangising sabi nito sa sarili habang nakatingin ng masama kay Hans.
Itutuloy...