Eyes On Me
Kilala si Rein Genesis sa kanilang paaralan dahil sa pagiging maganda, matalino at maayos nitong pananamit. Dahil doon ay nakasanayan niya ng makatanggap ng atensyon galing sa mga kaklase niya at hindi na iba kung araw-araw ay batiin siya. Pero hindi niya inaasahan ang ugali na ipinakita sa kaniya ng lalaking lumipat sa kanilang paaralan.
Siya si Hans Dela Vera ang lalaking walang emosyon, tahimik at walang paki-alam sa nangyayari sa paligid niya.
Paano kaya makakayanan ni Rein ang pagiging walang paki-alam sa kaniya ni Hans?
Matitiis kaya nito ang ugali ng isang lalaki o sa bandang huli ay siya lang din ang susuko?
Paano kung sa sobrang determinado niyang makuha ang atensyon ng lalaki ay mahulog siya?
May pag-asa bang saluhin siya ng lalaki o hahayaan niya lang ito?
Alamin natin ang kwento ni Rein at kung paano niya nalagpasan ang lahat.