2nd Day of Class.
Maagang pumasok si Rein dahil may binabalak siya para kay Hans. Hindi niya nagustuhan ang pagiging walang reakyon at pang-isnob nito sa kaniya simula pa kahapon. Siya lamang ang gumagawa nito sa kaniya kaya sobra siyang nainis. Natamaan ang kaniyang ego and she wants to get even.
Nagsimula ng magsidatingan ang mga kaklase niya at pati na rin ang mga kaibigan niya. Pero wala siyang pinansin, maski isa sa kanila. Iniisip niya ang kaniyang binabalak mamaya kay Hans. Sobrang ingay sa buong silid dahil lahat ay may kaniya-kaniyang pag-uusap.
Napatingin siya sa kaniyang relo. Ilang minuto at magsisimula na ang klase at wala pa rin si Hans. Sobra na siyang naiinip. Tatawagin niya na sana sila Tracy at Desiree nang may makita siyang lalaki sa pinto.
At last! Nandiyan na rin siya.
Pero nagulat si Rein na nakangiti ito sa gawi niya. Ngingiti na sana ito nang mapagtanto niya na hindi pala siya ang nginingitian nito. Lumingon ito sa likod at nakita niya si Tracy na nakangiti rito. For the second time. Napahiya na naman siya. Mas lalong nag-init ang ulo niya.
Nang uupo na si Hans sa kaniyang upuan ay mabilis at ubod na lakas na hinila ni Rein ang silyang uupuan nito.
3 points. Shoot na shoot.
"Hahaha!" Tawanan ng lahat sa pangunguna ni Rein.
Ang lakas ng pagkakabagsak nito. Mabilis na inayos ni Hans ang kaniyang upuan at masamang tumingin kay Rein, pero tinaasan niya lamang ito ng kilay habang tumatawa. Sa puntong ito ay maingat nang umupo si Hans sa kaniyang silya.
3rd day of class.
Maagang na namang pumasok si Rein at gusto niya na namang pag-tripan si Hans, hindi niya alam kung bakit ba siya sobrang affected sa pang-isnob sa kaniya. Siguro ito pa lang 'yong unang beses na gawin sa kaniya ito. Kaso nagulat siya na may tao na pa lang nauna rito. Si Hans.
"Nandito na pala ang lampa naming kaklase," pang-aasar ni Rein.
Sa halip na patulan ni Hans ay pinasadahan niya lang ito ng tingin at nagsalpak ng earphone sa kaniyang tenga. Ayaw niya ng gulo kaya kung kaya niya ay siya na lang ang lumalayo at isa pa babae rin 'yon. Babaeng malakas ang topak.
Mas lalong umusok ang ilong ni Rein dahil sa pang-isnob na naman sa kaniya. Nang makaupo siya sa kaniyang upuan ay pasimple niyang sinipa ang silya ni Hans, pero hindi niya napansin na napalakas pala ang sipa nito sa kaniya.
Nag-aapoy na tingin ang pinukol sa kaniya ni Hans.
"What?"
"Nagpapansin ka ba?" inis na sabi ni Hans.
"What? Ang gwapo mo naman."
"Exactly! Ang gwapo ko nga. So, bakit ka nga nagpapapansin?"
"Taas ng bilib sa sarili. Hindi ko ma-reach! Hindi ako nagpapansin, okay?"
"Ano lang? Nagpapaganda?"
"W-What?!" sigaw ni Rein. Tumawa ng malakas si Hans at binalik na lang ang kaniyang ginagawa sa pakikinig ng musika.
Itutuloy...