BANDANG hapon nang magpasyang umalis na kami ni Mama sa bahay nila ninang Denise, hapon na rin at baka mahirapan kaming sumakay.
“Sa susunod na lamang muli, Denise, ha?” paalam mama kay ninang Denise.
“Oh siya, mag-iingat kayo sa pag-uwi niyo. Gusto ko kayong ipahatid kay Desmond...”
Hindi natapos ang sasabihin ni ninang Denise nang magsalita si Mama. “Ay, naku, huwag na! At, baka pagod sa byahe si Mond! Sige na, alis na kami! Salamat sa mga cake na binigay mo! Hetong si Aurelia lamang ang kakain nito!” saad ni Mama at binuking pa niya ako.
"Wala iyon! Ingat kayo sa pag-uwi, ha?!" pa habol ni ninang Denise sa amin at kumaway na kami sa kanya.
Lumakad na kami palabas sa subdivision nila ninang Denise pero ang sermon ni Mama ay nag-uumpisa na agad. Hindi ba p'wedeng sa bahay na niya akong sermunan? Baka marinig pa kami ng ibang tao rito.
Si Mama talaga nakakahiya!
“Ikaw talagang bata ka! Anong gurang na ermitanyo ang pinagsasabi mo kay Mond!” madiin niyang sabi sa akin at kinurot pa niya ako sa braso.
"Aww, Mama naman! Totoo naman po ang sinasabi ko, ha? Tignan mo po mukha niya kanina, mukhang Gurang na Ermitanyo po talaga!" saad ko sa kanya.
Muntik na ako mapasubsob nang batukan ako ni Mama. "Aray, Mama naman! Grabe mamatok, ha? Anak niyo po ko, ha? Pinapaalala ko lang baka kasi nakakalimutan niyo," sabi ko sa kanya.
"Huwag kang ganyan, Aurelia. Mas matanda sa iyo si Mond! Ikaw talagang bata ka!" Pagsusungit niya sa akin.
Napanguso akong tumingin sa kanya. "Mama, hindi naman valid niyon para maging gano'n ang face, right? And, siya itong unang nagsungit sa akin, 'di ba? Gumanti lang talaga ako, e, hindi ko na kasalanan talaga kung siya ang unang nainis sa sinabi ko," sabi ko sa kanya.
"Hindi pa rin tama ang sinabi mo, Aurelia! Nakakahiya tuloy sa ninang Denise mo! Tandaan mo, mas matanda sa iyo iyong si Mond, ha? Tara na nga, may nakita na akong bus na paparating na! Isusumbong kita sa Papa mo mamaya!" pahabol na sabi sa akin ni Mama at napailing na lamang ako sa kanya.
May dumating ng bus at sumakay na kami roon nang huminto iyon sa tapat namin. Umupo sa kami pandalawang tao at pinuntahan agad kami ng konduktor para singilin agad sa bayad, nagbayad na rin naman agad si Mama.
Wala pang isang oras nang makauwi na rin kami sa amin. Dumaan na muna kami ni Mama sa grocery store namin na nandito. Nadatnan pa rin namin si ate Charlotte na nakabantay roon sa grocery store namin.
"Charlotte, dumating na ba iyong case ng softdrinks?" tanong agad ni Mama sa pinsan ko.
Lumabas siya sa cashier area. "Dumating na po kani-kanina lang, tita Janice! Iyon nga lang po ay kulang ang case ng 2L ng softdrinks, imbis na 4 cases po ang ihatid ay tatlong lang po at iyong softdrinks in can naman po, tita Janice, kulang din po ng isa. Sabi naman po nila ay babalik po sila bukas para ibigay po ang kulang," mahabang sabi ni ate Charlotte kay Mama.
Nakamasid lamang ako rito, gusto ko ng umalis at humiga sa kama ko. Gusto ko na rin mag-ayos ng gamit ko para sa outing naming magkakaibigan sa Nasugbu, Batangas.
May nakita akong resibo na binigay ni ate Charlotte kay Mama. Mukhang resibo iyon sa mga softdrinks na dinilever kanina.
Kaya hinayaan ko muna sila roon at naglibot sa grocery store namin. Gusto ko ng kutkutin! Kaya nang makita ko ang isang chichirya na shrimp flavor ay kinuha ko iyon at sunod kong kinuha ay itong softdrinks na orange flavor, naka-in can ito.
"Ma, mauna na ako sa iyong umuwi, ha? Mag-iimpake pa po ako ng damit ko para sa outing namin! And, kumuha po ako nito!" sabi ko kay Mama at tinaas ko ang aking kinuha.
"Oh siya! Umuwi ka na, ha? Magsaing ka na rin muna bago ka magkulong sa k'warto mo! Uuwi rin ako mamaya at titignan ko lang iyong inventory ng store natin!" sabi ni Mama sa akin. "Heto susi! Umuwi ka na!" dagdag na sabi niya sa akin at kinuha ko iyon.
Napanguso ako sa kanyang sinabi. "Okay po, Mama! Oh siya, alis na po ako!" sabi ko sa kanya at lumakad na ako palayo sa grocery store namin.
Mabilis ang naging lakad ko para makarating din agad ako sa bahay namin. Sumasakit na ang paa ko kalalakad namin ni Mama. Nang makarating na ako sa bahay namin ay binuksan ko lahat ng ilaw rito sa sala namin. Nilapag ko muna ang kinuha kong pagkain sa dining table namin ang softdrinks naman ay pinasok ko muna sa freezer para lumamig pa lalo.
Ginawa ko ang utos ni Mama sa akin na magsaing ako. Baka lalo kasi akong sabunin ni Mama dahil sa ginawa ko kanina sa Gurang na Ermitanyo na iyon!
Hindi ba p'wedeng nagsasabi lamang ako ng totoo, 'di ba? Hindi ba siya tumitingin sa salamin para makita man lang niya ang kanyang sarili.
Gano'n ba type ng mga tao sa ibang bansa? Ermitanyo na type?
Napangiwi na lamang ako sa iniisip ko ngayon. At, I-on ko na itong rice cooker namin. Nang matapos na ako ay umakyat na muna ako sa k'warto at nagpahinga muna. Sumakit talaga ang mga paa ko at nanghina ako dahil sa sagutan namin ng Gurang na Ermitanyo na iyon!
Kagigil talaga!
Nagising ako bandang alas-singko ng hapon. Tumayo na ako sa kama ko at pakiramdam ko ay full charge na ako ngayon. P'wede na ulit akong makipagbardagulan at makipag-away roon sa anak nina ninang Denise and ninong Alejandro, na si Desmond!
Pumasok na ako sa bathroom ko at umihi, kanina pa puputok ang pantog ko. Pagkatapos kong umihi at naghugas ako at nagmumog. Nang maayos na ako ay lumabas na rin ako sa k'warto ko, nakakaramdam na ako ng gutom!
Pagkababa ko ay nakita ko agad si Papa, napangiti ako nang dahil doon. "Pa, nakauwi na po pala kayo! Napaaga po kayo ng uwi ngayon, ha?" malakas na sabi ko sa kanya at lumapit sa kanya.
Napatingin siya sa akin. "Maagang umuwi ang ninong Alejandro mo, Aurelia. Nalaman niyang nasa bahay ni Desmond ngayon kaya kinansel niya ang ibang meeting niya," saad ni Papa sa akin, kaya napatango ako sa kanya.
"Gano'n po ba, pa?" saad ko sa kanya at tumabi ako sa kanya.
"By the way, Aurelia, nalaman ko sa Mama mo na nagkita na kayo ni Desmond. Nagkita raw kayo sa bahay nila Alejandro at pinagsalitaan mo raw ng hindi maganda?"
Napalihis ako kay Papa at napatingin sa pinapanood niyang basketball. "Anak? Always kong sinasabi na maging magulang sa nakakatanda sa iyo," madiin na sabi ni Papa sa akin.
Naikagat ko ang aking ibabang labi dahil sa sinabi niyang iyon. "Eh, papa, siya naman ang nauna! Lumaban lang po ako and hindi ko naman kasalanan na asar-talo siya!" malakas na sabi ko sa kanya. "And, hindi lamang iyon, Papa, sinabi pa naman niyang hindi niya need ng secretary! Haller, Papa, kung hindi lang para kina ninang Denise and ninong Alejandro ay hindi ko tatanggapin iyon! Kaya pasalamat pa siya sa akin at tinanggap kong maging secretary niya!" mahaba at naiinis na sabi ko kay Papa.
May naamoy akong mabango, napatingin ako sa may bandang kusina, nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Mama na palapit sa amin. Jusko, mukhang manggagatong pa si Mama sa usapan namin ngayon ni Papa!
"Naku, Alfred, pagalitan mo iyang anak mong 'yan! Ang tabil ng dila kanina! Talagang nakipagsagutan siya kay Mond kanina! Mabuti na lamang ay pinabayaan lang siya ni Denise!" sabi ni Mama kay Papa.
Napatingin ako kay Mama at nakita kong may hawak pa siyang sandok. Sinasabi ko na nga ba manggagatong pa siya sa usapan naming dalawa.
“Jusko, alam mo ba ang sinabi niya kay Mond kanina? Gurang na Ermitanyo, Alfred!” Hysterical na sabi ni Mama.
Napasandal na lamang ako sa sofa nang dahil sa sinabi ni Mama.
"Eh totoo naman ang sinabi ko, Papa! Mukha siyang Ermitanyo na gurang! Kapag nakita mo siya Papa, paniguradong maniniwala ka sa sinabi ko! Sobrang haba ng hair niya hanggang dito sa kanyang balikat o lagpas pa nga po and iyong face niya may balbas din, may kahabaan din iyon!" sabi ko Papa.
Nakatingin lang sa akin si Papa nang dahil sa sinabi ko. "See? Tignan mo ang sinabi ng anak mo, Alfred! Galing na sa bibig niya iyon, ha? Gurang na Ermitanyo!"
Ayan na naman si Mama nag-hi-hysterical! Mukhang anak pa niya iyong Gurang na iyon kaysa sa akin.
Hinawakan na lang ni Papa ang aking buhok at ginulo iyon. “Kahit na, Aurelia, kung ano man ang itsura niya ay dapat igalang mo pa rin. Malay mo roon siya komportable kaya gano'n ang buhok niya. Mabait iyong si Desmond kapag nakilala mo pa nang lubusan,
ʼnak!" saad ni Papa sa akin.
Napanguso na lamang ako sa kanya at dahan-dahan na tumango sa sinabi niya. “Okay po, Papa! Gagawin ko po ang makakaya ko bilang secretary niya pero once na may gawin siyang masama sa akin, hindi ko siya uurungan! Samonte kaya ako!" saad ko kay Papa at mahina siyang tumawa.
“Oo naman, Aurelia. Kapag may hindi magandang ginawa siya sa iyo ay awayin at gantihan mo, okay? Iyon din ang sinabi ng ninong Alejandro mo sa akin,” natatawang sabi ni Papa sa akin. “Oh, by the way, kailangan ka mag-uumpisa bilang secretary niya?" tanong ni Papa sa akin.
“Sa Monday po, Papa! Alam niyo naman pong may outing kaming magkakaibigan this week kaya sa Monday na po ako magsisimula!” sabi ko sa kanya.
“Oo nga pala, Alfred, Entertainment Company ang business ni Mond, right? Iyon ba iyong mga artista?” tanong ni Mama.
Nandito pa pala siya, akala ko bumalik na ulit sa kusina.
Tumingin ako kay Papa at tumango siya sa akin. “Oo, nagha-handle sila ng mga artista, o, performers. Sila ang nagbi-build ng mga tao na pwede maging artista,” sagot ni Papa sa sinabi ni Mama.
“So, may sikat na bang artista ang nasa company ni Mond?” tanong ni Mama at napailing ako sa kanya.
Mukhang impossibleng may sikat na agad na artista roon sa company niya. Alam kong wala pang isang taon ang business niyang ito. Kaya mga siya ang naka-assign sa business nila sa Dubai, 'di ba?
Nakita ko ang pagkibit-balikat ni Papa sa amin. “Hindi ko pa alam, Janice. Malalaman natin iyan once na mag-umpisa na si Aurelia bilang secretary ni Desmond,” saad ni Papa kaya napatingin sila sa akin.
Napangiti na lamang ako sa kanila. “Sasabihin ko po sa inyo kapag may artista akong nakita roon!” saad ko sa kanilang dalawa at tumango sa akin.
“Oo nga pala, d'yan na muna kayo, ha? Iyong niluluto kong adobong baboy na may sitaw baka malambot na ang baboy!” sabi ni Mama at dali-daling umalis para puntahan ang niluluto niya.
Nagulat ako nang tapikin ako ni Papa. “Mag-iingat ka sa work mo, 'nak! Secretary ka ni Desmond at sinabi ni Alejandro sa akin na habulin ng mga babae at binabae si Desmond, kaya ingatan mo ang sarili mo at baka ikaw ang pag-intrisan ng mga babaeng humahabol sa kanya and huwag kang mai-in-love kay Desmond, Aurelia!” seryosong sabi ni Papa sa akin, kaya napatango na lamang ako sa kanya.
Napalunok ako sa kanyang sinabi dahil kapag ganitong nagsasalita si Papa ay seryoso siya sa kanyang sinabi. Ngumiti ako sa kanya. “Oo naman po, Papa! Hindi po ako mahuhulog sa kanya. Hindi po gano'n ang type ko sa isang lalaki!” nakangiting sabi ko sa kanya at napatingin kaming pareho sa television namin.
Bigla tuloy akong natakot sa sinabi ni Papa. Need kong mag-ingat sa mga humahabol sa kanya? So, dapat siya na lang nag-artista, ano? Pang-market na pala ang mukha baka lalong mag-boom ang Entertainment Company niya kapag gano'n.