CHAPTER 6

2155 Words
NGAYON ang araw kung kailan ang outing naming magkakaibigan. Ngayon week sana ang umpisa ng work ko bilang secretary ng anak nila ninang and ninong, mabuti na lamang ay pumayag silang i-urong muna. "Aurelia! Anong oras ba pupunta sina Trinity, Hazel and Yorich, ha? Alas-nuwebe na'ng umaga!" Narinig ko ang malakas na boses ni Mama na nanggagaling sa labas. Si Mama naman akala mo eight hours ang byahe from Manila to Batangas, eh, almost fours hours lang naman. Tumayo ako at binuksan ang aking pinto. "Mama, mamayang tanghali pa po! Hapon pa po kasi ang check-in namin sa hotel ng Crayon Resort po!" sagot ko sa kanya habang blino-blower ko na itong buhok. Napasilip pa ako at nakita ko siyang nakatayo roon sa dulo ng hagdan namin. "Gano'n ba? Akala ko maaga kayo aalis dahil ang aga mong binaba itong mini maleta and duffle bag mo!" sigaw niya sa akin at nakatingin na rin siya rito. Binaba ko naman ang blower at pinatay iyon. "Baka po kasi may makalimutan ako, kaya binaba ko na po!" sagot ko ulit sa kanya at nagpatuloy muli sa pag-blower ng aking buhok. "Oh siya, pagkatapos mong mag-asikaso d'yan sa k'warto mo ay bumaba ka na agad! Kumain ka muna ng breakfast mo!" sigaw niya ulit sa akin at napatango na lamang ako kahit hindi niya ako nakikita ngayon. Tinapos ko na rin itong pagpapatuyo ko sa buhok baka kasi bugahan na ako ng apoy ni Mama, kapag hindi pa ako bumaba ngayon. Hinawakan ko ang buhok ko at nang makitang tuyo na ito ay tinanggal ko na rin sa saksakan ang blower at binalik sa vanity mirror ko. Hindi niyo kinaya, may vanity mirror ako bili ito ni ninang Denise sa akin. Gusto niya kasi magkaroon ng anak na babae kaya ako na lamang ang ginawa niyang anak na babae. Kahit gustong magkaroon ng anak ni ninang Denise na babae ay hindi na p'wede dahil ilang beses na raw siyang nakunan sabi nila Mama sa akin. Kung tatanungin niyo naman kung bakit only child lang din ako, aba malay ko! Gusto ko ngang magkaroon ng kapatid, e. Pero, sila Mama ang ayaw! Naalala ko pa noon na humiling ako sa seven birthday ko na magkaroon ng baby brother or baby sister, pero hindi pinakinggan. Gusto lang daw nilang dalawa na ako lang ang anak nila. Kaya heto nag-iisa ngayon pero okay na rin kasi ang dami kong pinsan sa side nina Mama at Papa — isa na nga roon si ate Charlotte! Bago ako bumaba ay nilabas ko muna ang maong shorts and loose white shirt ko, na siyang susuotin ko mamaya pag-umalis na kami. Halos shorts and dalawang hanging crop top and tatlong Hawaiian printed polo shirt ang dala ko and itong pangmalakasan naming OOTD sa second day namin doon, ang Terno pants padded swimsuit, color candy ang pinili naming apat, which is pink, purple, yellow and blue — akin iyong purple. Marami akong dala pero mas okay na iyon kaysa magkulang ako kaya maging ang aking underwear ay dinamahin ko, goods for six days! Bumaba na rin ako at sa pagkababa ko ay naamoy ko agad ang aroma ng tocino! Mabilis akong lumakad at pumunta sa kusina, nakita ko roon ang pagkain na hinanda ni Mama sa breakfast namin. "Nand'yan ka na pala! Kumain ka na, Aurelia! By the way, gagawa ako ng sandwich niyo habang nasa byahe kayo, ha?" saad ni Mama sa akin nang makita niya ako. Ngumiting tumango ako sa kanya. "Salamat po agad, Mama!" sabi ko sa kanya at sumandok na ako. Naging mabilis din ang aking pagkain at ako na rin ang naghugas ng pinagkainan ko. Abala pa rin kasi si Mama sa ginagawa niya ngayon, ang sandwich na babaunin namin mamaya. "Ma, tinakpan ko na po iyong tirang ulam sa lamesa and hinugasan ko na rin ang hugasin sa lababo," sabi ko sa kanya at kinalabit. "Thank you, 'nak! Doon ka na muna sa sala at gagawin ko pa itong sandwich niyo!" sabi niya sa akin at tumango ako. "P'wede ko kayong tulungan, Ma—" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng tignan niya ako nang masama. "Sabi ko nga sa sala na lang ako tatambay hanggang magtanghali na!" nakanguso kong sabi sa kanya at lumabas na sa kusina. Si Mama talaga, simula nu'ng nabanlian ako ng mainit na tubig ay ayaw na niya akong pagtulungin sa kusina. Hindi naman namin kasalanan iyon, tanga nu'ng mainit na tubig bakit kasi niya ako natalsikan! Mabuti na lamang ay sa paa ako nabanlian pero hindi naman nag-iwan nang perklat kasi nabigyan agad ako ng paunang lunas nu'n and naiwas din agad ako ni Mama. Nasa twelve years old na siguro ko nu'n at tuturuan na sana ako nila Mama na magluto, pero after nu'n ay never na nila ako pinag-i-stay sa kusina. Except kapag magsasaing lamang and rice cooker ang gagamitin ko dapat. Napaupo na lamang ako rito sa sofa namin at nagpatutog na lamang ng OPM songs. Tinatamad kasi akong manood. Napahiga na lamang ako rito sa sofa habang tumitingin sa facetagram account ko, kaka-check ko lang din ng message kanina sa groupchat naming apat nina Trinity, Yorich and Hazel and puro sila yabangan kung ano ang mga dala nilang damit. Aurelia: Hello, tama na ang yabangan, girls! Sana nakapag-ayos na kayo, ano? Alas-diyes na'ng umaga. Special mention kay Yorich, sana okay na ang kotse mo! Iyon lang naman ang chinat ko at silang tatlo ay nag-thumbs up sa chinat kong iyon. Napatigil ang pag-i-scroll ko nang marinig ang sunod na kanta. Heto iyong sikat na kanta ngayong taon. "Putang ina!" malakas na sabay ko sa lyrics ng kantang iyon. "Tayo'y lum—" Hindi ko na tuloy ang aking pagkanta nang makita ko si Mama na galit ang mukha. "Anong kanta iyon, Aurelia! Bakit may murang kasama! Palitan mo nga iyan!" malakas at mabilis niyang sabi at napunta na naman sa lyrics ng may mura ulit. "Sabi kong palitan mo iyong kanta!" ulit niyang sabi sa akin kaya pinalitan ko na lamang iyon. "Mama, kasama iyon sa kanta! Ang ganda kaya ng meaning nu'ng song!" sabi ko sa kanya. "Alam kong maganda iyang song, sa grocery store natin iyan din ang pinapatugtog ni Charlotte pero iyong mura huwag mong sasabayan! Demonyo kang bata ka!" sabi ni Mama sa akin, na siyang gulat kong tingin sa kanya. Na-demonyo pa nga niya ang anak niya! Grabe. Napapailing na lang ako kay Mama. Nang makita kong malapit na mag-alas onse ay umakyat na muli ako sa k'warto ko at nagpalit na ako ng damit ko, maong shorts and loose white shirt. Naglagay lamang ako ng liptint and powder ko sa face ko and sinuot ko na rin ang shoulder bag ko na gawa sa abaca, bigay ito ni ninang Denise sa akin. Nilagay ko sa shoulder bag ko ang aking phone, wallet, shawl, power bank and makeup kits ko. Nang makitang maayos na ako ay bumaba na rin ako sa k'warto ko. Inayos ko na ang aking gamit, tinabi ko na ang maleta ko sa may gilid ng pinto at maging ang aking duffle bag, may laman kasi iyon na tsinelas and sandals ko na gagamitin ko sa beach resort. Pinakain na muna ko ni Mama ng tanghaling niluto niya, pritong tilapia. Marami akong nakain at eksaktong pagkatapos kong kumain ay dumating sila Yorich, ako ang last na pinuntahan nila. "Aurelia, nandito na sila Yorich!" sigaw ni Mama sa akin. Kumuha kasi ako ng candy para pambaon ko sa byahe. Pagkalabas ko ay nakita ko si Mama na nilagay na niya ang maleta ko sa likod ng kotse ni Yorich, ang dala niyang kotse ay ang SUV na bagong regalo sa kanya ng dad niya. "Heto, baon niyo habang bumabyahe kayong apat. Chicken sandwich iyan," saad ni Mama sa tatlo. "Thank you po, tita Janice!" malakas na sabi ni Hazel, siya talaga itong always pabida kay Mama. Pumasok na rin ako sa backseat kung saan katabi ko si Hazel. "Sige na po, bye na po! Pakisabi na lang po kay Papa na umalis na po kami!" saad ko sa kanya. "Oh siya, mag-iingat kayo, ha? Magtext ka sa akin, Aurelia, kapag nandoon na kayo sa Crayon Resort, okay?" bilin ni Mama sa akin at tumango ako sa kanya. "Okay po, Ma! Bye na po!" saad ko sa kanya at tinaas ko na ang bintana rito sa backseat. "So, tara na at pumunta na tayo sa beach resort at magsaya roon ng tatlong araw!" malakas na sabi ni Hazel at umadar na nga ang kotse. Hindi pa naman kami nakakalayo ay bigla nang nagtanong itong si Hazel sa akin. “Girl, gwapo raw ang anak ng ninang and ninong mo?” Napailing na lamang ako nang marinig ko ang boses ni Hazel. “Anong gwapong pinagsasabi mo? Mukha siyang Ermitanyo, uy!” sabi ko sa kanya, sabay iling ko sa kanya. "Ermitanyo?" gulat na sabi ni Trinity sa akin. Tumango ako sa kanya. "Super! Ang haba ng buhok niya and maging ang balbas niya ay mahaba rin! Para talaga siyang Ermitanyo sa itsura niya!" sabi ko sa kanilang tatlo. Nakita ko ang pagningning ng mga mata ni Hazel nang sabihin ko iyon. "Ermitanyo pero na-describe mo siya nang maayos, Aurelia! So, tinitigan mo rin siya nang mabuti nu'ng first meet niyong dalawa?" nakakalokong sabi ni Hazel sa akin. Napanganga ako sa kanyang sinabi at sabay iling. "Bahala ka, Hazel! Pero, for me ayoko ng gano'ng lalaki!" suko kong sabi sa kanya. Ayokong makipagtalo sa kanila ngayon dahil maha-highblood na naman ako. Lagi talaga ako nabu-bwisit kapag pinag-uusapan ang Gurang na Ermitanyo na iyon! Nakita ko ang pagngisi niya sa akin at nag-usap silang dalawa ni Trinity, hay bahala silang mag-daydream sa Gurang na iyon! Naiirita pa rin talaga ako hanggang ngayon sa lalaking iyon! Dahil sa kanya pinagalitan ako nina Mama at Papa. Nakakailang oras na kami sa byahe pero hindi pa rin sila tapos magk'wentuhan about sa Gurang na Ermitanyo na iyon! Napasandal na lamang ako rito sa backseat habang ang tatlo ay nag-uusap pa rin. "Hey, stop it! Huwag niyo na nga pag-usapan iyong lalaki na iyon! Hindi gwapo iyon, uy!" saad ko sa kanilang tatlo. "Ikaw naman, Yorich, mag-focus ka sa ipagda-drive baka ma-aksidente pa tayo!" sabi ko kay Yorich at pinalo ko ang kanyang balikat. "Sabi mo kanina, Aurelia, mahaba ang buhok niya na medyo may kakulutan and may balbas din siya! Girl, sobrang hot kaya ng gano'ng guy!" sabi ni Hazel sa akin at hinawakan pa niya ang magkabilang braso at niyugyog ako. Muntik na akong mahilo dahil sa ginawa niyang iyon. "Anong hot? Nahihibang na ba kayo? Kapag nakita niyo iyon for sure matu-turn off din kayo sa kanya!" sabi ko sa kanilang tatlo. Napalingon sa amin si Trinity. "For us, Aurelia, hot ang gano'ng guy! Trust us! And, hindi weird ang ganong type, ano? Mostly, gano'ng type na ang in ngayon!" sabi niya sa akin habang nakangiti. Napapailing na lamang ako sa kanilang pinagsasabi. Basta para sa akin ay isa siyang Gurang na Ermitanyo, period! "Oo nga pala, magiging secretary ka niya, so meaning always mo siyang makikita, right?" nakangising sabi ni Hazel sa akin. Napatingin ako sa kanya at hindi ko gusto ang ngiti ng isang ito. "Ask him kung may girlfriend na ba siya?" dagdag niyang sabi sa akin. Sinasabi ko na nga ba! Kaya ayoko ang tingin ni Hazel, e. "Why? Bakit ko naman gagawin iyon? Baka akalain pa niya na may gusto ako sa kanya, ano? No way!" tutol na sabi ko sa kanila. "Hmmp, KJ!" saad ni Hazel sa akin pero pinang-ikutan ko lamang siya ng aking mga mata. "Bahala ka sa buhay mo, Hazel!" sabi ko sa kanya. "Anyway, anong company pala hawak niya, Aurelia?" tanong ni Yorich sa akin na naka-focus sa pagda-drive. "Um, Entertainment Company... Nagha-handle siya ng mga artista at mga taong gustong sumikat at makilala sa buong Pilipinas..." sagot ko sa kanila. "So, may tendency na may makita kang artista? s**t ka, Aurelia! Baka makita mo iyong crush kong artista na si Benjamin! O, p'wede rin si Ranze Monterey!" kinikilig na sabi ni Trinity sa akin. "For sure hindi, Trinity! Secretary ako ng Gurang na Ermitanyo na iyon kaya possible na ang makakasalamuha ko ay mga manager nila at hindi sila, p'wede ring mga sponsor nila, o, ibang investors!" sagot ko kay Trinity. "Kung makakakita man ako ng artista, siguro mga starlet iyon!" sagot ko sa kanya. "Ay gano'n? Pero, in case na makita mo si Benjamin o si Ranze, pa-autograph sa kanya, ha? Iyon lang gusto ko, Aurelia!" nagmamakaawang sabi niya sa akin at tumango ako sa kanya. "Sure! P'wede kong gawin iyon huwag lang ang itanong sa Gurang na iyon kung may girlfriend na siya, okay? Kasi hindi kami good terms na dalawa!" paalala kong sabi sa kanilang apat at sabay-sabay silang tumango sa akin. Mabuti na lamang ay naliwanagan sila sa sinabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD