NAKATULALA pa rin ako habang nakatingin sa lalaking kapapasok lamang. Palapit siya nang palapit sa amin ngayon at ako ay hindi maalis ang tingin sa kanya.
Sino ito?
“Mom,” baritonong sabi nu'ng lalaki kay ninang Denise.
Nanlalaki ang mga mata ko at halos mabulunan ako sa cake na kinakain ko ngayon dahil sa narinig ko.
Napatingin ako kay ninang Denise at sa lalaking kapapasok lamang. “S-siya po iyong Desmond?” nagtatakang tanong ko at tinuro iyong lalaking kapapasok lamang ngayon.
Nakita ko ang pagngiti ni ninang Denise sa akin. “Yes, Aurelia. You can see, sobrang kamukha niya ang ninong Alejandro mo,” sagot ni ninang Denise sa akin.
Kamukha siya ni ninong Alejandro? Saan banda? Bakit pakiramdam ko ay hindi lamang 9 years ang agwat naming dalawa? Sure ba silang 30 years old na ang anak nila? But pakiramdam ko ay nasa 30 plus age na siya? Then, isama mo pa iyong buhok niyang hanggang sa kanyang leeg, isama mo pa na curly ang hair niya and mayro'n din siyang balbas.
Saan ba siya nag-stay ng ilang taon?
Napangiti na lamang ako sa sinabi ni ninang Denise at hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Hindi ko kasing masabi na 'oo, kamukha siya ni ninong Alejandro.' Kasi hindi naman talaga! Kahit anong gawin ko ay hindi ko makita kung saang parte niya kamukha si ninong Alejandro!
“Did you come home early, Desmond? Do you have other things to do so you came home early?” Ninang Denise asked kay Desmond.
Teka, tawagin ko ba siyang kuya dahil mas matanda siya sa akin, ʼdi ba?
“Um, wala po akong lakad. I just want to go home early. And, mom, I don't need a secretary,” He said to ninang Denise and I saw him glance at my side.
Napanganga ako sa sinabi at napailing. Ayoko rin naman maging secretary mo, aba!
Saka hindi pa ako pumapayag sa gusto ni ninang Denise. Ngayong nakita nakita na kita at naamoy ko na ang tunay mong ugali ay hindi na ako 'oo'.
Manigas ka!
“Maybe what you get will also have a fantasy in me. I don't want to repeat what happened when I was in Dubai,” baritonong sabi niya sa amin.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagngisi niya. Ako ba pinaparinggan ng isang ito?
Over my dead body! Never akong magkakagusto sa kanya! Saka ʼdi ganyan ang type ko, ha?
Luh, asa?!
“Desmond, ʼnak, don't say that, okay? May napili na akong secretary mo and sa ayaw at sa gusto mo ay need mong magkaroon. Lalo na't nalaman kong maraming gawain ang business about sa Entertainment Company!” tutol na sabi ni ninang Denise sa anak niya.
Lumakad siya sa side ko at umupo sa isa pang pang-isahang sofa, na siyang katabi lamang ng aking kinauupuan. Bakit nga pala ganito ang design ng sala nila ninang Denise? Magkatabi iyong solong sofa at magkaharap iyon sa three seater nilang sofa.
Hindi ko tuloy makain itong cake na hawak ko.
“Mom, I'm okay! And, ilang taon na rin naman na wala akong secretary, kinaya ko naman ang lahat ng ako lamang,” saad niya.
Aba, ang yabang, ha?
Edi, ikaw na!
Kaya naman pala niya, ninang Denise, declined ko na iyang offer niyo sa akin!
Ayokong magkaroon ng mayabang na amo, ano?!
“No, Desmond! Actually, kinakausap ko na si Aurelia,” sabi ni ninang Denise sa akin at tinuro niya ako. “Nag-iisang anak ng ninang Janice and ninong Alfred mo. Kaka-graduate lamang niya sa kursong Education kaya paniguradong matutulungan ka niya and may Latin honors siya, Desmond!” pagmamayabang na sabi ni ninang Denise sa akin.
Napangiti na lamang ako sa sinabi ni ninang Denise pero bigla ring naglaho nang tumingin sa akin ang Desmond na iyon.
“Yes, Mond! Paniguradong maaasahan ang anak ko sa lahat ng bagay!” gatong ni Mama sa sinabi ko ninang Denise.
Napaiwas ako ng tingin sa Desmond na iyon. Bahala siya, kung ayaw niya edi ʼwag! Sana mapagod siya!
Kainin ko na lamang itong cake na hawak ko. Mas sasaya pa ako kapag kinain ko ito.
“Are you sure, mom and ninang Janice, about this? Baka katulad lamang siya sa ibang naging secretary ko,”
I flicked nang marinig ang boses ni Desmond dahil sa sinabi niya. “Hoy, Mister Desmond! Na-anak nina ninang Denise and ninong Alejandro! For your information, never akong magkakagusto saʼyo, ha?” malakas na sabi ko sa kanya at tinutok ko pa ang tinidor sa mukha niya. “Tandaan mo iyan! Dahil ayoko sa lalaking mayabang at nakakairitang katulad mo!” dagdag na sabi ko pa sa kanya.
Nakangisi lamang siya sa akin habang nakatingin ang kanyang mukha sa tapat ko. Ang kanyang postura ay napaka-relax pero heto ako nanggigigil sa kanya.
Aba! Hindi siya natakot sa sinabi ko, ha? Eh, itusok ko na kaya itong tinidor na hawak ko sa mukha niya, ha? Makakangisi pa kaya siya sa akin!
Itong mukhang ermitanyo na ito!
Sino ba nagkakagusto sa lalaking ito? Mga bulag ba sila? Bakit gusto nila ang ganitong lalaki na ilang linggo yata hindi naliligo dahil sa buhok niya!
“Desmond, please, trust me this one, okay? Ilang taon namin nakasama si Aurelia at sobrang bait niya,” saad ni ninang Denise sa akin. “Hindi katulad si Aurelia sa ibang babae na nakasama mo. Kaya trust me, okay? Mapagkakatiwalaan si Aurelia,” pagpapatuloy na sabi ni ninang Denise about sa akin.
Nagtaas-noo ako sa sinabi ni ninang Denise about sa akin at nakangiting tumingin sa Desmond na ito. “It's okay po, ninang Denise. Okay lang din po kung ayaw niya, siya rin naman po ang nawalan. And, baka rin po ay may motto siya sa life na 'I'm independent man!' gano'n po, ninang Denise!” saad ko kay ninang Denise pero ang tingin ko ay na kay Desmond na ʼto!
Nilapag ko muna ang platito ko na may laman pang cake sa table, humarap ako kay Desmond at ngumiti sa kanya. “For your information, Mister Desmond, na anak nina ninang Denise and ninong Alejandro. Don't worry about me, okay? Kasi kung ang pino-problema mo ay baka magkagusto ako sa iyo, nagkakamali ka! Asa ka naman kung magkakagusto ako sa iyo, uy! Katulad ng sinabi ko kanina, wala akong crush sa iyo and hindi ganyan lalaki ang type ko! Kaya in short, negative zero ang chance na magkagusto ako sa iyo. Saka, ayoko rin maging secretary mo, ayokong magkaroon ng boss na super sungit at GGSS sa sarili!” mahabang sabi ko sa kanya with matching pagturo-turo pa ng aking kanang hintuturo sa kanya.
Nakita ko ang pagkasalubong ng kanyang kilay sa ako. “What GGSS are you talking about?” tanong niya sa akin.
Ramdam kong naiirita na siya sa akin. “Gwapong-gwapo sa sarili, duh?! At, ikaw iyon! Mukha ka ngang Ermitanyo!” malakas na sabi ko sa kanya.
“Aurelia!”
Narinig ko ang suway ni Mama sa akin. Pero, hindi ko na lamang pinansin ang sinabi ni Mama. Pinuno ako nitong huklaban na Ermitanyo na ʼto!
“Ermitanyo? What is that again?” pagtatanong niya ulit sa akin. Kita ko na ang inis sa mga mata niya.
Si ninang Denise naman ay pinapabayaan lamang ako sa aking ginagawa. See, maging mommy niya ay sawa na sa kanya.
“Aba! Edi i-search mo kung gusto mong malaman! Again and again, kung namomoblema ka na baka magkagusto ako sa iyo. Never mangyayari, ha? Kaya sa ayaw at sa gusto mo, magiging secretary mo ko, okay, gurang na ermitanyo, ha?” nakangising sabi ko sa kanya at tinapik ang kanyang balikat.
Nakita ko ang titig niya sa akin at base sa tingin niyang iyon ay gusto niya akong kainin nang buhay.
Luh, asa siya?
Nilihis ko na lamang ang tingin ko sa kanya. Kinuha ko muli ang platito ko at kumain na muli ako ng cake. Napapikit ako ng matikman ko itong cake na ʼto.
Craving sastified na ako!
“Fine! Be my secretary and in case you like me, I will immediately kick you out of my company as my secretary, even if you are still my parents' godchild,” seryosong sabi ni gurang na ermitanyo sa akin.
Ngumiting tumango ako sa kanya. “Edi goods tayo, gurang na ermitanyo!” nakangiting sabi ko sa kanya at kumain ulit ng cake.
“That's good to hear, Desmond! Paniguradong matutulungan ka talaga ni Aurelia sa work mo!” Narinig ko ang sabi ni ninang Denise.
“Pagpasensyahan mo na itong anak ko, Mond, ha? Ganyan talaga ang ugali niya. Pero, sabi nga ni Denise ay mabait and mapagkakatiwalaan itong anak ko.” Narinig ko naman ang sinabi ni Mama.
Aba! Parang walang tiwala si Mama sa akin, ha? Saka, hindi naman ganito ang magiging ugali ko kung ʼdi dahil sa gurang na ermitanyo na ito. Siya kaya nauna! Tinapos ko lang iyong inumpisahan niya!
Ako pa mababaliktad nito!
“I know that, mom and tita Janice. I believe that your daughter is hardworking and trustworthy, just like uncle Alfred.”
Aba, parang naiba ang boses niya nang sina ninang Denise and mama na ang kausap niya?
Grabe ang discrimination nito, ha?
“Teka, bakit kina ninang Deni—” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang subuan ako ni Mama ng chocolate cake.
“Kumain ka lang d'yan nang marami, Aurelia!” mabilis na sabi ni Mama sa akin.
Napatingin ako sa kanya at nakita kong pinandilatan niya ako ng kanyang mga mata.
Unfair, ha?!
“Desmond, kailan mong balak mag-umpisa si Aurelia bilang secretary mo?” tanong ni ninang Denise.
Nakatingin lamang ako rito sa gurong na ermitanyo na ito, ningunguya ko kasi ang cake na nasa bibig ko.
Sobrang laki ng cake na binigay ni Mama sa akin. Muntik na akong mabulunan nang dahil doon, ha?
“This week agad po, mom!” baritonong sabi ni gurang na ermitanyo na ito.
Nag-sign ako sa kanila na 'sandali', hindi pa kasi ako makapagsalita dahil hanggang ngayon ay ningunguya ko pa rin ang cake. Kaya dinampot ko na lamang ang juice na sa coffee table at uminom para madurog ang cake sa bibig ko.
Nang mawala na iyon sa aking bibig ay pinunasan ko ang gilid ng aking bibig at nakapagsalita na.
“Sandali lamang po, ha? This week? No!” mabilis na sabi ko sa gurang na ermitanyo na ito.
Hindi ko na siya tatawagin sa name niyang Desmond! Mas bagay sa kanya ang nickname niyang gurang na ermitanyo.
“Hindi pa po ako pʼwede this week, ninang Denise! M-may outing po ako with my classmates kaya hindi po ako available. By the next week pa po ako free at makapag-umpisa bilang secretary niya!” madiin na sabi ko at tinuro si gurang na ermitanyo.
Nakita ko ang tingin ni ninang Denise sa akin. “Ganoʼn ba, Aurelia?” tanong ni ninang Denise at tumango ako sa kanya.
Nakita ko ang pagpunta ng tingin ni ninang Denise sa anak niya. “How about next week, Desmond? May lakad na pala si Aurelia this week,” suggestion na sabi ni ninang sa anak niyang gurang na ermitanyo.
Nakita ko ang pagtingin niya sa akin pero hindi ko siya inatrasan. “Sure, by next week dapat nasa office na kita!” madiin niyang sabi sa akin.
Ngumiting tumango ako sa kanya. “Sure po, boss kong gurang na ermitanyo!” nakangiting sabi ko sa kanya.
Nagkatitigan lamang kaming dalawa at gano'n na lamang ang gulat ko nang tumayo na siya at lumakad papunta sa hagdan nila rito.
Asar-talo! Buti nga sa iyo!
“Aurelia! Bad iyon, mas matanda si Mond sa iyo!” saway ni Mama sa akin.
Napanguso ako sa kanyang sinabi. “Siya naman po ang nauna, Mama! Gumanti lang ako. Hindi ba siya naniniwala sa kakayahan ko? Bilang Samonte? Si ninong Alejandro nga sobrang tiwala kay Papa kaya dapat gano'n din siya sa akin. Mabuti na lamang ay tinanggap ko ang alok bilang secretary niya!” naiinis na sabi ko kay Mama at kumain na lamang ulit ng cake.
“Pabayaan mo na, Janice.” Narinig ko ang boses ni ninang Denise.
See? Hinayaan lamang ako ni ninang Denise. Siguro alam niya na gano'n talaga ang ugali ng nag-iisa nilang anak.
Let's see sa next week!
Hindi kita uurungan, gurang na ermitanyo!