NAKARATING na rin kami nang ligtas sa Nasugbu, Batangas kung saan kami mag-i-stay ng ilang araw. Hapon na'ng makarating kaming apat, mabuti na lamang ay walang nangyaring aksidente sa amin papunta rito kahit ang iingay nilang tatlo sa kotse.
Pagka-park ng kotse ni Yorich ay lumabas na rin kami, hila-hila ko ang aking maleta at ang duffle bag ko naman ay nakapatong doon. Halos lahat pala kami ay naka-maleta. Hindi kami nag-usap-usap, ha? Nakarating din kami agad sa reception area ng hotel, umupo kami roon ni Hazel at sina Yorich and Trinity ay pumunta sa receptionist para i-ask ang room na kinuha namin.
"Nagugutom na ako! Hindi ako satisfied sa binigay na sandwich ni tita Janice, gutom pa ako, Aurelia!" saad ni Hazel sa akin.
Napatingin ako sa kanya at tumingin sa labas ng hotel. "May snacks yata sa labas, Hazel. After nating mag-check in, mag-ikot-ikot agad tayo," sabi ko sa kanya.
Tinignan niya ako na parang tuta na nawawala. "Promise?" saad pa niya sa akin at tumango ako sa kanya.
Kaya naghintay kami rito kina Yorich and Trinity, nandoon pa rin kasi silang dalawa at kinakausap ang receptionist. Ang tagal naman nilang mag-usap, ibibigay lang naman iyong key card sa amin!
Hindi ba nila alam na pagod na kami at gutom na rin? Wala kasing nangyaring stop over sa amin kanina. Kaya ending gutom na gutom na kami, maging ako ay nakakaramdam na rin. Mabuti na lamang ay binauna kami ni Mama ng sandwich, kung paano ay wala edi nganga talaga kami habang bumabyahe, maging ang candies na kinuha ko ay ubos din.
Napaayos kami ng pagkakaupo ni Hazel nang makitang lumalapit na sa amin sina Yorich and Trinity.
"Tara na, Hazel and Aurelia! Nasa akin na iyong key card," saad ni Trinity sa akin at kinuha na niya ang kanyang maleta.
Kinuha na rin namin ang aming maleta at lumakad na papunta sa may elevator. "Anong mga kasama sa package natin?" tanong ko sa kanila.
"Hmm... Unli buffet for breakfast, lunch and dinner. Free access sa pool and beach, sa inflatable water park and sa mga water activities. So, hindi tayo magbabayad doon!" sabi ni Trinity sa amin.
"Guys, alam ko every Friday night ay may live band na nagaganap dito, and ginaganap iyon malapit sa beach and pool area! Punta tayo, ha? Malay natin may makita tayong gwapo, 'di ba?" saad ni Hazel sa amin.
Akala ko ba nagugutom na ang isang ito? Bakit ang nasa isip niya ay pogi pa rin?
Huminto na rin ang elevator sa 5ft floor kung nasaʼn ang aming room dito sa beach resort na ito, ang Twin Suit ang kinuha namin dahil eksaktong na sa amin itong apat. Pagkapasok namin ay bumungad sa amin ang malinis at mabangong k'warto. Sinarado ko na rin ang pinto nang makapasok kaming lahat.
"Ang ganda, ha!" saad ni Hazel at nilundagan ang isang kama.
Namili na ako ng kama ko at iyon ay malapit sa bintana. "Dito ako, ha?" saad ko sa kanila at nilagay ko roon ang aking maleta. "Ang ganda ng p'westo natin! Kita natin ang beach dito!" dagdag na sabi ko sa kanila.
"Si Trinity ang namin ng room na ito!" saad ni Yorich kaya nagpasalamat kami sa kanya.
"Oh, siya, magpapalit pa ba kayo? O, libot na agad tayo para kumain man lang?" saad niya sa amin at tumango ako sa kanya. Kaya sinukbit ko na muli ang aking shoulder bag.
Lumabas na muli kami sa room namin para tumingin kung anong p'wede namin makain. Nang makalabas ay nakita namin ang malaki at mahabang pool na mayro'n dito. May mga iilang naliligo roon at halos puro mga bata.
"Ang ganda ng lugar! Mabuti na lamang dito tayo nagpa-reserve!" saad ni Hazel at nakita ko ang pagningning ng kanyang mga mata.
Maganda nga rito pero mahal nga lang ang isang araw. Pero, masasabi kong worth it na rin if ganito naman ang lugar na makikita mo. Kada lakad mo ay may nakikita kang beach bed na p'wede kang umupo at mamahinga habang tinatanaw ang tanawin.
"May Cafe rito, guys!" malakas na sabi ni Yorich sa amin, kaya nilapitan agad namin siya.
Nakita nga namin ang tinutukoy niya, pumasok kami roon sa Cafe. Maganda ang ambiance ng store, may touch of woods and may pagka-modern din ang design sa buong Cafe.
"Anong order niyo?" tanong ko sa kanila.
Dito kami pumuwesto sa may tabi glass windows para kita namin ang view ng pool.
"Libre mo?" nakangising tanong ni Hazel sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. "Mukha ba akong mayaman, ha? Para ilibre ko kayo? Wala pa akong work at mag-i-start pa lang akong magtrabaho sa Monday, Hazel! Kaya akin na ang pera mo!" madiin na sabi ko sa kanya, na siyang pagkanguso niya.
"Heto na nga, oh!" saad niya sa akin at binigyan niya ako ng 500 pesos pero hindi ko inalis ang aking kamay sa harap niya. "Sabi ko nga 1,000 pesos ibibigay ko!" saad niyang sabi sa akin at nagbigay muli ng 500 pesos.
"Sa iyo, Yorich!" tanong ko sa isa naming kaibigan na naka-focus na naman sa phone niya. Wala siyang boyfriend pero mahilig siya sa mga online games.
"Anything sa pastry but I want cappuccino sa drinks ko, Au!" sabi niya sa akin.
Tumango ako sa kanya at kinuha ang isang buong 1,000 pesos. Pumunta na kami ni Trinity sa harap para bumili na rin. "Um, we want... One cappuccino, one macchiato, one iced blended coffee jelly with cream and caramel milkshakes po," sabi ko sa kanya at nakita ko ang pagtango-tango ng cashier sa akin. "Then, isang croissant with chocolate cream, cheesecake, chocolate muffin..." saad ko muli sa order namin at napatingin ako kay Trinity na nakatingin pa rin sa mga tinapay.
"Blueberry muffin na lang ang akin, Aurelia!" sabi niya sa akin at tumango ako sa cashier, narinig naman niya kasi.
"1,690 pesos po ang total," sabi ng cashier sa akin. Binigay ko ang 2000 pesos na perang nakuha ko sa dalawa, ibabalik ko ang sukli nila.
Naghintay na kami rito ni Trinity pero agad din kaming tumabi ng may dalawang babaeng pumasok, ang isang babae ay naka-swimsuit lamang ang suot, kitang-kita ang cleavage niya at ang isang babae naman ay naka-polo shirt pero naka-panty lamang.
"Hey, Rachelle, nasa'n na ba ang boyfriend mo? We want to see him, you know that!" matinis na boses nu'ng babaeng kita ang cleavage.
"He replied earlier and said that he is on the way! Kaya malapit na iyon, Maddie!" nakangiting sabi nu'ng babaeng naka-polo shirt.
"Miss Trinity, here's your order po!" tawag sa amin nu'ng cashier kaya nag-excuse kami sa kanila para kunin ang order namin. Nakita ko pa ang pagtingin nila sa amin pero binalewala ko lamang.
Nag-excuse lang kami dahil nakaharang sila sa counter. Paano kaya namin makukuha iyong pagkain namin kung nakaharang sila roon, 'di ba?
Mindset ba?
Ang lalaking dibdib pero walang laman ang utak ko. Buti pa ako malaki ang dibdib pero may utak!
"May sukli pa kayo sa akin! Yorich, iyong sukli mo na kay Trinity, ha?" sabi ko sa kanya at binigay ko na ang ginastos kong pagkain kay Hazel.
Kinain na rin namin ang mga inorder namin dahil gutom na nga. Ikaw pa naman walang kain habang bumabyahe talaga, jusko!
Nang maubos namin ang aming kinain ay lumabas na rin kami, niligpit na muna namin ang pinagkainan namin day CLAYGO sila rito sa Cafe shop. Lumabas na rin kami at tumingin muna ako sa paligid ng Cafe pero wala na roon iyong dalawang babae kanina.
"So, saan na tayo tatambay? Ayoko munang mag-swimming ngayon!" tanong ni Hazel sa amin.
"Sa beach muna tayo? Magpahangin lang tayo roon?" suggest na sabi ni Yorich sa amin.
Napatingin ako sa kanya. "Magyo-yosi ka lang," saad ko sa kanya.
"Hoy, hindi, ha?! Wala nga akong dalang Yosi ngayon! Alam ko naman inuubo ka kapag nagyo-yosi ako, Au!" malakas na sabi ni Yorich sa akin at pumunta pa talaga siya sa harap ko para sabihin iyon.
"Bakit defensive ka?" nakangising tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang pagkamot niya sa kanyang buhok. "Pangako, wala talaga!" saad pa niya sa akin at nakikita ko na ang pagpadyak ng kanyang mga paa.
Naiinis na ang isang ito.
"Tara na nga sa beach front na raw tayo tumambay!" sabi ko na lamang at lumakad na papunta roon.
"May bar rito, oh?" bukambibig ni Trinity at tinuro ang gilid sa dinaanan namin.
"Ayan niyong sinasabi ko sa inyo kanina! Everyday may live band na nagaganap dito! Punta tayo, ha? Sabado naman ng tanghali ang alis natin, 'di ba?" sabi ni Hazel sa amin at tumango kami sa kanya.
Nilagpasan na namin ang bar at nandito na kami sa dalampasigan, may nakita kaming mga naglalaro sa inflatable water park and may mga nagje-jetski rin. May iilang tao ang nandito at ang iba ay nagpapahangin lang din tulad namin.
Ilang oras kaming tumambay rito habang pinapanood ang ang dagat, kumokonti na nga ang mga tao nang magpasya kaming bumalik na muli sa hotel room namin.
"Nakakapagod!" saad ni Yorich sabi higa sa kanyang kama. Ako naman ay tumambay rito sa maliit naming balcony, kita rin dito ang dagat.
"Anong oras ang buffet natin, Trinity?" tanong ko sa kanila.
Mag-a-alas sais 'y trenta na kasi sa relos ko ngayon.
"Alas-siyete pa naman, Aurelia! May ilang oras pa tayo para magpahinga!" saad niya sa akin at tumango.
"Anyway, may nasipat ba kayong pogi?"
Napapailing na tumingin ako kay Hazel. Hanggang ngayon ay pogi pa rin ang hanap niya.
"Wala pa! May kano pero hindi ko bet ang gano'n!" malakas na sabi ni Trinity! "Gusto ko iyong Moreno at malaki-laki ang muscle, gano'n! Iyong kaya kang balibagin!" malakas niyang sabi muli at naghampasan na nga sila ni Hazel.
Magkasundo talaga sila pagdating sa mga ganyang usapin!
Hinayaan ko na lamang silang mag-usap at ako ay nanahimik na lamang dito. Nang mag-alas siyete na'ng gabi ay bumaba na rin kami sa buffet area. Kumain na kami at kita nga naming konti lamang ang mga guest na nandito. Nakita ko na naman ang dalawang babae kanina sa may Cafe, sa puntong ito ay may kasama na silang tatlo pa, tatlong mga lalaking kano. Halata naman sa mukha ng mga kasama nila.
Iniwas ko na lamang ang aking tingin doon at binaling ang tingin sa aking plato, tahimik akong kumain hanggang bumalik na muli kami sa aming suit twin room.
"Matutulog na ako, guys! Paalala, ha? Alas-siyete ang breakfast buffet! Good night!" malakas na sabi ko sa kanilang tatlo at natulog na.
Nauna rin kasi akong naghilamos sa kanila and hindi ko binasa ang aking buhok, kaya p'wede na akong matulog.
NAGISING ako ng wala pang alas-singko ng umaga. Naalimpungatan ako dahil nakaramdam ako ng pagkaihi. Kusot ko ang aking mga mata nang pumunta ako banyo namin, naligo na rin ako para mahimasmasan na rin ang buong pagkatao ko. Nang matapos maligo ay nagsuot na lamang ako ng shorts and hanging crop top ko, ang brassier ko naman ay isang halter top kung saan strips nu'n ay nakalagay sa leeg. Balak kasi nilang mag-water park kami buong maghapon and bukas ay iilang water activities ang gagawin namin then bar, then sa last day namin ay uuwi na kami.
Si Yorich lang naman kasi ang marunong lumangoy sa amin. Natatakot kami kahit sabihin mong may life vest jacket kaming suot.
No thanks!
Siguro sa water activities, ang ita-try lang namin ay iyong Jetski, banana boat, bandwagon, Giant volleyball and iyong Jetovator na ita-try ni Yorich. Iyong lang naman ang activities namin for tomorrow.
"Hey, wake up na guys! Mag-a-alas sais na'ng umaga!" malakas na sigaw ko sa kanilang tatlo at unang nagising ay itong si Trinity.
"Hmm! Heto na, Au! Huwag kang mamalo! Mabigat ang kamay mo!" malakas na sabi ni Yorich sa akin.
Pinapalo ko na kasi sila. Ilang minuto na akong nagsasalita pero tulog pa rin sila ni Hazel. Si Trinity naman ay naliligo na!
"Ikaw rin, Hazel! Bumangon ka na! Sayang iyong free buffet need natin ulitin para mabawi iyong ginastos natin dito! Kaya wake up!" malakas kong sabi ulit sa kanya at kiniliti ko na siya sa kanyang talampakan.
"H-heto na! Gising na ako, Aurelia! Grabe ka manggising!" malakas at naiinis na sabi ni Hazel sa akin.
"Edi good! Maligo na kayo after ni Trinity, okay?" saad ko sa kanila.
Eksaktong alas-siyete ng makarating kami sa buffet area, napahinto kami nang makitang maraming tao ngayon kaysa kagabi.
"Dumami yata ang guests," saad ni Hazel at napatango ako sa kanyan. Humanap na muna kami ng table, mabuti na lamang ay may space pa sa may gilid kaya ginawa ko ay ako na lamang ang umupo at kukuhanan na lang nila ako ng pagkain ko. Sinabi ko naman sa kanila kung ano ang gusto ko.
Sana maging maganda ang stay namin dito, ano?