KATATAPOS lamang namin mag-breakfast sa mismong hotel, lumabas na kami para maglakad-lakad at tignan ang buong lugar sa Canyon Cove. Malawak ang lugar na ito kaya paniguradong sulit ang magiging pag-stay namin dito, hindi lamang iyon dahil may swimming pool din sila and inflatable water park din dito kaya mag-e-enjoy kami p'wera pa sa magiging water activities na gagawin namin dito.
"Ang laki ng place, ano?" saad ni Hazel sa akin, katabi ko siya ngayon habang naglalakad kaming dalawa.
Humihip ang malakas na hangin na siyang pagpikit ko, wala akong dalang sunglass man lang at tanging shawl and sumbrero ko lamang ang aking dala.
"More papable to come!" bukambibig niya habang katabi ko siya ngayon.
"Manahimik ka na nga muna, Hazel! Nakakahiya ka!" saway kong sabi sa kanya.
Nakita ko ang pagnguso niya sa akin. "Hindi naman nila naririnig iyong sinasabi ko ngayon, Aurelia! Kaya ayos lang, ano? And, kilala ba nila tayo, hindi ba?" sabi niya sa akin.
Nangatwiran pa talaga siya sa akin. Bahala siya.
Naglalakad pa rin kami ngayon at patingin-tingin ako sa paligid ng buong beach resort na ito. Naglilibot na kami ngayon nang bigla akong napahinto. Napatitig ako sa isang lalaki at babae na hindi kalayuan sa amin ngayon.
Shit, bakit nandito siya ngayon, ha?
Naikagat ko ang aking ibabang labi at kinusot ang aking magkabilang mata, hindi pa rin nagbabago ang nakikita ako ngayon. Siya pa rin itong nasa harap ko ngayon!
Totoo ba ito?
Siya ba talaga itong nakikita ko?
O, baka naman kamukha lamang niya, ano?
"Desmond, sabi ng mga friends kong lalaki ay kanina ka lang dumating! Akala ko ba nakaalis ka na kahapon sa Manila?"
Napaawang ang aking labi nang makita ang babae sa Cafe kahapon. Ano nga ang name ng isang ito?
"Hey, saan tayo tatambay, Au?" tanong ni Yorich sa akin.
Hinawakan ko si Yorich. "Kahit saan basta malayo rito! Mas maganda ang pool roon sa malapit sa beach front! Kaya tara na, girls!" mabilis na sabi ko sa kanila.
"Teka, m-mas maganda ang view rito, Aure—"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Hazel nang pagdilatan ko siya ng aking mga mata. "Mas maganda doon!" madiin na sabi ko sa kanya at maging siya ay hinila ko.
Si Trinity naman ay sumunod na lamang sa aming tatlo. Pero, eksaktong pagdaan namin ay nagsalita ang lalaking iyon.
"Rachelle, I went to someone else, before I came here. And, we broke up, didn't we?"
Narinig ko ang sinabi nu'ng Gurang na Ermitanyo na iyon nang mapadaan kami sa gilid nila. Oo, siya lang naman ang nakita ko rito ngayon kaya heto ako nagtatago sa hawak kong shawl para hindi niya makita. Hindi ko alam ba't ginagawa ko ito habang hawak-hawak ang dalawa.
Nakahinga rin ako nang maluwag ng makalayo kami roon sa p'westo ng Gurang na Ermitanyo na iyon plus sa ex-girlfriend niya.
Napaupo na lamang ako rito sa beach bed at tinanggal ko na ang shawl ko sa aking buhok, maging ang sumbrero ko.
"Ang init!" ani ko sa at ginawang pamaypay ang sumbrero.
"Dumadami ang tao ngayon, ha?" saad ni Yorich at nakatingin siya sa paligid namin.
Tumango ako sa kanyang sinabi. "Ramdam ko nga, o, baka kahapon pa marami? Hindi lang natin naabutan dahil hapon na tayo dumating?" saad ko sa kanya.
"Wooh! Ang lamig ng tubig dito, Aurelia and Yorich!" sigaw ni Hazel sa amin at kumakaway pa siya.
Ano siya bata?
Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya at napalingon nang palihim sa p'westong kinatatayuan ng Gurang na iyon and ng ex-girlfriend niya. Naningkit ang aking mga mata at nakita kong nandoon pa rin silang dalawa at mukhang nag-uusap pa rin.
Iniwas ko na lamang ang aking tingin ko sa kanila at tumingin kay Hazel na naliligo na ngayon sa pool.
"Anong tinitignan mo roon, Aurelia?"
Gulat akong napatingin kay Trinity na siyang katabi ko ngayon dito sa beach bed. "Hah?" takang tanong ko sa kanya. "Wala naman, Trinity! Tinitignan ko lang iyong paligid ng resort na ito," sabi ko sa kanya.
Nakatingin pa rin siya sa akin at tumango sa sinabi ko. "Hindi ka maliligo?" tanong niya sa akin at tinuro niya ang dalawa na nagtatampisaw na sa pool.
Umiling ako sa kanya. "Mamaya na ako. After lunch tayo pupunta sa inflatable water park?" tanong ko sa kanya.
Ngumiting tumango siya sa akin. "Masyadong mainit pa ngayon and tanaw rito na sobrang daming tao roon!" sabi ni Trinity sa akin at nagulat ako nang hubarin niya ang pantabing niya sa kanyang suot.
She's sizzling hot sa suot ng two piece swimsuit na kulay maroon. Nakabalandra ang kutis niyang makinis and maputi sa buong resort ngayon.
"Witwi! Ang sexy ng Trinity natin! Who you sa mga ex-boyfriend mo!" Napapikit na lamang ako sa sinabi ni Hazel.
Sa aming apat siya ang naka-dalawang ex-boyfriend nu'ng nasa college kami. Iniwan nila si Trinity dahil sa amin. Puro raw kami ang nasa isip ni Trinity. Naging kasalanan pa namin.
"Hey, ikaw, Au, hindi ka maliligo?" malakas na tanong ni Yorich sa akin.
"Mamaya na akong hapon maliligo!" balik na sabi ko kay Yorich. "Babantayan ko na lamang ang gamit natin dito," dagdag na sabi ko sa kanila.
Napasandal ako sa beach bed habang nakatingin sa kanila. Pini-picture-an ko rin sila. Habang nakatingin sa kanila ay napalunok ako nang makita ko ang Gurang na iyon kasama ang ex-girlfriend niya na naglalakad at papunta sa may beach front. Napatingin siya sa gawi ko na siyang paglaki ng aking mga mata. Napapikit ako nang makitang ngumisi siya sa p'westo ko. Nakita ko niya ako. Nakilala niya ako.
Shit kang Gurang na Ermitanyo ka!
Sa sobrang daming beach sa Pilipinas, bakit dito pa siya napunta, ha? Nanggigigil ako ngayon! Bwisit kang Gurang na Ermitanyo ka!
Ang magandang bakasyon ko ay mukhang masisira nang dahil sa impakto na ito!
Natapos na kaming kumain ng lunch pero ang inis ko sa Gurang na iyon ay nandito pa rin. Umaapaw na nga, e!
"Aurelia! Jump!" malakas na sabi ni Hazel sa akin. Nandito na kami ngayon sa inflatable water park at ang kinaiinis ko ay nandito rin ang Gurang na iyon!
Napaka-impakto niya talaga!
"Aurelia, look at the guy, oh? Kamukha niya iyong diniscribe mong anak ng ninang and ninong mo," mahinang sabi ni Trinity sa akin at nakita ko ang pagnguso niya sa p'westo ng Gurang na Ermitanyo na iyon.
Napatawa ako sa sinabi niya. "Uy, no way! Hindi siya iyon and sinabi ko naman sa inyo na busy iyon sa Entertainment Company niya. Kaya impossible siya iyan!" natatawang sabi ko sa kanya kahit sa loob-loob ko ay bwisit na ako habang nakatingin sa p'westo nu'ng Gurang na iyon.
"Tara, Trinity, lapitan na lang natin sina Yorich and Hazel ngayon!" saad ko sa kanya at hinila siya palapit doon sa dalawa na masayang nagtatalon-talon sa trampauline ngayon.
Dahan-dahan kaming lumusot sa mga obstacle na nandito sa inflatable water park. Muntik pa nga akong mahulog mabuti na lamang ay nakahawak agad ako.
Nang makarating doon sa place ng dalawa ay tumalon-talon na rin ako sa trampauline. Hindi ko hahayaang masira ang araw ko dahil sa Gurang na iyon.
"Au, bukas anong unang gagawin natin?" tanong ni Yorich sa akin habang ako ay tumatalon-talon pa rin. Sila naman ni Trinity ay nakaupo na sa gilid.
“Um, bandwagon, jet ski, banana bot, speed boat and volleyball,” sabi ko sa kanya. “Oh, Jetovator pa pala, gusto mong i-try iyon, 'di ba?” naalala kong sabi sa kanya.
“Ako lang magta-try sa Jetovator?” tanong niya sa akin at tumango ako sa kanya.
“Excited na ako para bukas and last day na rin natin!” sabi niya sa akin at tumango na lamang ako.
Hay, gusto ko na rin umuwi dahil nandito ang Gurang na iyon. Pero, mas maiinis pala ako next week dahil first day ko na bilang secretary niya!
NAKAPILA na ako rito sa buffet area for our breakfast. Second day na namin dito at ang bilis ng takbo ng oras. Sa sobrang bilis pati presyon ko ay tumataas na rin, nakatingin lamang dito sa p'westo ko ang Gurang na Ermitanyo na iyon. Kaya heto pinipilit kong tumingin sa harapan ko at sa pagkain, pero ang gagong Gurang na Ermitanyo na iyon ay nakangising nakatingin sa p'westo namin kung saan ako nakapila.
“Huy, Au, hindi ka pa ba aalis? Dulo na ito! Gusto mo ba ng coffee?” tanong ni Yorich sa akin kaya nahimasmasan ako.
“Huh? Hindi! Alam mo naman sumasama ang sikmura ko kapag umiinom ng kape!” sabi ko sa kanya. “May iniisip lang ako kaya nandito pa ako. Anyway, una na ako sa table natin,” saad ko sa kanya at tumango siya sa akin.
Lumakad ako at ang tingin ko ay nasa harap ko lamang. Napadaan na ako rito sa table ng Gurang na iyon pero deadma lang ang binigay ko sa kanya. Nakaupo na rin ako sa table namin at hindi na ako nag-abala na hintayin sila, kumain na ako. Nagugutom na rin kasi ako.
Ilang minuto lamang din ay dumating na ang tatlo at pareho silang may dalang kape. Naaamoy ko tuloy ang aroma nu'n.
Nang matapos na rin akong kumain ay nauna akong lumabas sa kanilang tatlo. “Hintayin ko kayo sa labas, ha? Magpapahangin lang ako at magpapababa na rin ng kinain,” sabi ko sa kanila at tumango sila sa akin.
Until now kasi ay kumakain pa rin silang tatlo. Sinusulit nila ang pagkain lalo na't bukas ay uuwi na kami.
Nasa labas na ako ng lobby at napasandal dito sa gilid, nadadama ko ang hangin na tumatama sa aking balat ngayon. Alas-otso pa lang ng umaga pero sobrang tirik na agad ng araw pero bigla iyon nawala nang may humarang sa harap ko.
Napataas ang tingin ko at nakita ko ang Gurang na iyon sa aking harap. Nanlalaki ang aking mga mata nang makita siya sa aking harapan.
Napalunok ako at aalis sana sa harapan niya nang hawakan niya ang kamay ko. “Why? Anong kailangan mo sa akin?” tanong ko sa kanya.
Tinignan lamang niya ako at ningisihan. Hala, may sapak ba sa utak itong Gurang na 'to? Matanda na nga tapos may sapak sa utak.
Ayawan na!
Ningisihan niya ako at laking gulat ko nang hawakan niya ang aking kanang pulsuhan at hinila niya ako papalayo roon sa kinatatayuan ko kanina.
Ano ba ang pakay niya sa akin?
Dinala niya ako sa gilid iyong tipong walang makakakita sa aming dalawa. “Ano bang pakay mo, ha? At, bakit nandito ka, ha? Sinusundan mo ko, ano?” tanong ko sa kanya. “Gumaganti ka ba dahil sa ginawa ko nu'ng nasa bahay niyo kami, ha?” tanong ko sa kanya.
Ngumiti lamang siya sa akin pero nakakatakot na ngiti ang binigay niya sa akin. “Let's play volleyball!” seryosong sabi sa akin, na siyang pagkunot ko ng noo.
“Ano na naman nakain mong Gurang na Ermitanyo ka, ha? Volleyball, sana ayos ka lang!” naiinis na tanong ko sa kanya.
“Let's play volleyball and if you win you will get 10k from me and if we win you will refuse to be my secretary. Deal?” seryosong sabi niya sa akin.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at saka napatawa nang mahina. “Gusto mo talaga akong tanggalin bilang secretary mo, ano?” hamon na sabi ko sa kanya. “Deal! Kapag nanalo kami amin na ang 10k pesos mo and mananatili ako bilang secretary mo hanggang ako na ang mismong susuko sa iyo!” nakangising sabi ko sa kanya at nilahad ang aking kanang kamay sa kanyang harapan.
Nakipagkamay siya sa akin at tumango-tango siya sa akin. “Deal!” madiin na sabi niya sa akin at ningisihan niya ako.
“Oh siya, aalis na ako, ha? Mamayang hapon ang play natin, okay?” paalala ko sa kanya, nakita ko pa siyang ngumisi siya sa akin.
Aba, sige ngumisi ka hanggang gusto mo! Dahil mamaya ay hindi ka na makakangisi sa akin!