CHAPTER 3

1748 Words
NATAPOS na rin akong mag-asikaso ng aking sarili, nagsuot lamang ako ng short na hanggang sa gitna ng aking hita at isang plain apple green na shirt. Sa bahay lang naman ni ninang Denise kami pupunta at hindi rin ako masyadong nag-aayos talaga. Sinuot ko na rin ang aking necklace na letter 'A' ang pendant, heto ang bigay ni Mama sa akin nu'ng recognition, regalo niya. Kaya gustong-gusto ko itong isuot simula nang ibigay niya ito sa akin. Sunod kong kinuha ay itong bigay ni ninang Denise sa akin, heto iyong gift niya kahapon. Nalaman kong sling bag pala ito at kasya rito ang phone, wallet, alcohol and perfume ko. Branded ang sling bag na ito. Iyong paper bag naman ay wallet na branded din, tinabi ko muna dahil may wallet pa akong ginagamit. Nang makitang maayos na ako ay bumaba na rin ako, sa baba na lamang ako magsusuklay. Hindi ko na naman kasi mahanap iyong suklay sa k'warto ko. Baka nasa ilalim na naman iyon ng kama. Powder and lip tint lang pala ang ginagamit ko sa mukha, dahil iyong sunscreen na gamit ko ay parang may foundation na rin. Pagkababa ko ay nakita ko na si Mama roon kay nagmadali ako at pumunta sa salamin na mayro'n dito sa sala. “Mama, bakit po tayo pinapapunta ni ninang Denise sa kanila?” pagtatanong ko kay Mama habang sinusuklay ko ang aking buhok dito sa salamin namin sa living room. “Hindi ko alam, Aurelia, tumawag lamang kanina na pumunta tayo sa kanila. Ang iniisip kong dahilan ay baka magpapatulong iyon kung anong pwedeng design sa k'warto ni Mond. Alam mo na darating na ang nag-iisang anak nilang lalaki,” sagot ni Mama sa akin. Napatingin na lamang ako sa kanya at tumango. Kung iyon ang dahilan ay dapat tumingin na lamang si ninang Denise sa website para mapadali ang pag-iisip niya. Pero, mukhang impossible ang ganoʼng dahilan, ʼdi ba? Mukhang may importanteng sasabihin siya sa amin. “Kumain ka na muna, Aurelia. Nakakahiya naman kung doon ka pa makikikain sa bahay ng ninang Denise mo,” sabi ni Mama sa akin. Napatingin ako sa kanya at tumango. “Okay po,” saad ko sa kanya at binaba na ang suklay. Wala naman akong sinabing doon ako kakain, nagsuklay lang naman ako rito dahil nawawala iyong suklay ko sa k'warto. Lumakad na ako papunta sa dining namin at kumain na roon, nakita kong may lutong ham and hotdog dito, nagsinangag na rin si Mama kaya kumain na. Binilisan ko na lamang ang pagkain ko lamang ang pagkain ko para hindi na siya maghintay nang matagal pa at baka kasi hinihintay rin kami ni ninang Denise. Nakakahiya naman, ʼdi ba? Wala pang bente minuto nang matapos akong kumain. Hinugasan ko na rin iyon dahil wala naman kaming katulong sa bahay, hindi tulad nila ninang Denise na apat na katulong ang mayro'n sila. Nang matapos akong maghugas ay lumabas na rin ako sa kitchen namin at pinuntahan si Mama sa living room namin. “Sure, Denise, papunta na kami ni Aurelia! Hinihintay ko lang na matapos siyang kumain... Naku, huwag na! Nakakahiya naman! Huwag na, abala pa iyan! Oh, nandito na pala si Aurelia! Oh, siya pupunta na kami, hintayin mo na lamang kami d'yan! See you!” Iyon ang narinig ko na nanggaling sa bibig ni Mama. Si ninang Denise ang kausap niya. “Nandʼyan ka na pala. Tara na at lumakad na tayo! Tumawag ulit ang ninang Denise mo at akala ay mamayang tanghali pa tayo pupunta, pero ang sabi ko ay ngayon na. Papunta na tayo sa kanila,” sabi ni Mama sa akin at sinuot niya ang shoulder bag niya. “Oo nga pala, Aurelia, dadaan muna tayo sa grocery store natin, ha? May pipirmahan lamang ako roon, alam ko ay ngayon ang dating ng softdrinks na inorder ko kagabi para roon,” dagdag na sabi niya sa akin, tumango lamang ako sa kanya. Lumabas na kami sa bahay at sinarado ni Mama nang mabuti ang bahay namin, as in, ni-lock niya talaga. Mahirap na raw manakawan. Hindi lamang iyon maging ang power outlet namin ay pinatay niya muna baka raw kasi ay may nakalimutan akong tanggalin na saksakan at magka-cause pa ng sunog. Naglakad na lamang kami ni Mama palabas ng subdivision, nandoon kasi ang grocery store namin. Sobrang mabenta kami dahil kami lamang ang may grocery store rito kahit may mga sari-sari store sa loob ng subdivision. Iyong ibang tindahan kasi ay kulang kaya sa amin dumi-diretso. Nang makarating sa grocery store ay kinausap niya agad si ate Charlotte — ang isa sa mga tauhan namin dito sa grocery store. Pinsan ko siya at pamangkin ni Mama. Ako naman ay pumunta sa inverter refrigerator na mayro'n dito, iyon ang ginagamit na refrigerator para ilagay ang mga beverage. Binuksan ko iyon at kumuha ng iced tea na nasa bottled, iyon ang iinumin ko sa byahe kapag mauhaw. May isang oras kasi ang byahe kapag traffic. Lumakad na rin ako sa counter at binayaran ang kinuha kong inumin. Kahit anak ako ng mayro'n ay nagbabayad pa rin ako. Business is a business, ikaw nga nila. Walang libre, ano? “Charlotte, nasa iyo na ang pera para sa softdrinks, ha? Babalik din ako mamayang hapon! I-text mo rin ako kapag may need order-in, ha? Lalo na iyong diaper sa mga baby,” bilin ni Mama kay ate Charlotte. Tumango siya kay Mama. “Okay po, tita Janice! Magte-text na lamang po ako! Ingat po kayo!” saad niya sa amin at tumango kami sa kanya. Lumakad na rin kami paalis sa grocery store namin. Lumakad kami at sumakay ng traysikel papunta sa sakayan ng mga jeep, kung saan dadaan sa village kung saan nakatira sila ninang Denise. Nakarating na rin kami sa Village kung saan nakatira sila ninang Denise. Pinapasok na rin kami agad dahil kilala na kami rito, labas-masok ba naman kami rito sa village nila kaya kilala na kami ng mga guard. Naglalakad na kami papunta sa street kung nasaʼn ang bahay nila ninang Denise, mabuti na lamang ay may dalang payong si Mama ngayon, sobrang init na kahit alas-diyes pa lamang ng umaga. Napalingon-lingon ako sa paligid, sobrang tahimik ngayon at walang kang maririnig na maingay, o, mga nakatambay man lang. Lumiko kami kami sa isang street at ilang lakad lamang ang ginawa namin nang makarating na rin kami sa tapat ng bahay nila ninang Denise, este mansion na yata ito dahil sa sobrang laki. Parang dalawang bahay ang sakop nito. Nag-doorbell si Mama at ilang segundo lamang ay bumukas na iyon. Nakita namin si ate Sita — siya ang isa sa apat na kasambahay nila ninang Denise. Naka-uniform sila rito kaya sobrang linis nilang tignan. “Nasa living room na po si Madam Denise,” saad niya sa amin. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Nakita ko ang mabilis niyang paglakad papunta sa likod. Mukhang busy siya ngayon, ha? Si ate Sita ay naka-toka sa paglilinis ng bahay, kasama niya si ate Glo. Si ate Carmen naman ay tagaluto at si kuya Marvin ay driver ni ninong Alejandro. Lahat sila ay pamilyado na. Nang makapasok na kami sa loob ng bahay nila ay nakita na nga namin doon si ninang Denise, sa harap niya ay may pagkain. Cookies and cakes iyon, na may kasamang mango juice. “Naku, Denise naman, sabi ko iyo huwag ka na mag-abala! Kumain kami sa bahay bago umalis!” bungad na sabi ni Mama. Napangiti na lamang si ninang Denise kay Mama. “Alam kong favorite ito ni Aurelia ito. Kaya pagbigyan mo na ako,” nakangiting sabi niya at tumingin sa akin. Napangiti na lamang ako. Parang iba ang kutob ko ngayong araw, ha? Mukhang tungkol sa akin ang pag-uusapan ngayon. Naupo na ako sa pang-isahang sofa, si Mama naman ay tumabi kay ninang Denise. Dahil sa sinabi ni ninang Denise kanina ay kumuha na agad ako ng cake, chocolate cake ang isang ito. Napanguso ako nang makita kong tinitigan ako ni Mama. Pasensya na, natutukso lang ng cake. Hindi ko na lamang siya pinansin at kinain ko na itong hawak kong cake. “Bakit mo pala kami pinatawag?” Narinig kong tanong ni Mama kay ninang Denise. Hindi ako nakatingin sa kanila pero ang tenga ko ay nakikinig. “Uuwi today si Desmond, Janice. And, we have a problem,” ramdam ko ang kaba sa boses ni ninang Denise. Mukhang tama ang sinabi ni Mama kanina, ha? Mukhang hihingi siya ng tulong about sa make-over ng room ng anak niya. “Tungkol saan iyon, Denise?” tanong ni Mama sa kanya. “Desmond needs a secretary, he doesn't have a secretary! Sa buong taon na nagta-trabaho siya ay wala siyang secretary, Janice! Dahil ang ibang naging secretary niya ay nilalandi siya. Sumubok na rin siyang kumuha ng lalaking secretary pero maraming nagpapanggap kaya na-trauma na siya!” saad ni ninang Denise kay Mama. “So, naghahanap ako ng secretary. And, may naalala ako...” Nawala ang usapan nilang dalawa kaya napatingin ako sa kanila. Nakita ko ang tingin ni ninang Denise sa akin. “Gusto mo bang maging secretary ng anak namin, Aurelia?” tanong niya sa akin habang ang mga mata niya nakatitig sa akin. Tulala akong nakatingin kay ninang Denise ngayon dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. “Um, b-bakit po ako?” nagtataka kong tanong sa kanya? Sinasabi ko na nga ba kaya iba ang kutob ko ngayon, e. Lahat ng mga favorite kong desserts ay nandito sa table ngayon. “Ikaw lang ang alam kong mapagkakatiwalaan, Aurelia. And, sinabi mo rin sa akin na hindi mo alam kung anong gagawin mo habang nagre-review ka for LET kaya please, pwede bang maging secretary ka ng anak ko? Mabait si Desmond kaya paniguradong magkakasundo kayong dalawa,” nagmamakaawang sabi ni ninang Denise sa akin. Napakamot ako sa aking buhok. Nag-iisip ako nang sasabihin ko. Oo, sinabi ko iyon kahapon na undecided pa ako kung ganap ko habang nagre-review pero wala naman akong balak maging secretary ng anak nila. Napapaisip pa rin ako habang nakatingin kina Mama and ninang Denise, hanggang may bumukas ng pinto. Nakita ko roon ang isang lalaki na pumasok sa loob. Naka-formal wear siya na black. Ang mga mata niyang kulay light brown na seryosong nakatingin sa amin, maging ang kanyang tindig ay seryoso habang naglalakad na palapit sa amin ngayon. Teka, sino siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD