NAPALUNOK ako nang makita ko ang isa-isang paglapag ng mga pagkain sa table nila. Naamoy ko na ang masarap na pagkain, amoy pa lamang iyon ay alam ko ng makakarami ako ng kain ngayong araw, lalo na't hindi ako nakakain kaninang tanghali.
Nakita ko ang huling nilagay nila, ang cake. Nakalagay sa cake na iyon ay 'Happy Graduation, our Aurelia!' Napangiti tuloy ako nang mabasa ko iyon sa isipan ko.
Nang makalabas na ang huling staff na nagpasok nang pagkain ay nagsalita na rin ninang Denise, “Congratulations, Aurelia! Nabalitaan naming c*m Laude! Kaya sobrang saya namin ng ninong Alejandro mo!.
Napangiti ako sa kanya at nahihiya tuloy akong tumingin sa kanila ni ninong Alejandro. “Tha-thanks po,” nahihiya kong sabi.
“Naku, Denise, kanina sinasabi sa amin iyang bata na iyan ay para raw sa atin kaya nag-aral talaga siya,” saad ni Mama kay ninang Denise.
Lalo tuloy akong nahiya dahil sa sinabi ni Mama. Si Mama talaga kahit kailan lagi akong binibida ninang Denise and ninong Alejandro.
“We know naman na sobrang talino talaga nitong si Aurelia. Simula bata pa lamang ay nakikita naman na, ʼdi ba? Aurelia is smart and beautiful. For sure, it has many suitors, ano?” nakangiting sabi ni ninang Denise.
Namula tuloy ako sa sinabi nila, lalo na roon sa marami raw manliligaw.
“Marami bang manliligaw sa iyo, anak?”
Napataas ang tingin ko nang magtanong si ninong Alejandro. Lahat tuloy sila ay sa akin na nakatingin.
Napakamot tuloy ako sa suot ko. Umiling ako sa kanila. “Um, w-wala po! Saka po focus ako sa pag-aaral ko!” mabilis na sabi ko sa kanila. “P-pwede na po ba tayo kumain? Nagugutom na po kasi ako,” pag-iiba ko sa usapan namin.
Actually, nagugutom na talaga ako. Kaya gusto ko na rin kumain.
Narinig ko ang pagtawa nilang lahat. “Oo nga naman, Janice, paniguradong gutom na itong c*m Laude natin!” sabi ni ninang Denise sa akin. “Oh, siya, let's eat na! Let's celebrate sa graduation ni Aurelia!” saad pa niya at tumango sila sa isa't-isa.
Napabuga ako dahil nakaligtas ako sa mga tanong nila. So, kainan!
Habang kumakain kami ay naririnig ko ang usapan nina Papa and ninong Alejandro, hindi ko alam kung anong mga term ang binibanggit nila. May narinig kasi akong kailangang buhusan muna ang pinaka-baba, and about sa pagka-short ng budget.
Ang alam ko lang, paniguradong may pinapagawa ulit silang bagong hotel, or, another business na naka-name sa mga Laurier.
Sobrang yaman kasi ng family sa side ni ninong Alejandro, lahat ng mana ng parents niya ay sa kanya iniwan dahil nag-iisang anak lamang siya. Speaking of anak, may anak din sina ninang Denise and ninong Alejandro, lalaki pero never ko pa siyang nakikita sa kahit anong party sa pamilyang Laurier.
Kaya hindi ko sure kung ano ang itsura ng anak nila. Pero, sabi nina Mama and Papa ay younger version daw ni ninong Alejandro, kaya paniguradong hot and gwapo rin nu'n.
“Oh, by the way, ano na pala ang gagawin mo after this, Aurelia?” tanong ni ninang Denise sa akin.
Nasa akin na ang mga mata nila ngayon. Akala ko naman ay hindi na nila ako papansinin. Tahimik na nga akong kumakain dito para hindi nila akong tanungin man lang.
Napakamot ako sa aking kanang pisngi at napangiti sa kanila, pilit na ngiti iyon. “Um... N-not sure pa po, ninang Denise. Pero, gusto ko pong mag-review po agad for LET exam pero hetong katawan ko po ay gusto munang mag-relax. So, until now po ay undecided pa rin po ako,” mahinang sabi ko sa kanila habang nagkakamot pa rin sa aking pisngi.
“You want to pursue your course talaga, ano, Aurelia?” tanong ni ninang Denise sa akin, ngumiting tumango ako sa kanya.
“Iyon talaga ang bukambibig niya, Denise. Ever since na may napanood siyang documentary about sa mga batang nasa bundok na nagpupursigidong mag-aral. Kaya bago pa siya grumaduate ng high school ay iyon ang sinabi niya sa amin ni Alfred,” paliwanag ni Mama kina ninong Alejandro and ninang Denise
Nakita ko ang pagtango-tango nina ninong Alejandro and ninang Denise. “That's why she likes the course. That's right, when you like your course, you will do everything to graduate,” saad ni ninong Alejandro.
“Ganoon na nga iyon, Alejandro!” sabat din ni Papa.
“But, for now, do you have any plans besides sa pagkuha mo ng LET exam, Aurelia?” tanong ni ninang Denise sa akin.
Naikagat ko ang aking ibabang labi dahil sa sinabi niyang iyon. Napaisip ako kung mayro'n ba akong gustong gawin besides na nakatatak na sa isipan ko ang pag-review for LET.
Matagal bago ako sumagot sa kanya. “Um, wala pa po, ninang Denise. Siguro po need ko po munang mag-focus sa pag-re-review ko if ever!” sagot ko sa kanya.
Nakita ang pagngiti ni ninang Denise sa akin. “You're so cute pa rin talaga, Aurelia!” Iyon na lamang ang nasabi niya sa akin kaya napangiti ako.
Cute? Parang hindi na bagay sa akin ang salitang iyon. Sabi ni Hazel ay inosente raw ang mukha ko, iyong tipong walang alam sa mundong ito.
“Oh by the way, Alejandro, I heard na babalik na ang anak niyo?”
Napatingin ako kay Papa nang marinig ko ang tanong niyang iyon. Anak nina ninang Denise and ninong Alejandro, na never ko pang nakikita.
“Um, right, he's doing great sa business namin sa ibang bansa. But, he is needed here in his entertainment company business. I don't know why he wanted to enter that business. What fun it is to handle people who want to act and be seen on television? I don't know from him why that is the business he prefers to build, there are many businesses that can be started,” mahabang sabi ni ninong Alejandro, kita ko sa mukha niya ang inis maging ang noo kasi niya ay kumunot.
Entertainment company? So, nagha-handle siya ng mga artista? Sino kaya artista ang sikat sa company niya, ano?
“Alejandro, pabayaan mo na ang anak natin. Baka iyon talaga ang hilig niya, katulad ng kay Aurelia,” saad ni ninang Denise kaya napunta na naman ang tingin nila sa akin
Bakit ako na naman?
“Yes po, ninong Alejandro! At least po, he's doing great sa pag-handle ng business niyo po sa ibang bansa! That's a good news po, ʼdi ba?” saad ko sa kanya at ningitian siya.
Tumango sa akin si ninong Alejandro. “Tama nga ang sinabi mo, iha. Kaya pinabayaan na lang din namin siya. Money naman niya ang ginastos niya roon sa pagpapatayo ng kanyang Entertainment Company,” saad niya sa akin.
Nakahinga ako nang maluwag ng dahil doon. Akala ko magkakaroon pa ng problema habang nandito kami, e.
Bumalik na ulit ang sigla sa table namin at heto na ulit sila at nagku-kwentuhan na.
Tahimik na naman akong nakaupo rito habang silang apat ay nag-uusap pa rin. Sina ninong Alejandro and Papa ay balik sa pinag-uusapan nilang business, may meeting yata si ninong kaya pinapaalala ni Papa sa kanya. Sina Mama and ninang Denise naman ay nag-uusap din, iyon nga lang ay hindi ko alam. Narinig ko lamang na maganda raw ang plot ng bagong pinapanood niyang KDrama.
Kaya heto ako ay tamang upo lamang dito habang kumakain ng dessert naman. Okay lang na walang kausap basta busog naman.
Inabot kami ng tatlong oras sa hotel nila at saka na rin kami nagpasya na umuwi. Bago kami umuwi nina Mama at Papa ay may binigay sa akin si ninang Denise na dalawang paper bag, kaya nag-thank you ako sa kanya.
“Pauwi na pala rito sa Pinas si Mond, mahal. Ano na kaya ang itsura niya?”
Narinig ko ang pagtanong ni Mama kay Papa. Nandito kasi ako ngayon sa backseat at tamang nakikinig lamang sa kanila.
“Mahal, paniguradong lumaking gwapo iyong si Mond! Kaya excited na rin akong makita iyon bukas,” saad ni Papa.
Napasandal ako habang nakikinig pa rin sa kanila. “Didiretso ba roon si Mond sa company nila Alejandro? Sana makita ko rin siya, huling kita ko sa kanya ay noong nine years old pa siya. That time ay buntis na ako kay Aurelia nu'n,” sabi ni Mama sa akin.
“Um, Mama and Papa, ever since po ay doon na siya nakatira? Iyong anak po nina ninang Denise and ninong Alejandro po?” sumabat na ako sa kanilang usapan.
Lumingon sa akin si Mama at tumango sa akin. “Oo, Aurelia. Kinuha siya ng kamag-anak nila Alejandro, alam mo namang sigurong walang kapatid ang ninong Alejandro mo. Kinuha siya roon para pag-aralin simula nu'ng nine years old pa lamang siya,” saad niya sa akin.
Napatango ako kay Mama. “Hindi po ba siya umuuwi rito?” pagtatanong ko ulit sa kanya.
“Five years bago siya umuuwi rito, nu'ng 14 and 19 years old siya ay umuwi siya ng Pinas. Iyon ang huling uwi niya noong 19 years old niya. Ever since ay hindi na umuuwi sa Pinas. Nagkikita lamang sila nina Denise and Alejandro sa ibang bansa, o, minsan ay pumupunta na lamang sila mismo sa Dubai — kung nasaʼn ang business na pina-handle ng ninong Alejandro mo sa kanya,” paliwanag sa akin ni Mama.
Napatango ako sa kanya. Kaya pala never ko siyang nakikita sa mga party ng mga Laurier. “Eh, Mama, nagkita na po ba kami? I mean, nakita ko na po ba siya?” tanong ko sa kanya.
Curios lalo na't umuwi siya noong 14 and 19 years old siya. So, kung nine years ang agwat naming dalawa, bale 5 years olds ako nu'ng unang uwi and 10 naman nu'ng 19 siya.
Umiling si Mama sa akin. “Hindi, Aurelia. Nu'ng unang uwi niya ay nasa province tayo at maging nu'ng 10 ka, tanging ang Papa ang nakakita sa kanya dahil secretary siya ng ninong Alejandro mo,” sabi ni Mama sa akin.
Napatango na lamang ako sa kanya. Malas naman kung gano'n.
Hindi na ako nagtanong about sa anak nina ninang Denise and ninong Alejandro. Nanahimik na lamang ako rito sa backseat at tumingin sa bintana.
So, kapag nakita kaming dalawa ay first time ito, ano?
Ano kaya itsura niya?
Nakauwi na kami sa bahay after naming mag-dinner kasama sina ninang and ninong. Umakyat na rin agad ako sa k'warto ko at nilapag na muna ang dalawang paper bag na galing sa kanila. Bukas ko na lamang bubuksan iyon.
Sobra na akong napagod ngayong araw kaya itutulog ko na lamang ito at ang pag-upload ng mga pictures namin kanina ay bukas ko na lamang gagawin. Nagpalit na lamang ako ng damit, at sinuot na ang pantulog ko, inabutan na naman kasi kami ng heavy traffic kanina. Kaya heto pagod na pagod ako kahit nakaupo lang naman ako sa backseat kanina.
Humiga na rin ako sa kama at saka natulog na. Naging payapa ang tulog ko hanggang may naramdaman akong tumapik sa aking braso. Dahan-dahan akong napadilat nang makita ko si Mama na nasa harapan ko.
“Aurelia, sorry kung ginising kita, ha? Pero, need nating pumunta sa bahay nila Denise. Pinapapunta nila tayong dalawa, kaya gumising ka na d'yan at maligo na,” saad niya sa akin.
Kaya kahit inaantok pa ako ay tumayo na ako sa kama at sunod-sunod na tumango sa kanya. “Okay po,” saad ko sa kanya at napahikab.
“Sige, mag-aasikaso na rin ako at magko-commute na lamang tayo dahil umalis na ang Papa mo,” saad niya ulit sa akin at tumango ulit ako sa kanya.
Nakita ko ang paglabas ni Mama sa k'warto ko at doon ka ako nag-asikaso. Nag-unat-unat na muna ako at saka na pumasok sa bathroom ko.
Kung ano man ang dahilan ni ninang Denise kung bakit kami pinapunta sa kanila, sana magawa namin, ano? O baka naman, may nakalimutan siyang sabihin sa amin kahapon?