NAKANGITI ako ngayon na naglalakad na palayo sa may stage. Ngiting-ngiti ako ngayon dahil hawak ko na ang diplomang matagal kong pinaghirapan, habang suot ang medalyang nasa leeg ko ngayon.
“Suarez, Hazel... c*m Laude!”
Narinig ko ang anunsyo ng professor namin at napangiti ako lalo nang dahil doon.
“Aurelia!”
May narinig akong tumawag sa akin kaya napahinto ako, nakita ko siya na palapit sa akin ngayon.
“Congrats sa atin, Aurelia! Graduate na tayo!” masayang sabi sa akin ni Hazel — isa sa mga naging kaibigan and classmate ko sa apat na taon ko rito sa Maravilla University.
“Yes! Finally, tapos na ang paghihirap, pagpupuyat at pag-iyak natin para makapagtapos tayo, lalo nu'ng thesis day and OJT natin!” nakangiting sabi ko sa kanya.
Tumango-tango siya sa akin. “Sobra! Lalo na si Trinity, umiyak siya nang makita niyang wala siyang grades sa isang major natin! Syempre bilang kaibigan niya, tinulungan natin siya!” natatawa niyang sabi sa akin, habang pabalik kami ngayon sa seat namin. Magkasunod lamang ang surname naming dalawa, Samonte and Suarez.
Napailing na lamang ako sa kanyang sinabi. “Sira, kapag narinig ka ni Trinity ay aawayin ka nu'n. At least, graduate na tayo, ʼdi ba? No more iyakan na kapag gabi!” natatawang sabi ko sa kanya.
Tumango-tango siya sa akin. “Yes, no more pain and cry na every night! Lalong-lalo na't wala ng tatawag kapag gabi at sasabihing, kailangan ko ng tulong niyo!” malakas niyang sabi.
“Hoy, Hazel, ako na naman ang tsini-tsismis mo kay Aurelia!” malakas ding sabi ni Trinity.
Siya si Trinity Abel, magulang niya ay parehong nurse kaya nagtataka kami sa kanya kung bakit teacher ang kinuha niya. Sinagot na lamang niya kami na hindi niya makita ang sarili sa pagiging nurse na katulad ng parents niya. And, hindi naman tutol ang parents niya sa kinuha niya.
“Hoy, totoo naman, ʼdi ba? Iiyak-iyak ka pa nga dahil hindi Maka-help ang brother and sister mo dahil gulong-gulo rito ang mundo nila sa course nilang engineering and accounting, kaya kami ang ginugulo mo!” matapang na sabi ni Hazel kay Trinity.
“Hey, what's up? Bakit nakatayo pa kayo rito?”
Napalingon ako kay Yorich nang magsalita siya. Tapos na pala tawagin ang pangalan niya sa stage, hindi ko narinig iyon, ha?
“Nag-aaway sila,” mahinang sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang kilay dahil sa sinabi kong iyon. Napailing na lamang ako sa kanya, heto ang gusto ni Yorich na nag-aaway iyong dalawa pero siya rin naman ang aawat sa mga iyan. Si Yorich Watanabe ay isang half Japanese, nagsimula siyang mag-aral dito sa Pilipinas since high school kaya medyo okay-okay na ang pagsasalita niya sa Filipino and English.
“Hey, awat na! Graduate na tayong lahat pero nag-aasaran pa rin kayong dalawa,” suway ko sa kanila at kinalabit ko si Hazel. “Bumalik na tayo sa seat natin, Hazel!” saad ko sa kanya at nauna na akong lumakad pabalik sa pwesto namin.
“Bwisit ka talaga, Hazel! Pasalamat ka at katabi mo lang si Aurelia kaya c*m Laude ka rin!” Narinig ko pa ang pahabol ni Trinity kay Hazel.
Napangiwi na lamang ako nang gumanti naman ng pag-dila itong si Hazel. Ayaw talaga niyang magpatalo, ano?
“Hanggang dito ba naman ay nag-aasaran kayong dalawa. Talagang hindi niyo pinalagpas ito, ha?” Napapailing ako habang sinasabi ko iyon sa kanya.
“Mamimiss ko lang siyang asarin, Aurelia!” saad niya sa akin.
Napailing na lamang ako sa sagot niya. Hindi na lamang ako tumingin sa kanya at nakinig na lamang muli sa stage. Nagtatawag pa rin kasi hanggang ngayon ng mga pangalan sa ibang courses.
Isang oras ang nakalipas nang matapos na rin ang pagtawag sa mga pangalan ng lahat ng graduating ngayon.
“Hey, pwede na tayong lumabas! May nakita akong mga lumalabas at umaalis na rito!”
Nagulat ako sa pagsulpot ni Yorich. May lahi ba itong ninja? Bigla-bigla na lamang sumusulpot.
“Talaga, Yo? Pwede ng lumabas?” nagagalak na sabi ni Hazel, na siyang katabi ko ngayon.
Tumango-tango sa amin si Yorich. “Oo nga, pwede na! Iyong mga kaklase nating lalaki lumabas na! See, vacant na iyong seats nila!” sabi niya sa amin at tinuro ang mga upuan na nasa harap namin.
Oo nga, ano? Wala na sila roon sa mga upuan nila.
“So, tara na rin, Aurelia? Labas na tayo para makapagpa-picture na tayo roon at paniguradong kakain kayo sa labas ng parents mo ngayon, ʼdi ba?” yayang sabi ni Hazel sa akin, at si Yorich naman ay nakatingin lamang sa akin.
Tumango na lamang ako sa kanya at sinuot na ang sling bag ko at hinawakan na ang diploma. “Tawagin niyo na rin si Trinity,” saad ko sa kanila.
Tumayo na kaming tatlo at palihim na naglakad paalis doon, nakita ko na rin ang iba naming classmates na umaalis na rin.
“Buti naman at naisipan niyo na ring umalis? Kayo na lamang hinihintay ko na magyaya!” sabi niya sa amin. “Kanina pa kaya ako naiinip doon. Bored na bored na ako!” pagpapatuloy niyang sabi sa amin.
“Kaya nga lumabas na tayo, Trinity! Oh, siya umpisahan na natin magpicture-picture, paniguradong lahat tayo ay may ganap after ng graduation natin!” sabi ni Hazel.
“Yeah, right! May handaan sa bahay namin ngayon!” masayang sabi ni Trinity sa amin.
“Same, sa bahay lang kami magse-celebrate,” sabat ni Yorich na may ningunguya yata sa bibig niya. Lagi na lamang siya may dalang bubble gum.
“Kaya nga mag-picture na tayo, okay? It's 4:43PM na po ang oras,” seryosong sabi ni Hazel sa amin.
Hinila niya kami sa gilid ng hallway at pina-ayos niya kami nang pagkakatayo roon. “Mabuti na lamang ay girl scout ako! Dala ko iyong tripod ko!” masayang sabi niya at proud niyang nilabas ang tripod na sinasabi niya.
Paano iyon nagkasya sa sling bag niya, aber? May magic ba iyang bag niya?
“Game, girls! Naka-set ang timer sa 5 seconds, ha?” sabi niya sa amin. “Okay na! Ayos na kayo!” malakas niyang sabi sa amin at pumuwesto sa pagitan ko at ni Trinity.
“Say cheese!” sabay-sabay naming sabi at nakita namin ang pag-flash ng phone niya.
“Bakit may flash, Hazel?” reklamo ni Trinity kay Hazel.
“Para malaman namin kung nakuhanan ba tayo! Huwag ka ng magreklamo, maganda naman ang kinalabasan kahit may flash!” sabi niya sa amin.
Pinakita niya sa amin ang unang kuha, maganda nga naman ang quality ng picture namin.
“Oh isa pang group picture! Bago tayo mag-isa-isa ng kuha!” announce niya ulit sa amin. “Ganito naman ang pose natin, ha? Ako ang nasa unahan, mag-straight body lamang ako. Then, si Aurelia, bend mo body sa kaliwa, ha? Si Trinity naman ay bend mo ang body sa kanan at si Yorich dahil matangkad kay ay straight din ang gagawin mo. Hindi ka matatakpan sa camera naman,” paliwanag na sabi ni Hazel sa amin.
Nag-line up na kaming tatlo habang si Hazel ay inaayos ang camera. Nagsenyas siya sa amin na okay na raw kaya ang ginawa namin ang sinabi niya.
Nakailang pose pa kaming apat hanggang mag-solo picture na kaming apat. Si Hazel ang photographer namin dahil siya lamang ang magandang kumuha ng picture at hindi rin siya nanginginig, katulad ko.
Nang magsawa na kaming apat ay nagpaalam na rin kami sa isa't-isa habang palabas, pinauna ko na si mom na lumabas dahil may picture naman na kami kanina habang naghihintay sa opening ng graduation.
“See you after one week, girls! Iyong plans natin, ha?” malakas na sabi ni Hazel at tumango kami sa kanya.
“Congratulations ulit sa atin!” malakas na sabi Trinity at kumaway na kaming apat sa isa't-isa.
Napatingin ako kina mama at papa na masaya ang mga mukha ngayon. Sino ba naman ang hindi sasaya, ʼdi ba?
Graduate na ang nag-iisang anak nila and c*m Laude pa ako.
“Congratulations, ʼnak!” Ngiting-ngiti na saad ni Papa sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. “Maraming salamat po sa sacrifice niyo ni Mama! Kaya heto ang bawi ko sa inyo!” saad ko sa kanila. Tinanggal ko ang aking medal at pinasuot iyon kay Mama at ang diploma ko naman ay binigay ko kay Papa. “Para sa inyo po iyan!” masayang sabi ko sa kanila.
“Naku, paiiyakin mo pa kami rito, Aurelia! Tara na at umalis na tayo, baka hinihintay na tayo ng ninong and ninang mo roon sa hotel nila. Doon na raw tayo mag-celebrate kasama sila,” sabi ni Mama sa amin.
Nagkatinginan kami ni Papa sa isa't-isa at tumango sa kanyang sinabi. Lumabas na kami sa lugar na iyon na puno nang saya.
Nakarating na rin kami sa hotel ng mga Laurier — isa ito sa main business ng mga Laurier, ang mga Laurier ay kaibigan namin dahil magkakaibigan sina Mama, Papa, ninang Denise and ninong Alejandro. Isa rin sa dahilan kung bakit nakatapos ako dahil si Papa ay nagta-trabaho bilang secretary ni ninong Alejandro at ang maliit naming business na grocery ay galing din sa kanila, pinautang nila sina mama at papa para makapagbukas kami ng grocery sa subdivision namin.
“Ito ang main branch nila, ʼdi ba po?” pagtatanong ko kay Papa. Siya kasi ang secretary ni ninong Alejandro.
Tumango siya sa akin. “Oo, kaya sobrang ganda at malaki ito kumpara sa ibang hotel branch ng mga Laurier. Tignan mo ang interior design nito, Aurelia,” saad ni Papa sa akin habang papasok kami sa loob.
Pina-park na lang pala ni Papa ang kotse sa Valet na mayro'n dito sa hotel para hindi na siya umikot pa.
Nakita ko ang sinasabi niyang interior. Gold ang loob nitong hotel at mayro'n pang mini fountain na nandito sa loob mismo
“Ang ganda,” Iyon na lamang ang sabi ko.
“Sinabi mo pa, Aurelia. Kaya heto ang pinakamamahal ng ninong Alejandro mo sa lahat ng branch ng hotel nila,” saad ni papa sa akin.
Lumakad na kami, akala ko nga sasakay pa kami ng elevator pero hindi. Kumanan kami sa pinakadulo ng floor na ito, at doon ay may nakita kaming maraming pinto.
Private room pala ang mga ito. Pwede kang magpa-reserve rito kapag may important meeting ka, or, celebration. Katulad na lamang nitong ginawa nila.
“Congratulations, Aurelia!” masayang sabi ni ninang Denise nang makapasok na kami.
Todo ngiti siya sa akin at niyakap agad ako. “Thank you po, ninang Denise!” masayang sabi ko sa kanya.
Napakamot ako sa aking buhok ng may ibigay siyang dalawang paper bag. Nakita ko pa ang isang paper bag na galing sa branded store.
“Here's our gift ng ninong Alejandro mo! So, tara kain na tayo? Alam kong gutom na kayo kaya kumain na tayo!” yaya sa amin at pinaupo na kami sa silya namin.
Wala na kaming nagawa kung ʼdi umupo at sundin siya. Actually, nagugutom na rin ako. Wala akong kain ng tanghalian dahil sa pagiging excited ko kanina. Tanging candy lamang ang ginawa kong pantawid gutom.
Thanks, God, makakain na rin ako ng pagkain.