Alanganin kong itinaas ang kamay para pindutin ang doorbell ng kuwartong pinuntahan ko. Kanina pa ako hindi mapakali mula nang magising ako. Ano ba namang kamalasan ang nangyayari sa akin simula nang mapasali ako sa 7 Demons? Minamalas na ang buhay ko sa Martenei! Una ‘yung nangyari noong initiation. Ikalawa ‘yung nangyari noong welcome party. At ikatlo ito, isa na akong personal slave. Hay! Sa totoo lang, nanlalamig ako. Nangangatog ang aking mga tuhod. Paano ba ang maging personal slave? Ang walangyang lalaking iyon hindi man lang pinaganda ‘yung terminong ginamit. Sana man lang ginawang personal assistant at hindi personal slave. Nakailang buntong-hinga pa ako bago ko mapagpasyahang pindutin ulit ang bell. Nagdaan ang isang minuto pero hindi nabuksan ang pinto. Muli kong pinindot ang