"Hoooh!" Hingal na hingal ako nang maisara ko ang pintuan ng kuwarto ko. Napasabunot ako sa sarili ko. Grrr! Bastos na lalaki ‘yun! Mahalay! Balahura! Manyak! Tarantado! Walanghiya! Dugyot! Gago! Macho! Mabango! Guwapo! Ay, putcha! Nasabi ko bang guwapo, mabango at macho ang hinayupak na lalaking ‘yun?! Argh! Naloloka na ako! Hindi ko alam kung dapat ko bang sampalin ang sarili ko sa mga pinagsasabi ko. Galit ako sa kanya pero bakit nasisingit ang mga salitang 'guwapo' at 'macho' sa mga deskripsyon ko sa kanya?! Sabagay, hindi naman kasi ako sinungaling. Talaga namang macho at guwapo siya sa kabila ng pagiging gago niya. Guwapong gago. In short, GG. Haaay! Letse naman ‘yan, oh! Wala naman akong balat sa puwet. Ang meron, hikaw sa... ahem! Teka... tama! Baka nga iyon ang nagdadala ng kamal