Hindi ko na napansin nang umalis siya. Nakatuon lahat ng katinuan ko sa dalawang lalaking naghahalikan sa harap ko. Gosh, live show ito nina Marcus Martenei at Francis Jose! Nawala ang kalasingan ko. Nanuyo ang lalamunan ko nang bumaba ang paghalik ni Marcus sa leeg ni Francis na nakaipit sa katawan niya at sa pader. Nag-iinit ang katawan ko sa aking nakikita. "M-m-marcus," dinig ko ang pag-ungol ni Francis. Isa-isang kinakalas ni Marcus ang pagkakabutones ng uniporme ni Francis. At bawat nae-expose na balat niya ay hinahagkan ng nobyo. Nanigas ako sa pagkakaupo nang hagkan ni Marcus ang dibdib ni Francis. Nakatingala itong napasabunot sa buhok ng founder nang kumagat ang mga ngipin nito sa kanyang magkabilang n*****s, pababa sa impis niyang tiyan. Nanlaki ang mga mata ko nang kalasin n