Jen-jen 3

975 Words
“Sorry talaga, Ate Lyn! A-ang totoo n-naengganyo lang akong mag-bar k-kasama si Jocelyn, ‘yong k-kasama ko sa grocery. G-gusto ko din kasing maranasan ang mag-bar kaya nakiusap ako sa kanya na isama niya. H-hindi ko n-naman.. a-aka-kalain na.. na.." humikbi na si Jen-jen habang nagpapaliwanag. "Na ano?!! Na mabubuntis ka?!! Sinong maniniwala sa kwento mo.. Malandi ka!" Nanggigil ako at kaagad ko na naman itong pinagsasabunutan. "T-tama na, 'Te. N-nagsisisi n-na ako. Patawad!" Isang malutong na sampal ang pinadapo ko kay Jen-jen. Nang mga oras na 'yon ay galit lamang ang bumabalot sa aking katauhan. Napahawak si Jen-jen sa kanyang pisngi at para akong namalikmata dahil pagtingin ulit sa akin ni Jen-jen ay nakita kong pulang-pula ang mata nito. Sobrang sama ng kanyang tingin sa akin at biglang gumapang ang kilabot sa aking katawan. Napakurap ako-- "A-ate L-lyn??? B-bakit g-ganyan ka makatingin sa akin?" Bigla akong nahimasmasan ng marinig ang boses ni Jen-jen. Pulang-pula ang pisngi nito at sabog ang buhok. Namumugto ang mata sa pag-iyak at halos nakakaawa ang matang nakatitig sa akin. "Te? O-okay ka l-lang?" Lumapit sa akin si Jen-jen at niyakap ako. "H-huwag mo 'kong hawakan--" "K-kasi p-parang.. p-parang.." nakita ko ang takot sa mukha ni Jen-jen. Hindi nito tinuloy ang gustong sabihin. "Parang ano?! Huwag mong ibahin ang usapan natin dahil galit pa rin ako sa'yo." Binaklas ko ang kamay niya na nakayakap sa akin at tumayo ako mula sa kanyang kama. Pabalik-balik ako sa paglalakad at pilit na kinakalma ang aking sarili. Wala na rin naman akong magagawa dahil nandito na ito. Hindi naman namin pwedeng ipalaglag ang nasa sinapupunan ni Jen-jen dahil pamangkin ko ito. Huwag lang sanang magpabuntis pa ulit ito at talagang isusumpa ko na siya. "Sino ang ama niyan?" tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Jen-jen. Bigla na naman itong humagulgol. Kinuyom ang kamay at yumuko. Nanggigil na naman ako sa inakto nito. Pinigilan ko na lamang ang aking sarili dahil baka kung ano pa ang magawa ko kay Jen-jen. "A-ang t-totoo niyan, 'Te Lyn, h-hin-di ko alam. Hindi ko alam," mahinang pag-amin ni Jen-jen. "Anooo?! Paanong hindi mo alam? B*b* ka ba o t*nga? Paano kang mabubuntis kung hindi mo kilala ang tatay niyang pinagbubuntis mo? Ha? Abir?" tumaas na naman ang boses ko sa sinabi ni Jen-jen. Pakiramdam ko ay halos mag-isang linya na ang kilay ko sa kanyang sinabi. Oo alam kong hindi ako ganoon katalino pero hindi din naman ako b*bo na hindi alam kung paanong nabuo ang isang bata. Kaya paanong hindi alam ni Jen-jen kung sino ang tatay ng kanyang pinagbubuntis. Kung pwede ko nga lang sakalin si Jen-jen eh. "Hmm.. pinagsamantalahan ako, 'Te Lyn!" naestatwa ako sa aking kinatatayuan sa narinig. Tama ba talaga ang narinig ko? "Huwag k-kang magsisinungaling, Jennifer!" "T-to-too, 'Te. M-may nakipagkilala sa amin ni Jocelyn sa.. s-sa bar. T-ta-pos no'n.. binigyan kami ng libreng beer. Napilitan a-akong t-tanggapin dahil.. dahil g-gusto ko ding makatikim beer. 'Yon.. 'yon l-lang ang h-huli kong naalala. P-paggising ko kinaumagahan," tumigil saglit si Jen-jen at halos ayaw nang lumabas sa kanyang bibig ang sunod na sinabi nito, "W-wala na akong saplot. N-nasa loob ako ng isang bodega. H-hindi ko na alam k-kung.. kung paano ako n-nakauwi, 'Te. Basta ang alam ko lang-- p-pinagsamantlahan ako ng lalaking nakipagkilala sa amin ni Jocelyn." Kasabay noon ay tumangis na lamang si Jen-jen. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig kay Jen-jen. Bigla akong natameme at napaupo sa tabi ni Jen-jen. Ina-absorb pa ng utak ko ang kanyang sinabi. Kung ganoon ang nangyari, ibig.. ibig sabihin.. pinagsamantalahan ang aming kapatid. Parang hindi ako makahinga sa naging reyalisasyon ko. Alam kong hindi naman pariwara si Jen-jen kaya imposible ngang magpabuntis ito sa kung sino-sinong lalaki. At kaya siguro ayaw niya ring sabihin sa amin na buntis siya ay dahil pinagsamantalan pala siya. Gustong kong mahabag kay Jen-jen. Hindi ko akalain na ito pala ang nangyari sa kanya. Nakapakasama kong ate dahil mas inuna ko pa ang galit. Hindi ko muna siya tinanong ng maayos bago husgahan. "K-kilala mo ba ang lalaking nagsamantala sa'yo?" tanong ko kay Jen-jen. Umiling ito. "H-hindi, 'Te, kasi madilim sa loob ng bar. D-dalawang lalaki ang lumapit sa amin ni Jocelyn. N-natakot a-ako.. akong hanapin ang dalawang lalaki dahil.. dahil hanggang ngayon ay hindi na rin pumasok sa aming grocery si Jocelyn. Hindi na rin namin siya makontak kaya naghanap kami ng ibang tatao sa grocery. Hinahanap na nga din siya ng kanyang mga kamag-anak," mahabang paliwanag ni Jen-jen. "Puntahan natin ang bar na 'yon at magtanong sa security. May mga CCTV naman 'yang mga bar. Kailangang magbayad ang lalaking lumapastangan sa'yo," galit na pahayag ko. Hindi ako makakapayag na hindi magbayad ang lalaking nagsamantala sa kapatid ko. "P-pumunta na ako doon noong malaman kung buntis ako. Kaso nagsara na pala ang bar dahil ni-raid ito pagkatapos ng mangyari sa amin ni Jocelyn. Naghanap ako ng paraan para malaman kung sino ang may-ari pero wala talaga. N-ngayon ay nagsisisi ako kung bakit kasi naisipan kung sumama kay Jocelyn. Sa kagustuhan kong maranasan ang mga bagay na nakikita ko sa ibang kababaihan ay napahamak pa ako. K-kung hindi sana a-ako.. ako.." "H-huwag mo nang sisihin pa ang sarili mo. Sorry sa mga nasabi ko sa'yo. Naunahan lang talaga ako ng galit dahil hindi mo kaagad sinabi ang totoo," niyakap ko si Jen-jen at inalo ito. "S-sorry din, Ate Lyn-lyn, kung hindi ko kaagad sinabi sa inyo ni Ate Joy-joy ang nangyari sa akin. Sorry na.." "Tahan na. Hindi mo kagustuhan ang nangyari sa'yo. May karma din ang taong may gumawa sa'yo ng masama. Ang Diyos na ang bahala sa kanila." Mabuti at nagkaliwanagan na kami ni Jen-jen. Sinabi ko sa kanya na sasamahan ko muna habang nakabakasyon ako. Natuwa naman si Jen-jen dahil marami nga daw siyang nararamdaman. Ngayon ay may kasama na siya at karamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD