Jen-jen 5

1093 Words
"H-hello?" "Jen-jen? Kamusta ka na? Anong nangyari? Bakit--" "S-sino p-po ito?" dinig kong sabi ng nasa kabilang linya. "Si Ate Lyn-lyn mo ito. Pasensiya ka na kung ibang number ang ginamit ko ha kasi nga hindi kita laging makontak sa number mo. Buti nga ngayon at natawagan ka namin. Siguro sira lang talaga ang cellphone ko," mabuti at sumagot na ito. Biglang tumahimik ang nasa kabilang linya. "Hello po! Ah kapatid po pala kayo ni Ate Jen-jen. Nasa loob lang po siya ng banyo at naliligo kasi naiinitan po siya. Ako po pala ang katabi niyang pasyente dito sa center," mahinang sabi ng aking kausap. "B-bakit nasayo ang cellphone ni Jen-jen?" Bigla kong tanong. "A-ate.. Ate, ano k-kasi. A-ng sabi k-kasi ni Ate Jen-jen ako daw muna ang sasagot sa kanyang cellphone at kapag tumawag ka ay papuntahin ka dito. M-may sasabihin daw po siyang importante--" Biglang namatay ang tawag habang hindi pa natatapos ang pagsasalita ng nasa kabilang linya. "Hello!! Hello.... hello...???" halong pagtataka at pag-aalala ang aking nararamdaman dahil sa sinabi ng babae. May problema ba si Jen-jen at gusto niya akong papuntahin sa kanila? "Ma'am, tawagan ko po ulit ha. Biglang naputol, baka nawalan lang sila ng signal," tumango lang si Ma'am kaya tinawagan ko ulit ang number ni Jen-jen. Ilang beses ko pang di-nial ang number niya hanggang sa wakas ay may sumagot ulit sa kabilang linya. "H-hello? Sino 'to?" narinig kong may sumagot sa kabilang linya. Pansin kong hindi na ito ang boses na nakausap ko kanina dahil bata pa ang boses no'n samantalang parang boses ng may-edad itong kausap ko ngayon. "Nasaan po si Jen-jen, sino po 'to?" "Tulog pa siya. Sino 'to?" mahinang sagot ng nasa kabilang linya. "Ah, gano'n po ba. Ako ang Ate niya, gusto ko sanang kausapin ang kapatid ko kaso sabi niyo ay tulog na po pala. Sino po ito?" tanong ko sa kausap. "Ay ikaw pala," biglang sumigla ang boses nito, "si Nay Erlinda 'to, 'yong kasama ni Jen-jen sa bahay." "Kayo po pala, Nay Erlinda. Mabuti at kayo pala ang nagbabantay sa kanya. Kamusta na po ang kalagayan ng kapatid ko?" "Mabuti naman, ineng. Maayos na siya at ngayon ay tulog na kaya mahina lang ang boses ko." "Kelan po kayo lalabas diyan?" "Ewan ko nga, ineng, kung kelan kami lalabas. Kung ako ang tatanungin eh mas maganda sa bahay na magpahinga 'yang kapatid mo dahil okay na siya. Iyong nurse o doktora ba 'yon, 'yon ang ayaw siyang pauwiin dahil hindi pa nila alam kung ano ang findings nila kung bakit hinimatay ang kapatid mo," nag-aalalang sagot ng matanda. "Gano'n po ba. Hayaan niyo po at kapag nagising ulit si Jen-jen ay tatawagan ko siya para kumbinsihing umuwi na kung wala din lang findings. Mas magandang magpahinga na lang siya sa inyo. Siyempre ayoko din namang diyan siya sa center tapos may mga katabi din siyang ibang tao na iba-iba ang sakit, baka mahawa pa siya," tugon ko sa matanda. "Oo nga, ineng, mas mabuti pa. Doon sa bahay ay makakapagpahinga siya ng maayos." "Sige po, tatawag na lang po ulit ako kapag may pagkakataon. Salamat po talaga sa pagbabantay sa kapatid ko," paalam ko sa matanda at ibinalik ko na ang cellphone ni Ma'am. "Ano, kamusta na ang kapatid mo?" tanong ni Ma'am sa akin. "Okay naman daw siya sabi ni Nay Erlinda. Wala pa daw findings ang mga doktor kung bakit hinimatay siya. Mas magada niyan magpahinga na lang siya." "Sabagay, pwede namang magpahinga na lamang ang kapatid mo sa bahay kung gano'n din lang. Baka mahawa pa 'yan sa ibang maysakit doon sa center. Kailangan mag-ingat ang kapatid mo lalo't buntis siya, kailangan healthy si baby." "Kaya nga po, Ma'am. Kapag tumawag po ang kapatid ko sa inyo, e-memessage ko na lamang siya sa messenger. Ewan ko din diyan sa messenger dahil kapag ino-open ko ay loading lang hanggang sa mainis na ako." "Oh siya, Lyn-lyn, bukas ay bibili kami ng Sir mo ha. Huwag ka nang tumnaggi ha dahil lagi ka na lang tumatanggi. Para na rin matawagan at makausap mo ang kapatid mo. Kesa naman pumunta ka do'n, wala kaming ipapalit sa'yo. I mean, marami namang pwedeng kunin diyan para kahit saglit ay makapunta ka sa kapatid mo pero hindi naman namin kilala at mapagkakatiwalaan. Ikaw lang naman at si Nanay Luding ang tanging kasambahay namin na talagang maaasahan. Alam mo naman sa ngayon, mahirap ang magtiwala. Kahit kamag-anak mo ay pwede kang traidurin nang dahil sa pera," litanya ni Ma'am. Nadala na ito dahil ang isa nitong pamangkin na pinalitan ko galing probinsiya ay natukso sa pera at pinagnanakawan na pala sila ni Sir. Nalaman na lamang nila ang pinaggagawa nitong kalokohan noong may magsumbong na kapitbahay na may lalaking pinapapasok ang pamangkin nito. Wala pa silang cctv noon dahil tiwala naman sila sa kanilang pamangkin. Wala namang may nawalang alahas kay Ma'am pero napansin niyang nabawasan ang pera nila sa cabinet ng mga singkwenta mil. Noong hindi niya pinansin dahil akala niya ay ginamit ni Sir at nakalimutan lang sabihin sa kanya. Noong sinabi ng kanilang kapitbahay na may lalaking pinapapasok ang kanyang pamangkin at doon na siya nagtanong kay Sir at doon na nila kinumpronta ang kanyang pamangkin. Umiyak ito at humingi ng tawad pero pinauwi na nila ng probinsiya. Doon nila napagtanto na kahit kamag-anak mo ay pwede kang lokohin. Noong in-interview nila ako, kaagad nila akong tinanggap dahil magaan daw ang loob nila sa akin at kamukha pala ako ng isa nilang anak. Mabuti daw at hindi ako kagaya ng kanilang pamangkin kaya naman masaya sila na ako ang kinuha nilang katulong. "Naku, Ma'am, thank you in advance. Iingatan ko po ang cellphone na ibibigay niyo sa akin. Ang mahal pa naman ng cellphone, swerte ako at kayo ang naging amo ko," halos maluha-luha ako sa galak kahit hindi pa nila ako nabibilhan. "Swerte din naman kami sa'yo dahil nakikita naming mabuti kang tao at kapatid. Sa tanda na naming ito, alam na naming kumilatis ng mga taong hindi mapagkakatiwalaan," tawang sabi ni Ma'am. "So, Ma'am, hindi niyo talaga ako papayagang dalawin ang kapatid ko?" ungot ko kay Ma'am. "Hmmm.. pag-iisipan ko. S-siguro kapag may nahanap kang kakilala o may kamag-anak kaming pwedeng papuntahin dito habang wala ka. Sabagay nagpakabit na kami ng cctv kaya mahihiya nang magloko ang taong papalit sa'yo kung sakali." "Talaga, Ma'am. Sige kapag talagang emergency ay maghahanap ako ng pansamantalang papalit sa akin. Mukhang okay na si Jen-jen kaya medyo napanatag na ako." nagpaalam na ako kay Ma'am at pinagpatuloy ang aking mga gawain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD