Chapter 2 - Romeo, oh Romeo!

2057 Words
After kong maghugas, tuimakbo na ako agad paakyat ng room ko. I grabbed my math notebook and opened my window para makatawid sa kabilang bahay. I saw Tristan by his table doing his homework. Dali-dali muna akong pumasok sa banyo ko for a quick shower. Ayokong lumapit sa mahal kong nangangamoy ulam. After my quick shower, I changed into my maong shorts and black tight shirt. Medyo maganda na ang hubog ng katawan ko and nakaumbok na rin ang di kalakihan kong boobs. Kinilig ako nang makita kong naka open ang window ni Tristan as if waiting for me to climb in. I went out of my window and climbed in his window. Nagulat siya ng kumalabog ako sa likuran niya. I smiled at him pero inirapan niya lang ako. Naku ito talagang Prince charming ko pakipot. " Hi Tristan, it's me again. Pwedeng magpaturo sa Math?" Atubili akong lumapit sa kanya. "What's new, Maxine? Ano na naman ang di mo maintindihan sa lesson natin? I think Mr. Cruz explained it well and madali lang sundan." Tanong niya sa naiinis na boses. " Eh sa di ko magets eh. Pwede bang pakulit nalang ang explanation niya? Mas madali ko kasing makuha kapag ikaw ang nagexplain sa akin eh." Pagsisinunglaing ko. He smelled so good. He took a shower na din kagaya ng mga previous visits ko sa kanya. Kaya naman I see to it na nakaligo na din ako bago umakyat ng ligaw este umakyat sa binatan niya. I sat beside him awkwardly, suddenly feeling conscious. Ang bango bango niya kasi and he looks so gwapo wearing a blue shirt and khaki shorts. Ang sarap humilig sa balikat niya kaloka! inaamoy amoy ko pa buhok niya nang bigla siyang lumingon. Muntik nang magpang-abot ang mga labi namin, my God! Nagkatitigan kami and biglang nagbawi ng tingin. " Ang init no? Uulan siguro." Bigkas ko sa namumulang pisngi. Lord naman isang dangkal nalang eh, di mo pa nilapit lips niya sa akin. " What are you talking about? The windows are open, and it feels cold in here." Pairap niyang sagot sakin. Suplado talaga nitong Amerkano na to. Pero ang gwapo niya talaga my God! " Eh sa naiitan ako eh, bakit ba? Oy ano na? Pahelp naman sa Math ko please?" Pagpapacute ko sa kanya. Tinitigan niya ako ng ilang minuto before rolling his eyes. " Ano nalang mangyayari sayo kung wala na ako?" He mumbled and shook his head. Inabot ko ang notebook ko and scooched closer to him. " Siguro napakasaya mo na malapit ka nang umalis no? Wala nang mangungulit sayo every night at everyday sa school. Sana lang sa lilipatan mong school hindi ka na ibully. I won't be there to protect you, and nasasaktan akong isipin yon." Sagot ko sa mahinang boses. Di ako nakatingin sa kanya, nakatitig lang ako sa notebook ko. I am feeling emotional. Nasasaktan talaga akong isiping mawawala na siya. Di ko na masisilayan ang gwapo niyang mukha. Di ko maamoy ang natural niyang bango. " Of course, I'm happy and excited, I'll be with my dad, and I'll be away from those bullies." Sagot nito. Di man lang nagpasalamat sa akin o kaya magkunwaring mamimiss niya rin ako. Ang hindi ko alam, titig na titig pala ito sa mukha ko. Pero patuloy akong nakatitig sa table, trying to control my tears and my emotions. Coming here was a mistake. Di ko na yata kayang itago ang feelings ko sa kanya. Kaya hinablot ko ang notebook ko at tumayo na. " Wag mo nalang pala akong tulungan. I think naalala ko na ang discussion ng teacher natin. Thank you nalang at pasensiya na sa abala. From now on, I'll try to focus more on our lessons para di na kita kulitin." Ang sabi ko habang papunta sa bintana nito. Di ko ito tinapon ng tingin ni minsan. Ayokong mabasa niya sa mga mata ko ang sakit at ang pinipigilan kong damdamin. Palabas na ako ng bintana niya ng may humawak sa braso ko. " Are you sure? I don't mind naman eh. Pwede kong idscuss ulit sayo ang formulas and how to get the answers." Saad nito. Nakayuko pa rin ako at lumunok nalang. " Hindi okay lang. Okay na, naalala ko na. Sige balik na ako sa room ko para maumpisahan ko na. Sara mo na tong bintana mo pagkaalis ko. Tama ka malamig nga, baka sipunin ka." Ang sagot ko sa kanya. Hawak pa rin nito ang braso ko. He tried to turn me around and titigan ang mukha ko pero nakatingin na ako sa room ko. " Are you sure you're okay?" Mahina nitong tanong. " Yeah, of course, I'm okay. Nahihiya na nga ako sayo eh. Lagi nalang kitang inaabala, but promise di na kita aabalahin. Kakayanin ko nang sagutin mga homeworks natin and mag focus lagi sa discussions." Pinilit kong pasiyahin ang boses ko at ngitian siya. Titig na titig pa rin ito sa mga mata ko, na siya namang ikinaasiwa ko kaya nagbawi ako ng tingin. Tinanggal ko ang mga kamay niya sa braso ko at tinapik ang balikat nito. " Sige, lipat na ako sa room ko. Goodnoght na rin." Maikli kong paalam at tumawid na sa room ko. Nararamdaman kong nakatayo pa rin siya sa may bintana at nakatingin sa akin. Nang makabalik na ako sa room ko, sinara ko ang bintanan ko. Nakatingin pa rin siya sa akin kaya kinawayan ko siya at ngumiti ng bahagya saka ko sinara ang kurtina ko. It's the first time na sinara ko ang kurtina ko. Nakatayo lang ako sa harap ng bintana at tuluyan nang hinayaang tumulo ang mga luha ko. Alam kong nakikita niya ang silhouette ko dahil nakabukas pa ang ilaw ko. Nakatingin din ako sa kanya na nakatayo pa rin sa may bintana paharap sa akin. Tumalikod ako at sumandal sa nakasarang bintana. Kung bakit kasi sa kanya pa ako na in love? Marami namang gwapo sa campus at marami ding mga nanliligaw sa akin. Pero siya lang talaga ang gusto ng puso ko. Patuloy na dumadaloy ang mga luha ko. Bukas ko na gawin ang homework ko, madali lang naman to. Umalis na ako sa may bintana at tinungo ang switch ng ilaw. Pinatay ko na ito at humiga na. Doon pinakawalan ko ang lahat ng sakit at humagulhol sa unan ko. Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ko. Inabot ko ito at tiningnan kung sino ang nagtext. Laking gulat ko na galing ito kay Tristan. " I thought you're answering your homework. So why did you turn off your light?" Ang nakasaad sa text. " I don't feel well all of a sudden. I'll do it tomorrow, nalang. Goodnight, Tristan." Pagsisinungaling ko dito. Inopen ko ang photos ko and looked at his face. Ang dami kong stolen shots sa kanya. Yes, guys, I'm a certified stalker. Di na sumagot si Tristan, siguro naniwala siya sa akin. Hinalikan ko ang picture nitong nakangiti. Bihira lang itong ngumiti, pero kapag ngumiti ito, naku te, laglag panty ko. Dinala ko sa dibdib ko ang phone ko at para ko na rin siyang kayakap. Suddenly tumunog ang phone ko. May tumatawag, so tiningnan ko kung sino, and Tristan's face was smiling at me. Kinabahan ako bigla at nagpanic. Bakit tumatawag ito? Atubili akong sagutin ito, pero pinindot ko ang answer button. " Hhhello?" Sagot ko sa mahinang boses. " Are you okay?" Ang maiksing tanong nito. Nag-aalala ba ito sa akin? Aba himala! " Yeah, I'm fine, Tristan. Sumakit lang ang ulo ko." Sagot ko dito. Sana hindi nito mapansin ang garalgal kong boses. " Are you crying? Did I say something to upset you?" Nag-aalala nitong tanong. s**t! Nakahalata ang mokong. " What? No! I'm not crying, Tristan. Bigla lang akong sinipon, siguro lalagnatin ako." Tarantang sagot ko dito. " You're lying, Maxine. I can tell that you've been crying." Pagpupulit nito. " Bahala ka kung ano gusto mong isipin. I need to go Tristan, masakit na ulo ko." Paalam ko dito. Hindi ko na hinintay iba niyang sasabihin. Masakit na puso ko. The more I hear his voice the more akong nasasaktan. Pag alis niya kaya maisipan niya pa rin akong tawagan or mamimiss niya kaya ako? I was about to drift off to sleep with tears still in my eyes when I heard a knock on my window: Noong una akala ko ibon lang or branches ng kahoy, pero naging persistent ito. Tumayo ako at binuksan ang kurtina. Laking gulat ko nang mabungaran ko ang sryosong mukha ni Tristan. Hindi ito nakasalamin. Siguro tinanggal niya bago tumawid sa bintana ko. Lalo siyang gumwapo nang walang salamin. Ang brown nitong mata ay titg na titig sa mukha ko, lalo na sa namamaga kong mata. " Open your window, Maxine." Utos nito sa napakaseryosong boses. Kumunot ang noo ko at umiling dito. " Tristan matutulog na ako. Pwede bang bukas nalang tayo mag-usap kung ano man yang kailangan mo? Sa school nalang tayo mag-usap, please." I begged him in a whisper. " Open up, Maxine, or I will stay here all night until you open this blasted window. Or baka gusto mo basagin ko ito?" Medyo naging aggressive ang boses nito at halatang galit na. " Tristan, what is your problem?! Di ba pwedeng ipagpabukas kung ano mang yang tanong mo? I told you I'm not feeling well!" Sagot ko dito sa naiiritang boses. " Kahit sandali lang, Max, please open your window." Pagsusumamo nito. I sighed in irritation and opened the lock. nang mabuksan ko na ng bahagya ang window, hinawakan ito ni Tristan at binuksan ng malaki saka pumasok sa room ko. Medyo madilim na dito dahil naka oof na ang ilaw ko. The only light is coming from his room across from mine. Nagtitigan kami and yong didbdib ko ay grabe ang kabog. Anong nangyayari kay Tristan? " What is it, Tristan, please hurry up." Tanong ko dito na nakatingala. Ang tangkad kasi nito. Nakatitig ito sa aking saka ako biglang kinabig sa dibdib nito sa isang napakahigpit na yakap. " Why are you crying, Max? I don't want to see you crying, hindi ako sanay." Bulong nito. Parang sasabog ang puso ko. Why is he doing this to me? Gusto ba niya akong patayin? Di ko mapigilang tumulo ang luha ko. Ang sarap sa pakiramdam ang makulong sa mga bisig nito at maamoy ang mabango niyang  amoy. I felt him rubbing his hands on my back and hair. " What's wrong, Max?" Tanong nito at hinawakan ang mukha ko. This is a new Tristan, bakit siya ganito? This is the first time na naging mabait siya sa akin nag-aalala. But, there's something in his eyes na di ko mawari. " I don't know," mahina kong sagot. " Siguro malapit na ang period ko kaya nagiging emotional ako." Sagot ko dito. He wiped my tears and smiled down at me. " Sure?" Paniniguro nito. Tumango nalang ako, at tipid na ngumiti sa kanya. " Ahm, Tristan, pwede na akong matulog?" Atubili kong tanong dito. " Can I stay for a little while? I want to make sure you're okay. Ako na magsasara ng window mo paglabas ko. Promise I'll be quiet. Uupo lang ako sa tabi mo and watch you sleep, please?" Nawindang ako sa request niya. Nakatulala ako sa kanya at nakaawang pa ang bibig ko ng bahagya. " Close your mouth, babe, baka pasukin ng lamok. Come on, let's get you to bed." Sabi nito, hinawakan ang baba ko at sinara ang bibig ko, saka ako hinila papuntang bed ko. What is happening? Who is this guy? He Pushed me gently on my bed at kinumutan. Then, he sat beside me and fixed his gaze on me. " Close your eyes, Max. I'll stay until you fall asleep. And yes, this is me. I am real. Now go to sleep." Utos nito. Kinikilig ako diyosko anong nangyayari sa earth? Mag end of the world na ba? Anong nakain nitong lalalikng to? Pinikit ko ang mga mata kong may ngiti sa labi. Naramdaman ko ang paglipat ni Tristan sa may uluhan ko and tucked my head in his arms. Hinahaplos haplos nito ang buhok ko hanggang sa talunin na ako ng antok. Di ko na namalayan ang banayad na paghalik nito sa noo ko at labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD