Pagdating ko nang bahay, naabutan ko ang mommy kong nagluluto ng hapunan. Samantalang ang dalawang malilit kong kapatid na si Madelene at Maddox ay busy kakapanood ng cartoons.
" Mommy, I'm home!" Sigaw ko sa mommy ko, lumingon lang siya at ngumiti sa akin. Dumeretso na ako sa kwarto ko para makapagbihis. Sumilip ako sa bintana ko para tingnna kung andon si Tistan sa kwarto niya. Pero nakasara ang kurtina nito kaya di ko makita kung nasa loob ba siya o wala.
Mamaya lilipat ako doon para kunwari hiramin ang assignment namin. Sinara ko na rin ang kurtina ko para makapagbihis ako. Nagpalit ako ng shorts and black shirt, tinali ko ang mahaba at wavy kong buhok.
Sinuri ko ang sarili ko sa salamin sa edad kong 11 years old, matangkad ako at medyo may korte na ang katawan. Nagkalamn na rin ang aking boobs at bumper, sadyang maputi ang balat ko. Minana ko sa mommy ko ang kutis ko at sa daddy naman ang mukha ko.
Medyo brown ang kulay ng bilogan kong mata, matangos ang ilong at mahahaba ang pilik mata. may pagka Spanish looking kasi si daddy sabi ni mommy, pero di ko na siya maalala. Bumalik ito ng Spain noong maliliit pa kami at di na nagparamdam.
Mag-isa kaming tinaguyod ni mommy, kung ano-anong racket pinapasok niya mabuhay lang kami. Sa ngayon isa siyang Store Supervisor sa may Cubao. Buti nalang wala kaming binabayarang renta dito sa bahay. Nabili ito ni mommy noong umalis si daddy at iniwan lang siya ng pera, pinang deposit niya dito sa bahay ang perang iniwan ni daddy at inuunti unting bayaran ang balanse.
Sa ngayon, natapos nang bayaran ni mommy ang bahay kaya pag-aari na namin ito. Tubig, kuryente at pagkain nalang ang gastusin namin at siyempre ang school namin magkakapatid. Kaya atat akong lumaki at makatapos para matulungan ang mommy ko sa gastusin.
Humiga muna ako sa kama ko para makapagpahinga bago ko gawin ang homework ko. Actually, tapos ko na ang iba kong assignments, math lang ang tinira ko para makita ko si Tristan.
Ang gwapo talaga nang mokong na yon, di nga lang nakikita kasi natatakpan ng salamin niya. Halos lahat ng classmates kong babae may crush sa kanya kahit mga bakla. Lalong lalo na ang bff kong si Sammy.
Pero ika nga sa kasabihan, ang kay Juana ay kay Juana kaya pinaubaya na niya sa akin si Tristan. Alam niyang patay na patay ako dito kinder pa lang kami. Kaya tuwing may pagkakataon, tinutulungan niya akong iset up kaming dalawa ni Tristan.
Do you know the feeling of loving someone deeply? It's just like when you stand in the darkroom, your first reaction is to find him instead of finding the light switch. Ganyan ako kapatay kay Tristan and it grows more and more as the years go by.
Pagpasok sa kwarto ko, instead of doing my homework sa bintana ang deretso ko. Just to see if he's in his room and makita siya. Oh, di ba baliw lang? And my whole family knew even my two little siblings knew na crush na crush ko si Tristan. Siya lang yata ang manhid o baka di lang talaga niya ako type.
Hay naku, gusto man niya ako o hindi, basta ako gusto ko siya, and I will do everything mapansin niya lang ako. Kahit kalabanin ko pa buong school pansinin niya lang ako. My mom would always say fight for the one you love but when you knew it's a losing battle, let go.
Let go. How can I let go? Ang daming pasa at sugat na ang natamo ko kakatanggol sa mokong na yon. Ang laki laki na ng nainvest ko na emotions sa kanya. Kahit bata pa kami alam kong siya ay para sa akin at ako ay para sa kanya.
Napukaw ang aking pagmumuni muni nang tawagin ako ng mommy ko para magdinner. Sumilip ako ulit sa room ni Tristan and I saw na may ilaw na at nakabukas ang bintana niya. Ngumiti ako at bumaba na para madginner.
Bibilisan ko ang pagkain para mas mahaba ang oras ko with him. Kunwari di ko maintindihan at magpapaturo ako sa kanya. Alam naman ng mommy niya at kuya niya na pumupunta ako sa kwarto niya kaya walang problema.
Dadalhan ko nalang siya ng sweets mamaya or apple para makita ko ulit ngiti niya. Nakangiti ako ng bumaba sa hagdan at umupo na sa mesa. Kumakain na ang dalawang kapatid ko, Maddox is 8 while Madelene is 7.
" Oh Maxine, bakit na naman abot tenga ang ngiti mo? Nakita mo na naman Prince Charming mo no?" Tanong ng mommy ko na nakangiti.
" Sure yan mommy, sinisilipan na naman niya si kuya Tristan." Sabat naman ni Maddox. Binato ko siya ng gulay at dinilaan lang ako.
" When I grow up, I want Kuya Tristan to be my boyfriend." Ang sabi ni Madelene na nakapikit pa at tumingala sa langit.
" Ay, ay, ay, aagawan pa ako. Maddie, baby ka pa, marami ka pang makikilala. Akin lang si Tristan, okay? Kumain na nga kayong dalawa." Saway ko sa makukulit kong kapatid.
" At ikaw din ay bata pa, sweetheart. Saka na yang love, love pag nakatapos ka na ng pag-aaral mo. And you know that he's leaving soon, right? You are just setting yourself for a heartbreak, babe. You will find someone else, someone better, and someone na mamahalin ka rin. Grow up first anak." Lecture ng mommy ko sa akin ng nakangiti.
" No, mommy. I only want Tristan. Maghihintay ako kahit abutin ako ng 100 and 1. I know he will love me too, just you wait and see." Sagot ko sa kanya na puno ng kumpiyansa at determinasyon. Masakit man isipin na aalis siya, pero alam ko our love will find a way.
I know what you're thinking guys, how could an 11-year-old have this much emotion. Simple, try to live near a hottie nerd next door and you will know. Diyos ko! Kulang nalang ipagsigawan ko sa buong school na this boy is mine! Para walang umaligid aligid na malalandi at walang kumanti sa kanya.
If only he knows how I worship the ground he's walking in. If only he knows na siya lang laman ng diary ko at ng puso ko. Nagmadali akong maghugas ng pinggan after dinner para makaakyat na ng ligaw, este ng bintana ni Tristan. I'm coming my Prince, please wait for me.