Nang makarating kami sa school, lahat ng mga mata ay napako sa aming dalawa. Paano ba naman, itong si Tristan eh bitbit ang bag ko at nakaalalay ang mga kamay sa likod ko. Oh di ba te winner! Jowa lang ang peg niya!
Lumaki ang mga mata ng mga kaibigan ko nung magkasabay kaming pumasok ng room. Si Sammy, ang lukarit kong bff ay napanganga at namilog ang mga mata. Hinatid pa ako ni Tristan sa upuan ko saka inabot sa akin ang bag ko ng nakangiti.
Nagpapakademure naman ang lola niyo at ngimiti din ako sa kanya sabay nag thank you. Nang makalipat na ito sa upuan niya, saka naman lumipat sa aking si Sammy at ang bakla naming friend na si Vince. Vince sa umaga, Victoria sa gabi.
" Bakla, ano yon ha? Bakit kayo magkasabay pumasok and may pagbitbit pa ng bag?! Explain yourself!" Bulong ni Vince at pinandidilatan ako ng mata.
" Besh, tinakot mo ba? Binantaan mo kaaya umamo?" Tanong din ni Sammy panay sulyap sa nakangiting si Tristan.
" Tumigil nga kayong dalawa! Anong tingin mo sa akin besh leader ng mafia?! Ewan ko dyan bigla nalang naging mabait sa akin. Siguro dahil malapit na siyang mag disappear sa aking life forever." Madadamin kong sagot sa mga ito.
" Loka-loka!" Binatukan ako ng bakla kong kaibigan.
" Aray! Bugbugin kita dyan eh makita mo. Bakit ba ayaw niyong maniwala? Hindi ko talaga alam bakit siya naging ganyan. Alam niyo ba kung ako pang sinabi niya sa akin?" Pagkukuwento ko sa dalawa.
" Ano?!" Sabay nilang tanong sabay siksik palapit sa akin.
" Hintayin ko daw pagbabalik niya at sa pagbalik niya liligawan daw niya ako."Nagsigawan sa kilig ang dalawa at nag apir pa.
" Ay kaloka! May lihim pala na pagnanasa si Nerdy boy sayo bebe. Naku hintayin mo talaga siya. Matagal mo nang pinangarap yan kaya maghintay ka kahit abutin pa ng 100 years!" kurot ng bakla kong kaibigan saka naghagikhikan.
Naputol ang aming kwentuhan nang pumasok ang aming teacher sa first subject. Nang lingunin ko si Tristan, nakatitig ito sa akin at may lihim na ngiti sa mga labi. Nung mag break time, sabay-sabay kaming tatlong pumunta sa canteen para bumili ng snacks namin.
Nakapila na kami ng may biglang humatak sa akin. Si Marco ito, ang schoolmate namin. Isa din itong graduating student pero sa ibang section. Matagal na itong nangungulit sa akin at panay ang pagbibigay ng kung ano-anong regalo sa akin.
" Max, dito ka na sa table namin nabilhan na rin kita ng snack." Saad nito habang hawak pa rin ang braso ko. Nagpumiglas ako at tinitigan ito ng masama.
" Ilang beses ko bang sabihin sayyo, Marco, na huwag mo akong basta basta hinahatak. Hindi mo ako aso para pasunurin sayo. And salamat nalang pero may pera ako, I prefer buying for my own food." Irap ko dito sabay talikod.
" Nagsusungit na naman ang mahal ko. Kaya patay na patay ako sayo eh, palaban ka. Sige na dito ka na sa table namin." Pangungulit nito, pero bago pa ako makasagot sa kanya, pumagitna sa amin si Tristan at inakbayan ako.
" Nakabili ka na ba ng food mo, Max? Tara sabay na tayo." Tanong nito sabay hila sa akin pabalik sa pila namin kung saan naandon ang mga kaibigan ko. Nanatili ito sa likod ko, sheilding me from Marco. Nagkatinginan ang dalawa kong kaibigan at nagngitian.
" Hoy, patpatin! Astang matapang ka na ngayon ah. Ano kaya mo na ba ako?" Tulak ni Marco kay Tristan. Muntik na itong matumba kung di ko nahawakan kaagad.
" Ano ba Marco! Lubayan mo na nga kami!" Sigaw ni Sammy kay Marco.
" Ano ha? Ayaw mong magsalita? Kanina lang ang yabang mo eh. Binabastos mo ako." Panay sundot ni Marco sa ulo ni Tristan. Uminit na ang ulo ko kaya hinarap ko siya.
" Tigilan mo na siya Bruno. Wala siyang ginagawa sayo. Ikaw tong bastos at walang modo eh! Hindi ka ba nanakintindi ng tagalog? Ayoko sayo at ayokong binibigyan mo ako ng kung ano-ano!" Hinarap ko siya nang nakapameywang at nanlilisik na mata.
" Babe, I just want to take care of you and teach this faggot a lesson." Pang-aamo nito. Hahaplusin niya sana ang mukha ko pero winaksi ko ang kamay niya.
" Don't touch me, and don't call me that! For the nth time, Marco, lubayan mo ako!" Sigaw ko dito sabay tulak sa dibdib nito. Tumitig ito ng masama sa akin at sa mga kasamahan ko saka ako dinuro.
" You will regret this day, Maxine, so as all of you. Especially you, nerd! I will make your remaining days in school a living hell. Mark my words!" He threatened us, but walang natinag sa amin. We know Marco all too well. He's all talk. malakas lang ang loob niya dahil Principal ng school ang mommy niya.
I am glad this is our last year in this school. Next year, first-year high school na kami and who knows kung magkakasama pa rin kami. Well, Tristan for sure won't be with us anymore dahil lilipad na ito papuntang Estados Unidos.
" Don't mind him, Max. Puro lang naman yan salita. Takot yang makakita ng gulo dahil tiyak lagot siya sa nanay niya. Mayabang lang yan dahil Pincipal ang mommy niya. Don't worry, while I'm still here, ako naman ang poprotekta sayo." Nakangiting saad ni Tristan na nakapagpataba ng aking puso.
Anong nakain nito at bigla yatang lumakas ang loob and nag feeling boyfriend ang peg? Sammy and
Vince eyed me teasingly at nag apir. Lumundag ang aking batang puso at namumula ang pisngi. Tristan is acting as a true gentleman and like a real boyfriend.
Pagkatapos ng last subject namin, sabay-sabay kami nila Sammy and Vince lumabas ng room towards the school exit. Tristan is right behind us, following like a bodyguard. Ang weird talaga nang lalaking to ngayon.
" Oh, paano beshy, babush na at magkahiwalay ang landas na tatahakin natin. Si boyfie na ang bahala sayo." Pagbibiro ni Vince sabay kindat sa nakangiting si Tristan. Inirapan ko ang bakla at mahinang hinampas ng bag ko. Nagpaalaman na kami at naghiwalay nga ng landas ayon nga kay bakla.
" Max, give me your bag. I'll carry them for you. Sabay na tayong umuwi." Lumapit si Tristan pagkaalis nang dalawa.Tinaasan ko siya ng kilay, at ngiti lang ang isinukli nito sabay abot ng bag ko.
" Alam mo, nakakapanibago ka. Feeling ko tuloy mamamatay ka na, kasi bigla kang bumait sa akin and napaka weird ng mga kinikilos mo. Are you sure you're okay?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Umiling lang ito at tumawa sabay hawak sa kamay ko.
Aba! At may pa HHWW (holding hands while walking) pa ito! Panay ang sulyap ko sa kanya habang naglalakad kami pauwi. Medyo makulimlim ang langit at may pagbabadya nang pag-ulan.
" We better hurry, Max at mukhang uulan." Saad nito at hinatak na ako para lumakad ng mabilis. Halos tumatakbo na kami sa bilis ng lakad namin. Tamang tama naman ng pagpatak ng ulan ng makarating kami ng bahay.
" Tristan pasok ka muna para makapagpunas and meryenda na rin. Sobrang lakas na ng ulan. Pwede mo nang tawagan ang mommy mo from our phone." Anyaya ko kay Tristan. Medyo nabasa na kasi ito at nakakahiya namang pauwiin ko siya ng ganun ganun lang matapos niyang bitbitin ang medyo may kabigatan kong bag.
" Okay, sige salamat." Sagot nitong nakangiti. Pagpasok namin ng bahay nasa sala ang kambal na si Maddox and Madelene gumagawa ng kanilang assignment. Ang mama ko naman ay nasa sofa nakabantay sa dalawa at tinuturuan si Maddy.
" Oh, Max, Tristan! Naku basang-basa kayo! Maxine, bigyan mo si Tristan ng towel andon sa cabinet ng bathroom. And ikaw naman ay magbihis kaagad para di ka sipunin. Tristan iho you can go to the bathroom para makapagpunas, ipaghahanda ko kayo ng mainit na tsokolate and donut." Tarantang sabi ng mommy ko. Sinenyasan ko si Tristan para sumunod sa akin papuntang banyo.
" Thank you, po auntie." Sagot nito sa mommy ko at sumunod na sa akin.
" Here's the towel and pwede ka nang magpatuyo sa loob. Tanggalin mo na siguro ang polo mo, may tshirt ka naman na panloob." Suhestiyon ko sa kanya.
" Thanks, Max." Tipid niyang sagot at kinuha ang tuwalya sa akin. Aksidenteng nahawakan nito ang kamay ko and I gasped. May kung anong kuryente ang gumapang sa katawan ko at nagblush ako. Napakamot naman sa noo si Tristan at namumula rin ang pisngi.
Mabilis akong tumalikod na para bang nakakita ng multo at dali daling umakyat sa kwarto ko. Humihingal ako nang makapsok sa room ko at napasandal sa pintuan. Parang may isang daang kabayo na tumatakbo sa puso ko sa sobrang bilis ng pintig nito.
God! Nakakaloka na talaga ito. Noon pinangarap ko lang na mapansin ako ni Tristan. Ngayon sobra sobra pa sa atensiyon ang binigay nito sa akin. Is it real? Does he really like me the way I like him?