After kong magshower and makabihis ay bumaba na ako sa dining para makahigop ng mainit na tsokolate. Pagdating ko sa dining, andon na si Tristan nakaupo kakwentuhan ang kambal at mommy ko.
I sat opposite Tristan and reached for a donut. Pasimple akong tumingin kay Tristan, only to realize na nakatingin na pala ito sa akin. Mabilis akong nagbaba ng tingin at kunwaring humihigop ng tsikolate. Sa taranta ko minadali kong tinungga ang tasa kaya napaso ang aking labi at dila.
Dalidali kong ibinaba ang tasa at napasinghap. Nagulat nalang ako nasa tabi ko na si Trstan at may hawak na baso na may malamig na tubig. Iginiya niya ang baso sa bibig ko and nakahawak ang isang kamay nito sa likod ko.
Sa sobrang kaba at excitement ko, nasamid ako at napaubo. Hinimas himas nito ang likod ko at bahagyang tinapiktapik. Bolta boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko at lalo akong kinapos ng hininga.
" Take it easy, Max. Take a deep breath." Bulong nito sa akin. Napapikit ako at humugot ng malalim na hininga. nang imulat ko ang mga mata ko nagulat ako sa lapit ng mukha ni Tristan sa akin titig na titig ito sa mukha ko.
Namula ako at napatingin sa ibang direksiyon. Samantalang ang dalawa kong makukulit na kapatid ay tawa ng tawa sa pamumula ko.
" Are you okay, now?" Tanong ni Tristan. Tumango ako at tipid na ngumiti sa kanya. Nag thank you ako at sinuklian naman niya ito ng matamis na ngiti. Tumayo na siya at umupo sa katabi kong upuan instead na bumalik sa upuan niya.
Anak ng tipaklong naman oo, paano ako makakain nito? Samantalang si Tristan ay patuloy na nakikipagkulitan kay Maddox at Madelene.
" Anak, wala ba kayong assignments today? Since andito naman na si Tristan, maybe you can ask him to help you? Kaysa mag exibhition ka na naman sa bubong para tumawid sa room niya." Tanong ng mommy ko na ikinagulat ko. Paanong nalaman ni mommy na tumatawid ako sa kabilang bahay through the roof?
" Yes, I know, matagal na, Maxene. Akala mo di ko nakikita pagtawid tawid mo sa room ni Tristan? Anak, don't do that anymore, okay? If you want his help, knock on their door or ask Tristan to come here, okay? Ayokong madisgrasya ka sa pinag gagagawa mo." Pangaral ng mommy ko sa akin na siya naman ikinapula ng mukha ko.
I bowed my head and nodded. When I looked up, I saw mom's teasing eyes and ang nakabungisngis na kambal. I stole a glance in Tristan's direction, and to my horror, he is also looking down at me, smiling.
Dali-dali akong yumuko at nagpatuloy sa pagkain. It was so hard to chew or swallow sa sobrang hiya ko. Nakakinis naman si mommy ngayon pa nagsalita na nandtio si Tristan.
" Sige po tita, I'll stay for a while to help Max with our assignments. Max, you can always come knocking on our door anytime you need help, okay? Tama si Tita, it's too dangerous for you to climb up the window and transfer to my room. I should be the one doing that, not you." Pag sang-ayon ni Tristan sa sinabi ng mommy ko.
" Okay," matipid kong sagot na halos pabulong na.
After our meryenda, nag transfer kami sa sala at nagready nang gumawa ng assignments. Ang kambal ay pinaakyat ni mommy sa room nila para di kami maisturbo ni Tristan. Tumawag na rin si Tristan sa mommy niya to inform her na nasa kabilang bahay lang siya doing homeworks.
Tahimik kaming dalawa habang sinasagutan ang homeworks namin. Pareho kaming nakikipakiramdaman. Pasulyap sulyap ako kay Tristan habang nakatabing ang aking buhok ng bahagya sa aking mukha. Minsan nagkakatama ang mga mata dahil maging ito din ay panakaw nakaw ng tingin sa akin.
Ilang beses nagkakasalubong ang mga paningin namin at napapangiti na lamang ito sa mabilis kong pagbawi ng tingin at sinusubsob ang mukha sa notebook ko. Naka isang daang ulit na yata ako pabalik balik ng basa sa isang tanong pero walang rumerehistro sa utak ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
" Ehem," biglang umigham si Tristan trying to catch my attention. Tumingin ako sa kanya ng nakataas ang mga kilay at nagtatanong ang mga mata.
" Kailangan ko na yatang umuwi, Max. Medyo dumidilim na, almost time for dinner. Tapusin nalang natin mamaya sa room mo, kung okay lang sayo." Tanong nito sa akin ng nakangiti.
" Oh okay, buti pa nga. Medyo sumasakit na rin ulo ko dito sa sinasagutan ako. Let us rest for a while muna. I'll keep my window open nalang para makapasok ka agad." Sagot ko dito habang tumatayo at nag-unat.
" Okay, so I'll see you later? And please tell your mom thank you for the meryenda kanina. I'll go ahead na ha?" Paalam nito habang sukbit ang bag sa balikat. Hinatid ko siya hanggang sa labas ng pinto at kumaway dito habang naglalakad ito patungong bahay nila.
Lumingon pa ito at kumaway ulit habang nakangiti bago pumasok sa bahay nila. Nang tuluyan na nitong isara ang pinto nila saka lang ako pumasok sa bahay namin at nag-unat ulit. Niligpit ko ang mga gamit ko at umakyat na sa aking kwarto.
Binuksan ko ang ilaw at inilapag ang bag ko sa gilid ng study table ko saka nagtungo sa may bintana. Hinawi ko ang kurtina at binuksan ang bintana. malamig ang simoy ng hangin dahil sa ulan kanina. Nakita kong pumasok si Tristan sa room niya at tumingin din sa room ko. Nagkangitian kaming dalawa saka ako tumalikod at humiga sa kama ko na kilig na kilig.
Sino ba namang di kikiligan sa pamatay na ngiti ni Tristan, plus pa ang mga nakakainggit na dimples nito.
I was still on cloud nine when my mom called me for dinner. Dali-dali akong bumangon para mabilis din akong matapos. Magsisipilyo pa ako and mag-aayos before dumating si Tristan. Ngayon pa lang excited na akong makita siyang muli at makasama.
Saka ko nalang iisipin ang papalapit na graduation na siyang hudyat ng pag-alis ni Tristan papuntang America. May kung anong kumirot sa dibdib ko pero pilit kong nilalabanan. I will cherish every moment with him from now on, wala akong sasayanging oras.