RAMIRO
“Bakit Boss? hindi ka pa ba… nagkaka girlfriend?” tanong ni Nico.
“Nagka girlfriend na,”
“Iyon naman pala eh, anong nangyari?”
“She was killed by my enemies,”
“Ah, sorry,”
“Matagal na iyon, nakamove on na ako,”
“Akala ko nga boss, bakla ka eh,”
“Ano?! Aba, Nico, hindi mo naitatanong noong hindi pa ako bulag maraming babae ang nagkakandarapa sa akin! tss,” saad ko sa kanya.
“Kung ganon eh bakit nga hindi mo pa pinatulan iyon si Maam Eleizha?”
“Her father is a mafia boss, Nico, ayoko na ma-involved sa mga yan, si Aarav pa nga lang ay sakit na ng ulo eh, ayoko na dagdagan, pasalamat ang damuho na iyon dahil magkababata kami, and that Eleizha, maybe she’s a 10 but a total weirdo,”
“Iyon ba talaga ang rason?”
“Yes, nothing else,”
Nang makabalik kami sa hideout ay gising pa si Aarav at nasa shooting range.
“Kamusta dito?” tanong ko sa kanya.
“Yung isang operation, bulilyaso, nalugi ako ng dalawang milyon, putang ina!” saad ni Aarav na mababakas sa pagsasalita ang stress at inis.
Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa balikat.
“Hey, take it easy, man,”
“I can’t lose again, Ramiro, this is not a f*****g game, nga pala, I have a job for you,”
“What job?”
“You know my Casino right?”
“What about it?”
“Hindi ako nakakapunta doon kasi may problema ako kay Siobeh nitong mga nakaraang araw at kailangang nasa tabi niya ako, kaya may mga nagmamanman doon at gumagawa na ng kung anu anong kalokohan, naaapektuhan na ang negosyo ko,”
Napalunok ako, mukhang delikado na naman ang ipagagawa nito ni Clemente.
“Don’t worry, sasamahan ka naman ng mga bodyguards ko, this is a group work,” paliwanag pa ni Aarav.
“Okay,”
“Kamusta ang organization? I heard nagkaroon ng engkwentro kahapon,”
“I sent a message to them na hindi kami susuko, kailangan nila si Dove, buhay man o patay at iyon ang ikinababahala ko,”
“Sige, sabihan mo lang ako kapag may kailangan ka, siya nga pala, yung trabaho, 10:30 pm dapat nandoon na kaya magpahinga ka muna maghapon, teka, bakit ka nga ba ginabi? saan ka nanggaling?”
“Tss, yung Eleizha na iyon lasing, nagpasundo sa akin,” saad ko na iiling iling.
“Bro, mukhang type na type ka non ah,”
“You know I can’t crossed the line, Aarav, at isa pa, anak siya ni Don Fortez”
“Ahh, kaya pala parang pamilyar siya, naalala ko dati, may proposal sa akin si Don Fortez na gusto niyang ipakasal sa akin ang anak niya pero tinanggihan ko kasi may Siobeh na ako eh, and Siobeh is another problem, anak naman ni Don Aldama, ewan ko ba, lapitin talaga ako ng kaaway na crime family, siguro ay siya ang ipapa-arrange marriange sa akin nung time na iyon kaso lang tinanggihan ko,” saad ni Aarav na napapailing na lang.
“Bakit? nagsisisi ka ba na tinanggihan mo?” tanong ko sa kanya.
“f**k. no! sayo na kung gusto mo, patay na patay naman sayo iyon eh,”
“Ayoko bro, sasakit lang ang ulo ko sa mga yan, they are spoiled brats at hindi sanay na hindi nakukuha ang gusto, ikaw pa nga lang eh sakit na kita ng ulo eh, you f*****g psychopath!” singhal ko sa kanya na pabirong sinuntok ang braso niya.
Natawa naman siya sa ginawa ko.
“Well, sorry, because you need my protection right now,” saad ni Aarav.
“Yes, and I’m f*****g screwed by you everytime,”
“Sige na, magpahinga ka na, mamaya sabaw ka na naman, don’t worry, wala ng Siobeh na magmamando sayo this time, umuwi siya sa kanila,”
“Aba, buti pinauwi mo pa akala ko ay hindi mo na papakawalan eh,”
“I set her free this time because I have to,” saad ni Aarav, ramdam ko ang lungkot sa tono ng kanyang pananalita maging ang bigat ng kanyang pag buntong hininga.
“Magiging maayos din ang lahat,”
“Sana nga,”
***
Hindi ko maipaliwanag at hindi ko alam kung bakit naalala ko na naman ang bawat paghalik at paghaplos sa akin ni Eleizha.
Kung paano siya gumiling sa kandungan ko, kung paano siya umungol noong mga oras na iyon, kung paano niya ako halikan. Damn it! ako ata ang mababaliw.
“Ahh, Ramiro, ahh, I want you,”
Nagpalinga linga ako habang nakapikit. Maya maya ay narinig kong may kumatok sa kwarto ko.
“Boss? Boss?” narinig ko ang pagtawag ni Nico.
“Sandali!” bulalas ko sa kanya at saka ako bumangon sa kama ngunit pag kapa ko ay basa ang kama ko.
Fuck! don’t tell me I’m having wet dreams. Napailing na lang ako at saka binuksan ang pinto.
“Ano?” tanong ko kay Nico.
“Uhm, pinapatanong po ni Boss Aarav kung ready na kayo, nasabi niya na rin po sa akin yung operation natin ngayong gabi,” saad ni Nico.
“Kamo, maliligo lang ako,”
“Sige po, Boss, ihanda ko na lang po mga susuotin niyong damit,”
“Sige, paki na lang,”
“Kailangan niyo po ba ng tulog sa pagligo?”
“Hindi na, tss, ano ka? taga sabon ng junior ko?” sarkastikong saad ko sa kanya, natawa naman siya.
“May radyo ba dito? mag play ka nga ng music, gusto ko may music habang naliligo ako,”
“Sige po, Boss,”
“Yown!” saad ko dahil narinig ko na nag play ang music, Bon Jovi pa ang pinapatugtog niya.
“It's my life~It's now or never, I ain't gonna live forever!” pagkanta ko na sinabayan iyon.
***
CASINO CLEMENTE
Hindi ko alam kung bakit isinama pa ako ni Aarav dito, eh wala naman akong gagawin dito. Ang sabi niya ay magmanman, paano ako magmamanman eh bulag ako, akala ata normal pa ako eh. Lahat sila itinuturing ako ng normal, lalo na si Eleizha-ng baliw akala ata niya nagpapanggap lang akong bulag, eh bulag naman talaga ako tss!
Maya maya ay naamoy ko ang amoy ng pulbura sa paligid. Tinakpan ko pa ang ilong ko dahil grabe na ang amoy, sinundan ko kung saan nanggagaling iyon.
Saan ang amoy pulbura na iyon?
“Boss, may kalaban!” narinig ko ang isa at alam kong susugurin nila ako kung kaya’t hinataw ko sila ng tungkod ko.
“Aba! matibay ka ah!” saad ng isa na narinig kong naglabas ng patalim kung kaya’t kinuha ko rin ang patalim sa may tungkod ko, ang isa ay nasaksak ko sa tagiliran habang ang isa naman ay sinipa ko ng malakas ngunit nakarinig ako ng tunog ng metal na tila nabitawan.
“Bomba! may bomba dito sa Casino!” sigaw ng isang lalaki na nagpapanic.
Naghiyawan ang mga bisita sa loob sa takot at gumawa ng matinding gulo.
Nahanap na ng mga bodyguards ni Aarav ang mga espiya sa Casino at ngayon sa naririnig ko ay mahigpit ang sagupaan nila.