RAMIRO
Tila nagkakagulo na sa Casino. Mabilis kong hinanap at kinuha ang bomba ngunit nang mahawakan ko iyon ay granada pala. Hindi pa ito sumasabog dahil hindi napihit ng maayos ang takip non.
Akmang itatapon ko na iyon sa labas ng Casino dahil nasa lobby kami ngunit may biglang humablot nito sa akin at nag agawan kami. Nasipa ko siya sa tiyan dahilan upang mabitawan niya ang granada ngunit bago niya mabitawan ay nabuksan niya pala ito kung kaya’t binato ko na iyon ng mabilis.
“Dapa!” sigaw ko sa kanilang lahat nang sumabog sa labas ang granada.
Napadapa naman Ako ngunit Hindi ko hinayaang makatakas ang may gawa nito.
Sisiguraduhin kong magbabayad ang kung sinumang nag utos nito! Hindi na ako nag aksaya ng oras at hinablot ang kwelyo ng espiyang kumuha kanina ng granada at pinagsusuntok ko siya.
“Boss Ramiro! Tama na!” narinig kong pag awat sa akin ni Nico dahil totoong nanggigigil na ako sa galit at gusto ko ng patayin sa suntok ang kung sinumang gago na to na naglakas ng loob na magdala ng granada dito.
“Kami ng bahala dito!” saad ni Nico kung kaya’t marahas ko itong binitawan at saka hinanap ang tungkod ko.
“Kunin niyo na yan!” narinig kong utos ni Nico sa mga kasamahan niya.
Iginiya naman ako ni Nico papunta sa kotse.
***
CLEMENTE SHOPPING CENTER
Narinig ko ang malakas na paglapag ni Aarav ng kamay sa kahoy na lamesa.
“Kung sumabog sa loob iyon?! edi patay kayong lahat! ipapaayos ko pa ang Casino!” singhal niya na galit na galit.
“Pasensya na po, Boss!” saad ng mga tao ni Aarav.
“Paaminin niyo yan kung sinuman ang may gawa nyan!” galit na saad ni Aarav.
Pumunta kami sa dungeon kung saan naroon ang lalaking nagdala ng granada sa Casino.
“Who sent you, fucker?!” tanong ng isa sa mga middle man ni Aarav, narinig ko naman ang pag paddle nila pati na rin ang mga pag sipa dito.
“Tama na! baka mamatay yan, hindi natin matatanong yan,” narinig kong saad ni Nico.
“Kahit anong gawin nyo, hindi ako magsasalita!” singhal nito.
“Aba, sumasagot ka pa ah?!” gigil na saad ng tauhan ni Aarav, narinig ko pa ang pagsampal nito sa bihag.
Napayuko na lang ako at napa-smirk. Mukhang hindi pa marunong mag interrogate ang mga tao ni Aarav kung kaya’t naglakad ako papalapit sa kanila.
“Boss Ramiro,” pagbati nila sa akin.
“Do you mind if I try?” tanong ko sa kanila.
Hindi naman sila nag reklamo kung kaya’t ako na ang mag interrogate.
Kinuha ko ang kanina pa ay nakasukbit sa pantalon ko na Cap Gun Pistol.
“Hi, I’m Spade, your name?” tanong ko sa kanya ngunit dinuraan niya lang ako sa mukha, kinuha ko naman ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang mukha ko.
“As you noticed, I’m blind so, wish me luck!” saad ko sa kanya at nag smirk.
Ipinakita ko sa kanya ang Cap Gun ko.
“You see, I only have one bullet here, and I believe that life is a game of luck,” saad ko na isinara na iyon at kinalabit ang gatilyo ngunit walang lumabas na bala.
Ramdam ko naman na natatakot at nanginginig niyang katawan.
“You f*****g psycho!” singhal niya sa akin na siyang ikina-ngiti ko.
“Yes Sir, I’m a f*****g pyscho,” saad ko na itinutok ang baril sa ulo niya.
“Boss! kailangan pa natin ang taong yan!” saad ni Nico.
“I know pero kung ayaw magsalita, pwede na siyang mamatay, tutal wala na siyang silbi,” saad ko na kinalabit ulit ang gatilyo ngunit walang lumabas na bala.
“Maswerte ka ah, hindi mo natatapatan ang parteng may bala,” saad ko sa kanya.
Tumigil ang mundo nilang lahat sa ginagawa ko, mabigat ang kanilang mga paghinga at pakiramdam ko ay nagfo focus silang lahat sa akin at tila kinakabahan dahil isang maling kalabit ko lang ng gatilyo ay siguradong patay ang bihag.
Muli kong dinikit sa ulo niya ang labi ng baril. Ngayon ay nakatali ang kanyang mga kamay at paa at nakatayo lamang siya kung kaya’t malaya akong nakakalapit sa kanya.
“Ano?! hindi ka pa rin magsasalita, huh?!” singhal ko na idinidiin na sa ulo niya ang baril.
“Maswerte ka kung pagkalabit ko nito ay wala pa rin ang bala,” saad ko sa kanya at akmang kakalabitin na ang gatilyo ng baril ngunit narinig ko na siyang magsalita.
“S-si Don Fuentes, siya ang may pakana nito! pakawalan niyo na ako, napag utusan lang ako!” saad niya kung kaya’t tinanggal ko na ang baril sa ulo niya.
“Sasagot ka rin pala, pinatatagal mo pa eh,”
“Gusto niyang pabagsakin si Aarav,”
“The information is enough, teach them a lesson,” saad ko sa kanila.
Kilala ko ang mafia boss na tinutukoy nito, pabagsak na siya at wala rin siyang papamanahan ng gumuguho niyang imperyo kung kaya’t gusto niya ring hatakin pababa ang iba pang crime family.
Isinama na naman ako ni Aarav sa operation at ngayon ay mas marami na sa mga tao niya ang inassign niya para sa delikadong misyon na ‘to.
***
Pinasok na namin ang buong mansyon na lungga ni Don Fuentes, lahat kami ay mga armado, nakasuot pa kami ng bulletproof vest at handa na sa sagupaan.
Nang makapasok kami ay kaagad na naalarma ang mga tauhan nito at sinalakay kami.
Mainit ang bawat palitan ng bala ng baril. This is a whole level of killing spree. Ipinaubaya ko na ang mga iyon sa mga tauhan ni Aarav dahil si Don Fuentes ang pakay ko.
Matagal ko na rin siyang target na hindi ko mapuntirya. Iyon ay ang mga panahon na malakas pa ang pundasyon ng kanyang pwesto at makapangyarihan pa siya.
May mga ilang tauhan ni Don Fuentes na lumapit sa akin, sa tantya ko ay tatlo sila, ang isa ay binaril ko ang isa naman ay pinalo ko ng tungkod ko at ang isa naman ay sinipa at sinuntok ko at saka ako tumakbo ng mabilis.
Hindi ko alam kung nasaan na nga bang parte ako ng mansyon ngunit tahimik na, inisa-isa ko ang mga kwarto hanggang sa nakarating ako sa isang malaking bulwagan, rinig na rinig ko ang sagupaan ng mga tauhan ni Aarav at ni Don Fuentes mula sa ibaba, siguro ay nasa terris ako.
Hawak ko sa kaliwang kamay ko ay baril habang ang tungkod ko naman sa kanan. Hahakbang pa dapat ako ng isang hakbang nang marinig ko na si Don Fuentes na nagsalita.
“Looking for me?” tanong niya.
“Don Fuentes, long time no see,”
“Is this Aarav’s doing?”
Sa tingin ko ay mag isa lamang siya sa mga oras na to dahil wala namang sumasalakay sa akin na mga tauhan niya.
“Yes, pero hindi naman ito mangyayari kung hindi mo inutusan ang tauhan mo na magpakawala ng granada sa loob ng Casino niya,”
Narinig ko ang sarkastikong pagtawa niya.
“That rascal really has a temper, how about you? I heard that you got expelled at the organization and now your working with Aarav, bakit sumasabak ka pa rin sa mga ganitong delikadong misyon? bulag ka na Ramiro, you should free yourself,”
“Free?” saad ko sa kanya at nag smirk.
“Ganyan ba ang buhay na gusto mo? palaging nangangapa sa dilim?”
“I’m a dead man, Don Fuentes, wala ng mawawala sa akin kaya ginagawa ko ito, at kung mamamatay ay mamamatay,”
“That’s miserable,” saad niya, naamoy ko naman ang paghithit buga niya ng sigarilyo.
Matanda na si Don Fuentes, nasa 70 years old na ito kung kaya’t hindi ako mahihirapang patayin siya.
“I heard your good at swords at mukhang may hawak ka ngayon, let’s have a duel,” paghahamon ni Don Fuentes.
“That’s great,” saad ko na inilapag ang baril ko at kinuha ang tungkod ko dahil samurai sword nga ang laman ng loob non, hinubad ko ang suot ko na bulletproof vest para maging patas ang laban, kaagad kong hinugot ang tungkod ko at lumabas ang matalim na bagay, pumorma ako at inayos ang paghawak sa samurai.
Narinig ko rin ang paghawak niya mg samurai. Una siyang sumalakay at mabilis ang mga pangyayari, sinalag ko naman iyon.
Ilang sandali pa kaming nag salagan ng samurai, nadale niya ako sa dibdib medyo masakit iyon ngunit hindi ko ininda, daplis lang. Magaling siya sa samurai kung kaya’t nandaya na ako at sinipa ko na siya, pagkasipa ko sa kanya ay napahiga siya sa sahig, dalawang kamay na ang hawak ko sa samurai ko at doon ay mabilis at madiin kong itinarak ito sa kanyang dibdib.
“Tha-t was… the best duel of m-my life,” saad niya at tuluyang binawian ng buhay.
“I’m sorry that, that is the last one too Don Fuentes, rest in peace now,” saad ko sa kanya, nakapa ko ang mukha niya at isinara ko ang mata niyang nakadikat pala at saka hinugot ang samurai ko.
Hinanap ko ang flag ng Fuentes family, nandito lang dapat iyon, nang makapa ko iyon ay kaagad kong kinuha iyon at inilaglag sa terris. Tila tumigil ang mundo ng lahat at nawala ang mga tunog ng sagupaan ng makita nilang inilaglag ko ang flag na hudyat na tapos na ang laban at patay na si Don Fuentes.
Maya maya ay narinig kong nag ring at nag vibrate ang cellphone ko kung kaya’t sinagot ko iyon ngunit puro pag hagulgol at paghikbi lang ang naririnig ko.
“Eleizha? bakit?! bakit ka umiiyak?”
“Tulong… tulungan mo ako,”