Lumipas ang halos tatlong buwan simula noong blackout. Lahat nang mga tao sa mundo ay sobrang saya dahil sa pagbabago ng kanilang sistema. Hindi na nila kailangan pa magtrabaho ng sobrang hirap para lamang umani ng kaunting pera, sa sitwasyon nila ngayon ay nagkakaroon ang mga ito ng limpak-limpak na salapi. Sa pamamagitan lamang ng paglilinis ng bahay, paglalaba, pagluluto ay magkakaroon na sila nang ilang libong pera.
Kasalukuyan akong naka-higa ngayon dito sa aking kama at nakatingin lamang sa kisame. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon dahil wala na rin akong masiyadong nakakalaban sa Online Games. Bihira na lamang ang naglalaro dahil abala na ang mga ito sa paggawa ng mga gawaing bahay.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari sa mundo. Alam ko na pumasok kami sa isang dimensiyon na kung saan laro na ang lahat. Gagawin mo lang ang mga naka-sulat sa quest at makikita mo agad na dumarami na ang iyong pera sa banko. Hindi ko nga alam kung legal pa ba ito o hindi na.
Tinakpan ko ang aking mata gamit ang isa kong kamay at bumuntong hininga. Ano pa ba ang pwede kong gawin? Na tapos ko na ang lahat ng quest ko ngayong araw, bukas na naman ulit. Gusto ko sana maglaro pero panigurado ay wala rin akong makakalaban. Sigurado ako sa sarili ko na Bot lang ang lahat ng iyon, ano naman ang mapapala ko sa kanila? Hindi naman tataas ang status ko kapag ganoon.
Status...
Iminulat ko ang aking mga mata at pinindot ang isang buton na nasa kaliwang parte bago tinignan ang buong status ko. Tumaas na ang aking HP, ganoon na rin ang iba ko pang mga attributes. Hindi ko nga lang alam kung paano ko pa papapataasin itong Intelligence ko, pagkatapos kong basahin ang isang libro na ayon sa Quest ay dapat ko matapos ay hindi na ito muling nadagdagan pa.
Importante ang attribute na ito sa laro, kung wala ka nito ay panigurado mahihirapan kang pumili kung saan ang dapat mong pataasin. Sa pagkakaalam ko at sa ilang taon ko na paglalaro sa Online Games ay minsan, ang intelligence ang magko-kontrol kung ilang skill points ang makukuha ng isang player para lumevel up. Minsan din ay nagagamit ang intelligence para maunawaan ko kung paano gamitin ang isang bagay, o mas madaling intindihan ang isang lenggawahi. Paano ko pa ba 'to patataasin?
Bukod sa intelligence, kailangan ko rin ang iba pang mga attributes na nandito. Tulad na lang ng Defense, Agility, Strength, Vitality, Endurance at Dexterity. Wala ang mga ito, ay malabong mabuhay ako sa labanan. Sa loob ng tatlong buwan ay wala pa akong nakakasalamuha na kalaban o kahit na ano. Dapat ba akong magsaya o mas lalo akong dapat kabahan?
Sigurado akong masiyadong kakaiba na ang nangyayari sa aking paligid ngayon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may masamang mangyayari sa pagdating ng panahon. Ang tanong ko nga lang ay kung kailan at kung ano ito? Sana ay hindi ito maging masama.
Huminga ako nang malalim bago naisipan na tumayo. Naglakad na ako patungo sa kusina upang iinom sana ng tubig nang bigla na lang may narinig akong isang mahinang tunog. Kasabay nito ang paglabas ng isang notice sa aking harapan.
"Would you like to read the new Announcement?"
New Announcement? Kailan ba nagkaroon ng Old Announcement? Sa pagkakaalam ko ay wala akong nabasa na ganitong klaseng Announcement simula noong mangyari 'to.
Itinaas ko ang aking kamay at pinindot ang button na may nakasulat na, "Yes."
"Great!"
Nanatili lamang akong nakatayo sa pasilyo nang ilang minuto ngunit wala pa ring lumalabas na Announcement . Binibiro ba ako ng System ngayon? Umiiling na nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad nang biglang may lumabas na black screen sa harapan ko, kasabay nito ang pagsasalita ng isang boses babae.
"Welcome! To the game Into the Shadow!" Bati nito.
Nanatili pa ring itim ang screen na nasa harap ko ngunit hindi ko na lang ito pinansin. Tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi ng nasa screen.
Into the Shadow? So, that's what this game all about. I guess, this is the real start.
"As you now know, your world is not the same world as before. Your world is now a game, and everything you do earns you gold and experience!" Masayang sambit nito. "But at this very moment, Gates are rising up in your world with Gate Keepers. These are guards that will protect the shadow world. They are also the one who will stop you from bringing modern equipment and vehicles inside."
Gate Keepers? Just like the game called Dungeon Conqueror.
Lahat ng Dungeon sa mundong iyon ay may isa o higit pang gate keepers. Sila iyong magsisilbing bantay sa mga taong papasok doon. Sila rin ang magtatala sa iyong pangalana sa Book of Conquerors kapag natapos mo ang iyong misyon.
Seems like this game was inspired with that.
"These gates will lead to a shadow worlds, these shadow worlds will be like your past timelines. In these worlds, there will be guilds in where Gate Hunters, like you, can take quests and get rewards. There would be people who you can buy supplies inside. These supplies can be taken out to provide your world's needs. Don’t worry! If you buy all of it-- all the supplies will refresh the next day."
Supplies that we need? May iba pa ba kaming kailangan dito sa mundo? Nandito na naman ang mga pagkain, tirahan at kuryente. Ano pa ba ang dapat naming kailangan?
"But wary to all of you! When you die in this shadow world, and you will, you will never be revived, this maybe a game but your life isn’t." Paliwanag niya gamit ang seryosong tono, "Once again! Welcome! and enjoy your adventure, INTO THE SHADOW!"
Pagkatapos magsalita nang babaeng 'yon ay bigla na lang nawala ang black screen sa aking harapan at lumabas ang isang tanong na naman.
"Would you dare to be a Gate Hunter?"
Would I dare? Come on, stop messing around. I spend my entire life playing games like this, now it is not just a game but a reality, would I really not accept this?
I smirked and pressed the, "Yes." Button.
Let the game begins.