Before the Black out
Hindi ko alam kung anong oras na at wala akong pakealam kung umaga na ba o tanghali. Ako lamang mag-isa rito sa bahay at wala na akong mga magulang. Tanging itong paglalaro lamang ang bumubuhay sa akin at nagbibigay aliw sa akin.
Isang malakas na katok ang aking narinig mula sa labas na naging dahilan ng pagkunot ng aking noo. Sino na naman kaya ito? Wala akong maaalala na may inaasahan akong bisita. Wala rin akong kakilala sa lugar na ito na pwedeng bumisita sa akin.
Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalaro ngunit habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang katok sa pintuan, dahil dito bigla na lamang namatay ang aking champion na naging dahilan ng paghampas ko sa keyboard. Padabog na tumayo ako sa upuan habang kamot-kamot ang aking tiyan.
Habang naglalakad ako patungo sa pinto ay hindi ko mapigilan ang humikab. Medyo nakakaramdam na ako ng antok. Nang makarating ako rito ay unti-unti kong binuksan ang pinto, ang malakas na sinag ng araw ang bumungad sa akin na naging dahilan ng pagpikit ng aking mga mata.
Mukhang tanghali na nga ah? Masiyado yata akong nakatuon lamang sa paglalaro at hindi na napansin ang oras. Kailangan ko na yata magpahinga, ilang araw na akong nakatuon lamang sa kompyuter.
Inis na tinignan ko ang babaeng nakatalikod na nasa harap ng aking pinto, "Ano ang kailangan mo?" Tanong ko gamit ang malamig kong boses.
Mabilis itong lumingon sa aking at ngumiti, "Hi, I am Kara, I am your new neighbor,"nakangiti nitong pagpapakilala.
Maganda siya. Tama lamang ang hubog ng katawan. Hanggang dibdib ang haba ng buhok at may masayahing mata, mapupulang labi at maputing balat. Oo, mahilig akong tumingin ng pisikal na kaanyuan ng mga tao.
Hindi naman sa gusto ko si Kara, maayos lang talaga ito tignan.
"I am Mark, what do you want?" Tanong ko ulit dito.
Oo suplado ako. Oo wala akong pakealam sa kung ano man ang masasabi ng babaeng ito sa akin. Gusto ko lang ng tahimik na buhay at hindi niya ito na ibigay sa akin. Namatay pa ang champion ko na mas lalong nagpapadagdag ng aking inis. Wala akong oras makipag-usap sa mga tao rito, alam ko kung ano ang kanilang pinaplano.
"Ang sungit mo naman, hindi ba pwedeng makipagkilala sa iyo? I heard that no one in this area knows you that much,"she said and smiled at me.
Her smile was just like a sun. It's sore in the eyes.
"It is because I am minding my own business and they are minding theirs, how about you listen to my suggestion,"I said at sumandal sa pinto.
"Let me hear it, what is it?" Mas lalong nakangiti nitong tanong.
Sa lahat ng taong pumunta rito sa aking bahay upang magpakilala dahil kakalipat lamang nila ay ito iyong pinaka-persistent. Ayaw yata nitong tumigil hanggang sa hindi nito nakukuha ang kaniyang kagustuhan.
"How about you mind your own business, and I'll continue minding my own business. I mean you are a total stranger to me,"paliwanag ko, "Don't be too friendly with the people around here, just a heads up, they will ruin your name soon enough."
Umayos na ako ng tayo bago ko sinara ang pinto. I know that I was rude and mean but I don't care. I had enough with the people in this area. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa kanilang isipan dahil ilang taon na rin akong nakatira rito. Sa loob ng ilang taon na iyon ay alam ko kung ano ang pumapasok sa kanilang isipan. Hindi naman sa gusto kong protektahan si Kara, binabalaan ko lang siya para alam niya ang kakahinatnan niya.
Maraming lumilipat sa neighborhood na ito at marami rin umaalis dahil sa ugali ng mga naninirahan dito. Noong ilang beses na nila akong sinubukan na siraan, saka ko rin sinarado ang pinto para sa kanila. Ayaw ko sa kanila, at ayaw din nila sa akin. Patas lamang.
Isang marahas na hangin ang aking ibinuga bago ako nagsimulang maglakad patungo sa aking upuan. Agad kong sinuot ang headset at bumalik sa paglalaro. Mas mainam pa siguro ang ganito na lamang kaysa makihalubilo sa mga taong may pinag-aralan pero kulang naman sa respito.
Lumipas ang ilang oras na paglalaro ay na tapos ko na rin ang aking daily quests at isang mission na gusto kong makuha. Nang matanggap ko na ang rewards ay hindi ko mapigilan ang hindi mapaunat dahil panibagong pera na naman ito.
Mabilis kong pinindot ang isang website na kung saan ay mayroon akong account. Isa lamang ito sa mga website na mayroon ako na kung saan binibenta ko ang mga equipments at skills sa mga manlalaro. Alam kong karamihan sa kanila ay nahihirapan sa pagkuha ng mga binebenta ko, at dahil nga sa ipinaganak naman silang mayaman, nabibili nila ito ng walang problema.
Agad akong nag-post sa aking website at tinignan kung sino ang unang bibili. Hindi naman nagtagal ay bigla na lamang itong nawala sa, "Available page," na nagsasabing na benta na ito. Kinuha ko ang aking cellphone at muling tinignan ang aking bank balance. Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi ng makitang may nadagdag na naman na pera.
Isang tunog na mula sa aking pc ang aking narinig na naghuhudyat na mayroong nagpadala ng mensahe sa akin. Agad ko itong tinignan at nakita ang profile picture ng bumili ng item ko sa gilid na may kulay pula sa itaas nito na may nakasulat na number 1.
Hinawakan ko ang aking mouse at kinaladkad ito patungo sa profile picture at pinindot.
"I already paid this. When can I expect to receive the item? Here's my username XXXXXX."
"No problem. I am going to send the item, now. Please expect to receive the item within 1-2 minutes. Check your gift folder or your bag,"I replied.
Mabilis niya naman itong na seen atsaka nag-type ulit.
"I've been wanting to have this item but I couldn't finish the task. How come you can just get the items you want?"
If you are too addicted to games, you will know the pattern.
"Just focus and don't give up, that is all I can advice."
Of course, that's just a lie. You need to work hard, no time for rest, be skillful and logic.