Nagulat ang lahat dahil bigla na lang nawalan ng kuryente sa loob ng ilang segundo. Akala ng mga ito ay sa lugar lamang nila nagkaroon ng panandaliang brownout, ngunit, labis ang kanilang pagtataka nang bigla na lang pinag-uusapan nang lahat sa internet ang tungkol doon. Kahit sa ibang bansa ay bigla na lang nawalan ng kuryente sa magkaparehong oras. Hindi nila alam kung ano ang nangyayari, kung kaya ay naging trending ito sa twitter at sa iba pang social media.
Napakaraming posts tungkol sa misteryosong brownout na 'yon at punong-puno rin ang balita dahil doon. Labis-labis ang kanilang pagtataka at takot sa kung ano ang possibleng mangyari. Karamihan sa kanila ay iniisip na baka magkakaroon na naman ng panibagong giyera ang mundo. Labas sa kanilang kaalaman ay ito pala ang simula nang pagbabago sa kanilang buhay.
Galit na galit na inihampas ni Mark ang kaniyang kamao sa keyboard nang bigla na lang namatay ang kaniyang kompyuter. Hindi nito nagustuhan ang nangyari dahil na rin ay nasa kalagitnaan ito ng isang misyon. Malapit na sana siyang matapos, nang bigla na lang namatay ang kuryente at agad din bumalik.
"Darn it!" Sigaw nito at kunot-noong pinindot muli ang power button sa kaniyang System Unit, "Bakit kung kailan nasa kalagitnaan pa ako ng misyon tsaka nila gagawin 'yan? Kabanas!"
Labis ang galit na nararamdaman nito dahil sa nangyari. Hindi niya alam kung tatawagan niya ba ang kumpanya ng linya nang kaniyang kuryente at mag-reklamo o 'wag na. Dahil nga sa galit ay hinaayan niya lang naka-bukas ang kaniyang kompyuter at tumayo na. Padabog na naglakad ito patungo sa kaniyang kama at humiga.
"Nagbabayad ako ng tama tapos ito ang gagawin nila?" Inis na tanong nito, "Minsan talaga sarap nila ibitin patiwarik eh! Malapit ko nang makuha 'yong gamit na iyon, sobrang laki ng halaga niya sa Market!"
Inis na kinuha nito ang kaniyang unan at itinakip sa kaniyang mukha. Hindi nagtagal ay nakatulog si Mark sa ganoong posisyon. Alas syete na rin ng gabi kung kaya ay tamang-tama lamang ito upang siya ay magpahinga. Sa loob ng halos limang araw na pagpupuyat ay ngayong lamang ulit naka-tulog si Mark sa kaniyang kama.
Hindi niya ito nagagalaw at tanging nasa kompyuter lamang ang kaniyang atensiyon.
Unti-unting iminulat ni Mark ang kaniyang mga mata atsaka ito tumayo. Inilibot niya ang kaniyang paningin at pilit na binabasa ang nasa kaniyang harapan.
"Ano 'to?" Tanong niya, "HP, MP, Level, Vitality, Endurance, Strength, Dexterity, Resistance, Intelligence."
Labis ang pagtataka ni Mark sa kaniyang nakikita. Napapa-isip tuloy ito kung nanaginip lang ba siya o totoo. Bigla na lamang itong napakamot ng ulo atsaka bumalik sa kaniyang pagkakahiga at kinuha ang kaniyang cellphone. Binasa nito ang lahat ng mga tweets mula sa iba't-ibang tao sa mundo at iba pang mga posts ng kaniyang mga kakilala.
"Is it just me or something weird is going on."
"Can you see it too?"
"What's with these words?"
"What is HP?"
Agad napabangon si Mark sa kaniyang higaan at napagtanto kung ano ang nangyayari sa kaniyang paligid.
Itong mga nakasulat sa kaniyang harapan ay ang status niya.
"Am I in a game?" Tanong nito sa kaniyang sarili, "HP, ay isang attribute na kung saan malalaman nang player kung ilang damage lamang ang pwede nitong makuha sa kaniyang kalaban, kung kaya bakit ako nagkaroon ng ganito? Yeah, I guess, I must do my research first."
Mabilis na tumayo si Mark sa kaniyang higaan at tumakbo sa harap ng kompyuter. Hinila nito ang kaniyang upuan at mabilis na nagtipa sa kaniyang keyboard upang hanapin ang impormasyon na gusto niya.
"What is going on with the world?"
Ilang sandali pa na paghahanap ay wala itong nakitang matinong impormasyon.
Hindi nito alam kung ano ang gagawin niya ngayon. Gusto niya sana i-hack ang system ng mga heads, pero labis na ipinagbabawal iyon ng kaniyang ama na si Randy. Ngunit, wala siyang malalaman kung hindi niya susubukan.
Ilang minuto pa itong nag-iisip bago tuluyang buksan ni Mark ang kaniyang VPN atsaka sinimulan na ang pag-ungkat ng sekreto. Ilang sandali pa ay hindi nito mapigilan ang mapangiti nang may na kita si Mark na isang folder na may pangalan na, "XXX." Malakas ang pakiradam niyang nandito ang impormasyon na gusto niyang makalap.
Mabilis na inilipat ni Mark ang folder na iyon sa kaniyang Hard Drive atsaka muling pinatay ang VPN.
"Titignan lang naman natin at agad din ide-delete," sambit nito atsaka pinindot ang folder.
Patuloy lamang sa pagbabasa si Mark hanggang sa mapunta na ito sa pinakadulo.
"So we are really in a game, huh?" Nakangisi nitong tanong, "I didn't expect this."
Tumayo si Mark mula sa upuan at nag-unat. Pinindot nito ang isang buton sa kaniyang harapan at kusang bumukas ang kaniyang status.
"Isang libo pa lamang ang HP ko?" Gulat na tanong nito, "Mukhang kailangan ko pa nga pataasin ang aking Level. Iyon lang ay hindi ko lang alam kung paano, siguro ay magpatuloy muna ako sa paghahanap."
Muling umupo si Mark sa harap ng kaniyang kompyuter at nagpatuloy sa paghahanap ng impormasyon. Lumipas ang dalawang araw ay walang tigil pa rin ito sa paghahanap.
"Ayon sa ilang eksperto, hindi nila matukoy kung ano ang nangyayari sa lahat ng tao sa buong mundo. Maraming pagbabago rin ang nakita sa paligid na hindi nila matukoy kung saan galing, ngunit, ayon naman sa kanila ay agad nila itong sasabihin sa lahat ng mamamayan kung ano ang nangyayari." Sabi ng isang video na pinapanood ni Mark.
"Walang silbi." Bulong nito at pinindot ang susunod na video.
"Ayon sa impormasyon na aming nakalap ay ang ating mundo ay pumasok sa bagong dimensyon na kung saan magbabase ang iyong pag-angat sa pamamagitan ng paggawa ng mga quest na makikita niyo sa gilid. May isang maliit na icon sa isang tabi na pwede niyong pindutin."
"Icon?" Tanong ni Mark.
"Sa oras na matapos niyo ang inyong mga kailangan gawin, maaring magkaroon kayo ng ilang milyong dolyar."
Lumayo si Mark mula sa computer at tinignan ang mga naka-sulat sa kaniyang harapan. Agad din nitong nakita ang icon na tinutukoy sa video at pinindot.
Isang mahabang listahan ang lumabas sa kaniyang harapan na kung saan may naka-sulat na "Quest." sa pinaka-itaas.
"No Kidding, this is really a game." Sambit nito at ngumisi.