Game 5

1700 Words
“I see. Thank you so much for that.” My client replied. Kinuha ko ang isang stick ng pepero na nasa gilid lamang ng aking mouse at kinagat ito. Sinimulan ko ng ilipat ang mga binili nitong mga equipment sa aking website at ilang sandali pa ay muli na naman akong nakatanggap ng mensahe galing sa kaniya. “Received it!” “Good to know! Thank you for purchasing.” I replied and close the window. Tatayo na sana ako nang muli na naman itong mag-reply sa aking mensahe. “I have a request,”my client replied that caused my right brow to raise. What does this guy want? I don’t accept requests. “I’ll pay any amount you want. I badly want this equipment.” He added. Masiyado yata itong determinado sa bagay na ito? Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ko pinindot ang maliit na textbox sa baba na kung saan ko isusulat ang aking mensahe bago i-send sa kaniya. “What game and what mission?” Tanong ko rito. Hindi ko alam kung anong klaseng laro itong tinutukoy niya, baka isa ito sa mga laro na hindi ko pa nasusubukan at kailangan ng mataas na level para makuha ang equipment na iyon. Mas mabuti nang alam ko kung anong laro ang tinutukoy niya nang sa gayon ay matapos ko na agad at kapag wala talaga akong account sa larong ito ay pwede ko pa ito tanggihan. “Hunter Dynasty,”he replied, “Gusto ko sana makuha ang reward sa bagong contest nila ngayon. I’ll pay, don’t worry.” Hunter Dynasty? Sa pagkaalala ko, isa ito sa mga lumang laro na kinagigiliwan ko noon. Malapit ko nang ma-max ang level ko ng mapagpasiyahan ko na tumigil na muna at mag-explore ng ibang laro. Wala na akong masiyadong balita sa larong iyon pero mukhang mapapasubo yata ako. Teka, tignan ko nga muna kung nandito pa ba ang username at password ko sa pc. Pinindot ko ang isang folder na kung saan nakatago ang lahat ng importanteng detalye tungkol sa akin at binuksan ito. Hiningi muna niya ang aking password at pagkatapos ay ang aking biometrics. Pagkatapos ay may panibagong password na naman itong hiningi bago ako tuluyang nakapasok sa folder ko. Ilang mga dokumento akong nakita rito na tungkol sa aking mga game accounts, mayroon din akong mga impormasyon sa aking mga banko at iba pa. Kung kaya ay kinakailangan na mataas ang seguridad ng folder na ito. Hinanap ko ang Hunter Dynasty na folder at pinindot ito. Nandito pa nga ang account ko. “How much?” Tanong ko sa kaniya. “5,000 pesos for each equipment, if it’s paired then that would be 10,000,”tugon nito. Isn’t this too much? Masiyadong malaki ang pera na ito para sa mga equipments ng game lang. Sa tingin ko nga ay nasa 5,000 lamang ang pinakamahal sa aking website. Hindi kaya ay sobrang hirap nito kunin? Mukhang ganoon na nga, hindi naman kasi magiging ganito itong taong ito kung madali lamang kunin ang equipment na iyon. “I will try,”sambit ko, “I will get back to you kung hindi ko talaga makuha ang gusto mo.” “No Pressure, I will pay you immediately once the results are out,”tugon nito. “Okay.” Pagkatapos nang pag-uusap namin na iyon ay agad kong pinatay ang aking pc. Tumayo na ako at nag-unat bago naglakad patungo sa aking kama at humiga. Isang espesyal na request. Ito ang kauna-unang beses na nangyari ito sa akin. Hindi pa ako nakakatanggap ng personal message na mag-o-offer ng ganitong kalaking pera para lamang sa ganitong mga equipments. Siguro ay anak ito ng mayaman, hindi na rin nakakagulat. Kung hindi naman anak ay maaring isang mayaman na matanda. Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata habang nakayakap sa aking unan. Whatever. Kung ano man ang mangyayari sa event ay hahayaan ko na lang. Ilang taon na rin noong huling beses akong naglaro ng Hunter Dynasty. Hindi ko alam kung ano ang bagong update nila sa mga characters doon at skills kaya bahala na. Kahit papaano ay nagbabasa naman ako ng posts ng mga manlalaro ng larong iyon sa aming group page. “Well, ang importante ay malaking pera itong makukuha ko mula sa taong iyon.” Hindi nagtagal ay unti-unti na akong nilamon ng kadiliman hanggang sa tuluyan na akong makatulog.     Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata nang marinig ko ang maingay na alarm clock na nasa gilid ng aking higaan. Pikit matang inaabot ko ito hanggang sa mahawakan ko ang buton. Walang gana kong pinindot ang buton na naging dahilan ng pagtahimik ng paligid. Anong oras na ba? Kahit nanlalabo pa ang aking mga mata ay pinilit kong tignan ang orasan. 7:57 pm Alas syete na pala ng gabi. Pagod na pagod akong bumangon mula sa aking higaan at upo. Kusot-kusot ang aking mga mata. Bigla na lamang kumalam ang aking sikmura na nagpapahiwatig na gutom na ako. Wala nga pala akong ibang kinain buong araw kung hindi ay ang junk foods na binili ko noong isang buwan. Kailan ba huli kong bili ng mga pagkain? Tumayo na ako at naglakad patungo sa kusina, binuksan ang ref at bumungad sa akin ang lalagyan lamang ng tubig. Ganito na lang ba ako kahirap at wala man lang kalaman-laman ni kahit isang pagkain itong ref ko? Sinarado ko na lang ulit ang pinto at naglakad patungo sa banyo. Total gabi na rin naman at wala na rin masiyadong tao sa grocery, bibili na lamang ako ng maayos na pagkain. Kailangan ko nito dahil siguradong hindi ako makakalabas ng bahay ng ilang araw dahil sa espesyal na request ng aking client. Kinuha ko na ang aking towel at dumeritso na sa banyo upang maligo. Hindi nagtagal ay na tapos din ako kaya agad akong nagbihis at lumabas ng bahay. Dala-dala ko lamang ang aking pitaka na nasa aking bulsa habang nasa kamay ko naman ang cellphone. Abala ako sa pagbabasa ng mga posts ng mga kapwa ko gamer nang bigla na lang may tumama sa aking ulo. Tinignan ko ang batong na hulog sa sahig at lumingon sa paligid. Sino na naman ba itong nantri-trip sa akin kahit gabing-gabi na? “Yow!” Mabilis akong umikot at nakita ang babaeng pumunta sa harap ng aking bahay kanina. Ano na naman kaya ang kailangan nito? Malawak ang kaniyang ngiti na nakasunod sa akin habang may dala-dala rin na pitaka. Tinalikuran ko na lamang ito at nagpatuloy na sa paglalakad. Kinuha ko ang headset na nasa aking bulsa at sinaksak sa phone ko. “Ang cold mo talaga, ano?” Tanong nito ngunit hindi ko lamang siya pinansin, “Bakit ba ayaw mo akong kausapin? Hindi naman ako nakakatakot at hindi rin ako judgemental.” Wala akong pakealam. Ang akin lang ay layuan mo ako at maghanap ka ng ibang kausap. Nais ko lamang pumunta sa grocery store ng tahimik at umuwing tahimik. Masiyado kang madaldal para sumama sa akin. Kung pwede ko lang sanang sabihin ito sa kaniya ay ginawa ko na, kaso, tinatamad akong makipag-usap sa kagaya niya. “Saan ka nga pala papunta?” Tanong ulit nito ngunit hindi ko lamang siya pinansin. Pinindot ko na lang ang play button at nilakasan ang volume ngunit, hindi pa nga ako nakakalayo ay bigla na lang hinablot ng babaeng ito ang headset ko na naging dahilan ng pagkasira. “What the?!” Sigaw ko habang nakatingin sa kamay nito. “Uh-uh-I am so s-sorry,”nauutal na saad nito at binitawan ang akinig headset. Galit ako. Oo, ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng aking dugo patungo sa aking ulo at alam kong ilang minuto mula ngayon ay sasabog na ako kaso, kailangan ko pigilan. Babae ito. “I am so sorry, Mark,”saad nito. Aabutin na sana niya ako ngunit agad akong umatras at masama siyang tinignan. “Please, please, stop. I don’t want to shout at you or hurt you, so please, stop messing with me. I don’t want to talk to you and it’s obvious,”malamig kong sabi at tumalikod na. Sana lang ay makinig iyon sa akin. Knowing her personality, I know that she won’t listen. Ayaw na ayaw ko sa mga babae ang magulo at masiyadong pakealamera. Mas lalo kong binilisan ang aking paglalakad hanggang sa makarating na ako sa harap ng grocery store na naging dahilan ng bahagyang pagngiti ko. Mabuti naman at tumigil na rin ang babaeng iyon. Walking distant lamang ang bahay ko at grocery store kaya hindi ko na kailangan pa sumakay ng taxi o jeep. Pumasok na ako sa loob ng grocery at kumuha ng push cart. Nagsimula na akong kumuha ng mga pagkain na madali lamang lutuin at mga pagkain na pwedeng lutuin kapag may oras pa ako. Lumipas ang ilang sandali ay na puno ko na rin ang malaking cart na tulak tulak ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makahanap ako ng pila na hindi masiyadong mahaba. Huminga ako ng malalim at tinignan ang headset na nakalimbitin pa rin sa aking damit. Kainis talaga. Niligpit ko na lamang ito at nilagay sa aking bulsa. Agad kong kinuha ang aking wallet at cellphone. Nagsimula na naman akong mag-scroll sa feed nang biglang may bumangga sa cart ko at tinignan kung sino ito.  Isang malawak na ngiti na nagmumula sa isang taong pinaka-nakakainis na tao na nakilala ko sa buong buhay ko. "Kara,"bulong ko. "Hi! I bought you these!" Saad nito sabay taas ng dalawang box ng headset na kaparehong-kapareho sa headset na suot ko, "I know that these will not replace your headsets sentimental value but I just want to apologize for my mistake. I'll pay for these." Nakangiti pa rin ito habang winawagayway ang boxes. Malamig ko lamang itong tinignan atsaka tinalikuran. May mga ilang pagkain din itong binili na sa tingin ko ay stock niya rin sa bahay nila. Hindi ako sigurado at wala akong pakealam. "Hey, Mark!" Muling tawag nito sa akin pero hindi ko pa rin ito pinapansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD