Hindi umimik ang nasa kabila na labis kong ipinagtataka. May nantitrip na naman ba sa akin, atsaka anong oras na ba?
Tinanggal ko ang aking cellphone sa tenga at tinignan ang oras.
Alas dose na ng umaga pero bakit tumatawag pa rin ito?
“Kung wala kang magawa sa buhay, maari ba na tantanan mo ako?” Tanong ko, “Antok na antok na ako at gustong-gusto ko na matulog.”
Hindi pa rin umimik ang nasa kabila kaya bumangon na ako.
Hindi na rin naman ako makakatulog nito, mas mainam na sigurong kausapin ko ito. Lumipas ang ilang minuto at wala pa ring balak sumagot nitong nasa kabilang linya, kung kaya ay naisipan kong patayin na lang sana nang bigla kong marinig ang isang napaka-pamilyar na boses.
Dragoon..
“Is this you?” Tanong nito.
“What are you talking about?” Tanong ko rito. Paano nakuha ng nilalang na ito ang aking numero? Hindi ko siya kilala sa personal at lalong-lalo na wala akong kakilala sa personal na naglalaro ng Hunter Dynasty.
So, paano nalaman nitong si Dragoon ang aking number? Hindi ko alam kung bakit pero parang kinikilabutan ako sa ginagawa niya.
“Do you play hunter dynasty?” Tanong muli nito.
“Are you stupid or what? What are you talking about? And what is with that Hunter Dynasty sh-t?” Tanong ko pabalik sa kanila na gamit ang galit na boses.
Bigla naman na tahimik ang nasa kabila kung kaya ay agad ko itong pinatay. How come? Hindi ko maintindihan, paano niya nalaman ang number ko? Wala akong sinabihan kahit ni isa sa number ko simula noon. Bakit alam na alam nito na ito ang number ko? Seryoso ba siya? Talaga ba na ganito?
Muling nag-ring ang aking cellphone at ganoon pa rin ang kaniyang number. Muli kong tinugon ito habang nakakuyom ang kamao.
“Hey, I really don’t know who you are so please, stay away from me or else I will call the police and mark this number as a scammer. Do you get that?” Galit na sigaw ko at pinatay ito.
Hindi ko naman siguro inilagay sa Hunter Dynasty ang number ko, hindi ba? Kung inilagay ko naman, nagbago na rin naman ako ng number. Paano nila malalaman? Huwag nilang sabihin na may koneksiyon sila sa creator ng laro?
Kainis kung ganoon.
Padabog na inilapag ko ang cellphone sa aking higaan bago ako muling humiga sa aking malambot na kama. Ayaw ko pa naman sana bumangon pero pinilit talaga nila ako. Disturbo sa tulog, hindi ba nila alam na ilang araw na akong puyat?
Kahit sobrang addict ako sa mga laro, hindi ko naman pinapabayaan ang aking kalusugan dahil iyon ang bilin ng aking ama-amahan.
Muli kong ipinikit ang aking mga mata at sinubukang makatulog, ngunit, kahit anong gawin ko ay naalala ko talaga ang boses ni Dragoon noong sinagot ko ang tawag. Paano ba nila nalaman ang aking numero?
Hindi naman ito basta-basta na lang makukuha. Hindi ko talaga alam kung sino ang dapat kong pagtiwalaan sa mundong ito at sa sinong hindi. Kahit nga ang private number ko ay hindi na ligtas. Kung sino-sino na lang ang nakakaalam nito.
Huminga ako ng malalim sabay buga bago umayos ng higa at yinakap ang unan. Hanggang sa tuluyan na nga akong nilamon ng kadiliman.
Umaga na ng magising ako. Nasa bandang alas kuwatro na yata ng umaga nang makaramdam ako ng gutom kaya agad akong tumayo at nagluto na ng pagkain. Pagkatapos ay dumeritso ako sa harap ng tv at nanood ng anime.
May mga panibagong palabas naman pero mga old animes talaga ang the best para sa akin. Hindi ko masiyadong na pansin ang oras at alas sais na ng umaga nang tumayo ako maghugas ng plato. Pagkatapos ay naglinis muna ako ng bahay bago ako naligo at humarap sa aking pc.
Binuksan ko na ang aking account at pinindot ang ngalan ng aking client.
“Already got your order,”chat ko sa kaniya at agad na pinidnot ang send. Hindi naman nagtagal at agad din itong nag-reply.
“I have been waiting for your chat and I am so glad that I stayed up late just for this,”tugon nito.
Teka, hindi ba ito natulog? Ganoon na lang ba siya ka excited kaya hindi siya makatulog kakahintay? Grabe naman na biro ito. Sobra na.
“Are you serious?” Saad ko, “Anyway, I got your prizes.”
Agad ako nitong na seen hanggang sa umabot na ng sampung minuto at hindi pa rin siya nagre-reply. May problema ba ito?
“Sure, thank you. I already sent the money, as promised. Sorry for the late reply, I had troubles in transferring the money,”paliwanag niya. Hindi ko na lamang ito pinansin at agad na tinignan ang aking bank account.
Tumaas nga ng ilang libo ang aking pera. Agad kong pinadala ang equipments sa kaniya na labis naman nitong ikinasaya.
“Thank you for doing business with me. Next time!” Chat ko bago ko sinarado ang window at tumayo.
Ngayon na wala na akong dapat na isipin at may pera na ako. Maari na akong magpahinga ng dire-diretso hanggang sa magsawa ako. Mamaya rin ay lalabas ako sa bahay para magpahangin. Baka may maisipan din akong bilhin habang pagala-gala sa malls o iba pa.
Agad akong humiga sa aking kama at napatingin sa aking kisame. Ano na ba ang dapat kong gawin ngayon?
Mamayang hapon pa ako aalis kaya wala akong magagawa ngayong araw, ano ba ang pwedeng gawin habang naghihintay ng oras.
Ayaw ko na rin naman maglaro at baka magsawa ako.
Speaking of laro...
Bigla na naman sumagi sa aking isipan ang Hunter Dynasty. Ang bukod tanging laro na sobrang ganda pero hindi ko na kayang balikan pa, pwera na lang kung kinakailangan talaga.
Bakit ba kasi kailangan pa namin magkita ng mga iyon, pwede naman hindi.
Tumagilid ako sa pagkakahiga at dumapo ang aking paningin sa headset. Isang maliit na papel ang nakaipit sa gilid na ngayon ko lang na pansin.