Game 15

1007 Words
Sinundan naman ito ng ilang strike damage na may magic damage. Huling nangyari ay isang malakas na kidlat ang tumama sa kaniya na naging dahilan ng kaniyang pagbagsak. Sabay-sabay silang napatingin sa akin lahat. Gulat na gulat at hindi yata alam kung ano ang dapat nilang maging reaksiyon sa ginawa ko. Talaga bang nakakagulat na ginawa ko iyon? Siguro naman ay walang bago sa artifacts sa larong ito, hindi ba? Bakit parang hindi yata sila makapaniwala? Napailing na tumayo na ako at naglakad papalapit sa halimaw. Kinuha ko na agad ang mga kailangan ko kunin at ilang katawan nito na maaring gawing equipment at naglakad na. Bago ako tuluyang makalayo sa kanila ay tinignan ko muna ang mga ito. “Hindi ko alam kung ano ang motibo niyo at gusto niyo akong makausap pero ayos na ako. Huwag niyo na guluhin ang buhay ko, magpatuloy tayo sa kaniya-kaniya nating buhay,”saad ko at tumalikod na. Ayaw kong magkagulo kami rito, ngayon pa lang ako bumalik sa paglalaro tapos ganito pa ang mangyayari. Ayaw kong makipag-away at lalong-lalo na ayaw kong ito pa ang maging dahilan kung bakit ako madi-disqualified. Kaya ako naglaro ulit ay para sa client ko at hindi para sa sarili ko. Kung para sa akin lang ay hindi ko na iisipin pa na maglaro ulit rito, para saan pa? Para maghanap ng gulo at para habulin ng mga taong traydor? Huwag na, hindi ko na sila gusto pa makita. Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang tinitignan ang scroll na kung saan naroroon ang mga misyon ko. Ilan na lang ang kulang at matatapos ko na rin ito sa wakas. Sana lang ay ako pa ang mauuna bago ang ibang mga players para mapasaakin ang misyon. Huwag lang sana magkaroon ng problema sa oras na ibigay sa akin ang premyo. Baka huntingin pa ako ng iba. Sa loob ng ilang oras ay patuloy lamang ako sa pagtapos ng misyon. Walang tigil ako sa pagpatay ng mga halimaw at iba pa. Hindi ko na masiyadong maintindihan ang ibang misyon pero ginawa ko pa rin, hanggang sa tuluyan na talaga akong matapos at pinindot ang finish na button sa gilid. Isang malakas na pagsabog ang aking narinig at kasabay nito ang paglabas ng isang napakagandang desinyo na sa tingin ko ay naka-calligraphy na congratulation sa screen. “You have won the event. Please see your inventory for the rewards.” Agad akong nagtungo sa inventory at nakita ang reward na gustong-gusto ng aking client. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin updated ang nasa listahan ng winners pero sa tingin ko ay makikita lamang namin ang nanalo sa oras na natapos na ang lahat sa kanilang misyon. Sa tingin ko naman ay may nakatapos na rin pero iyon nga lang ay na unahan ko na, sino kaya sa kanila ang 2nd? Gusto ko sana malamana kaso alam ko naman na impossible. Kahit gustuhin ko naman ay alam kong hindi papayag ang system. Isa rin yata ito sa paraan nila para protektahan ang mga manlalaro. Sa oras na malaman ng iba kung sino ang nanalo, may posibilidad na nanakawin ng mga nilalang na iyon ang premyo. Tahimik lamang akong naglalakad na parang wala lang nangyari. Baka kasi at magtaka silang lahat kung bakit wala na akong ginagawa gayong tumatakbo pa rin naman ang event. Nakikipaglaban pa rin naman ako sa mga halimaw na nandito, hindi para sa misyon kung hindi ay para mangolekta ng gems. Maari kong palitan ang gems na ito ng ilang equipment na mabibili sa may pasukan. Maari kong ipagpalit ang gems sa mga mamahaling shields at swords. Ewan ko lang kung may mas gaganda pa sa mga ginawa ko. Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa harap ng labasan. Pinalitan ko muna ang gems bago ako lumabas ng gate. Maingat lamang akong naglakad palabas na parang wala lang. Ayaw kong ipahalata na bukas na naman muli. Bago ako tuluyang nakalabas ng gate, ay nakasabayan ko pa ang mga traydor. Napatingin silang lahat sa akin na gulat na gulat. Hindi ko na lamang sila pinansin at nag-log out na. Bukas na bukas din ay ipapadala ko na sa client ko ang items na napanalunan ko. Sa oras na maibigay ko na iyon, mapapasakamay ko na naman ang pera. Pinatay ko na ang aking computer at tinignan ang oras. Alas tres na pala ng hapon, hindi ko man lang na pansin. Kahapon pa ako naglaro sa Hunter Dynasty at ngayon lamang ako na tapos. Kailangan ko na magpahinga dahil panigurado ay panibagong araw na naman bukas. Bago ako matulog ay pumunta muna ako sa kusina upang magluto ng noodles. Habang hinihintay kong kumulo ang tubig ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na maalala ang nangyari kanina sa laro. Sa mga sinabi nila. Wala na akong pakealam dahil maayos na ako sa buhay ko. Bahala na silang lahat. Kumulo na ang tubig kung kaya ay sinimulan ko ng lutuin ang noodles ko. Pagkatapos nang maluto na ito ay agad akong kumain at hinugasan ang pinagkainan pagkatapos. Lumipas ang ilang minuto at tapos ko ng hugasan ang pinggan. Agad akong dumeritso sa kwarto ko at humiga sa aking kama. Isang gabi pa nga lang akong walang tulog pero heto ako at antok na antok na. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang pinagbago ng aking katawan gayong isang beses lamang ako nagpahinga ng maayos. Unti-unti ko ng ipinikit ang aking mga mata. Hindi nagtagal ay nakaramdam na rin ako ng antok hanggang sa tuluyan na akong hinila ng kadiliman.     Nagising na lamang ako bigla dahil sa isang malakas na ring na nagmula sa aking cellphone. Wala akong inorder at lalong-lalo na walang nakakaalam sa aking number. Sinong scammer na naman ito? Pikit matang inabot ko ang aking cellphone atsaka sinagot. “Hello?” Malamig kong bati. Siguraduhin lamang ng tumawag sa akin na magandang balita ang kaniyang ibibigay o ano. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mapamura ako ng wala sa oras dahil sa walang kwentang rason na pagtawag nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD