Game 17

1003 Words
Agad akong tumayo at  nilapitan ito. Kinuha ko na ang papel at binasa, “Alam kong galit ka pa, I am so sorry if I broke your headset. I hope you will forgive me.” What? Sa kaniya pala galing ang headset na ito? Walang kwenta. Ibinalik ko sa kung saan ko kinuha ang headphones at bumalik sa aking higaan. Bakit ba napakaraming makulit sa mundong ito? Hindi ba pwedeng manahimik na lang sila at tantanan ang buhay ko? Hindi naman sa ayaw kong magkaroon ng kaibigan, kahit obvious naman na ayaw ko talaga. Gusto ko lang mamuhay ng tahimik na walang pinag-alala. Masiyado akong lapitin ng mga papansin na tao at makukulit na players. Kung hindi sa laro ay dito naman sa totoong buhay ako nakakasalamuha ng mga katulad nila. Huminga ako ng malalim bago na isipan na tumayo mula sa pagkakahiga at kinuha na ang tulay bago naligo. Siguro ay lalabas na muna ako at maghahanap ng pwedeng puntahan at pwedeng bilhin. Gusto ko rin kumain sa McDonalds ngayon, nais kong bumili ng nuggets nila. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagtungo sa aking kabinet at kumuha ng ilang mga damit. Pagkatapos ay nag-suklay na ako tsaka lumabas. Ganoon pa rin naman, nakasuot pa rin ako ng isang malaking hoodie at hanggang tuhod na short. Maayos naman akong tignan, hindi naman siya jejemon sa paningin sa iba. Tahimik lamang akong naglalakad dito sa labas ng bahay patungo sa sakayan ng jeep. Sana lang at hindi ako maabutan ng babaeng iyon, hindi ko alam kung sino pero ayaw na ayaw kong naabutan ako ng babaetang iyon. Masiyado siyang madaldal para sa akin. Ayaw nitong matahimik at lalong, ayaw na ayaw nitong bigyan ako ng mapayapang buhay. Palaging humihingi ng tawad pero ayaw naman lumayo sa akin. Napa-irap na lamang ako sa kawalan at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa sakayan ng jeep at tamang-tama rin na may pumarada sa harap ko. Mabilis akong sumakay atsaka umupo sa pinakadulong parte ng jeep. Ayaw na ayaw kong nasa gitna ako o likod ng driver, walang ibang magawa ang matao rito kung hindi ang utusan ka na ikaw iyong magbigay ng pamasahe sa driver. Habang bumabyahe ay nakatingin lamang ako sa labas. Malakas ang simoy ng hangin ngunit may kasama rin itong init dahil tirik na tirik ang araw. Sobrang sakit nito sa aking mga mata. Hindi na kasi ako sanay na lumabas sa mga ganitong oras. Sa tingin ko nga ay naglalaro pa ako sa mga oras na ito, ngayon ko lang talaga napagpasiyahan na magpahinga na muna dahil may nais akong puntahan. Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako, iniabot ko na ang bayad at agad na bumaba sa jeep. Una ay bumili muna ako ng pagkain sa McDonalds bago ako nagsimulang maglakad. Malayo pa naman ang lalakarin ko pero mas mainam na iyon para may ehersisyo naman ako kahit isang beses sa isang buwan. Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa harap ng  isang malaking gate. Sa gilid nito ay isang guard na nakikinig lamang sa radyo habang nakatingin sa malayo. Hindi ko alam kung na pansin ba ako nito pero kailangan ko pa rin dumaan sa kaniya. “Manong,”tawag ko rito, “Nais ko sana bumisita sa kamag-anak ko. Ayos lang ba?” Mabilis na napalingon si Manong sa akin na may gulat na gulat na mukha. Hindi rin naman ito nagtagal at agad na kumalma ang ekspresyon nito. Kita mo naman itong taong ito, nagbabantay ng entrance ng sementeryo pero laging takot. Napahawak pa ito sa kaniyang puso na para bang labis siyang kinakabahan. Namumula ang kaniyang tenga at mukha na sigurado akong dahil rin sa akin. “Ano ka ba iho, maari bang huwag mo na ulit gawin iyan. Mamamatay yata ako sa iyo ng maaga,”paliwanag nito at umayos ng upo. Kasalanan ko ba kung may pinagkakaabalahan siya? Isa pa, mararamdaman mo naman kung may paparating na tao kung hindi mo masiyadong binaba ang guard mo. Kaya maraming namamatay dahil dito eh. Tumango lamang ako sa kaniya at tumingin sa paligid. Walang masiyadong tao rito ngayon, kung sabagay ay tanghali pa naman. Mamayang hapon pa ang mga iyon. “Sige, ito, ilista mo rito ang iyong pangalan at kung anong oras ka bumisita,”saad nito, “Huwag mo rin kalimutan ang iyong pirma.” Isa sa mga gusto ko sa semeteryong ito ang sobrang strikto nila sa mga taong pumapasok. Kung sabagay ay may mga puntod din kasi rito na sobrang mahal at baka manakaw lang. Hindi basta-bastang tao kasi ang nililibing sa lugar. Hindi ko nga alam kung bakit dito ang napili ng aking ama-amahan. Basta nalaman ko na lang na, noong araw na namatay siya, bigla na lang may dumating sa amin na naka-kulay itim na damit. Akala ko ay kung ano ang gagawin nila sa mga oras na iyon pero bigla na lang nilang kinuha ang ama ko. Pagkatapos kong magpirma ay pumasok na ako sa sementeryo. Sobrang lawak ng lugar na ito at kaniya-kaniyang palakihan ng puntod. May mga puntod pa nga na mukhang mansion o bahay sa laki. Hindi ko alam kung bakit ganito pero desisyon din nila iyan. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang mapapikit dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Laking pasasalamat ko talaga sa mga puno na tinanim nila rito sa gilid ng daan, sobrang presko tuloy kapag bumibisita ako. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang ilang tao sa tabi. Karamihan sa kanila ay kasama ang kanilang mga pamilya at katulong. May mga batang naglalaro at natutulog. Kung wala lang sigurong mga puntod dito ay iisipin ko na isa itong park. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa harap ng puntod ng aking ama. Isang puntod na minsan ko na rin binisita. Nandito pa rin ang bulaklak na binili ko noong isang linggo. May ilang mga dahon na sa kaniyang lapida na agad ko naman na hinawi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD