Game 6.2

1050 Words
Nang magising ako ay halos hindi ko alam kung ano ang naging dahilan at bakit sobrang sakit ng aking ulo. Tila ba ay parang sasabog na ito sa sobrang sakit. Hawak-hawak ko lamng ang aking noo habang dahan-dahan akong bumabangon sa kama. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapapikit habang magkasalubong ang aking kilay. "Bakit ba kasi sumasakit na naman itong ulo ko,"bulong ko at huminga ng malalim. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko gamit ang paghinga ngunit kahit anong pilit ko ay talagang sobrang sakit pa rin nito. Unti-unti akong tumayo mula sa aking higaan at naglakad patungo sa aking kusina. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig. Nang makainom na ako ay medyo na bawasan ang sakit ng aking ulo. Mabuti na lang kung ganoon. Kailangan ko lang kumain para makainom na ako ng gamot at masimulan ko na ang aking paglalaro. Hindi ko alam kung gaano katagal bago ko matapos ang event na iyon at wala akong kasiguraduhan. Mas mainam ng masimulan ko ng  maaga para matapos ko rin ng maaga. Hindi ko pa nga rin nababasa ang mechanics ng event kaya mas lalong kinakailangan ko magmadali. Kumuha na ako ng mga ingredients na lulutuin ko bago ako nagsimulang magluto. Sa loob ng ilang taon kong pananatili sa bahay na ito at sa loob ng ilang taon na mag-isa lamang ako ay hindi na nakakagulat kung bakit marunong akong magluto. Noon pa man bata pa ako ay sinanay na rin ako ng aking Ama. Ayon sa kaniya ay walang mas importante sa buhay kung hindi ang pagluluto. Abala lamang ako sa paghihiwa ng mga ingredients nang marinig ko ang mahinang pagkatok sa aking pintuan. Nagtatakang napalingon ako rito habang nakataas ang aking isang kilay. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapalingon sa wall clock. Alas otso na ng gabi, sino naman ang walang magawang kapitbahay ang mag-iisip na disturbuhin ako? Nitong mga nagdaang araw talaga ay walang tigil silang nagpapapansin. Gusto ko lang matahimik, gaya ng mga panahon na kung saan ay wala silang pakealam sa buhay ko. "Sino iyan?" Sigaw ko mula sa kusina ngunit, patuloy pa rin ito sa pagkatok. Naiinis na inilapag ko sa sink ang kutsilyong hawak-hawak ko at pinunasan ang aking kamay.  Kung sino man itong taong 'to, siguraduhin lang niya na may maganda siyang rason kung bakit ito nang-iistorbo ng ganitong oras. Hindi ako masaya sa ginagawa niya. Tinignan ko muna ang peephole kung may tao ba talaga sa labas pero halos kumunot ang aking noo ng walang kahit ni isang anino akong nakikita. "That's weird,"I murmured. Muli kong tinignan ang peephole at siniguradong wala talagang katao-tao at hindi naman ako na bigo. Wala talagang tao bukod sa isang plastic na nasa harapan ng aking pinto. Ano na naman ito? Unti-unti kong binuksan ang pinto at tinignan ang bawat gilid ngunit wala namang tao na nakatago rito. Pagkatapos ay ibinaling ko ang aking atensiyon sa aking harapan at nakita ang plastic ng grocery store na pinuntahan ko kanina. May hint na ako kung ano ito pero ayaw kong mag-conclude. Nilapitan ko ang plastic at hinablot pagkatapos ay dumeritso na ako agad sa loob ng aking bahay at tinignan kung ano ang laman nito. Hindi naman ako na bigo sa aking konklusyon.  May nakita akong dalawang box ng headset na sa pagkakaalala ko ay hawak-hawak ng babaeng iyon. Talagang na konsensiya pa siya sa ginawa niya? Napapailing na kinuha ko na lamang ito at inilagay sa isang kabinet.  Hindi ko alam kung kailangan ba akong magpasalamat o hindi, in the very first place, it is her fault and not mine. So, it is really her responsibility to buy me this headset.  Hindi ko rin naman sinabi na bumili siya ng dalawa ngunit, kung desisyon niya ito, wala naman akong magagawa. Baka nais lang talaga niyang humingi ng patawad sa kaniyang katangahan. Masiyado siyang papansin at ayaw na ayaw ko sa mga tao ang ganoong klaseng ugali. Hindi siya marunong rumespeto ng boundaries at hindi niya alam kung paano bumasa ng mood ng tao. Huminga ako ng malalim bago ako naglakad pabalik sa kusina at nagpatuloy sa pagluluto. Lumipas ang ilang minuto at na tapos na rin ako, sa wakas. Agad akong dumeritso sa sala at inilapag ang mga niluto ko sa mesa na nandito. Binuksan ko na rin ang tv at naghanap na ng magandang papanoorin na anime.  Masaya na ako sa ganitong buhay. Sa tingin ko ay wala na akong kakailangan pa, masaya na akong mag-isa at masaya akong umaani ng pera na hindi lumalabas sa aking pamamahay. Masiyadong masama ang mundo para sa isang tulad ko, sobrang daming judgemental at toxic na tao. Hindi ko nga alam kung paano sila pinalaki ng kanilang mga magulang, masiyado silang pakealamera at walang magawa. Pinindot ko na ang play button at nagsimula ng kumain. Habang nanonood ako ay muling may kumatok sa aking pintuan. Sa mga oras na ito ay inis na inis na akong nakatingin sa pinto. Mabilis pa sa alas kuwatro akong tumayo at tumakbo patungo sa pinto. Nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakita ko si Kara na nakayuko sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang nakaramdam ako ng pagkainis, malamig ko itong tinignan bago tatalikuran na sana nang magsalita siya. "Hindi ko alam ang rason kung bakit galit na galit ka sa akin, nais ko lamang naman na makipagkaibigan sa iyo at makilala ka,"saad nito. Ramdam ko ang lungkot sa bawat salita na kaniyang binibitawan pero masiyado ng malalim ang gabi para sa isang drama ng babae. "Alam mo kung bakit ayaw na ayaw ko sa iyo at alam mo rin na ayaw kong makipag-usap sa mga tao rito. Masiyado mo pinipilit ang sarili mo sa lahat. Hindi lahat ng tao rito ay kailangan mong maging kaibigan. Layuan mo na ako dahil wala akong balak makausap ka o kahit na sino man dito sa neighborhood na ito,"malamig kong tugon. Natahimik naman si Kara kaya hudyat ko na sana isarado ang pinto, ngunit, bigla na lamang itong nagsalita na naging dahilan ng paglingon ko. "I-I--I understand. I-Im s-sorry." Mabilis itong tumakbo papalayo sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong nakaramdam ng guilt.  Nah. Wala lang ito.  Sinarado ko na lang ang pinto at bumalik na sa pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD