Game 7

1024 Words
Pagkatapos kong kumain ay agad akong nagtungo sa aking pc upang magsimula ng maglaro. Kinakailangan kong matapos ito agad nang sa gayon ay maibigay ko na ang premyo sa client ko. Hindi ko alam kung ilang araw pa bago ko ito makuha pero wala akong pakealam. Ang nais ko lang ay ang mapasa-kamay ang mga items na iyon. Hunter Dynasty. Ang mundo ng laro na ito ay maihahalintulad ko sa aming mundo. Lahat ng manlalaro ay kinakailangang pumili ng isang character bilang Gate Hunters. Maari silang maging Warrior, Assassin, Mage, Paladin at marami pang iba. Ang kakaiba lamang sa larong ito ay hindi mo na mapapalitan ang na pili mo na class ngunit, maaring mag-upgrade o tumaas ang iyong class sa iba’t-iba nitong variations, halimbawa ang mage ay maaring maging archmage, wizards o hanggang sa gaano karami na ang kaniyang experience sa pakikipaglaban. Ang pagtaas ng antas mo na ito ay magba-base sa lahat ng nagawa mo sa laro, lahat ng na achieve mo at status na ginagamit mo. Kahit ang moral actions na ginagawa mo sa laro ay maari rin maging rason sa pag-upgrade from basic classes to highest class. Pagkatapos mo mapili ang iyong character ay ang susunod mo na gagawin ay ang pagpili ng isang bansa na kung saan ka magsisimula. Ang bansa na pipiliin mo ay walang magiging masamang epekto sa character na iyong pinili ngunit, malaki ang epekto nito sa kung ano ang makukuha mong experiences, quests, at moral actions. Iba-iba ang mga katangian sa bawat bansa sa larong ito, hindi lamang sa mga misyon na iyong makukuha, events, quests or actions pero pati na rin ang iba’t-ibang panuntunan. Karamihan sa kanilang mga panuntunan ay maaring bawal sa ibang bansa at maaring hindi sa iba pa. Ito ang isa sa paraan ng mga bansa para may iba’t-ibang paraan ang mga player para tumaas ang kanilang antas. Kahit nakapili na ang isang player ng isang bansa, maari pa rin naman silang bumisita sa iba pang bansa o magpalit ng nasyonalidad. Ayon nga lang at mayroong itong malaking epekto sa player, lalong-lalo na at maaring may mga palatuntunan na hindi sanay ang isang player na nakagisnan na niya sa kaniyang bansa noon. Halimbawa rin sa magiging epekto nito sa player ay kapag may ginawang krimen ang isang player sa isang bansa ngunit, legal ito sa panibagong bansa na pinuntahan niya ay maaring maglaho na lamang ito ng parang bula. May sari-sariling ekonomiya ang mga ito, at dahil dito iba-iba rin ang kanilang pera na ginagamit. Hindi maaring magamit ng isang player ang pera sa kaniyang bansa, sa ibang bansa. Ngunit, hindi naman kinakailangan mag-aalala sapagkat ay pwede naman itong palitan. Pagkatapos mamili ng player ng kaniyang gustong bansa ay bigla na lamang itong dadalhin sa tutorial page na kung saan ay tuturuan ito sa kung ano ang dapat niyang gawin. Unang-unang papasukan ng isang baguhan na player ay ang School for Hunters. Maari naman mag-skip ang player kapag may alam na ito sa laro, hindi rin naman ito gaan kahaba kaya ayos lang din kung pagdaanan muna nila para maging familiar sila sa basic skills at kung ano-ano ang mga nasa screen. Kung napag-desisyunan ng player na tapusin ang tutorial ay makakakuha ito ng diploma bilang palatandaan na nakapagtapos ito sa paaralan na iyon. Maari rin makatanggap ang player ng isang bound item at ilang opportunities sa laro. Ganoon din ang mangyayari sa mga player na na isipan na hindi na papasok sa training school, ang pinagkaiba lang ng mga ito ay wala silang matatanggap na diploma. Going to training school and getting a diploma for finishing the training school does not assure the player for having good treatment from NPC’s and have good opportunities to the players. At the same time, not going to training school and not getting the diploma for finishing training school does not assure the player for having bad treatments from NPC’s and have bad or little to none good opportunities. Sa larong ito, isa lamang ang iyong main mission and that is to conquer all the gates that has spawned in all places. Ang Gates ay ang mga lugar sa isang bansa na kung saan ay isang portal patungo sa kanilang bansa noong mga sinaunang panahon na kung saan ay mayroon pang mga halimaw at beasts na kailangan hulihin at patayin. May Guild din ito sa loob ng kung saan kinakailangan ng bawat player na mag-reguster as Gate Hunter. Sa guild din na ito sila kukuha ng mga quests at rewards. Kapag ang isang player ay hindi nag-register ay hindi ito maaring kumuha quests at rewards, isa rin ito sa paraan upang maprotektahan ang mga players sa laro. May mga NPC’s din sa loob ng portal na kung saan ay maaring bilhin ng bawat player at maari nila itong madala sa labas. Ang pera sa loob ng gates ay naka-base sa bawat bansa. May mga panahon na kung saan ay nauubos ang mga items ngunit, agad din naman bumabalik ang dami nito after 24 hours. Kung kaya ay pabilisan ang pagbili ng mga items sa loob. May naka bantay rin sa mga Gates para pigilan ang mga tao sa pag sira sa Gate o kaya ay ang saktan ang ibang player sa labas ng gate. Ang tawag sa mga taong NPC’s na ito ay Gate Keepers. Ang mga sandata nila ay sobrang makaluma na at ang armor na suot-suot nila ay ganoon na rin, ngunit kahit ganoon ay sobrang hirap nitong sirain at sobrang talas din nito. Ang goal ng bawat player ay ang makuha ang mga susi sa bawat gate, sa oras na nakuha na nila ito ay bigla na lamang bibigyan ng warning ang lahat ng players na sa loob ng 24 hours ay masisira na ito. Malaki ang epekto ng pagsara at pagkasira ng gate sa lahat ng players, hindi lamang sa kanila kung hindi ay pati na rin sa buong bansa at sa iba pa. Ang lahat ng susi na nasa loob ng gate ay mga fragments lamang sa isang pinaka-importanteng susi sa larong ito. Ang susi na iyon ay ang tanging makakapagbukas sa isang kayamanan na siguradong pagkakaguluhan ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD