Game 6

1005 Words
Nakakainis na rin ang kaniyang kakulitan. Sanay na sanay ako sa buhay ko na tahimik lang at malayo sa gulo pero heto itong isang 'to. Walang pakealam kung ilan beses ko ng itaboy, parati pa rin ako nitong hinahabol at walang plano na tumahimik at lumayo sa buhay ko.  Ayos lang naman talaga ang buhay ko noong mga panahaon na kung saan ay wala pa akong kilala na Kara. Walang pakealamera na Kara at higit sa lahat ay walang papansin na Kara. Kung hindi lang siguro siya babae ay inaway ko na ito at sinabihan ng masasamang mga salita pero hindi eh. Babae, dapat respituhin.  Minsan ay hindi ko na napipigilan ang galit ko kung kay ay kung ako sa kaniya, lumayo na siya. Tuluyan ko na itong tinalikuran at hindi pinansin tamang-tama rin na ako na ang susunod sa pila. Inilapag ko na ang mga kinuha ko at sinimulan na naman itong e-scan ng cashier. Nakasuot lamang ako ng hoodie at mask. Ayaw na ayaw kong ipakita ang mukha ko dahil baka kung ano na naman ang maging reaksiyon ng mga babae. Hindi naman sa pagmamayabang pero medyo may kagwapuhan naman ako. "Bakit ang dami mo yatang binili, Mark? Hindi ba at ikaw lamang mag-isa sa inyo?" Tanong nito mula sa aking gilid. Hindi ko na pansin ang tuluyang paglapit nito, napatingin naman ako sa cashier na abala pa rin sa pagsca-scan ng mga binili ko, "Ang alam ko lang ay wala ka ng kasama sa inyo, bakit parang ang dami yata ng binili mo? Sigurado ka bang mauubos mo 'yan? Sa tingin ko kasi ay malabo." Hindi lamang ako umimik at hinaayan siya. Kahit dumaldal pa siya buong araw sa likuran ko ay hindi ko talaga ito papansin. "Ang suplado mo talaga. Nagtatanong lang naman ako. Pwede mo naman sagutin na, 'Oo. Ako lang mag-isa sa bahay kaso kailangan ko bumili ng marami dahil may mga bisita ako',"paggaya sa boses ko. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ito kakulit pero hindi ko na talaga kaya habaan pa ang pasensiya ko. Inikot ko ang aking katawan hanggang sa tuluyang humarap sa kaniya. Dahan-dahan ko nilapit ang mukha ko at halos hindi naman mapakali ang babaeng ito. "A-ano ang g-ginagawa mo?" Nauutal nitong tanong. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi dahil sa takot na nag-flash sa mga mata nito.  Takot naman pala pero ayaw manahimik. Mas lalo kong inilapit ang aking mukha sa kaniya kaya napapikit ito. Ano ang inaakala niya? Hahalikan ko siya? Medyo malandi rin itong babaeng ito. Napapailing na inilapit ko ang aking bibig sa kaniyang tenga at binulungan. "Huwag mo pakealaman ang buhay ng iba. Tandaan mo, hindi kita kilala at wala akong plano na kaibiganin ka. Masiyado ka ng pakealamera, baka hindi ako makatiis at may magawa ako sa iyo na hindi mo gusto,"malamig kong tugon at umatras na. Tamang-tama rin na tapos na ang cashier at ipinakita na sa akin ang total amount ng aking binili. 5,756.98 pesos. Ito na yata ang pinakamalaki kong na bili sa tanang buhay ko. Mostly, hanggang isang libo lamang ang lahat ng mga groceries ko. Agad kong inilabas ang aking card at ibinigay sa kaniya. "Current or Savings?" Tanong ng Cashier. "Savings,"tugon ko naman rito. Tumango lamang ito at sinimulan ng pindutin ang isang gadget. Ilang sandali pa ay na tapos na rin ito at ibinigay sa akin. Inilagay ko na ang aking pin at ibinalik na sa cashier. "5,756.98 pesos,"ani ng cashier at ipinakita sa akin. Tumango lamang ako at hinayaan na ito. Muli kong tinignan ang babaeng makulit kanina na ngayon ay nanahimik na. Mabuti naman at tatahimik na itong buhay ko dahil hindi na ito iimik pa. Huminga ako ng malalim at kinuha ulit ang aking card. Ibinalik ko na ito sa aking pitaka atsaka kinuha ang mga plastics at umalis na. Laking papasalamat ko na sobrang dami nitong biniling groceries kaya hindi siya makakahabol sa akin, makakabili pa ako ng snacks papauwi. Ano kaya ang kakainin ko ngayon? Parang gusto ko kumain ng takoyaki at uminom ng black pearl. Siguro ay ito na lang muna ang gagawin kong snacks. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa second floor na kung saan naroroon ang food court ang stall ng takoyaki. Agad akong nag-order at bumili rin ng black pearl. "Dine in?" Tanong ng babae. "Take out, please,"tugon ko. Tumango lamang ang babae at sinimulan ng ilagay sa box ang aking binili. Habang naghihintay ako ay inilibot ko ang aking paningin. Walang masiyadong tao rito sa mall ngayon dahil siguro ay oras ng klase at trabaho.  "Ito na po,"ani ito. Agad ko itong kinuha at binayaran na pagkatapos kong bumili ng makakain at lumabas na ako sa mall at dumiretso na sa bahay para isaayos itong mga binili ko. Lumipas ang ilang sandali ay na tapos na rin ako sa wakas. Agad akong napahiga sa kama dahil sa pagod. Sobrang bigat ng mga binili ko at dagdag mo pa na sobrang kulit ng isang iyon. Huminga ako ng malalim at kinuha ang aking unan. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang bigla ko na lamang na rinig ang mahihinang katok na nagmula sa aking pinto. Huwag mong sabihin na ang babaeng iyon na naman ito? Nakakainis na ah? Akala ko ba ay tatahimik na itong buhay ko, iyon pala ay lalapit at lalapit pa rin ito sa akin. Hindi pa rin ako tumatayo at hinayaan lamang siya. Lumipas ang ilang sandali ay tumigil na rin ang pagkatok na naging dahilan ng pagngiti ko. Sa wakas ay makakpagpahinga na rin ako. Gustong-gusto ko na matulog ulit dahil mamaya ay magsisimula na akong maglaro. Iinitin ko na lang ang takoyaki mamaya. Nasa freezer naman iyong pearls para siguradong masarap pa rin iyon. Tumayo na ako at pinatay ang ilaw atsaka bumalik sa aking higaan. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata habang yakap-yakap ang aking unan. Kailangan ko pa basahin ang event na sinasabi ng client ko. Wala pa rin akong alam kung tungkol saan iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD