Rinig na rinig ang pagtipa ng mechanical keyboard sa isang madilim na silid sa dulo ng isang bahay sa siyudad. Tanging ang ilaw lamang na nagmumula sa monitor ng computer ang nagbibigay liwanag sa lugar na iyon. Tahimik na naglalaro ang isang lalaking nagngangalang Mark. Nakatuon lamang ang kaniyang atensiyon sa kaniyang harapan, at sinisigurado nitong matatapos ang kaniyang misyon.
"Ayon!" Sigaw nito at itinaas ang kaniyang kamay, "Nakuha ko rin sa wakas. Ilang gabi rin kitang pinagpuyatan ah?"
Sumandal si Mark sa kaniyang upuan at bumuntong hininga. Pagod na pagod ito sapagkat ilang araw na itong hindi nagpapahinga. Nakatuon lamang ang kaniyang buong oras sa pagkuha nang kaniyang gustong equipment sa isang misyon mula sa kaniyang laro. Umayos ng upo si Mark atsaka nag-unat.
"At ngayon titignan ko kung magkano ang halaga mo,"saad nito at kumuha nang isang stick ng pepero.
Nais nitong ibenta ang kaniyang nakuhang bagong equipment sa bayan ng kaniyang laro. Alam ni Mark na sa oras na may bumili rito ay panibagong dagdag na naman ito sa kaniyang bank account. Simula noong nakapag-tapos ito sa kolehiyo ay wala nang na-isip si Mark kung hindi ay ang maglaro lamang ng online games. Noong una ay katuwaan lamang sana ito para sa kaniya, ngunit kalaunan ay parang gusto na nitong ituon ang kaniyang buong buhay sa mga laro. Hindi ito nagkakaroon ng problema sa kaniyang pagkain, at bayad sa kuryente o internet, dahil na rin dito.
Ayon nga sa kaniya, ito na raw ang kaniyang panghanap-buhay, dahil, sa online games ay nagkakaroon ito ng pera na mas malaki pa kung magta-trabaho siya sa isang kumpanya. Lumalabas lamang si Mark sa kaniyang silid upang bumili ng pagkain o magbabayad ng kuryente at tubig. Tumitigil lang ito sa paglalaro kapag naliligo o sobrang inaantok na.
Si Mark ay isang tahimik na tao at walang pakealam sa kaniyang paligid. Wala rin itong kaibigan o kahit na sinong kilalang kamag-anak. Ang kaniyang mga magulang ay namatay na dahil sa isang aksidente noong papunta pa lamang sila sa siyudad na kung saan nananatili si Mark ngayon. Hindi alam ni Mark kung ano ang kaniyang gagawin sa mga oras na siya na lang mag-isa. Sa kadahilanan na wala nga itong kakilala sa siyudad ay, ilang taon din itong nagpalaboy-laboy sa daan bago siya makita nang isang lalaking nagngangalang Randy. Si Randy ay isang lalaking nagta-trabaho sa isang Software Company. Umuulan noon nang makita niya si Mark na naka-tayo sa isang tabi habang natingin sa loob ng isang gusali.
Linapitan niya ang kawawang bata at tinignan kung ano ang pinagkaka-abalahan nito. Doon niya lamang napagtanto na nakatingin pala ito sa mga batang naglalaro rin sa isang Computer Shop. Naisipan ni Randy na ayain si Mark sa loob. Sobrang saya nitong sumama kay Randy at simula noon ay parati na silang nagkakasama sa computer shop. Tinuturuan ni Randy si Mark kung paano kumita sa Video Games, dahil doon, unti-unting nakaka-bangon si Mark. Kinupkop ni Randy si Mark at pinag-aral. Walang anak si Randy at wala ring asawa, kung kaya ay si Mark ang itinuring nitong parang totoong anak.
Lumipas ang ilang taon na pagsasama nila ay bigla na lang inatake si Randy sa puso. Hindi alam ni Mark na mayroon palang sakit ang kaniyang ama, sapagkat lagi lamang itong naka-ngiti na parang walang iniinda. Labis ang lungkot na nararamdaman nito sa pagkamatay ng kaniyang ama-amahan, pero wala siyang magagawa. Ibinilin ni Randy ang lahat ng kaniyang pera at bahay sa bata. Tumigil ito sa paglalaro ng video games sa loob ng ilang taon, ngunit agad din bumalik noong nasa ikatlong-taon na ito sa kolehiyo.
Noong nakapagtapos na si Mark, patuloy pa rin siya sa paglalaro hanggang sa mas lalong lumalaki ang kaniyang kinikita sa online games. Minsan din ay nage-email sa kaniya ang mga Game Dev. Company upang gawin itong game tester o Quality Assurance Tester.
"Anong oras na ba?" Mahinang tanong ni Mark at tumingin sa orasan na nasa dingding. Sobrang lalim at itim na nang eyebags nito. Pagod na pagod na rin ang kaniyang mga mata dahil na rin sa ilang araw nitong walang tulog.
"Alas dos na pala ng hapon. Kailangan ko na bumili ng pagkain," sabi niya at lumapit sa kaniyang kabinet upang kumuha ng jacket at jogging pants.
Sa isang lugar naman na hindi masiyadong napupuntahan ng mga tao ay kasalukuyang abala ang mga taong tinatawag na Scientist. Naka-suot ang mga ito ng lab gown at mask. Karamihan sa kanila ay abala sa pag-aaral sa isang malaking portal na nasa kanilang harapan. Maraming makina ang naka-palibot dito at maraming wires na naka-konekta.
"Dr. Sir," tawag nang isang lalaking scientest, "The portal is working."
Lumingon sa kaniya ang isang lalaking medyo may kalakihan ang katawan. Naka-suot ito ng makapal na eyeglasses at may peklat ang kaniyang kilay. May ilang peklat din ito sa mukha na para bang ilang beses na itong nasugatan dahil sa kaniyang ginagawa.
"Are you sure?" Tanong ng Head Scientist.
"Yes, Sir!" Tugon ng lalaki.
"Then we will proceed to the next step of the experiment," sambit nito at ngumiti ng malapad, "The connection to other dimension."
Nagsimulang maglakad ang Head Scientist sa isang tabi at tinignan ang screen ng computer, "How's the status?"
"All stable, Sir." Tugon ng nagba-bantay.
"Well done," sambit nito.
"All right! Everyone, let's proceed to the connection." Sigaw nito. Aalis na sana siya nang bigla na lang tumunog ang alarm ng kanilang ginagawang portal.
"What is going on?" Tanong nito at bumalik sa tabi ng nagbabantay ng screen.
"Sir we are detecting fluctuations and slight anomalies. Maybe we could postpone the connection first, and check for the changes in space and time," suhestiyon ng lalaki, "The portal might become a black hole and absorb the whole laboratory or our reality."
Kunot-noong tinignan ng Head Scientist ang screen ng computer at hinampas ito.
"Give me the tablet. We will proceed!"
"But Sir..." Hindi natuloy ng lalaki ang sasabihin niya nang masamang tinignan siya ng kanilang Head Scientist.
"No more buts! If I said that we will proceed, we will! Slight anomalies are nothing!"
Kasabay nito ay ang malakas na pagsabog sa buong laboratory at ang pagkawala ng kuryente sa buong mundo.