Game 8

1014 Words
Nang makapag-log in na ako ay agad akong maglaro. Hindi na ako masiyadong familiar sa lahat ng bagay na nandito sa larong ito. Karamihan sa nandito ay mga bagong features na at ilang mga characters na hindi ako familiar. Bago ko naisipan na pumasok sa labanan ay tinignan ko muna ang paligid. Inoobserbahan sa kung ano ang bago at ano ang dapat kong pagtuunan ng pansin. Habang abala ako sa pagtingin ay may nakita ako isang napaka-pamilyar na Username. Dragoon Ang bukod tanging tao na naging kasama ko noon. Noong simula pa lamang, hindi pa naman talaga ako mag-isa. Kasama at katunggali ko ang aking kaibigan na si Dragoon na nakilala ko rito sa laro. Sobrang bait nito at talagang masipag sa paglalaro. May skills din ito kung kaya ay mas lalo akong namangha sa kaniya, ngunit, nang dahil sa isang rason, bigla na lamang ako nitong tinalikuran. Huminga ako ng malalim bago ko pinindot ang isang mapa sa itaas na bahagi ng screen. Hinanap ko ang isang ruin na kung saan maaring mag-ensayo ang mga players. May ilang nababasa ako na chat mula sa worldwide chat box, karamihan sa kanila ay pinag-uusapan ang paparating na event na sa tingin ko ay ito iyong tinutukoy ng aking client. Hindi ko na muna tinignan ang notification at napagpasiyahan na dumeritso sa training ground. Sa loob ng ilang taon ko sa hindi paglalaro ng larong ito ay hindi ako sigurado kung nandito pa ba ang aking skills noong unang panahon. Nais ko muna rin malaman kung na nerf ba itong napili kong character nang sa gayon ay makapagsimula muna ako sa paghahanap ng mga misyon at mas palakasin ito. Pipindutin ko na sana ang training room ng biglang may lumabas na pop up sa gilid. Doon ko nakita ang pangalan ng taong ayaw na ayaw ko sa lahat, si Dragoon. “You are here, I thought you will not play this game anymore,”he said at patuloy pa rin sa pag-typing. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy na. Sana naman ay naiintindihan niya na ayaw na ayaw ko sa kaniya at ayaw na ayaw ko na siyang maka-usap. Halata naman siguro ito sa kung paano ko siya tratuhin, hindi ba? Huminga ako ng malalim at sinarado ito, mabuti na lang at walang seen sa chat boxes sa laro, kung hindi ay baka isipin pa nitong iniiwasan ko kahit halata naman, hindi ba? Nang makapasok na ako sa ruin ay nagsimula na akong makipaglaban. Ang skills at atake ko ay ganoon pa rin naman. Nandito pa rin ang lakas na dala-dala ko noon. Inilabas ko ang aking dalawang katana at tamang-tama rin ang paglabas nito ay siya naman ang paglabas ng aking mga kalaban. “Are you not going to reply? I know you are playing.” Ano na naman ba ang gusto nito? Hindi ko na nga siya pinapansin tapos siya naman itong nagpapapansin. Patuloy lamang ako sa paglalaro, atake dito, atake doon. Special Skills dito at bili ng item doon, hanggang sa tuluyan ng mamatay ang halimaw na kalaban ko. Ilang oras lamang ng pag-eensayo ay na pagpasiyahan ko na pumunta sa isa sa mga gate dito sa aking bansa. Karamihan sa mga player na nandito ay hindi mapigilan ang mapalapit sa akin. May mga nagme-message rin at nag-aadd. Hindi ko alam kung bakit at kung ano ang gusto nilang makamit sa ginagawa nila. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad nang bigla na naman tumunog ang notif sa laro. “You are the topic of the day. Alam mo ba na sobrang rare ng character mo sa bagong update ng Hunter Dynasty?” Even if it is one of a kind, wala akong pakealam. Ang akin lang ay ang makapaglaro ako at matapos na ito. Nais ko ng makuha ang premyo at tuluyang talikuran ang Hunter Dynasty. Bakit ko ba kasi nakalimutan na nandito nga pala itong taong ito. Na nandito pala ang dahilan kung bakit bigla na lamang akong tumigil sa paglalaro.   Tuluyan na akong pumasok sa isa sa mga gate rito at lumapit sa isang guild. Naghanap na ako kaagad ng quest at agad itong pina-rehistro. Pagkatapos ay mabilis akong naglakad patungo sa loob at nagsimula ng gawin ang dapat kong gawin. Nakakamiss din maglaro ng ganitong mga bagay. Hindi lamang sa dahil ang gaganda ng mga natatanggap ko but nagagandahan din ako sa effects ng laro. Habang naglalakad ako rito sa loob at naghahanap ng pwedeng patayin may nakita akong isang grupo na kinakalaban ang isang malaking orc. Sa sobrang laki nito ay parang hindi yata kakayanin ng grupo ang manalo. Nanatili lamang akong nakatago rito sa gilid habang nakatingin sa kanila. Siguro ay maghihintay na lang ako na kung saan may isa sa kanila na sumuko o tatakbo na lamang ang mga ito. Unang tumakbo ang kanilang tank at pinipigilan ang atake ng nilalang. Nasa likod naman ng mga ito ang swordsman, mage at assassin. Hindi ko inaasahan na may gagamit ng assassin sa mundong ito, isa sa mga mahihirap kontrolin ang mga kagaya ko. Iyon nga lang at ang napapansin ko sa kaniya ay parang takot itong umatake at hindi alam kung ano ang kaniyang gagawin. Siguro ay baguhan pa lamang ito sa paggamit ng character. Tahimik lamang akong nakamasid sa kanila nang biglang lumipad ang kanilang tank, samantalang ang kanilang mage naman ay mabilis na nababawasan ang health. Ang kanilang swordsman ay patuloy pa rin sa pag-atake at pag-iwas. Masasabi kong ang kanilang swordsman at tank lamang ang may alam sa kung paano makipaglaban ng tama. Dahil nga sa malapit lamang ako sa kanila naririnig ko ang kanilang pinag-uusapan. Doon ko lang din na pansin na nakabukas pala ang speaker nito. “Protect me, heal the tank!” Sigaw ng swordsman. “Wala na akong mana,”tugon naman ng kanilang kakampi. Seryoso ba ang mga ito? Bakit sa high level gate pa talaga nila naisipan mag-ensayo? Hindi ako sigurado kung nasa tamang pag-iisip ba sila o sadyang gusto lamang magmagaling. Napa-irap na lamang ako sa kawalan sa kanilang katangahan. Siguro ay oras na para kumilos ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD