Labis man ang pagtataka at pag-aalala sa mga bagay na alam ko na wala akong kontrol nanatili na lamang akong tahimik at hindi ito pinansin. Ibinaling ko ang aking paningin sa daan at nagsimula ng maglakad. Ngunit, kahit ano ang gawin ko ay hindi pa rin mawala sa aking isipan ang sinabi ng mga taong iyon.
Bakit? Bakit kailangan nila itago sa mga mamamayan ang totoo. Kung sabihin na lang sana nila sapagkat hindi naman lahat ay isang mangmang. Hindi ko maisip na ang mga taong inaakala kong poprotekta sa amin ay siya pala ang tatalikod.
Huminga ako ng malalim bago ko tinignan ang iba pang tao na naririto. Ayaw ko na sa ganitong sitwasyon. Oo nga at mahal ko ang pera, mahal ko ang magkaroon ng pera na sobrang dami. Ngunit, alam kong hindi dapat ganito kadali itong makuha.
Hindi ganito.
Lahat sila ay abala sa kani-kanilang mga ginagawa. Heto ako at nag-iisip kung ano ang aking dapat gawin at kung paano ko sisimulan ang aking imbestigasyon.
Kung ayaw sabihin ng gobyerno ang totoo, pwes, ako ang maghahanap ng paraan kung paano ko malalaman ang impormasyon na nais kong makalap. Sa oras na makauwi ako, maghahanap ako ng mga sources na pwede kong basahin. Sana nga lang ay mapapadali ito.
Patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang donut shop. Mabilis akong pumasok dito at agad na pumila. Ilang araw ko na rin gustong kumain ng donut pero masiyado akong abala sa paglalaro, ngayon na may oras na ako ay wala naman sigurong masama kung bibili ako para sa sarili.
Napakaraming tao. Halos magsiksikan na nga silang lahat dito dahil sa dami. Hindi pa naman papaubos ang stock ng donuts kaya hindi ko kailangan mag-alala. Kinuha ko na lamang ang aking cellphone at nagsimulang mag-scroll sa ilang websites habang naghihintay.
Habang nagbabasa ako ay may isang comment ang nagpa-agaw ng aking pansin.
“Huwag kayong basta-basta na lamang maniniwala sa mga articles na nasa online. Kung ako sa inyo ay dito sa website na ito kayo magbasa. May mga impormasyon sa mga websites na makikita niyo ang binago na ng mga namamahala para maprotektahan ang totoo, dito, ay sigurado ako na hinding-hindi nila ito magagalaw.”
Dahan-dahan na kumunot ang aking noo nang mabasa ko ang komento niya. Anong klaseng balita iyan? Kung totoo nga ang link na nasa komento nito ay marami na sana ang nagbasa ngunit, tinawanan lamang siya ng iba.
Gusto ko sana ito pindutin kaso baka isa itong virus. Pagkauwi ko na lang siguro.
Kinopya ko ang link ng website na sinasabi niya bago pinatay ang phone at inilagay sa aking bulsa. Tamang-tama rin na ako susunod na bibili ng donut.
“Good afternoon, Sir. May I take your order please?” Tanong nito.
“Sure,”tugon ko sa kaniya, “I’ll have assorted donuts please, 1 dozen.”
“1 dozen Assorted donuts, anything else, Sir?” nakangiting tanong niya. Umiling lamang ako at kinuha na ang aking wallet.
“The total would be 450. Cash or card?” Muling tanong nito.
“Cash,”sabi ko at ibinigay sa kaniya ang bayad. Tumango lamang ang babae at kinuha ito.
“I received 500 pesos, change would be 50 pesos. Please wait on the side and I will call your number if your donut is ready.” Umalis na ako sa kaniyang harapan at umupo sa isang tabi na walang masiyadong tao.
Ano kaya ang laman ng link na iyon, sana naman ay hindi ito isang biro lamang. Talagang gusto ko ng malaman kung ano na ang nangyayari sa mundo at kung bakit ito nangyari. Alam kong may dapat talaga kaming ipag-alala at hindi lamang iyon basta-basta.
“Number 78!” Sigaw ng isang lalaki.
“Here!” Sigaw ko at ipinakita sa kaniya ang resibo sabay kuha ng boxes.
“Thank you, Sir. Please come again,”nakangiting saad nito.
Tumango lang ako at agad na lumabas ng donut store at naglakad na pabalik sa bahay. Alam kong marami pa akong dapat tignan pero mas importante sa akin sa ngayon ang impormasyon tungkol sa Into the Shadow game na ito.
Katulad na katulad ito sa mga na laro ko na, Dungeon Conqueror at Hunter Dynasty. Iyon nga lang at nakataya ang buhay ko kaya mahihirapan ako sa paglaro sa totoong buhay. Sa oras na ako ay mamatay dito, alam ko ito na ang huli.
Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako dito sa bahay. Wala ng masiyadong tao sa labas kaya sobrang saya ko noong ito ang aking na datnan. Nang makapasok na ako ay agad akong nagsimulang kumain.
Agad kong binuksan ang tv. Hindi ko muna iisipin ang tungkol sa nangyayari, mamaya na ako mag-iisip sa oras na may impormasyon na ako.
Habang nanonood ng anime ay isang mahinang katok ang aking narinig mula sa pinto. Mabilis akong napalingon dito at pinindot ang pause sa remote.
“Sino iyan?” Sigaw ko.
“Ako ito,”tugon ng babaeng sobrang pamilyar sa akin ang boses.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago tumayo. Agad ko naman itong binuksan at nakita itong nakayuko.
"Alam ko na ayaw mo akong maka-usap pero nais ko lang malaman kung ayos ka lang,"saad nito.
Nagtataka akong nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung para saan ang tanong na ayos lang ba ako o ano.
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko, "Paano naman ako hindi magiging maayos kung nandito lang naman ako sa loob ng bahay at kumakain?"
Hindi ito makasagot sa sinabi ko. Iniwas lamang nito ang kaniyang paningin bago tuluyan na tumalikod.
"May alam ka ba sa nangyayari?" Tanong ko sa kaniya ngunit hindi pa rin ito umimik at nagpatuloy sa paglalakad.
Ang weirdo rin ng babaeng iyon. Kung may alam nga siya, bakit hindi niya kayang masabi sa akin. Huwag niyang sabihin na may koneksiyon siya sa namamahala kaya siya ganito?
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone mula sa aking bulsa na naging dahilan ng aking pagkagulat.