Game 21

1004 Words
Mabilis kong kinuha sa aking bulsa ang cellphone at tinignan kung kanino ito galing. Nais kong malaman kung sino itong taong may number ko. Huminga ako ng malalim at binasa ang numero na nasa screen ng cellphone ko. Isang panibagong numero na naman. “Be careful. As much as possible, mas lalo mong itaas ang guard mo. Huwag na huwag ka magpaniwala sa mga nababasa sa online, hindi lahat ng iyon totoo. Alam kong hindi na kita makikita pa, pero lagi mong tandaan. Find the Keys.” Mas lalong kumunot ang aking noo habang paulit-ulit na binabasa ang mga nakasulat sa mensahe. Ano ang ibig nitong sabihin? Hindi ko maintindihan ang ibig nitong sabihin sa huling pangungusap. Keys? Find the keys? What keys? Ano ba ang ibig sabihin nito at kung sino man ito. Teka. Mas lalo mong itaas ang guard mo. This sounds like that girl. Hindi kaya ang dahilan ng pagpunta niya rito sa bahay ay dahil sa gusto niyang sabihin? Ngunit, bakit hindi na lang niya sinabi sa akin noong magkaharap kami? Alam kong hindi na kita makikita pa. Isa rin ba siya sa mga taong pinapatahimik ng mga namamahala? Kung ganoon nga, mayroon talagang malaking sekreto sa likod ng lahat ng ito at isa ito sa trabaho ko para alamin. Agad akong naglakad patungo sa aking silid na kung nasaan naroroon ang aking pc. Isang malaking tanong pa rin para sa akin ang nasa text. Alam kong siya ito, alam kong may gusto siyang sabihin pero hindi niya kayang masabi rito. Ito na ba ang senyales na dapat lang na magtanong na ako sa kung ano talaga ang totoo? Siguro nga ay oras na para simulan ko na ang paghahanap ng mga impormasyon na kinakailangan talaga namin. Huminga ako ng malalim bago naglakad papalapit sa aking computer. Agad ko itong binuksan at habang naghihintay ay nagsimula na akong mag-tap sa screen para sa aking reply. "Ano ang ibig mong sabihin? Maari mo bang ipaliwanag sa akin ang nangyayari? Gusto ko na malaman ang katotohan, ngunit, wala akong makuhang impormasyon sa kahit na anong sites. May impormasyon ka ba kahit, kaunti lamang?" Agad kong pinindot ang sent at hindi mapakaling hinintay ang tugon nito. Lumipas ang ilang minuto at wala pa rin itong tugon. Nanatiling nakabukas lamang ang aking kompyuter dahil nais ko ng makatanggap ng kahit isang mensahe lamang mula sa kaniya. Hanggang sa lumipas na ang ilang oras at ganoon pa rin. Tumigil na ako sa kakahintay at inilapag na lamang ang cellphone sa aking gilid. Nagsimula na akong magtipa sa keyboard at sinubukan na maghanap ng impormasyon. Lumipas ang ilang oras ay wala pa rin akong nakikita. Alam kong hindi makatotohanan ang mga impormasyon na lumalabas sa iba't-ibang website. Nais kong makakuha ng impormasyon na talagang totoo. Hindi pa rin ako sumuko kakahanap ng sources. Hanggang sa lumipas na lamang ang tatlong oras at kalahati, wala pa rin talaga. Isang malakas na hampas ang ginawa ko sa lamesa dahil sa inis. Saan ba ako kukuha rito? Isang ala-ala ang dumaan sa aking isipan. Ang website na sinabi sa comment. Hindi ko man alam kung legit iyon o isang scam pero kailangan ko itong buksan. Sa loob ng ilang oras ko kakahalungkat ng mga source na sobrang nonsense, ito pa ba ay hindi ko susubukan? Bahala na kung ano ang laman noon, kung may virus naman ay pwede ko itong burahin. Agad kong hinanap ang na save kong site kanina, lumipas ang ilang minutong paghahanap ay sa wakas ay nakita ko na rin. Agad ko itong pinindot at binuksan. Isang itim na website ang unang bumungad sa akin. Nang tuluyan na akong makapasok ay wala naman akong nakikitang kakaiba sa website na ito. Tipikal na mga impormasyon lamang at iba't-ibang tao na nag-uusap sa general na chat box. Aalis na sana ako sa page na iyon dahil sa tingin ko naman ay wala akong mapapala nang mapansin ko ang kakaibang picture na nasa ibabang parte ng site. Hindi ito masiyadong kita dahil sobrang liit lamang nito at nagbe-blend siya sa page. Pinaliit ko ang aking mga mata hanggang sa makita ko nga ito, isang imahe ng mundo na para ang kalahati ay puno ng apoy. Walang atubiling pinindot ko ito at tinignan. At halos malula ako sa dami ng impormasyon na aking na basa. Unang makikita ang ilang tanong ng mga tao, hanggang sa makarating ako sa dulo at nakita ang katagang, "Deleted files." Deleted files? Deleted files of what? Bakit may mga deleted files dito at bakit sobrang tago naman yata nito sa mundo? Una ko munang binasa ang ibang impormasyon na nasa itaas. Wala naman masiyadong espesyal pero napaka-interesting din ng mga detalye na nandoon. Wala rin naman masiyado akong nakukuhang talagang impormasyon na kakailangan ko pero ayos na rin at may sense naman ang lahat. Patuloy lamang ako sa pagbabasa hanggang sa makarating na ako sa pinakadulong bahagi ng page. Agad kong dinala ang mouse sa link ng deleted files habang nagdadalawang isip na pindutin ito. Dapat ko ba itong buksan? Paano kapag isa pala itong scam? Paano kapag sinayang ko lang ang oras ko rito? Kung sabagay. Ilang oras na ba ang na sayang? Hindi lamang isa o dalawa, kung hindi ay mahigit pa. Wala na naman mawawala sa akin kaya susulitin ko na. Pikit mata ko itong pinindot hanggang sa muling umitim ang screen ng aking pc. Hindi ko alam kung talagang mahina lamang ang net ko o kasali ito sa pakulo nila. Isang website ang bumungad sa akin na ang kulay pula ang kanilang letra. Hindi ko alam kung ano ang trip ng gumawa nito pero kakaiba rin ah. Ang daming impormasyon na naririto, sa tingin ko ay hindi ko yata mauubos lahat basahin ngayon. Sinimulan ko na buksan ang isang page at sinunod ang pangalawa. Wala akong ibang masasabi kung hindi ay ang galing. Halos lahat ng impormasyon na naririto ay parang mas kapani-paniwala pa kung ihahalintulad ko sa mga pinapalabas nila sa balita na sa tingin ko ay gawa-gawa lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD