Game 19

1036 Words
Present. Hindi ko inaasahan na ang mga ganitong klaseng icons na nasa aking harapan ay makikita ko sa totoong buhay. Isa pa, hindi ko rin pinangarap o inisip na isang araw ay magiging ganito ang mundo. Akala ko noong una ay nananaginip lamang ako pero hindi ko inaasahan na ito na ang simula ng panibagong era. Ngunit, hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na hindi kabahan sa susunod na mangyayari. Alam kong hindi lamang ito isang simpleng pagbabago sa mundo, alam kong may kakaibang nangyayari rito. Patuloy lamang ako sa pagbabasa ng mga articles dito sa aking laptop. Ilang tabs na rin ang aking na buksan para lamang magkaroon ng sapat na impormasyon patungkol sa nangyayari rito sa aking paligid. Nais kong alamin kung saan nagsimula ang lahat ng ito at kung bakit, ngunit, kahit ano ang gawin ko ay wala talaga akong makita. Sobrang haba na ng mga binasa ko ngunit, pare-pareho lamang ang laman ng bawat nababasa ko. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapabuntong hininga. Ano ba talaga ang nangyayari? Pinindot ko ang isang video na nasa isang page na kung saan ay makikita ang malalawak na ngiti ng mga tao. Sa simpleng pagwalis lamang o paggawa ng mga gawaing bahay ay yayaman ka, sino ba naman ang hindi sasaya? Hindi mo na kailangan pa pumunta sa mga kompanya na pinagtatrabuhan mo dahil nasa harapan mo na ang magpapayaman sa iyo. Halos iyan ang usapan ng mga tao ngayon sa kahit anong social media sites. Napapailing na lamang akong tumayo at kasabay nito ang pagdagdag ng puntos na nasa gilid lamang ng mga icons na nasa harapan ko. Hindi ko na lamang ito pinansin at agad na nagbihis. Siguro ay lalabas na muna ako sa bahay at tignan ang mga tao. Gusto kong obserbahan ang pagbabago ng mga tao rito sa aming bayan. Nais ko rin isulat sa aking notebook ang mga bagay na makakatulong sa akin. Nang matapos ay agad akong lumabas. Sinigurado ko munang naka-lock ang pinto at bintana bago sinuot ang hood ng aking jacket. Inilagay ko na agad sa aking tenga ang headset na ibinigay ng babaeng iyon at pinindot ang play button sa aking cellphone. Nakakagulat man tignan pero hindi na rin nakapagtataka. Sobrang daming tao na rito sa labas at abala sa paglilinis, paano ba naman na hindi kung may makukuha ka namang pera pagkatapos. “Tumaas na naman ang points ko,”saad ng isang babae at tumingin sa kaniyang kasama, “Kahit ang aking account balance ay tumaas din. Hindi ako makapaniwala na sobrang dali na lang natin makakuha ng pera.” Kitang-kita ko ang saya sa kanilang mga mukha habang abala sa pagkwekwentuhan habang naglilinis. Iba talaga ang epekto ng pera, kaya mong gawin ang lahat para lang dito. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila at tinignan ang iba pang tao. Karamihan sa mga estudyante na naglalakad dito sa daan ay nagbabasa ng libro. Sa tingin ko ay ibang task rin ito para sa kanila. “Ilang libro na ba ang na basa mo?”Tanong ng isang babaeng naka-suot ng uniform habang isinilid sa bag ang kaniyang libro. “Hindi pa naman ganoon karami,”tugon naman ng isa at ginaya nito, “Ngunit kahit ganoon ay sobrang laki na ng pera ko sa aking banko. Hindi nga ito alam nila mama.” “Hala, magkapareho lang tayo,”saad nito. “Ilang libro na ba nabasa mo? Tatlo pa lang sa akin eh,”paliwanag naman ng babae, “Hindi ko alam kung bakit pero parang hindi ko na yata kaya ang hindi magbasa ng libro sa isang araw.” Tumawa naman ng sobrang lakas ang babae habang nakatingin sa kaniyang kaibigan. Alam ko kung ano ang nasa isip nito. “Binabasa mo lang pero hindi mo naman naiintindihan,”ani ng kasama niya, “Pero nasa pito na yata ang na basa ko. Alam mo naman na kailangan natin mag-review.” Sobrang bagal nilang maglakad sa aking harapan kaya hindi ko mapigilan ang hindi marinig ang kanilang pinag-uusapan. Hindi naman masiyadong malakas ang volume ng kanta na nasa headset kaya rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila. “Oo nga naman. Ang dami mo ng pera ah, libre naman diyan,”tumatawa na sambit ng kasama nito. Agad naman na pumayag ang babae at nagpatuloy na sila sa paglalakad. Kaya siguro kailangan natin paghirapan ang pera na makukuha natin ay dahil sa ganitong rason. Kapag sobrang dali lamang makuha ang isang pera, malamang ay hindi na mag-iisip ang mga tao sa kung ano ang dapat gawin. Hindi nila malalaman ang salitang disiplina sa paggastos. Ilang sandali pa ay nawala na ang mga ito. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sitwasyon namin ngayon o ano. Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa isang mall. Agad akong pumasok ng walang pinag-alala. Halos magulat ako ng makita ang ilang mga ka-edad ko lamang na abala sa pagbili ng kung ano-anong mga gamit. Ang mga babae ay abala sa pagbili ng mga damit at ilang mga bagay na alam kong hindi naman nila agad na magagamit. May mga bata rin dito na bumibili ng sarili nilang gadget gamit ang kanilang pera na sa tingin ko ay na ipon nila dahil sa panibagong mundo. Nasaan ang mga magulang ng mga batang ito? Bakit kaniya-kaniya na sila sa pagbili ng mga gamit? Nang dahil yata rito ay nawala na ang balanse sa mundo, mukhang mahihirapan na yata ang kanilang mga magulang sa pag-disiplina sa kanilang mga anak, lalong-lalo na at unlimited na ang pera. Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na sa isang gusali na mayroong malaking telebisyon. Walang masiyadong tumutuon dito pero may isang importanteng balita itong dala-dala. “Hanggang ngayon ay wala pa rin impormasyon na nahanap ang awtoridad sa mga nangyayari sa paligid. Ang mga taga-pamahala ay bigla na lamang nanahimik at ayaw magbigyan ng impormasyon patungkol dito. Pinapaalalahanan ang mga mamamayan na mag-ingat at huwag magpadala sa inyong nakikita,”saad ng reporter. Ang mga namamahala? Bakit? Anong mayroon? Bakit ayaw nilang maglabas ng kahit kaunting impormasyon sa nangyayari? Ganoon na lang ba ito kaseryoso at kailangan pa nila itago sa ngayon? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD