“Pa,”tawag ko sa kaniya at bumuntong hininga, “Kamusta po kayo riyan? Sana ay maayos lamang kayo.”
Inilapag ko na sa bermuda ang dala-dala kong pagkain at umupo, “Alam niyo po ba, bumalik ako sa paglalaro ng Hunter Dynasty. Wala na naman talaga akong plano bumalik pa pero kinakailangan para sa client ko.”
Isang malakas na ihip ng hangin ang dumaan na naging dahilan ng aking pagngiti, “Opo, alam kong nais niyo malaman kung ayos lang ako. Isa lamang ang masasagot ko riyan, maayos na maayos lang po ako. Wala po kayong dapat ipag-alala.”
Muling umihip ang hangin ngunit sa oras na ito ay isang mainit-init na ito. Tila ba naramdaman ko ang yakap nito.
“Hindi ko na kailanman sinubukan na sumama sa kanila sa mga misyon. Iniwasan ko na rin sila gaya ng sabi niyo. Hindi ba at ayaw niyo sa gulo?” Tanong ko rito, “Ayaw ko rin po sa ganoong bagay kaya as much as possible ay sinusubukan ko ang sarili ko na tuparin ang ipinangako ko sa inyo.”
Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi ng maalala ko na naman ang mga ginawa namin noon ng aking ama-amahan. Kung gaano ito kabuti sa akin kahit hindi naman ako nito totoong anak. Kahit alam ko na wala kaming koneksiyon sa isa’t-isa pero inaalagaan pa rin ako nito. Malaking ang utang na loob ko sa kaniya, lalong-lalo na sa lahat ng ibinigay nito para sa akin.
Abala ako sa pagkwe-kwento ng mga bagay-bagay sa aking ama-amahan hanggang sa hindi ko na na pansin ang oras. Alas kuwatro na ng hapon at kinakailangan ko na umuwi. Bandang alas singko ay magsasarado na itong sementeryo. May limitasyon lamang ang pagbisita sa mga puntod dito kung kaya ay mas mainam na umalis na ng maaga.
Tumayo na ako habang nakangiting nakatingin sa pangalan nito.
“Salamat sa iyong oras, Papa. Babalik at babalik din ako rito sa susunod na linggo,”saad ko bago nag-paalam. Tuluyan na akong tumalikod sa aking ama at naglakad patungo sa exit. Tahimik ko lamang tinatahak ang daan hanggang sa makalabas na ako.
Hindi muna ako maglalaro ngayong gabi, siguro ay mas mainam na ituon ko muna ang aking atensiyon sa pagpapahinga dahil bukas na bukas din ay walang tigil na naman ako sa paglalaro hanggang sa kailangan ko bumisita kay Ama.
Sa loob ng isang linggo, siguro ay isang beses o tatlo lamang ako nakakatulog. Minsan pa nga ay kulang pa ito dahil hindi ko kayang tumigil sa paglalaro. Minsan naman ay kapag may events sa mga nilalaro ko ay hindi ko ito tintigilan hanggang sa matapos.
Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa sakayan ng jeep. Lumipas ang ilang sandali at nakarating na ako sa babaan.
Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang mapalingon sa paligid. Sa tingin ko kasi ay may nakamasid sa akin mula sa malayo. Sino na naman ba ito at nais na naman akong guluhin? Gusto ko lang naman magpahinga at maglakad ng tahimik.
Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad. Lumipas ang ilang sandali ay hindi pa rin nawala ang masamang pakiramdam.
Agad akong umikot at hinanap ang taong ito. Hindi naman ako na bigo nang bigla na lang may tumago sa isang poste.
“What are you doing?” Taas kilay kong tanong sa babaeng sobrang pamilyar sa akin, “I know you are there so better show yourself.”
Hindi naman nagtagal at unti-unting lumabas ang babae. Pagkatapos ay nagda-dalawang isip itong lumapit sa akin o tumingin man lang sa gawi ko. Seryoso ba siya sa pinaggagawa niya?
“What do you want?” muli kong tanong.
Mabuti naman at ginawa nito ang pakiusap ko pero hindi yata kami matatapos kung hindi siya magsasalita.
“Ano? Bilisan mo at aalis na ako. May kailangan pa akong gawin. Hindi lamang ikaw ang dapat kong pagkaabalahan sa mga oras na ito,”malamig kong tugon at tatalikod na sana nang bigla na lang siya nagsalita. Mabuti naman kung ganoon dahil wala akong plano na bigyan pa siya ng kahit isang minuto.
“Alam ko na galit ka sa akin, at dahil iyon sa ginawa ko,”ani nito.
“Hindi lamang dahil sa ginawa mo kung hindi ay sa iyo talaga mismo,”sumbat ko rito, “Wala akong pakealam sa iyo at wala akong pakealam sa kung ano man ang ginagawa mo sa buhay mo. Sa akin lang ay tantanan mo na ako at isipin mo ang sarili mo.”
“Hindi. Gusto ko lang naman sana makipagkaibigan,”malungkot nitong paliwanag, “Hindi ko naman alam na ayaw mo pala sa mga katulad ko. Pasensiya ka na.”
Mabuti naman at ngayon ay alam na niya dahil, sa wakas ay maiiwasan ko na rin ang katulad niya.
“Kung alam mo na naman pala, huwag ka na lumapit pa,”sambit ko at tumalikod.
“Teka!” pagpigil nito sa akin, “Bago ka umalis at bago ako lumayo sa iyo. Maari mo bang gamitin ang headset na ibinigay ko? Kahit iyon lang. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob.”
Oh?
“Paano kapag hindi ko ito ginawa?” Tanong ko sa kaniya.
“Hindi ako titigil hangga’t hindi--.”
Hindi ko na ito hinayaan pa magsalita at kinuha ang ibinigay nito sa aking bulsa. Mabilis ko itong sinuto at tinignan siya, “Ayos na ba? Pwede mo na ba akong tantanan? Suot-suot ko na, may problema pa?” tanong ko rito at tuluyan na siyang tinalikuran.
Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad. Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako sa harap ng aking bahay. Agad akong pumasok sa loob at itinapon ang headset sa sofa. Mabuti na lang at dinala ko ito, kung hindi ay baka hindi na ako tantanan ng taong iyon.Agad akong dumeritso sa aking higaan sabay pikit ng aking mga mata upang matulog na. Isang napakahabang araw para sa isang katulad ko.
Dahan-dahan akong nilamon ng kadiliman hanggang sa tuluyan na talagang wala akong makita.