traydor? Huwag na, hindi ko na sila gusto pa makita.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang tinitignan ang scroll na kung saan naroroon ang mga misyon ko. Ilan na lang ang kulang at matatapos ko na rin ito sa wakas. Sana lang ay ako pa ang mauuna bago ang ibang mga players para mapasaakin ang misyon. Huwag lang sana magkaroon ng problema sa oras na ibigay sa akin ang premyo. Baka huntingin pa ako ng iba.
Sa loob ng ilang oras ay patuloy lamang ako sa pagtapos ng misyon. Walang tigil ako sa pagpatay ng mga halimaw at iba pa. Hindi ko na masiyadong maintindihan ang ibang misyon pero ginawa ko pa rin, hanggang sa tuluyan na talaga akong matapos at pinindot ang finish na button sa gilid.
Isang malakas na pagsabog ang aking narinig at kasabay nito ang paglabas ng isang napakagandang desinyo na sa tingin ko ay naka-calligraphy na congratulation sa screen.
“You have won the event. Please see your inventory for the rewards.”
Agad akong nagtungo sa inventory at nakita ang reward na gustong-gusto ng aking client.
Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin updated ang nasa listahan ng winners pero sa tingin ko ay makikita lamang namin ang nanalo sa oras na natapos na ang lahat sa kanilang misyon. Sa tingin ko naman ay may nakatapos na rin pero iyon nga lang ay na unahan ko na, sino kaya sa kanila ang 2nd?
Gusto ko sana malamana kaso alam ko naman na impossible. Kahit gustuhin ko naman ay alam kong hindi papayag ang system.
Isa rin yata ito sa paraan nila para protektahan ang mga manlalaro. Sa oras na malaman ng iba kung sino ang nanalo, may posibilidad na nanakawin ng mga nilalang na iyon ang premyo.
Tahimik lamang akong naglalakad na parang wala lang nangyari. Baka kasi at magtaka silang lahat kung bakit wala na akong ginagawa gayong tumatakbo pa rin naman ang event.
Nakikipaglaban pa rin naman ako sa mga halimaw na nandito, hindi para sa misyon kung hindi ay para mangolekta ng gems.
Maari kong palitan ang gems na ito ng ilang equipment na mabibili sa may pasukan. Maari kong ipagpalit ang gems sa mga mamahaling shields at swords. Ewan ko lang kung may mas gaganda pa sa mga ginawa ko.
Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa harap ng labasan. Pinalitan ko muna ang gems bago ako lumabas ng gate. Maingat lamang akong naglakad palabas na parang wala lang. Ayaw kong ipahalata na bukas na naman muli.